CAPITULUM 57

Huminga nang malalim si Karies. Ilang minuto pa lang mula nang iniwan siya sa sasakyan sina Detective Nova at Officer Mariano, pero kinakabahan na siya. Hindi pa rin siya makapaniwala sa mga nangyayari. Silently, she was praying that this was all just some twisted nightmare.. in fact, Karies Victoria was praying---hoping---that she'll wake up soon.

Hindi niya pa rin lubos maisip kung bakit kikidnapin ni Macky ang kanyang ama.

'Macky.. ano ba 'tong kalokohang ginagawa mo?'

Noong una, ayaw niyang tanggapin. Shit! Paano mo tatanggapin ang katotohanang hindi mo na kilala ang sarili mong kababata? Suddenly, she realized how much someone can change in a span of few years. Unti-unti na niyang nauunawaang tuluyan nang nagbago ang lahat. Para lang pala siyang tangang umaasang magbabago ang takbo ng kanyang istorya. It was really heartbreaking.

Still, a small part of her wants to understand him---no matter how dangerous he may be.

Kaya nang makita niyang kinakaladkad ng isang lalaking naka-hooded jacket ang walay malay niyang ama papalabas ng horror house, agad na nanlaki ang mga mata ni Karies sa gulat.

'Macky..'

For some odd reason, he wore a clown mask. Alam niyang ginawa niya ito para walang makakita sa kanyang mukha at para madali siyang makapagtago sa Eastwood police kapag tinutugis na siya ng mga ito, pero naiinis pa rin si Karies. He's acting as if he's a heartless criminal who wants to escape the law!

And maybe he is a criminal.

But for now, she needs to save her father. Agad na naghanap ng posibleng magamit si Karies para iligtas si Mr. Victoria. Mabilis siyang naghanap ng anumang armas o patalim sa loob ng sasakyan ni Rizee. In the end, all she found was a pair of scissors. 'Ang hirap talaga kapag wala ka nang choice!' she mentally complained. Nang dumako ang mga mata ni Karies sa isang paperbag sa passenger's seat, agad niyang sinilip ang laman nito.

Nanlaki ang kanyang mga mata nang hawakan niya ang tela. Soon, a small smile crept up her lips.

"This should do.."

*

Habang nakatalikod si Macky, pasimpleng pumuslit palalabas ng sasakyan si Karies at pinuntahan ang ama. Mr. Victoria sat unconscious against the wall of a mirror maze.

Her heart pounded nervously inside her chest as she tried to move silently.

Just then, her father groaned in pain. Noon niya lang napansin ang sugat nito sa noo, na para bang may hinampas siya ng matigas na bagay sa ulo. Blood trailed down the side of his face. Lalong bumigat ang pakiramdam ni Karies habang iniisip na siya ang may dahilan kung bakit umabot sa ganito ang sitwasyon nila.

"Daddy? D-Don't worry, i-ililigtas kita."

Pinilit pakalmahin ni Karies ang kanyang sarili. Hindi ito ang oras para maging duwag. Gamit ang gunting, sinimulan na niyang kalasin ang lubid na nakatali sa mga kamay nito. Tumulo ang kanyang pawis, at kinakabahan niyang sinilip ang direksyon ni Macky. Thankfully, he didn't notice her yet.

"K-Karies?" Mr. Victoria was awake.

Sinenyasan niya ang ama na 'wag na mag-ingay. Agad naman nitong naunawaan ang sitwasyon habang paminsan-minsang sumusulyap sa binatang abala pa rin sa ginagawa niya. Hindi maipagkakaila ni Karies ang takot sa mga mata ng negosyante.

Nang matanggal na niya ang mga lubid, dahan-dahan niyang isinama ang si Mr. Victoria pabalik sa sasakyan ni Rizee. She left him in the backseat as she clutched her cloak around her. "Dad, diyan ka lang.. kailangan ko lang hanapin sina Officer Mariano."

"A-Anak, baka mapahamak ka.. He's a dangerous person!"

"He's my childhood friend, dad. Mahirap paniwalaan, pero alam kong hindi niya ako kayang saktan."

Sana.

Then again, she needs to find the others.

They need to know that her father is safe. Pero ang labis na ipinagtataka niya, kanina niya pa nakitang pumasok sina Nova, Rizee at ang isa pang binatang detective sa loob ng horror house. Bakit hindi pa rin sila lumalabas?

Nang bumaling ulit si Karies sa kinaroroonan ni Macky, nanlaki ang kanyang mga mata nang makita ang hawak nitong box ng posporo. The smell of gasoline drifted in the air. Knowing Macky, Karies has a good guess on what he's gonna do next.

"Shit!"

Nasa loob pa sina Detective Nova, Detective Nico, at Officer Mariano.

Plano niyang sunugin nang buhay ang mga ito.

