#15 100DWMME
Sa isang banda naman ay tinipon lahat ni Cassandra ang mga tao na naimbitahan sa party na yun.
"oh ang ganda ba ng gabi niyo?" tanong niya sa mga tao.
"teka anong ginagawa ng babaeng yan sa stage?" tanong ng mama ni Kai.
"May gusto lang akong i-share bago ako umalis ng bansa. eto oh." sabay may lumabas na pic sa Likod si Fiery at Dranrev, magkatabi at ang sumunod na larawan ang gumimbal sa lahat, ang larawan kung san silang dalawa ay magkahalikan. nagkagulo bigla sa party at biglang dumating si Kai at inagaw ang mic.
"wala kang pakialam sameng dalawa," sabi neto ng seryoso
"oh well as long as i'm concerned asawa ka niya, kawawa ka naman." at biglang dumating si Fiery dahil nga sa nalaman niyang nagkakagulo ang lahat sa party
"eh ikaw ano ka niya? ano ka namin? sino ka ba sa buhay namin para mangialam ka.?" pagpipigil ni Kai.
"ako lang naman ang bestfriend ng asawa mo." sabi naman ni Cassandra,
"oh bestfriend? alam mo ba meaning niyang sinasabi mo? eh pagkakaalam ko kaya mo lang naman kinaibigan si Fiery dahil saken diba?" sabi ni Kai.
"oh talaga? ang kapal mo naman." sabi ni Cassandra.
"oh bakit hindi ba? patay na patay ka nga saken diba? kaya lahat ginawa mo, kinaibigan mo si Fiery mapalapit ka lang saken." sabi ni Kai.
"-_- wala ng sense ang makipagtalo sayo." sabi ni Cassandra tapos eh umalis na.
"oh wait, nga pala let me remind you, hindi ka Bestfriend, dahil ang bestfriend hindi USER." tapos eh tuluyan ng umalis si Cassandra dahil nga sa napahiya siya. habang si Kai naman ay pinakalma lahat ng guest niya sa party kinausap niya na rin ang mga magulang niya at ang mga taong nandun naiintindihan naman sila neto, habang si Fiery naman ayun umalis bigla sumakay sa kotse at siya ang nagmaneho, sobrang labo na ng mata niya dahil na rin sa mga luhang gustong tumulo pero pinipigilan niya, nilakasan niya ang music niya para wala siyang marining na hikbi mula sa kanya hindi niya namalayan na may Truck pala at ayun, bigla siyang nawala sa concentration at ibinangga niya ang sasakyan sa poste which is naging malaking damage kasi napalakas yung impact
*kinabukasan si Fiery ay nasa isang ospital, nandun si Kai na siyang alalang-alala nandun din ang mama niya, si nanay Belen ang mama ni Kai at si Cayley
"Doc ok lang po ba siya?" nag-aalalang tanong ni Kai
"ah ok lang naman siya ijo pero malakas kasi ang impact nung sasakyan, natanggal na namin yung mga maliliit na bubog na natusok sa mukha niya, hindi natin alam ang magiging side effect ng car accident sa kanya, kelangan lang talaga nating intayin siya na magising."
"Ah sige po salamat" sabi ni Kai sabay buntong hininga.
"ok lang yan anak." sabi ng mama ni Kai sa kanya.
"maayos din ang lahat." pagpapagaan ni Cayley sa nararamdaman ni Kai
"sana nga, sana nga." paghiling ni Kai.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top