CAPITULUM 30
Somewhere in Eastwood
7:06 pm
---
"Ano bang pinagkakaabalahan nila?"
Ibinaba ni Dan ang kanyang binoculars at sandaling pinunasan ang kanyang salamin sa mata gamit ang sleeves ng kanyang sweatshirt. Kanina pa siya giniginaw, pero alam niyang minsan talaga kailangang magsakripisyo ng isang detective para sa tinatawag nilang "greater good".
'What ever that means,' he thought, starting to be doubtful.
Ang masaklap pa rito, hindi niya alam kung para saan itong ginagawa niya ngayon.
"Anak ng patola. Ano ba kasi 'tong pinapagawa sa'kin ni Yuki?"
Bago siya umalis ng tea house kanina, kinausap na siya nito. Dan didn't mind doing odd favors from his co-workers. Sa katunayan, noong isang araw lang may nag-request pa sa kanyang hawakan ang isang kidnapping case na itinawag sa kanila. Day-off pa niya 'yon! For a moment, Dan actually thought that it would be his big break.
Until the case turned out to be a prank!
Nasayang lang yung pagpunta niya sa location at paghingi ng backup sa mga pulis.
Indeed, he was used to doing odd favors from his co-workers, but Detective Nico Yukishito's request is by far the strangest of all...
"Dahil ano naman ang mapapala ko sa pagmanman sa uncle niya?"
Napasimangot na lang si Dan at muling ibinalik ang binoculars. Kapag nahuli talaga siya sa ginagawa niya, baka ma-suspend pa siya sa trabaho. Because who in their right mind would spy on the CEO of a well-known detective agency? This is absurd.
"Hay. Ano ba talaga 'tong pinapagawa sa'kin ni Yuki?"
Usually, he'd do everything with a hundred percent of his enthusiasm. Pero dahil sa banta ng virus at sa lamig ng panahon, at this point, Dan was having a mental debate on whether he should just go home or not. Ang sarap pa man din humiga ngayon sa kama tapos mag-movie marathon sa Netflix!
"Besides, it's not like I'm gonna catch his uncle doing something illegal..."
Napahinto sa pagsasalita si Dan.
Kasabay nito, nanlaki ang kanyang mga mata habang nakatitig pa rin sa sasakyan ng kanilang boss. Napanganga siya nang makitang bumaba roon ang isang lalaki mula sa passenger's seat.
'T-Teka! Si Mr. Y 'yan, 'di ba?!'
Hindi makapaniwala si Dan sa kanyang nakikita.
Ano naman ang ginagawa ng CEO ng SHADOW sa kotse ng karibal niya sa field?
Matapos magpalitan ng salita ang dalawa (na mukhang may seryoso ring pinag-uusapan), tuluyan nang naglakad papalayo si Mr. Y at nagtawag ng taxi. Meanwhile, Uncle X waited a while longer before driving off to Sherlock-knows-where.
Napaupo na lang sa lupa si Dan, hindi pa rin makapaniwala sa kanyang nasaksihan.
"My god! Ang akala ko ba mortal na magkaaway sila?"
His mind was having a hard time registering this discovery. Kaya halos mapasigaw siya sa gulat nang may tumapik sa balikat niya. He raised his head, just in time to see Minnesota Gervacio with a worried expression.
"Uy, Dan! Anong ginagawa mo rito? Gabi na, ah."
May dala-dala pa itong grocery bags, mukhang namili sa kalapit na supermarket.
Under normal circumstances, Dan would've flirted with her and used his charms. Hindi sa pagmamayabang pero sampung beses na mas effective ang charms niya sa chicks kumpara kay Yuki. But, anyway, since Dan was still shocked with what he saw, he just laughed nervously and stood up.
"A-Ah, wala naman. Boring kasi sa bahay, ako lang mag-isa. I-I thought I'd be better off sightseeing some...cats!"
"Cats?"
"Oo! M-Mas nakakatuwa kasing pagmasdan ang mga pusang lansangan kaysa 'yong boring na news anchor sa TV na laging umuubo," pagrarason niya. Mabuti na lang may mga pusang dumadaan sa kalsada kaya valid ang excuse niya.
Of course he can't tell her the truth! Eskandalo ito sigurado.
Although she looked like she didn't fully believed him, tumango na lang si Min at ngumiti. "I know it must be hard for you ever since the RA case," Min said and contemplated for a minute before adding, "Pero kung gusto mo palang samahan kami ni mama sa Noche Buena, we'd be happy to reserve a seat for you."
Natigilan si Dan sa sinabi nito. A grateful smile crept on his lips. Ayaw man niya itong aminin o ipahalata sa iba, pero hanggang ngayon, sariwa pa rin ang sakit mula noong nasira ang kanyang pamilya. On the outside, he'd be his talkative and care-free self, but deep inside, Dan was still on the process of healing.
"Sigurado ka ba diyan? Matakaw ako. Baka masimot ko 'yong mga kaldero ninyo," he attempted to joke.
Mahinang natawa si Min. "Advantage 'yon sa'kin para 'di ako mahirapang maghugas ng pinggan."
Sa huli, tinanggap na rin ni Dan ang imbitasyon nito. Mabuti na lang at mukhang makiki-Noche Buena rin daw si Donovan, ang "kaibigan" ni Min. But base from her uncomfortable gestures, mukhang hindi mutual ang tingin nila sa label na 'yon.
'He's probably courting her. Couldn't blame him, though! Min is such a good catch.'
Maya-maya pa, nagpaalam na ang dalaga. "Sige na at kailangan ko na ring bumalik. May lakad pa kasi kami ni Fe bukas."
Nang tinangka ni Dan na tulungan siya sa kanyang mga dala, Min declined his chivalry and noted that their house was only a few blocks away. Habang pinapanood niyang maglakad papalayo ang dalaga, sumagi ulit sa isip ni Dan ang kanyang nakita kanina. Damn. Bakit nga kaya magkasama sina Uncle X at Mr. Y?
He tried to call Yuki to report his findings, pero sa hindi malamang dahilan, hindi niya ito matawagan.
"Eh? Baka busy lang sa kaso nila."
---
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top