CAPITULUM 48

F R I D A Y

---

Victoria Mansion
May 10, 2019
9:18 a.m.

"The police called my office yesterday."

Natigilan sa pagkain si Karies nang marinig ang sinabi ng kanyang ama. The spoonful of cream of mushroom hung in the air, unattended. Ni hindi pa ito dumampi sa mga labi ng dalaga nang ibaling na niya ang kanyang atensyon kay Mr. Victoria.

'Damn. Lalo lang yatang lumala ang sitwasyon!'

Huminga siya nang malalim at pinilit ngumiti. Bakas ang pag-aalala sa eskpresyon ng kanyang ina. Nararamdaman rin siguro nito ang namumuong tensyon sa dining room. So much for their first breakfast together in several weeks.

"A-Ano pong sinabi nila?"

Mr. Victoria's frown didn't leave his lips as he focused on his plate of lobsters.

"Pupunta sila ngayon dito. Inspector Ortega is an old friend of mine. Said he'll need to ask me some questions about ivory figurines.."

"Ivory figurines?" Nagtatakang tanong ni Mrs. Victoria.

Hindi na umimik pa si Karies. Naaalala na naman niya ang sinabi niyang kasinungalingan kahapon sa orphanage para pagtakpan si Macky. Mukhang seryosong kaso ang hawak ng dalawang detectives.

"Wala naman tayong ganoon ah?"

"Exactly! Hindi ko alam kung anong sinasabi ni Ortega na may donations daw ako sa orphanage.. that's just impossible! Puro in-cash ang donations na ibinibigay ng kompanya natin. Nang ipa-check ko sa sekretarya natin, wala naman daw sa listahan ng nabigyan ng cash donations ang Genesis." Napabuntong-hininga ang lalaki at tuluyan nang sumandal sa kanyang upuan.

He was sitting at his usual spot at the head of the table. Nasa magkabilang gilid naman ng mesa sina Karies at Mrs. Victoria. Nakahain sa kanilang hapag ang iba't ibang masasarap na pagkaing inihanda ng kanilang chef. It was all delicious. Too bad Karies just lost her appetite. Mula sa kanyang pwesto, naramdaman niya ang pagtataka at pagod ng ama.

This family breakfast would've been perfect, it not for that one little lie she told.

"I don't know if this is another one of their gimmicks against our company... Baka pakana na naman ito ng mga kaaway natin sa negosyo." Pagak siyang natawa at bumaling sa asawa, "Alam mo pa ang sinabi nila sa'kin, hon? Ang anak daw natin ang nagsabi sa kanila na galing sa'kin ang donations. That's just plain bullcrap! Hindi gagawin ni Karies 'yon... Idinadamay pa nila ang anak natin sa kalokohan nila. Tsk!"

"Kailangan ko na bang tawagan ang lawyer natin?"

Lalong nanliit si Karies sa kanyang upuan. Hindi na niya alam ang gagawin niya. She feels nervous and guilty at the same time. Kaya bago pa man siya matanong ng mag-asawang kumupkop sa kanya---at bago pa man siya makapagsinungaling ulit---she excused herself from the table and went straight to her bedroom.

"Karies, anak, masama ba pakiramdam mo?"

Narinig niyang pagtawag ni Mrs. Victoria.

She wanted to cover her ears. Lalo lang bumibigat ang pakiramdam niya tuwing tinatawag siya nitong "anak".

Nakatatak pa rin sa memorya ni Karies kung paano siya niyakap ni Mrs. Victoria nang umuwi siya kahapon galing ng orphanage. Of course, she had to make up an excuse: "nag-sleepover po kami sa bahay ng kaibigan ko, opo na-lowbat po ako, mahina signal doon", and of course, her "mother" understood her. Maging si Mr. Victoria, kamuntikan nang tinawagan ang mga pulis para mai-report ang pagkawala niya dala ng labis na pag-aalala.

Noon lang nakita ni Karies ang sobrang "concern" sa kanya ng kanyang mga magulang.

'And here I am, being a rebellious daughter.'

Nang makapasok na siya sa kanyang kwarto, agad na ini-lock ni Karies ang pinto at sumandal doon. Her eyes averted to the black bag sitting untouched at the foot of her bed. Napapikit na lang siya..

"Macky, ano ba 'tong kalokohang ginagawa mo?"

*
He placed the letter inside, zipped the back bag and smirked. Naisiksik na niya ang pera sa loob nito, kasama ang ilang mamahaling alahas. It still surprises him how much money the Aguirre family has. Hindi niya pa nalilimas ang laman ng isa pa niyang bank account!

'No wonder he's in that list.'

Naupo siya kanyang kama at kumuha ng sigarilyo mula sa pakete nito. Cigarettes are the only luxuries he allowed for himself nowadays. Pagkatapos niyang ibuga ang usok nito mula sa kanyang bibig na parang isang dragon, dumako ang kanyang mga mata sa itim na bag.

The Robinhood Arsonist frowned.

'I just wish she wouldn't show up again like last time.'

Naaalala na naman niya ang huling beses na may iniwan siyang donation sa bahay-ampunan. Nang-aasar yata talaga ang tadhana at nakasalubong niya pa roon ang dating kababata. At first, he didn't recognize her. It's been years since he last saw her. Malayo na ang histura niya sa batang babaeng palagi niyang kalaro dati.

"MACKY!"

Bullshit.

He hated it.

He hated being reminded of his past.

Mabuti na lang at hindi nakita ng dalaga ang kanyang mukha.

"Kapag sinubukan niya akong pigilan sa pagkakataong ito, wala na akong magagawa.."

Because if Kathlene attempts to stop him, he will have to kill her.

---

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top