CAPITULUM 52
9:25 a.m.
---
"---magbabakasyon na po kami sa susunod na araw, pero hindi na daw po kasama yung nililigawan ni kuya kasi nag-away sila."
Nico couldn't really care about what the kid was saying. Bukod sa wala naman siyang pakialam sa kung sinumang tinutukoy ni Andrew, abala pa rin ang kanyang utak sa pagproseso ng mga impormasyon sa kaso nila.
'This is why I don't plan on having any kids,' the detective thought. 'Too noisy.'
Meanwhile, Scorpio listened patiently to his story, never once interrupting him. Minsan kung sino pang may characteristics ng pagiging mabuting magulang, sila pa ang hindi nabigyan ng pagkakataon.
"Aalis ka pala ng Eastwood... Teka, hindi pa naman naghihigpit, 'di ba?" Scorpio directed the question to the older male.
Nico shrugged and sipped his coffee. 'Bakit parang pumangit ang lasa ng kape nila dito sa cafeteria?'
"Ang huling balita namin, by Dr. Fabella's recommendation, walang dahilan para sa 'drastic measures'. This made our mayor believe that there's nothing to worry about, hence the bastard still turns a blind eye to this entire situation."
At iyon ang mas nakapagtataka. Paano masasabing hindi kailangan ng "drastic measures" kung literal na kumakalat na ang virus at dumarami ngayon ang nako-confine sa mga ospital? Kaya nga minsan ayaw nang manood ni Nico ng balita sa TV dahil dumarami lang ang mga naitatalang mga suspected cases ng Marburg virus araw-araw.
Sa huling bilang, may kulang-kulang isang daan nang na-ospital dahil sa mga sintomas nito.
It somehow makes him wonder whether those numbers are accurate or not.
"That's strange," Scorpio started and adjusted his new eyeglasses. "Hindi ba sila pa mismo ni Inspector Ortega dati ang pilit kumukumbinsi sa mayor na paigtingin ang health guidelines natin sa Eastwood? Why the sudden change of heart?"
"Well, maybe their constant meetings affected him," Nico dismissed. "Ayon sa staff ng ECDCP, bihira na raw nila nakikita ang director nila dahil lagi na itong busy."
Pero mahirap nga namang isipin na kung sino pa dapat ang nagsusulong ng seguridad laban sa virus, siya pa ang kumukunsinti sa kamangmangan ng mayor.
'It's confirmed: everyone's out of their mind.'
"Noong gabing nahuli niyo ako..." Sandaling binalingan ng matanda si Andrew, sinusiguradong abala ito sa pagkain. Once he made sure that the kid was preoccupied, he lowered his voice and leaned across the table. "...noong nahuli niyo akong nagi-imbestiga sa pet store nila, I thought I saw something before I passed out. Hindi ko masyadong sigurado dahil wala akong salamin noon at madilim na, parang may nakita akong..."
Nico's eyes widened with the revelation.
Suddenly, it all made sense why the monkey's weren't infected, at all.
---
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top