CAPITULUM 49

Gervacio Residence
9:36 a.m.

---

Of all the things Minnesota Gervacio expected on her day-off, ang pagbisita sa kanya ng kaibigang si Donovan Cabrera ang isa sa mga kaganapang hindi niya inaasahan. She stood speechless at the doorway, looking at the plastic bags he carried. Nahihiyang ngumiti ang binata, "I-I thought you'd like some carbonara... Can I come in?"

Marahang tumango si Min at pinapasok siya sa kanilang munting tahanan. Well, it wasn't much of a home anyway, but it was good enough for her and her mother.

"Ayos ka lang ba, Min? Pasensiya na, dapat pala tinext muna kita bago ako pumunta rito.."

"O-Okay lang. Hindi ko lang talaga inaasahan na bibisita ka. Teka, paano mo pala nalaman ang address ko?"

"Sinabi ni Feralda. Pumunta kasi ako kanina sa ospital, kaso ang sabi niya nakaday-off ka ngayon, kaya binigay na lang niya sa'kin ang address mo."

Inside her head, Minnesota is already murdering her bestfriend. Ilang beses na niyang pinagsabihan si Fe na 'wag ibibigay ang private info niya tulad ng kanyang address at contact number nang walang permiso! 'Pasaway talaga ang gagang 'yon! Mabuti na lang at si Donovan lang ang 'to. Paano na lang kung sa isang serial killer niya naibigay ang address ko?'

Yes, after the Heartless Killer case last February, mas naging maingat na si Minnesota. Delikado na ang panahon ngayon, and considering that Eastwood is known for "not-so-ordinary" things, it only makes matters worse.

"Anak? Sino yung kumakatok kanina?"

Just in time, Min's mother came barging in from the kitchen. Kumunot naman ang noo ng ginang nang makita ang binatang nakaupo sa may sala. Agad na tumayo sina Min. "Ma, si Donovan po. Dati kong ka-batch noong high school. Van, si mama.."

"Magandang araw po, tita."

Out of formality, Donovan stretched his arm out for a handshake. Ilang sandali pa, napansin ni Min na mahinang napamura si Donovan at mabilis na ipinalit ang ang kanang kamay.'I didn't know he was left-handed..' isip-isip ni Min at sinimulan nang ilabas ang container ng dinala nitong carbonara. The aroma made her hungry again, despite already having breakfast.

"Naku, akala ko naman ay manliligaw ka na nitong anak ko."

"H-Ha? Ah.. k-kasi..."

"Ma naman! Magkaibigan lang po kami ni Van. Siya po yung tumulong sa'tin doon sa insurance."

"Talaga?"

Donovan looked uncomfortable talking about his job. "Ah, opo. Wala po yun."

"Naku! Kay swerte naman pala ni Min sa mga kaibigan niya. Salamat talaga!"

Masayang tumango ang ginang at tumabi sa anak. Pero sa kabila nito, hindi pa rin nawawala ng pang-asar na ngiti ni Mrs. Gervacio.

Hindi alam ni Min kung imahinasyon niya lang ba o parang nasaktan si Donovan sa sinabi niya. Makalipas ang ilang sandali ng katahimikan, she finally asked, "Van, bakit mo nga pala ako pinuntahan? May problema ba sa trabaho mo?"

She doesn't want to sound rude or anything, pero mula nang magkita sila ulit ni Donovan, madalas na nagiging topic nila ang problema niya sa trabaho. Base sa mga ikinikwento ni Van sa kanya, mukhang hindi na nga siya masaya sa pagiging empleyado sa Mariano Insurance Company.

Donovan sighed, and gave her a wary smile.

"Nagpasa na ako ng resignation letter kahapon. I'm just not happy there anymore.. napilitan lang naman akong mag-apply doon dahil wala nang ibang kompanyang may job opening noon."

Napatakip si Minnesota ng bibig dahil sa pagkabigla. Hindi niya alam na aabot na pala sa ganito. But it is clear that her friend had already made his decision. Huminga nang malalim si Minnesota at ngumiti.

"Just like what I always say, your passion in what you do is what keeps you hanging on to it.. pero kung hindi ka na masaya sa ginagawa mo, then it's best to let it go. Sigurado namang makakahanap ka ng trabahong mas babagay sa'yo, Van.. matalino ka naman at mabait, kaya hindi ka mahihirapan." She encouraged him.

Maya-maya pa, binuksan ni Mrs. Gervacio ang telebisyon para panoorin ang inaabangan nitong teleserye. Lihim na napangiti si Minnesota.

On the other hand, Donovan looked troubled. Kalaunan, lugmok na lang siyang sumandal sa sopa. "Easier said than done, Min. Wala akong alam na kompanyang tumatanggap ng applicants ngayon."

"Um.. pasensiya na, Van. Wala rin akong alam eh."

"Ay! Hijo, bakit hindi mo subukan sa Victorian pencils? Nabasa ko classified ads kanina sa dyaro na naghahanap sila ng office clerk."

Sabay silang napatingin kay Mrs. Gervacio. Kinuha pa ng nanay ni Min ang nakatiklop na dyaryong nakapatong pa sa lamesita nila at ipinakita kay Donovan ang sinasabi nito. Nang mabasa ni Donovan ang nasa job description, agad siyang ngumiti. "This might actually work.. salamat po, tita."

"Goodluck! O siya, balitaan mo na lang kami ha? At kung manliligaw ka kay Minnesota, white chocolate ang bilhin mo. Adik siya dun---"

"MAMA!"

Pero napansin ni Minnesota na hindi na nakikinig si Donovan. Mayroon ding kakaibang emosyon sa likod ng mga mata niya. Para bang tumalim ang mga mata nito sa anumang ipinapalabas sa telebisyon. When she followed his gaze, she realized that scenes from the recent fires were being shown.

Donovan sat still, his eyes a shade darker as he stared at the flames on the screen. Akmang tatanungin na sana ni Minnesota kung anong problema nang biglang mahagip ng mga mata niya ang pamilyar na bahay sa balita. Natupok ng apoy ang unang palapag ng bahay, at naroon ang Eastwood police.

When she read the news banner, she immediately paled. Noon niya lang napagtantong isang crime scene na naman ang naganap. Malamang ang Robinhood Arsonist na naman ang may gawa nito.

But of all the things she didn't expect this morning, it would be the news that...

"D-Dr. Aguirre.. is dead?!"

---

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top