CAPITULUM 59

Gasoline station
9:30 a.m.

---

"Ced, ikaw nang bahala diyan ah?"

Napabalik sa kasalukuyan si Cedric Oliveros nang tawagin siya ng kasama. Pinilit niyang ngumiti at kumaway kay Paolo. Nakasukbit na ang bag nito sa kanyang balikat at nakapagpalit na rin siya ng sibilyang damit. Cedric couldn't help but envy the fact that he was finally out of their cheap red and black colored uniform. 'Tsk! Ang kati pa sa katawan.'

"Sige. Ingat, brad.. condolence ulit."

"Salamat."

Malungkot na tumango si Paolo at tuluyan nang umalis para mag-abang ng jeep. Tinawagan ito kanina ng kanyang tiyahin dahil namatay na raw ang nanay nito. Paolo had to cut off work early. Sa ganitong mga oras, punuan na ang mga bus papuntang probinsiya, kaya't agad siyang nagpaalam sa kanilang boss.

'Buti pa siya, may emergency.'

Nang mawala na siya sa paningin ni Cedric, napabuntong-hininga na lang ang binata at itinuon ang atensyon sa motoristang nagpapa-full tank ng premium. Hindi tulad ng ibang mga baguhan, sanay na siya sa amoy ng diesel at gasolina. It's like his nose is already immune to the smell!

Cool.

"Okay na, ser."

Anunsiyo niya at kinuha ang bayad ng lalaki. Mahina pang napamura ang motorista nang makita ang presyo nito. "Tangina, bakit ba ang bilis niyong magtaas ng presyo?" He grumbled something along the lines of 'stupid oil companies' and took his change. Inis na itong nag-drive papalayo.

Napasimangot na lang si Cedric.

"Summer na kasi, kaya madali talagang uminit ang ulo ng mga driver ngayon. Hayaan mo na lang sila."

Napalingon si Cedric sa nagsalita. Nakapila na pala ang isang van sa tapat niya. The guy who spoke wore a black jacket with a hoodie over his head. 'Ang trip ng isang 'to? Ang init-init tapos naka-jacket.' Minsan talaga, hindi na maunawaan ni Cedric kung bakit parang lumalala na ang saltik ng mga tao ngayon.

He silently nodded and was about to open the gas compartment of the van when the mysterious man stopped him. Nabigla na lang si Cedric nang bumaba ang lalaki at binuksan ang likuran ng van. Tumambad sa kanya ang limang galon na nakapatong sa mga upuan nito.

"Pakilagyan ng unleaded gas lahat."

Nagpakurap-kurap si Cedric. 'Ano naman kaya ang gagawin niya diyan? Ipapaligo?' Kaluanan, hindi na siya umimik at sinimulan na ang trabaho. Sa ilang linggo niya sa pagiging gas boy, natutunan niyang manahimik na lang at sundin ang gusto ng mga driver. "The customer is always right" kumbaga, kaya't itinitikom na lang ni Cedric ang kanyang bibig.

Well, it wasn't his money, so he doesn't mind.

Pero nang iusog niya papalapit ang isang galon para malagyan ito, napansin niya ang mantsa sa upuan ng van.

As horrifying as it sounds, but it looks like dried blood.

Napalunok si Cedric, at pinilit isawalang-bahala ang nakita. Sa kabila nito, hindi niya pa rin maiwasang kabahan sa mga posibilidad. Ayaw na rin niyang isipin kung paano nagkaroon ng mansta ng dugo roon.

---

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top