CAPITULUM 61

Night Sparrow's Teahouse
11:00 a.m.

---

Detective Briannova Carlos didn't have the patience to wait for her order. Agad niyang itinuon ang atensyon sa binatang nakaupo sa kanyang tapat. Kanina pa hindi makatingin sa kanya ang abogado. Kalaunan, napabuntong-hininga si Atty. Lelouch San Andres at binasag ang katahimikan.

"I didn't text him."

"Paano naman nakuha ni RA ang cellphone mo?"

"Nova, I have no idea. Nasa opisina ako noong hapon na 'yon kaya kinagabihan ko na nalamang nawawala pala ang cellphone ko." He calmly stared at her, "I tried tracking my phone via GPS, pero mukhang nadispatya na ito ng kriminal."

Marahang tumango si Nova at sumandal na lang sa upuan. Mula rito, natatanaw niya ang tahimik na lansangan sa labas ng bintana. Coincidentally, this was also the spot where she and Nico met for the first time. Tinitigan niya ulit ang dating kasintahan. Alam niyang nagsasabi ito ng totoo. Kaya nga't nang matapos ang interrogation sa kanya nina Inspector Ortega kanina, mabilis rin siyang pinakawalan.

"Ibig sabihin nito, nakalapit na pala sa'yo si RA nang hindi mo nalalaman. Can you remember anyone suspicious?"

"Nova, I'm an attorney. I deal with suspicious people on a daily basis." Sandaling dumako inilibot ng abogado ang mga mata sa tea house. Para bang sinisigurado nitong walang nakakarinig sa usapan nila. "Remember that stalker issue I brought up to you a few days ago?"

"Yeah. Why?"

Biglang naalala ulit ni Nova ang tungkol doon. Kung hindi siya nagkakamali, nakatanggap si Lelouch ng envelope na naglalaman ng mga larawan niya. The pictures were taken while he was inside Eastwood Jewels. 'Bakit ba pupunta roon si Lelouch?' She pushed that curiosity aside and focused on the case. "Iniisip mo bang si RA mismo ang nang-iistalk sa'yo?"

"Oo."

"If that's the case, then you should probably be more careful. Baka madamay ka pa sa gulo."

Parehong hindi nag-angat ng tingin sina Nova nang maihain na sa kanila ang kanilang mga order. The female detective almost smiled when she smelled the aroma of her Earl Gray tea. Sa kabila nito, bakas pa rin ang pag-aalala sa mukha ni Lelouch.

"Noted. Kamusta na pala ang kaso niyo?"

"Nila. Nakalimutan mo na bang nai-dismiss na ako ni Mr. Y sa kaso? Tsk! Still, I help out a little. Hanggang ngayon, wala pa ring malinaw na lead si Nico sa identity ng Robinhood Arsonist.."

Nova adjusted her loose shirt and crossed her legs. Marahan niyang kinuha ang kanyang tasa at uminom ng tsaa. Agad siyang napapapikit nang malasahan ito, pero sa kauna-unahang pagkakataon, wala itong nagawa para pakalmahin ang kabang nararamdaman niya.

"Mukhang wala na tayong magagawa. Kailangan nating paghandaan ang susunod na atake ng arsonist. I just wish he won't be burning a poor civilian's body again any time soon."

Lelouch did the same and sipped on his cup of steaming and classic green tea. Nang maipatong na niya ang tasa sa mesa, agad nang tinanong ni Nova ang kanina pa bumabagabag sa isip niya.

Humigop ulit ng tsaa ang abogado.

"Ano nga palang ginagawa mo sa Eastwood Jewels?"

Kamuntikan nang masamid si Lelouch sa iniinom niya. Bigla itong natawa at nag-iwas ng tingin. A small smirk played on the attorney's lips. "You'll find out soon."

Umirap na lang si Nova.

Lumipas ang ilang minuto ng pag-uusap nina Nova at Lelouch. Empty saucers and tea cups were left on the table as Nova started to get up. Bakas ang iritasyon sa mukha ng dalaga nang mabasa ang text message sa kanya. "I need to go. Pinapatawag daw ako ni Mr. Y. Damn! Kung may 'worst boss awards' siguro sa Eastwood, siya na agad ang panalo."

Pagak na natawa si Lelouch. "Hatid na kita."

"Caring as always."

"Mahal mo na ba ako ulit? If you say yes, I'll immediately set arrangements for our wedding." Pagbibiro nito.

Napapailing na lang ang dalaga. "Nice try, attorney... better luck next time."

Ilang sandali pa, sabay na silang lumabas ng tea house. Kapansin-pansin ang pang-iintrigang tingin ng mga taong dumaraan. 'Pamilyar sila kay Lelouch. That's not surprising since he's the district attorney,' isip-isip ni Nova at inayos ang pagkakasuot ng kanyang sumbrero. Of course, she's wearing one of her disguise again. Baka magkaroon pa ng mas malaking issue kapag nakita silang magkasama.

When they finally reached the parking lot, agad na napahinto sa paglalakad si Nova.

Nakaramdam siya ng panghihilo. Unti-unti, para bang naglalaho ang tensyon sa kanyang katawan hanggang sa mapalitan ito ng antok. Sinubukan siyang alalayan ni Lelouch, pero maging siya, nahihirapan na rin tumayo.

Soon, Nova and Lelouch were lying on the cemented floor.

Nahaharangan ng mga sasakyan ang katawan nila kaya imposibleng may makahanap sa kanila.

Imposible.. maliban na lang sa lalaking nagplano nito.

Naalarma si Nova nang marinig niya ang yabag ng mga sapatos palalapit sa kanila. Sumunod dito ang isang pamilyar at baritonong boses. Aliw na aliw ito habang pinagmamasdan sila. Nakasuot pa ito ng damit na pang-waiter.

"Like it? It's flunitrazepam or most commonly known as 'rohypnol'. Just a very small amount of that drug can knock you out for eight to twelve hours. Syempre, kailangan ko pang hintayin na tumalab ito sa inyo."

His voice had an evil edge to it, sending a shiver up Nova's spine.

'R-Robinhood Arsonist..'

Hindi na niya namalayang isinasakay na pala silang dalawa ni Lelouch sa likod ng isang van.

Tuluyan nang hinila ng kawalan si Nova.

---

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top