CAPITULUM 42

Eastwood Heights
11:04 a.m.

---

"Tita, hindi ka na sana nag-abala pa. Naku, tataba ako nito eh!"

Mrs. Alma Hidalgo smiled at the girl and ushered her to sit down. Hanggang ngayon ay hindi niya pa rin maintindihan kung bakit nahihiya pa siya sa kanya. Matagal nang kilala ng ginang ang mga magulang ng district officer, at paminsan-minsan iniimbitahan pa rin sila ng mga Mariano tuwing may okasyon. Aside from that, Mrs. Hidalgo already treats Rizee as part of the family, especially since she's in a relationship with one of her sons.

"Okay lang 'yan! Para naman magkaroon ka ng konting laman, hija. Ang payat-payat mo na.. nakakapayat talaga ang pagiging pulis." Pagbibiro niya sabay pamaywang. "Tingnan mo ako! Ang laki na ng binawas ng timbang ko sa ilang taon ko nang nasa serbisyo, susmaryosep! Hahaha!"

Rizee laughed and shook her head. The sunlight caught the blue highlights in her short hair, "Mrs. Hidalgo, maganda ka pa rin naman."

Dahil sa pamimilit niya, wala na ring nagawa ang dalaga at sumandok na ng pagkain. That made Mrs. Hidalgo smile.

"Bolera ka talagang bata ka... O siya, kumain ka nang kumain diyan. Baka daw matagalan pa sina Terrence." Napabuntong-hininga ang ginang at naupo sa katapat na silya ni Rizee sa maliit na mesa. "Dumarami yata ang mga kaso ng sunog ngayon.."

"Tuwing ganitong summer po talaga, nagiging mas madalas na ang sunog dahil sa init ng panahon. Ang sunog nga lang po yata na hindi natural ay yung gawa nung arsonist."

"Hindi niyo pa rin ba mahuhuli ang Robinhood Arsonist? Akala ko nagkaroon ng ambush kagabi?"

"Hindi po dumating ang kriminal. Napahiya lang po si Detective Yukishito, lalo na dahil sa nangyaring suicide bombing sa palengke."

At ikinuwento sa kanya ni Rizee ang mga detalyeng nasabi sa kanya ni Inspector Ortega.

Mula nang mabalitaan niya kay Rizee ang tungkol sa iniimbestigahan nilang kaso, palagi na niya itong natatanong. It was her inner 'curiosity for crime' kicking in, and even with an old age, Mr. Alma Hidalgo couldn't help but feel all hyped up. 'Kung may ganitong mga kaso siguro noong kabataan namin, baka naging mas exciting ang trabaho ko bilang pulis.'

"Baka sumalakay ulit ang arsonist.."

"Don't worry, Mrs. Hidalgo. Magro-ronda po ulit kami mamayang gabi sa buong Eastwood. Sisiguraduhin naming hindi na siya makakapanakit pa ng iba. We'll catch the Robinhood Arsonist."

Nang bumalik na sa kanyang pagkain si Rizee, saka lang napansin ni Mrs. Hidalgo na nakaupo pala ang dalaga sa upuan ng dating asawa. Their dining table was old and square-shaped, just enough to fit four chairs on each side. Nakalaan noon ang bawat upuan sa isang miyembro ng pamilya nila, pero nang mamatay si Mr. Hidalgo, labing-apat na taon na ang nakakaraan, lagi nang bakante ang naiwan nitong upuan sa kanilang hapag.

She still misses him.

The past 14 years had been lonely. Ang tanging nakapagbibigay-lakas na lang sa ginang ay ang presensiya ng dalawa niyang anak.

'Kung nasaan ka man ngayon, sana patawarin mo ako, mahal..'

Nag-iwan ang nakaraan ng mapait na mga alaala kay Mrs. Hidalgo. Mga alaalang gusto na niyang kalimutan. Mga pagkakamali. 'Casualties,' she convinved herself. Palagi niyang pinapanghawakan ang katotohanang dahil pinili niyang maging pulis, palagi kalakip na "casualties" sa kanyang buhay. And the only thing she can do is to try to "fix" these misfortunate events, for the sake of her sanity.

"Tita, ngayon ko lang yata nakita ang family picture niyong 'to?"

Napabalik sa kasalukuyan si Mrs. Hidalgo nang makitang tapos nang kumain si Rizee. Abala na ngayon ang dalaga sa pagtingin sa larawan nilang mag-anak, kuha labing-apat na taon na ang nakakaraan. Nang akmang aabutin na sana ito ni Rizee para titigang maigi, Mrs. Hidalgo immediately got up her feet and grabbed the picture frame.

She craddled it to her chest, her heart nervously pounding against her ribs.

Nagtataka naman siyang binalingan ni District Officer Rizee Mariano, bakas ang pag-aalala sa bughaw niyang mga mata.

"M-May problema po ba, tita?"

Huminga nang malalim ang ginang, hindi pa rin binibitiwan ang kaisa-isang picture frame na nakalimutan niyang itabi bago dumating si Rizee. She forced a smile to reassure her. For a moment, she wondered who she was reassuring more---Rizee, or herself?

"Wala, hija.. wala naman."

---

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top