CAPITULUM 56

Aminado naman si Nova na hanggang ngayon, nag-aalinlangan pa rin siyang magtiwala nang lubos sa kanyang partner. How on earth can she trust a detective who's so secretive and anti-social?

Kaya nga nang malaman niya noong ipagsasama sila para lutasin ang Heartless Killer case, she almost backed out. Sapat na ang mga nababasa at naririnig ni Nova tungkol kay Detective Nico Yukishito para malamang hindi sila magkakasundo.

'How ironic.'

Yes, very ironic.

Lalo na ngayong sinusunod na niya ang mga ibinilin sa kanya ng binata.

Pagkatapos nilang maghintay ng ilang minuto sa isang gas station, nakatanggap si Nova ng text message mula kay Nico. True enough, he only texted the location: "Ravenstone Carnival".

'Of all places, Yukishito.. why an abandoned and haunted carnival?!'

Wala na silang nagawa. Agad na nagmaneho si Rizee papunta roon, habang tahimik pa ring nakaupo sa backseat si Karies. Base sa body language niya, napapansin ni Nova na "guilty" pa rin ito sa kung anumang sikretong itinatago niya. Kung may alam man siya tungkol sa Robinhood Arsonist, they will have to wait until this is over.

Sa ngayon, ang kaligtasan ni Mr. Victoria ang prayoridad nila.

"Why do you think Yuki led us here?"

Nova ignored the pet name, "Hindi ko rin alam.. baka may alam na siya kay RA."

"Still, but this place is really creepy."

When Nova climbed out of the passenger's seat, nagulat siya nang makita niyang nakaabang na sa kanila si Nico. He hid behind an old carousel and motioned for them. Sa huli, iniwan din nila si Karies sa backseat. Hindi na nila gustong madamay ito sa anumang gulo.

"Bakit tayo nandito?"

Agad na tanong ni Nova habang nakapamaywang. Tahimik namang nakamasid sa paligid si Rizee, alerto sa anumang posibleng mangyari.

Ngumisi ang binata at may itinurong direksyon. "Prepare for action, ladies."

Nang sundan nila ang tingin nito, halos manuyo ang lalamunan ni Detective Briannova Carlos nang makitang nakaparada sa likod ng isang horror house ang kotse ni Mr. Victoria.

Nahanap niya ang arsonist.

"P-Pero paano...?"

Detective Nico smirked, showing off his dimples as he pressed a button on his Elmo-designed wristwatch. Ilang sandali pa, nagbago ang interface nito at ipinakita ang isang kulay itim na screen. A glowing red dot kept blinking on it. Hindi makapaniwala sina Nova at Rizee sa nakikita nila.

"I did some investigation yesterday and found the magazine reference for the top four richest people in Eastwood---yes, before Nova did. Nang makita kong nasa top ng listahan si Mr. Victoria, agad ko siyang ini-stalk mula pa kaninang madaling-araw. While he left his car parked in his company's parking space, mabilis kong nilagyan ng tracking device ang kotse. Nang umalis siya kanina, nakasunod pa rin ako sa kanya at nakamasid sa malayo nang makita kong sumakay ng kotse niya ang arsonist. Doesn't take a genius to figure out that he was being kidnapped, that's why I activated the tracking device, thus leading us here." Kalmadong sabi ni Nico habang nakamasid sa entrance ng horror house. He explained it like it was nothing more than a simple lesson in school, leaving both the girls speechless.

'Kaya pala kanina pa siya kalmado.'

Napapailing na lang si Nova sa dedikasyon nito sa trabaho. As expected from Eastwood's number one detective. "Pero bakit naman niya dadalhin sa lumang carnival si Mr. Victoria?"

"Not sure."

"Well, RA probably doesn't have anywhere else to go." Ngumiti si Rizee at kinuha na rin ang kanyang baril, "Anong plano, Yuki?"

That mischievous glint never left Nico's eyes.

"Save Mr. Victoria, take down the arsonist, put him behind bars, and ask for a 70% discount on Victorian pencils as a reward."

*

The horror house was darker than Nova imagined it would be. Nagkalat ang mga agiw at alikabok sa paligid. Tahimik nilang tinahak ang mga pasilyo at iniwasan ang mga kalansay sa sahig (hindi na pinansin ni Nova na masyadong "realistic" ang mga ito). Huminga siya nang malalim, her gun felt heavy in her hand.

Ang tanging nakapagbibigay liwanag lang sa daraanan nila ay ang ilaw mula sa cellphone ni Rizee.

Pinakinggan nila ang paligid. Nang may marinig na kaluskos si Nova, alerto niyang kinasa at itinutok ang baril sa kanyang likuran. Napabuntong-hininga ang dalaga nang mapansing isang daga lang pala ang lumikha ng tunog.

"Nandito sila." Bulong ni Rizee habang nakasandal sa gilid ng pader.

Dahan-dahang lumapit sina Nico at Nova at sumilip sa silid na tinutukoy ng district officer. Her eyes saw the silhouette of someone tied up on a chair. Hindi ito gumagalaw at nakayuko ang ulo. 'It looks like Mr. Victoria is unconscious..' Nova noted and scanned the room for any signs of the arsonist.

Bakit amoy pabago? It was a strong musculine perfume. Nova ignored it. Baka pabango lang ito ni Mr. Victoria. Pero ang nakapagtataka, mag-isa lang siya sa loob.

Wala ang Robinhood Arsonist.

"Nasaan na siya?"

"Doesn't matter. Kailangan na nating iligtas si Mr. Victoria." Rizee said and was about to go inside when Nico held her arm to stop her, "Armado ang arsonist natin, Officer Mariano. Hindi porke't hindi natin siya nakikita, wala na siya rito. The coward's probably hiding in the shadows. Don't be reckless."

Tinitigan ni Nova ang bulto ni Mr. Victoria. Bakit ba iba ang pakiramdam niya rito? Bago pa man siya mapigilan ng mga kasama, hinigpitan ni Nova ang pagkakahawak niya sa baril at mabilis na tumakbo papalapit sa hostage. She can faintly hear Nico cursing under his breath as he ran after her, prepared for any tricks the arsonist has up his sleeves.

"Are you crazy?"

"Shh! Nico, may mali dito.."

Kinuha ni Nova ang kanyang cellphone at binuksan ang flashlight nito. At nang maitutok na niya sa mukha ni Mr. Victoria ang ilaw, nanlamig ang kanyang buong katawan. When Nico realized what she was looking at, agad siyang natigilan. Maging si Rizee ay nawalan ng boses nang makita ang kanilang "hostage".

"What the hell?"

Dahil hindi si Mr. Victoria ang nakatali rito.

It was just a mannequin.

At nakasulat sa blankong mukha nito---gamit ang dugo---ang mga salitang agad na naunawan ng tatlo, kahit pa nai-reverse na naman ng Robinhood Arsonist ang mga letra.

LLEH OT OG

Reversed, it was...

GO TO HELL

Kasunod nito, may kumatok sa maruming bintana ng horror house. Nang balingan nila ang tunog, nakita nila roon ang Robinhood Arsonist. He wore a creepy clown mask and waved to them, as if saying goodbye. Sunod niyang ipinakita ang pagsindi niya ng isang posporo.

Only then did Nova saw the trail of liquid on the floor, coming fron a crack on the wooden wall.

Gasoline.

'The strong perfume was used to mask the smell of gasoline!'

Sinadya ito ng kriminal para itago ang tunay niyang intensyon. The Robinhood Arsonist was going to burn them alive.

---

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top