Wala nang inaksayang oras si Karies at mabilis na tumakbo papalapit kay Macky. Pilit niyang isinantabi ang kabang nararamdaman niya. Nang aksidente niyang matapakan ang isang bubog at lumikha ito ng ingay, walang sabi-sabing itinaklob ni Karies ang tela sa kanyang sarili nang lumingon si Macky. Karies watched through the semi-transparent material as his gaze passed her.

Hindi siya nakikita ng kanyang kababata.

Karies couldn't help but be impressed. 'Ang astig naman ng invisibility cloak na 'to!' Nang ituon na ulit ni Macky ang kanyang atensyon sa sinindihang posporo, tahimik na naghintay si Karies ng pagkakataong umatake. Mabigat man sa loob niya, pero kailangan niyang pigilan ang kasamaan ng kababata.

Sino bang mag-aakalang sa ganitong paraan ulit magku-krus ang landas nilang dalawa?

Nang ilang pulgada na lang ang layo ng apoy sa nagbabadyang panganib, mabilis na itinulak ni Karies si Macky. Naging dahilan ito para mamatay ang apoy ng nakasinding posporo. The match stick fell  on the ground as she attempted to save the detectives inside.

"The fuck?!"

The Robinhood Arsonist seemed shock at her sudden interruption. Ilang sandali pa, napalitan ng galit ang ekspresyon nito, kahit pa ikinukubli niya sa isang maskara ang kanyang mukha. The anger radiated off him like the heat of a fire as he pushed her away and tried to lit another match.

"Stay out of my way, Kathlene."

Pagbabanta nito. Kinilabutan si Karies sa tono ng kanyang boses. Wala na roon ang dati nitong sigla. Mahinang napamura si Karies at sinubukang agawin ang kahon ng posporo sa kanyang kamay.

"MACKY, TUMIGIL KA NA!"

It was a desprate plea as she shrugged off the invisibility cloak and tried to reason with him. Bakit ba tuluyan nang naglaho ang kababata niya? The Macky she knew woud never do such horrible things!

"Macky, please.. b-bakit mo ba ito ginagawa?! Hindi ka ganito! Hinding-hindi ka m-mananakit ng ibang tao!"

Hindi na namalayan ni Karies ang mga luhang dumadausdos sa kanyang pisngi. No, she isn't standing in front of her long lost childhood friend anymore---she was facing a monster.

Pagak namang natawa ang binata at may kinuha sa kanyang bulsa.

Isang baril.

Ang parehong baril na ginamit nito kanina para pagbantaan ang kanyang ama.

"Wag kang makialam sa mga ginagawa ko. I am warning you, Kathlene... Kung hinahanap mo pa sa akin ang dating ako--ang Macky na kababata mo, nagsasayang ka lang ng pagod. I died a long time ago.." Lumakas ang pagtawa nito. Napangiwi si Karies nang marinig ang sakit sa tono nito. And when his empty eyes gazed at her, she knew he was right.

"Buhay ka.. Nabuhay ka sa sunog noon sa apartment ng lalaking umampon sa'yo! You managed to survive that fucking fire, Macky! A-Ano bang sinasabi mo?!"

Isang marahang pag-iling ang naitugon nito.

"Not all deaths are physical."

Patuloy pa ring humihikbi si Karies. Pero sa kabila nito, alam niyang pareho silang nasasaktan. Deep down, Macky is still in there.. no matter how much he wants to fucking deny it. 'I won't let him do this!' Dala ng pagiging desparada, sinubukan niyang lapitan si Macky.

"M-Macky---?"

BANG!

Karies cried out in pain when the bullet buried itself on her right foot. Dahil dito, tuluyan na siyang nawalan ng balanse at natumba sa lupa. Hindi pa rin matigil ang kanyang pag-iyak, kahit pa noong tumakbo na papalayo ang dati niyang kababata. She watched in silence as he got into Mr. Victoria's car and drove away.

Away from her.

Mapait na ngumiti si Karies. Sinubukang habulin nina Detective Nico ang Robinhood Arsonist, pero agad rin itong nabigo. Hindi na niya maunawaan ang sinasabi sa kanya nina Officer Mariano habang ginagawan ng first aid ang sugat niya sa paa. It hurts like hell, but not as nearly as how her heart does.

'Mukhang tama nga si Macky.. matagal na nga siyang namatay. It's not a physical death---he just simply died inside.'

Huminga nang malalim si Karies at sa wakas, itinuon ang atensyon sa tatlong indibidwal na nakatingin sa kanya. Hindi naman siguro huli para itama ang pagkakamali niya, hindi ba? She should have listened to Mother Theresa.

"Hindi lang ang ivory figurines ang natanggap na donation ng Genesis orphanage mula kay Macky.. if you want, I can tell you all about my childhood friend."

---

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top