#12 100DWMME

Nang makauwi na sila Fiery at Kai si Fiery dumiretso na agad sa kwarto niya at nahilata si Kai na naman ang naiwan para mag-ayos nung mga pinamili nila.

sa kwarto naman habang nakatingin sa pader itong si Fiery eh inisip niya ang mga ala-ala nilang magkaibigan, kung pano yun nawala na parang isang bula, kung pano yun nasayang.

Fiery's POV:

"dahil sayo to eh >.< psh (sabay turo dun sa picture na napanalunan nila kanina) kung hindi dahil sa walang hiyang kontrata at pagapanggap na yan wala ko ngayon dito walang Pagkakaibigan ang nasayang, pero why do i keep blaming him? hindi naman siya ang may kasalanan, ako tong pumirma dun, ako tong sumang ayon dun para mapasaya kahit papano si Tita. tss " tapos eh tumayo siya at lumapit sa kalendaryo niyang lagi niyang minamarkahan

"10th day is over, 90 days nalang" bulong niya sa sarili niya at inikesan niya na yun. tapos eh dinikit niya din sa kalendaryo yung picture nila ni Kai at saka bumaba siya para tingnan si Kai, para tulungan dun sa mga pinamili nila pero natapos niya na agad yun, kaya bumalik nalang siya sa kwarto niya at nahilata sa kama para matulog na.

habang si Kai naman ay nakatingin lang sa dingding at kung ano ano ang nasa isip, inaalala niya din ang mama niya kasi walang kasama na yun sa bahay nila maliban nalang kung pinabalik niya na yung mga katulong dun, pero wala kasi dun si Nanay Belen niya kaya hindi siya mapanatag.

Kinabukasan.

"AHHHHHH!!" sigaw ni Fiery

"AHHHHH!! MAGNANAKAW! " sigaw naman ng di kilalang matandang babae kaya naman kumuha ito ng walis at pinaghahampas kay Fiery, agad namang lumabas ng kwarto si Kai para tingnan kung ano yung kaguluhang nangyayari sa may Kusina.

"NANAY!" sigaw niya tapos eh tumakbo siya papalapit dun sa matanda.

"Kai anak!!" sigaw naman nung matanda tapos binitawan yung walis at agad na niyakap si Kai.

"teka magkakilala kayo?" tanong ni Fiery.

"teka kaano-ano mo tong babaeng ito?" tanong nung matanda kay Kai

"Nay naman, siya yung asawa ko :)" sabi ni Kai tapos eh lumapit kay Fiery para akbayan ito.

"ah siya ba yun? naku pasensya na ija, wala naman kasing pinadalang litrato itong si Kai saken ng mukha ng asawa niya :3 sorry at nahampas pa kita ng walis." paghingi ng pasensya ng matanda.

"Fiery, meet nanay Belen, Nay, meet my magandang asawa :)" pagpapakilala ni Kai sa dalawa.

"teka bakit nga pala magkaiba ang nilabasan niyong kwarto? hindi ba't dapat nasa iisang kwarto lang ang mga mag-asawa?" Pagtataka ng matanda.

"ah eh kasi po."  hindi nasabi ni Fiery ang nais niyang sabihin kasi biglang sumingit si Kai

"ah naglilinis lang ho ako dun sa kwartong yun nay. nga pala anong meron at napunta kayo dito?" tanong ni Kai.

"kasi sabi saken ng mama mo kelangan niyo ng makakasama dito sa bahay kasi nga mga estudyante palang kayo. teka asan ang CR niyo at naiihi ako" pagsasabi ni Nanay Belen

"ah tara po." tapos sinamahan ni Fiery si Nanay Belen papunta sa C.R sinenyasan naman ni Fiery si Kai na kunin na ang lahat ng gamit niya dun sa kwarto At ilipat yung sa kwarto ni Fiery. mabilis namang nagtatakbo si Kai papunta sa kwarto ara kunin ang mga gamit doon at ilipat dun sa isa.

"Nay ilipat niyo na po yung mga gamit niyo dun sa kwarto" sabay turo ni Kai sa kwartong nasa baba

"oh nak, ba't hinihingal ka?" napansin kasi ni nanay Belen na hingal si Kai na nagsasalita.

"ah kasi nay nag-eexercise ako aahahaah! para naman gumanda ang katawan ko at lalo akong magustuhan nitong si Fiery ;)" pagpapalusot ni Kai

"hay naku kayong mga kabataan talaga." tapos eh tinulungan na ni Kai at Fiery si Nanay Belen na ihatid ang mga gamit neto sa kwarto.

"teka ako na bahala may pasok pa kayo diba?" pagpapaalala ni nanay Belen.

"anak ng tokwa! onga pala!" sigaw ni Kai at ayun nag-unahan sila ni Fiery sa banyo

"teka ako nauna!" sigaw ni Fiery

"ako kaya!" bulyaw naman ni Kai

"Give and Take mga anak" sabi naman ni nanay Belen.

"ahahahaha! talaga tong asawa ko oh sige na nga dahil mahal kita mauna ka na." sabi ni Kai.

"ikaw nakakailang mahal ka na diyan ah -_-" bulong sa kanya ni Fiery

"wala akong magagawa nandiyan si Nanay Belen." pilit na sabi ni Kai habang ngumingiti.

"tss bahala ka nga." tapos eh nauna na nga si Fiery sa banyo at naiwan naman si Kai para makipagkwentuhan kay Nanay Belen.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top

Tags: