CAPITULUM 36
Eastwood
5:30 am
---
The cold morning air greeted them on the way to the pet store. The sun was just beginning to bless them with its warmth when Min noticed Fe's cheeks were already flustered. Kung dahil ito sa lamig ng panahon o dahil malapit na ulit silang magkita ng manliligaw niya, wala na siyang balak alamin.
"Be, feeling ko talaga siya na ang soulmate ko! Nanood ako ng tarot reading sa TikTok kagabi tapos sakto lahat, OMG! Hay, tadhana nga naman..."
Napabuntong-hininga na lang si Min, malapit nang manawa sa mga pantasya ng kanyang bestfriend. Kakikilala pa lang, soulmate na agad? Wala nang intro-intro? Damn. Minsan hindi niya talaga alam kung may limitasyon pa ba ang karupukan ni Fe. But of course, it's part of her job to listen to everything she says---no matter how nonsensical they are.
"Sometimes I think you should take it slow," she started. "Ang akala ko talaga magiging okay na kayo ni Renzo dati."
Nang banggitin ni Min ang pangalan ng ex-boyfriend niya, Fe's expression immediately turned sober.
Magmula noong nagkaroon ng lamat ang relasyon nila, naging on and off na sina Fe at Renzo. Maski si Min naguguluhan sa status nila. Some days they would be okay and act like nothing happened. Minsan naman, parang hindi sila nage-exist sa buhay ng isa't isa at nage-entertain pa ng mga manliligaw si Fe, just like what she's doing now.
"Hindi kami compatible. Mahirap nang ipilit."
"At kailan pa naging hadlang ang 'compatibility' sa'yo? Ikaw kaya si Feralda Castillo, ang Patron Saint of Karupukan."
Huminto sa paglalakad si Fe at sumimangot. "Gaga! Mahirap i-explain, eh. Alam mo, Min... Feeling ko mage-gets mo lang ako kapag na-inlove ka na rin."
"Asa."
"Ayaw mo ba talaga kay Donovan?"
Mabuti na lang at walang iniinom na kape si Min ngayon, kundi baka kanina pa siya nasamid. At paano naman napunta sa kanya ang topic? And she knows that she doesn't see him as anything more than a good (albeit annoying) friend!
"Alam mo naman ang isasagot ko diyan," Min replied.
A moment later, Fe laughed and linked arms with her. "Okay lang 'yan! Minsan talaga 'yong 'the one' mo, magugulat ka na lang na bigla na lang susulpot sa buhay mo na may dala-dala pang flowers!" She joked.
So imagine the horror on Fe's face when they rounded a corner and saw Renzo crossing the road, wearing the black windbreaker that Fe gave him during their first anniversary back then.
To make things worse?
He even carried a bouquet of roses!
'Nang-aasar na naman yata ang tadhana,' Min thought, amazed with the timing. Hindi niya alam kung maaawa o matutuwa ba siya sa mga nangyayari.
"Fe, sandali lang!"
Huminto sa paglalakad ang dalawa nang lapitan sila nito. Sandaling sinulyapan ni Min ang ekspresyon ni Fe. She looked like she lost the ability to speak. Pero bago pa man makapag-react si Feralda, bigla na lang bumungad sa kanila si Franco---ang bagong manliligaw ni Fe---at nag-jogging papunta sa kanila.
"Sinalubong ko na lang kayo dahil alam kong malamig ngayon... Teka, sino 'to?"
Uh oh.
Mukhang tuluyan na ngang nawalan ng kulay ang mukha ni Feralda. Meanwhile, Renzo and Franco finally addressed the tension and glared at each other. Min sighed, knowing this encounter was inevitable. Pero ilang sandali pa, nahagip ng kanyang mga mata ang isang asong nakatali sa kalapit na poste.
'Ano naman ang ginagawa ng isang golden retriever dito?'
Minsan talaga ang sarap kasuhan ng mga pabayang amo. Kung hindi rin naman nila kayang mag-alaga ng hayop, bakit pa sila naga-adopt?
"Arf! Arf!"
When the dog saw Min, it started barking and wagging its tail. Hindi na niya natiis ang kawawang aso at nilapitan na niya ito. She patted its head and smiled. "Bakit ka ba nila iniwan dito? Kawawa ka naman..." Nang dumako ang kanyang mga mata sa tali nito, doon niya lang napansing mukhang bago pa ang asul na leash nito.
When Min was sure that nobody else was around, she started untying the leash from the post.
"Arf! Arf!"
Lalong nagwala ang aso.
Baka nagugutom lang?
"Tara, hanap tayo ng makaka---"
"ARF! ARF!"
Muntikan nang nawalan ng balanse si Min nang sinubukan siyang tangayin ng golden retriever papunta sa kung saan. Naguguluhan man sa ikinikilos nito, Min's instincts were telling her that something was wrong.
"May nangyari bang masama?"
"Arf! Arf!"
"Okay, then. Lead the way."
At walang pagdadalawang-isip na niyang sinundan ang aso.
Sa kabilang banda, lalo namang nai-stress si Fe nang nagsimulang magbangayan ang dalawang lalaki sa buhay niya. As much as she feels flattered being the center of attention, tuluyan nang nasira ang kanyang tahimik sanang umaga dahil kina Renzo at Franco.
"Ex-boyfriend ka na niya, kaya matuto ka namang lumugar, pare."
"Says the suitor who only likes her for her looks. Tsk! Sa tingin mo ba naniniwala akong malinis ang intensyon mo sa kanya?"
'Kung pag-umpugin ko kaya ang dalawang 'to? Hay, ganyan talaga, Fe. Ganda problems nga naman!'
But just when she was about to telepathically send her bestfriend an SOS, doon niya lang napansing wala na pala sa kanyang tabi si Min.
---
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top