CAPITULUM 42
"Polar coordinates."
Ang polar coordinates ay isang coordinate system (much like the rectangular coordinate system, the Cartesian plane) na karaniwang ginagamit sa mga RADAR system ng mga eroplano at ships.
Nova looked at the map again, with a new perspective, and noted how the places were arranged. Kung iisiping isang "circle" nga lang ang sinusundan nito at equal ang distances ng mga lugar mula sa sentro ng bilog, then the numbers could actually be angles..
135°
225°
270°
Marking the polar coordinates with the location of the crime scenes on the map...
Sumakto ang lokasyon ng apartment building at mall.
"This is just messed up," Nova concluded, raking a hand through her tangled hair. Ang ibig sabihin nito, may pattern nga si UD sa kanyang ginagawa. This only proves how smart and meticulous his is. "Kung ganoon, sunod siyang magpapakita sa lugar 270° sa mapa base sa polar coordinates. Our next crime scene is---"
"The church," Nico finished, not even glancing at the map.
Hindi na magtataka si Nova kung nakabisado na niya ito agad. Kahit pa sabihin nitong isang sumpa ang kondisyon niya, Nova couldn't help but think that it acts more like an advantage, especially in detective work.
"I'll tell Inspector Ortega," she announced, getting up from the bed. "I know you want to be part of the action, pero mas makakabuti kung magpahinga ka muna diyan. Don't want you collapsing at the scene, do we?"
"I'm fine."
"Shut up. Balikan na lang kita mamaya."
Nakatitig pa rin si Nico sa kanya nang tawagin siya nito. Nang lingunin ni Nova ang kanyang kasama, her heart skipped a beat when he spoke, "Noong niligtas ako ni Min... I don't know whether my oxygen-deprived brain was playing tricks on me or not, but for a minute, I wanted it to be..."
"To be...?"
Para bang natauhan si Nico at agad na umiling. "Wala."
Umirap si Nova. Damn. Bakit nga ba siya nagsasayang ng oras sa isang 'to? Without another word, Nova turned on her heels and walked out of the hospital room. Pero muntikan na siyang matisod nang mapansin ang isang kahon sa labas ng pinto.
"What the heck?"
Naningkit ang mga mata ng detective. She scanned the hallway, left and right, pero lalo siyang naghinala nang mapansing walang tao roon. Huminga siya nang malalim at binuksan ito. She lifted the object up carefully, her confusion became even more evident.
'Ano naman ang ginagawa nito rito?'
*
Night Raven's Park
10:15 a.m.
---
"Hay! Ba't bigla na lang siyang nawala?"
Hingal na sabi ni Dan bago inayos ang suot niyang sumbrero. He adjusted his eyeglasses and started looking for a familiar face in the crowd. Kani-kanina lang, sa kalagitnaan ng page-espiya niya sa labas ng SHADOW headquarters, nadatnan niyang umalis si Mr. Y sa opisina nito kaya agad niya itong sinundan.
'Tama yata 'yong tsismis na dati rin silang agents ng uncle ni Yuki,' he thought and scratched his head.
Sa di-kalayuan, nakita niya ang dalawang batang naglalaro sa may playground. Napasimangot si Dan, hindi makapaniwalang pinapayagan pa silang lumabas ng mga magulang nila sa gitna ng banta ng virus. 'Seryoso, wala bang pakialam ang pamilya nila?'
Silently taking notes to be a responsible parent someday (assuming that he won't die single), Dan approached the kids.
"Uy, anong ginagawa niyo rito? Delikado ngayon, ah."
The girl eyed him suspiciously. Sharp brown eyes. Kahit pa nakasuot ito ng facemask, alam niyang nakasimangot pa 'to sa kanya. Sa hindi niya malamang dahilan, para bang may naaalala siya sa ekspresyon nito.
"Sabi po ni ate ko 'wag daw kaming makikipag-usap sa mga 'di namin kilala."
"Well, let me introduce myself! I'm Dan," he replied and showed his detective's badge. Proud na proud niya pang ibinida. "I'm one of the good guys! Kaya wala kang dapat ikabahala."
"...."
Awkward silence.
"Err... Single pa ba ate mo?"
"Hmph!"
The girl was about to walk away when the boy next to her whispered, "Nirvana, he doesn't look like a bad guy. Baka kailangan lang niya ng kausap." Sa gulat ni Dan, hinarap siya ng batang lalaki. Kitang-kita ang ngiti sa mga mata nito. The kid with freckles even stretched out his hand to him.
"Hello po, Kuya Dan! Ako po si Andrew, at ito naman si Nirvana."
'Aba, sana all friendly,' Dan thought after shaking his hand. Agad namang napansin ni Dan ang suot-suot nitong panlamig. He was wearing a limited edition Mickey Mouse kid's sweater! Cool. Tatanungin na niya sana kung saan nila 'to binili nang bigla namang nahagip ng mga mata ni Dan ang kwintas sa leeg ng bata. 'Well, that's cooler---'
His ringtone went off.
Agad na sinagot ni Dan ang tawag nang makita ang pangalan ni Min sa screen.
Ilang sandali pa, nakahinga siya nang maluwag nang malamang nahanap na nila si Nico at nasa maayos na 'tong kalagayan. Buong magdamag kaya siyang nag-alala kay Yuki! Kahit naman madalas naiirita lang si Nico sa kadaldalan niya, Dan still idolizes him as a detective.
O baka naman si Yuki ang umiidolo sa kanya?
Napangiti si Dan.
["Sorry pala hindi ko nabalita agad sa'yo... It's just that, a lot happened. Magkausap na din sila ngayon ni Detective Carlos."]
Dan nodded, even though Min couldn't see him. "Ano ka ba! Hahaha! Ayos lang 'yan. Ang mahalaga, ligtas na si Yuki at may kukulitin ulit ako. Thanks for the update, Min!"
["No prob!"]
Pagkababa ni Dan ng telepono, doon niya napansing abala na ulit sina Nirvana at Andrew sa paglalaro kasama ang ibang mga bata. Huminga siya nang malalim at naupo sa isang stone bench. Sa hindi inaasahang pagkakataon, his eyes caught a peculiar sight just across the park.
'Teka... Sina Mr. Y at Uncle X 'yon, ah! Pero sinong kasama nila?'
Natatarantang kinuha ni Dan ang kanyang phone at pinicturan ang tagpo. Kahit na nakasuot sila ng normal na damit para hindi agaw-pansin, he can identify them from mile away. Mabuti na lang at mukhang busy pa rin ang dalawang CEO sa pakikipag-usap sa foreigner. The guy looked like a black American, but there's something intimidating about his aura.
Masama ang kutob niya sa mga nangyayari ngayon.
'Ano ba talagang sikreto nina Mr. Y at Uncle X?'
---
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top