#16 100DWMME
Nang magising bigla si Fiery. sakto si Kai lang ang nandun, pinauwi niya kasi muna mama niya yung tita niya pati ate niya at si Nanay Belen sa bahay nila.
"ahm, nasan ako?" tanong neto kay Kai na nakabantay sa kanya.
"nasa ospital ka." sabi naman neto tapos eh kumuha ng maiinom si Kai
"wait, nurse uhm nandiyan ba ang pamilya ko?" nabagsak ni Kai yung baso na hawak hawak niya.
"nurse? teka kilala mo ba ko?" tanong ni Kai na medyo seryoso.
"oo, nurse kita? tama ba?" sabi ni Fiery yung sagot na yun ang nakapagtaranta kay Kai kaya naman agad siyang tumakbo sa labas at tumawag ng Doctor. tapos eh bumalik sa kwarto kung san nandun si Fiery.
"ija, ayos ka lang ba?" tanong ng Doctor sa kanya,
"ah opo. teka asan po ba sila mama?" tanong neto.
"ah papunta na sila." sabay tumingin ang Doctor kay Kai at sinenyasan na tawagan ang mother ni Fiery.
"eh siya kilala mo?" tanong ng doctor tapos tinuro si Kai.
"oo yung nurse na nagbabantay saken." yun ang pinakamasakit na narinig ni Kai sa tanang buhay niya mula sa bibig ni Fiery.
hinintay muna ng doctor na dumating ang pamilya nila bago sabihin ang kondisyon ni Fiery. ng dumating na sila eh nagtanong sila ng mga katanungan kay Fiery which is maayos niya namang nasagot maliban sa isa. tinanong ulit siya nung Doctor,
"hindi mo ba talaga siya naalala?" tanong ng Doctor. umiling iling lang si Fiery which means hindi niya nga maalala si Kai.
"anak siya ang asawa mo." sabi ng mama ni Fiery.
"may asawa nako?!" gulat na tanong ni Fiery.
"oo." sabi ng mama ni Kai sabay turo sa singsing na nasa kamay ni Fiery.
o_______________O nagulat talaga si Fiery, hindi siya makapaniwalang kasal na siya, ang masaklap pa kinasal siya sa taong ni pangalan hindi niya maalala. kaya naman hinayaan na muna si Fiery dun sa kwarto habang sila ay nasa labas.
"may away ba kayo nung asawa mo bago ang aksidente?" tanong nung Doctor.
"ah meron ho," sagot ni Kai.
"I see. baka kaya hindi ka niya maalala, pero hindi naman kayo magka-away ng madalas hindi ba?" tanong ulit ng Doctor.
"ahahaha swerte na ho sa isang araw pag hindi kami nag-away."
"i guess mayrong Traumatic Brain Injury ang asawa mo, which means lahat ng masasamang ala-ala, lahat ng bagay na nakakastress para sa kanya, ay hindi niya naalala." yun ang lalong nakapanghina kay Kai.
"so Doc pano yun?" tanong ng mama ni Kai.
"ok na siya eh, ok na yung kondisyon niya, we'll just going to have some more examinations, siguro bukas pwede na siyang umuwi. kung bukas ganun pa din siya, siguro ay kelangan na niya ng tulong niyo para maalala ang dati niyang buhay." sabi ng Doctor tapos eh umalis na.
"anak ok lang yan." sabay tapik ng mama ni Kai sa balikat niya.
"i hope. i hope." yan ang nasabi ni Kai tapos eh lumabas muna saglit para makapag-isip.
Kai's POV:
"siguro isa lang talaga ko sa pinakamasasamang ala-ala niya kaya niya ko nakalimutan tss sa lahat ba naman kasi ng nadulot ko sa kanya kung susumahin lahat-lahat makakagawa nako ng libro na makakapagpastress sayo habang binabasa mo, ang masakit lang nung tiningnan niya ko sa mata, ang sakit. ang sakit sakit para kong sinaksak sa puso ko ng paulit-ulit lalo na nung inakala niyang ako ang nurse niya. hindi ko siya masisi kung kinalimutan niya ko gago kasi talaga ko, hindi ko susukuan to. handa kong gawin lahat maalala niya lang ako ni hindi niya pa nga alam na matagal ko na siyang gusto eh, na 4 years old palang kami gusto ko na siya na kahit naka ilang GF na ko hindi ko maikakailang siya lang talaga kaya lang naman kasi ganun kasi pilit kong itinatanggi ang nararamdaman ko para sa kanya sa sarili ko, alam mo yun? all these years tinago ko ang nararamdaman ko maging sa sarili ko tinago ko yun. hindi ko pa nga nasasabi sa kanya yun nangyari nato. siguro ito na yung binibigay ni Lord na chance, chance para bumuo ulit kami ng alaala ng magkasama, this time puro masasaya na. kaya gagawin ko lahat makabawi man lang ako sa kanya."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top