CAPITULUM 47
Napabuntong-hininga na lang si Detective Briannova Carlos nang tuluyan nang pumasok si Nico sa loob ng bahay. 'Well, atleast he's not running inside a burning building anymore,' she thought and stared at the bible in her hand. Halang na talaga ang bituka ng demonyong 'yon para isulat pa ang code sa pahina ng isang bibliya.
In fact, Nova won't be surprised if RA accidentally burned himself for touching such a holy thing.
Gustuhin man niyang sumama kay Nico para makita mismo ang crime scene, alam niyang sa kalagayan niya ngayon, para na ring nakaposas ang mga kamay niya. She's restricted to do anything that might give Mr. Y a hint that she's still working for this case. Malinaw na idini-dismiss na siya ng kanyang boss sa kasong ito (yes, just for that pathetic video and for staining his company's precious "reputation").
Pero hindi pwedeng sukuan ni Nova ang kasong ito, lalo na't posibleng konektado ito sa kanyang nakaraan.
Nang dumaan siya sa opisina niya kanina para kunin ang mga gamit, Olympia hugged her. Their senior consultant's words still echoed in her head.
"Mr. Y is just having a bad day.. susubukan ko siyang kausapin bukas kapag gumanda na ang mood niya. For now, just don't do anything reckless. Everything's gonna be alright, Brian."
'I really hope so, Olympia. I really do.'
Kaya minabuti na lang niyang tumabi at iwasan si Officer Rizee. "Emotionally drained" pa rin si Nova sa pagkakatanggal niya sa trabaho, kaya baka bigla niyang makalimutang ibahin ang boses niya o panindigan ang kanyang suot na disguise. She waited near the gazebo and turned her back when police vehicles finally arrived.
After a few moments, Detective Nico Yukishito finally returned, this time with a smug look on his face. Hindi na kailangang maging detective ni Nova para malaman ang ibig sabihin nito...
"You found something at the crime scene?"
"Yup." Sumandal si Nico sa gilid ng gazebo at lumawak ang ngisi. Even in the dark, she can still see his dimples. "The Robinhood Arsonist made a terrible mistake, Nova. Matapos niyang paliguan ng gasolina ang katawan ni Dr. Aguirre, natalsikan ng gasolina ang suot niyang damit. I'm guessing he didn't bring any spare clothes, kaya kumuha siya ng damit sa gamit ng doktor at nagpalit sa kwarto nito."
Nanlaki ang mga mata ni Nova sa narinig, "Wait, y-you just found his clothes?"
"Nasa second floor ang kwarto ni Dr. Aguirre, kaya hindi na nakakapagtakang hindi pa umabot doon ang apoy. Fortunately, the fire had only been devouring the first floor when the firefighters arrived."
Despite the dead victim, she can still consider themselves lucky. Kung sakali palang hindi agad napatay ang sunog, baka naging abo na rin ang damit ni RA.
"Nasaan na?"
"I gave them to the Eastwood police. They'll have ECU analyze it."
Nagpakurap-kurap si Nova sa narinig. Kumunot ang kanyang noo, hindi makapaniwala sa sinabi ni Nico.
"Akala ko ba wala kang tiwala sa Eastwood Crime Unit? You always call them 'incompetent newbies' back when we handled the Heartless Killer case. Bakit parang nagbago ang ihip ng hangin?" She crossed her arms over her chest. Nang hindi pa rin nawawala ng ngiti ni Nico, alam niyang may mas malalim itong dahilan.
"The clothes aren't as interesting as what I've found inside its pants' pocket, Nova." May kinuha ito mula sa kanyang bulsa at ipinakita ito sa kasama. Isang nakatuping tissue paper. "Read what's written inside..."
Nagtatakang ibinuklat ni Nova ang tissue at binasa ang nakasulat doon:
nwod semoc esproc a, pu seog ERIF nehW
"Mirror writing?"
Umiling si Nico, nakapamulsa siya habang nakasandal pa rin sa gilid ng gazebo. "Ang 'mirror writing' ay ang pagsulat sa mga letra nang nakabaliktad o naka-flip ang orientation nito, tulad ng sa salamin. Halimbawa, a letter 'b' ay magmumukhang letter 'd' kapag naisulat ng mirror writing. It can easily be deciphered when you place it against the mirror or any reflecting surface. Sa nakasulat diyan sa tissue, nasa tamang 'orientation' pa rin ang mga letra.. yun nga lang, naka-reverse ang pagkakaayos ng mga ito. Therefore, that is not mirror writing... That is some kind of reversal writing. Try to re-arrange the letters, from right to left."
Reversing then letter arrangment, that gives...
When FIRE goes up, a corpse comes down
"When fire goes up, a corpse comes down.. si RA mismo ang nagsulat nito!" The letter slanting really gave the impression that it was written by a left-handed person.
She should know this. Detective Briannova Carlos is left-handed herself.
"Maybe this is just RA's motto. Ano naman ng kinalaman nito sa kaso? Unless you're planning to ask everyone in Eastwood what their motto is, tapos kapag pareho ito sa nakasulat dito sa tissue, malalaman natin na siya ang Robinhood Arsonist.."
Ini-imagine pa lang ni Nova na isa-isang tatanungin ni Nico ang mga tao sa Eastwood ng "What is your motto in life?" habang may bitbit na microphone at nakasuot ng tuxedo na parang pageant host, natatawa na siya. 'Gosh! Kulang na yata ako sa tulog...kung anu-ano tuloy ang naiisip ko.'
Humikab siya't pinilit pakinggan ang sagot ng kasama.
"For now, that little 'motto' of his serves as a confirmation that he's actually left-handed. It proven that left-handed people or 'southpaws' are more prone to commit writing errors at a young age. Baka sinadya niyang baliktarin ang mga letra. Maybe he left his clothes on purpose, maybe not. Sa ngayon, wala pa akong---err...tayong sapat na ebidensiya."
Nova nodded, too tired to speak.
"Detective Yukishito, naipadala na namin sa---"
Nagulat ang dalawa nang biglang sumulpot si Inspector Ortega. Agad na natigil ang hepe nang makita silang dalawang ni Nico. Nagpabalik-balik ang mga mata niya sa kanilang dalawa. He cleared his throat and suddenly apologized, "Ah.. pasensya na kung nakakaabala ako sa inyo. I hope I didn't ruin your privacy."
"It's fine, chief." Walang-ganang sagot ni Nico.
Pero ilang sandali pa, napansin ni Nova na nakatuon ang atensyon ng hepe sa kanya. "Parang pamilyar ka, miss... Pero siguro akong ngayon lang kita nakita. Anong ginagawa mo rito?"
'Nothing to worry about. Naka-disguise naman ako!'
But then again, she can't function properly with all the emotional stress and sleep deprivation.
"A-Ah.. ano po---"
Pero bago pa man siya makasagot, pinangunahan na siya ni Detective Nico. "Chief, it's getting late. Kailangan ko nang ihatid pauwi ang girlfriend ko. Just update me about the case tomorrow."
At lalong nabigla si Nova nang akbayan siya nito at akayin papalayo sa hepe na mukhang nalaglag na ang panga sa sinabi ng detective. When they were at a safe distance from the estate, mabilis na kinalas ni Nico ang akbay nito sa kanya. He emotionlessly walked with his hands in his pockets.
"You're welcome."
Alam ni Nova na ginamit lang ni Nico ang palusot na 'yon para hindi siya paghinalaan ng hepe at para makauwi na siya, pero hindi pa rin niya maiwasan ang pag-iinit ng kanyang mga pisngi.
---
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top