CAPITULUM 28
SM City of Eastwood
6:04 pm
---
The Unknown Disease leaned back and savored the sight of his next victims. Sa kabila ng banta ng virus, mukhang wala pa ring ginagawang paghihigpit ang mall sa mga taong naglalabas-masok dito.
Isang mapaglarong ngiti ang gumuhit sa mga labi ng killer.
"They didn't even question why they look pale and sick."
Sa kabila ng iba pa niyang ginagawa sa buhay, naging abala si UD sa pagsubaybay sa kanyang mga biktima. Kahit na sa magkakaibang panahon na-expose ang mga ito, the "who dies first" game is still unpredictable---Who will have a weaker immunity to his Marburg virus?
"Eeny, meeny, miny, moe."
Upon finding out that his next victim, a widowed man with his teenage son, were already approaching the fatal stage, the Unknown Disease knew he had to orchestrate some events. He had to pull a few strings just so he can have them right where he wants them.
Nahagip ng kanyang mga mata ang paglabas ng mag-ama sa isang botika. Dala-dala nila ang isang paper bag na naglalaman ng mga pinamili nilang gamot.
Mula sa kanyang pwesto, kitang-kita ng killer ang panghihina at pamumutla nilang dalawa. Soon enough, the man started coughing out blood on his already dirty handkerchief.
"Tay, tara na po... Uwi na tayo."
Sa kabila ng pag-aalala ng kanyang unico hijo, hindi nito naitago ang kaparehong sintomas. Nang hindi pa rin sila nakakausad, doon na siya napansin ng mga taong dumaraan. As expected, their eyes held nothing but fear and suspicion.
No pity, no mercy.
"Tay!"
Lalong nabulabog ang mall nang bigla na lang natumba ang pobreng matanda na naging dahilan para mabitiwan nito ang mga pinamili nilang gamot. The man started coughing out more blood as a result of his internal bleeding.
At that same moment, shoppers started securing their face masks and moving away. Di bale nang may mamatay sa kanilang harapan, basta masagip nila ang kanilang mga sarili. It really disgusts the Unknown Disease.
Humans are rotten to the core.
No virus in the world can be worse than them.
Wala sa sarili niyang kinapa ang bato sa kanyang bulsa. He sipped his iced tea and watched as everything unfold around him as if he were in some movie.
'Starting in three, two, one...'
Several news reporters, who he tipped off a few hours ago, came and started covering the events. Napuno ng sigawan at tulakan sa mall habang nagkukumpulan ang mga ito. Agad na umaksyon ang ilang security guards at sinubukang ayusin ang gulo. Someone yelled, someone started calling an ambulance, someone started calling the police.
Too bad nobody bothered to call Eastwood's greatest detectives.
'They have their own dilemma right now. Especially Detective Yukishito.'
In the midst of the chaos, nobody even noticed the Unknown Disease pass by and leave their next clue beside a trash can.
---
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top