#10 100DWMME

"MA ALIS NA KAMI!" sabay kumaway sa mudrabels niya maghahapon na nung umalis sila at lumipat sa bago nilang titirhan ni Fiery. nang makarating sila manghang mangha si Fiery kasi kahit hindi ganun kalaki yung bahay maganda alam niyo yun parang hotel ang dating.

"hoi siguro naman 2 yung kwarto dito diba?." sabi ni Fiery.

"ahahahahha! para sa bisita yung isang kwarto yung isa para saten ;) " sagot neto kay Fiery, agad namang kumuha ng walis itong si Fiery

"naku tigilan mo ko Kai ah! tandaan mo masakit to!" sabay akmang hahampasin si Kai ng walis.

"ahahhahaha! mukha mo ikaw nalang talaga? wala ng choice? hindi ko na ba pwedeng ipush? XD asa ka naman ganda mo eh no." pang-aasar ni Kai.

"tss -_-" sabay binitawan na yung walis tsaka pumunta sa isa sa mga kwarto.

"hoi tabi tayo!" sigaw ni Kai.

"asa ka boy!" sabay padabog na sinara ni Fiery ang pinto. habang nasa loob ng kwarto si Fiery Si Kai naman eh inayos ang mga bagay na dapat ayusin. ilang oras ang lumipas, napagdesisyunan niyang umakyat sa taas which is nandun ang kwarto ni Fiery, yung sa kanya kasi nasa baba (yung visitor's room) sinilip niya ayun nakatulog na agad naghihilik pa. eh hindi nakakumot kaya naman kinuha niya yung kumot at ipinulupot sa katawan ni Fiery. tapos eh pinatay niya na ang ilaw at pumasok na rin sa kwarto niya para matulog.

Kinabukasan eh naunang gumising si Fiery kaya naman siya na ang nagluto ng breakfast nila which is maling desisyon sa tanang buhay niya, nasunog ang pancake, ang itlog naiba ang shape ang kanin hindi na makain ang hotdog para ng uling :3

"oh?" gulat na sigaw ni Kai kasi umuusok na yung kalan.

"hala teka!" sabay takbo ni Fiery muntik pa siyang madulas buti nalang eh nasalo siya ni Kai, tapos bigla din siyang binitawan kasi nasusunog na nga ang kalan XD 

"ang sakit nun ah." sabi ni Fiery.

"sa susunod kasi kung alam mong di mo kaya wag mo ng gawin." galit na sabi ni Kai.

"sorry ha tinry ko lang naman eh!" galit na sabi ni Fiery tumayo ito bigla ero nahawakan siya ni Kai.

"kasi naman kita mo ikaw lang din ang nasaktan." tapos eh pinaupo siya nito ng sapilitan at kumuha siya ng first aid kit sabay ginamot ang galos na nakuha ni Fiery sa pagluluto niya.

"sorry." mahinang sabi ni Kai. tapos eh tinakpan niya na ng band aid ang sugat neto.

"pano na yan wala na tayong makakain :3" tanong ni Fiery.

"magpapadeliever nalang tayo ngayon, tapos mamaya mag-grocery nalang tayo." sabi ni Kai tapos yun nga tumawag si Kai para magpadeliever. 

ng dumating na ang pagkain mga 10:00 na kaya naman nilantakan na nila agad yung pagkain ero si Fiery habhab kung habhab talaga sa pagkain kaya naman natawa nalang si Kai sa itsura ni Fiery habag kumakain, eh nahuli siya ni Fiery

"oh anong tinitingin-tingin mo?" tanong nito.

"anong silbi ng mata kung hindi ako makakakita" sagot naman ni Kai sa kanya.

"tss yan ka na naman, kumain ka na nga lang diyan." sabi ni Fiery

"eh ano pang kakainin ko eh mauubos mo na :3" sabay turo ni Kai sa mga buto buto nalang ng manok at tira tirang fries.

"aww sarehhh oh eto sayo nalang" sabay bigay ni Fiery sa isang pakpak ng manok na may bawa na din.

"sows sayo na yan , nahiya ka pa. maligo ka na pagkatapos diyan at mago-grocery tayo, tamo to may laway ka pa oh." sabay turo ni Kai sa mapang laway na nasa labi ni Fiery.

"ona ona." tapos eh tumayo na si Kai para maligo at naiwan si Fiery sa kusina.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top

Tags: