CAPITULUM 25
["Find out about what, Mr. Ye Hua?"]
Kabado niyang pinatay ang tawag nang marinig ang hindi pamilyar na boses sa kabilang linya. He doesn't know what's going on on the other end of the line and he has no plans to find out. Kung sinuman ang kasama ni Mr. Ye Hua, mukhang hindi ito isang kaibigan.
'Tangina. Baka malaman pa nila ang ginagawa namin!'
He knew that it was illegal to import those wines, but at the end of the day, profit beats the purpose. Isa pa, malaki ang kinikita niya rito, kaya baka naman siya titigil? Kung ang mga politiko nga milyun-milyon ang binubulsa sa mga ilegal na transaksyon.
But then again, he knew this day will come.
Kaya imbes na manatili sa kanyang opisina at hintayin ang mga pulis na huhuli sa kanya, the coordinator quickly pulled out a bag from under his table and scurried out of his chair. Habang inaayos ang kanyang mga gamit, naalala niya ulit ang bagay na nakalimutan niyang sabihin sa Intsik.
"Ilang wooden crates na rin ang nawawala mula pa noong nakaraang buwan."
Not that it matters, anymore.
*
The inside of the store looks like a jungle on its own.
Hindi na alam ni Scorpio kung ilang taon na ang nakakalipas mula noong magkaroon siya ng alagang hayop. Being raised in a family who weren't fond of pets inside the household, he didn't got the chance to take care of one until his late twenties.
Mga aso, pusa, at noong isang beses, nasubukan na rin niyang mag-alaga ng iguana na bigay ng kanyang kaibigan.
'Ah, those were the days.'
But none of those can compare to the wide variety of exotic animals he's seeing right now. Inilibot niya ang kanyang mga mata sa shop. 'Mukhang wala rito ang may-ari,' he noted and spotted several birds flap their colorful wings. Maya-maya pa, maingat na nilapitan ni Scorpio ang kulungan ng tarantula. He adjusted his eyeglasses and squinted at the case, trying to get a better view.
Doon niya napansin ang repleksyon ng bata sa kanyang gilid.
Agad siyang umayos ng pagkakatayo at nginitian ang bata. Kung hindi siya nagkakamali, ito ang bunso nila.
"Hello po," nahihiya nitong bati. "May ginagawa lang po si papa."
Scorpio may not lool like it, be he always had a soft spot for children. Malamang isang malaking factor na rin dito ang malungkot na katotohanang wala siyang anak. After trying several times, his late wife finally suggested they'd consult an expert a few decades ago. Doon lang nila nalamang may kondisyon pala ang kanyang asawa kaya't hindi nito kayang magbuntis.
Scorpio didn't mind and reassured her that he'll never leave her side---a promise he gladly fulfilled, until the day she took her last breath.
'Hintayin mo lang ako, Anita.'
Huminga nang malalim ang matanda at muling bumaling sa bata. Despite his sore back, he crouched down to his level and smile at the kid. "And your name is?"
"Andrew."
"Nice meeting you, Andrew."
Tumango ang bata at nag-iwas ng tingin, halatang hindi sanay makipagkilala.
"Bibili ka po ba ng pet?"
"Maybe. I haven't had a pet in years... Dahil shop niyo ito, may pwede ka bang i-recommend sa'kin?"
Noong mga sandaling 'yon, agad na inilibot ni Andrew ang kanyang mga mata sa shop. He then started pointing at the sections.
"Kung gusto mo po ng palaka may African-clawed frogs, dwarf-clawed frogs at Northern leopard frogs po doon... Sa birds po, may toucan, parakeet, at African gray parrots dito sa kabila... Tapos may scorpions, Burmese pythons at chinchillas sa kabilang aile," Andrew recited easily. Sandaling natigilan si Scorpio at nagpakurap-kurap. "Anong klase po ba hanap mo?"
Damn, this kid really do know his animals.
"I... I don't know yet, actually."
As amazed as Andrew is, agad ring napansin ni Scorpio ang pamilyar na "spark" sa mga mata ng bata. It was the spark called curiosity, one that he knows so well. Nakikita ni Scorpio ang kanyang sarili sa batang ito.
Maya-maya pa, napukaw ang atensyon ni Scorpio nang marinig niya ang pagkalansing ng mga susi. He quickly turned to the direction of the counter and spotted the owner and his son, Franco, coming out of the back room. Mukhang abala nga sila sa pag-aasikaso ng mga hayop sa shop dahil sa mga sako ng pagkaing nilalabas nila.
But when the pet store owner saw him, agad nitong pinagpag ang kanyang kamay at nilapitan si Scorpio. Dahil hindi naman sila nagkakausap, hindi na rin matandaan ni Scorpio ang pangalan nito.
'But if I remember correctly, he was a former zoo keeper.'
Nonetheless, a friendly smile graced the man's lips as he extended a hand. "Hello there, neighbor! I'm Todd. Sensya na, ngayon lang yata tayo pormal na nagkakilala."
"Socorro Carpio." He shook hands. "But a lot of people call me 'Scorpio'."
"Nice to meeting you, Scorpio. Mukhang naghahanap ka ng maaalaga, ah. Nakapili ka na ba?"
Dumako ang mga mata ng matanda sa dose-dosenang mga susi na nakakabit sa belt ng kanyang kapitbahay. Sa 'di kalayuan, napansin niya ang kulungan ng mga unggoy. Posible kayang...?
"May problema ba?"
When the store owner called his attention again, isang praktisadong ngiti ang iginawad niya rito.
"I think I'll have a look around."
---
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top