CAPITULUM 33
Genesis Orphanage
5:10 p.m.
---
Nang mag-ring ulit kanina ang cellphone ni Karies Victoria, walang pagdadalawang-isip niya itong pinatay nang hindi man lang tiningnan kung sino ang tumatawag. She even took out the battery of her phone and placed it on the coffee table. Napabuntong-hininga siya.
'They need to stop pretending to be concerned about me. Alam ko namang busy sila. Sanay naman silang hindi kami nagkikita sa loob mansyon na 'yon buong maghapon,' isip-isip ni Karies at niyakap ang throw pillow sa sopa.
But deep inside, she knows this isn't the only reason why she's declining her mother's calls.
Dumako ang mga mata niya sa kulay itim na bag. Mabuti na lang at wala itong kasamang sulat, kundi baka nalaman na ni Mother Theresa kung kanino talaga galing ang "donations" na 'to. Karies was lucky enough to get away with this lie, ngayon ang iisipin na lang niya ay kung paano ito papanindigan.
"Hija, saan mo ba nakuha ang mga ito?" Pang-uusisa ng madre habang hawak-hawak niya ang ilang ivory figurines. A worried look crossed the elder's face. Mukhang naghihinala na ito sa ikinikilos ni Karies.
Kapag nagkataon, baka malaman pa nitong hindi talaga niya dala ang bag na 'yan.
'Shit! Hindi ko naman alam na ganyan pala ang laman ng bag eh!'
Karies laughed and tried to lighten the mood. Hindi niya alam kung paano ito ipapaliwanag o kung anong kasinungalingan na naman ang sasabihin niya, pero hangga't hindi niya muna nakakausap si Macky, Karies will keep the truth to herself.
'He's got a lot of explaining to do.'
"M-Mga lumang koleksyon kasi 'yan ni daddy, ma. Nahanap namin sa attic. He said I can donate these to charity, kaya ang orphanage agad ang naisip ko." Karies answered.
"Ganoon ba.."
"Opo. Tulungan ko na lang po kayong maghanap ng buyer ng mga 'yan."
"Salamat, anak."
Marahang tumango ang madre at kinuha ang isang figurine na hugis anghel. Its polished white surface implied that it had been neatly kept. Kung gawa nga sa ivory ang mga ito, siguradong maibebenta nila ang mga ito sa malaking presyo. Collectors would be thrilled to buy these figurines.
'Sorry, ma. Kailangan ko munang magsinungaling.. I'll tell you everything once I find Macky.'
Karies excused herself. Iniwan niya ang kanyang cellphone at mabilis na lumabas sa balkunahe ng orphanage. Napangiti na lang siya nang makita ang mga batang naglalaro sa may playgrounds. Masaya silang nagtatawanan at naghahabulan. The sight instantly made her feel a little better.
'Kung pwede lang ibalik ang oras.'
Dumako ang mga mata ni Karies sa kagubatang katabi ng orphanage. Malapit nang lumubog ang araw, pero wala pa rin siyang planong umuwi. She'll just have to call her foster parents later. Sigurado namang okay lang sa kanila na hindi siya umuwi. Tutal naman, bihira lang sila nagkikita at nagkakausap.
But just as Karies was admiring the view, a blood-curling scream ripped through the children's laughter.
"AAAAAAAH!"
Natigil ang mga bata nang marinig 'yon.
Karies' eyes narrowed when she figured out that it was coming from the forest.
"Diyos ko po! Anong nangyari?" Natatarantang tanong ni Mother Theresa na nagmadaling lumabas.
But Karies was already sprinting towards the source. Mabilis niyang tinakbo ang distansya mula sa orphanage papalabas ng gates. She ventured deep into the forest, the ground felt foreign beneath her feet. Determinating hinanap ni Karies ang pinanggalingan ng sigaw na 'yon.
Dahil alam niyang isang bata ang sumigaw.
'Baka may natuklaw ng ahas o inatake ng mabangis na hayop! Damn this..'
The Eastwood forest is full of unknown dangers.
Mabuti na lang talaga at nakasuot pa rin siya ng damit pang-jogging. Hindi nasayang ang pagbibihis niya kaninang umaga. Hinihingal na tumakbo si Karies at nilampasan ang ilang mga puno hanggang sa marating niya ang isang campsite.
And there, she saw a girl trembling in fear.
Agad niyang nilapitan ang batang babae na umiiyak na sa takot.
"Anong nangyari? Nasaktan ka ba?" Nag-aalala niyang tanong dito.
But the girl just stared at something.
"M-May... M-May sunog na k-katawan po..."
Nang lingunin ni Karies ang sinasabi ng bata, nanlaki ang kanyang mga mata. Agad niyang tinakpan ang mga mata ng bata, kahit pa maging ang kanyang mga tuhod ay nanginginig na rin sa takot. Para bang anumang oras ay maisusuka na niya ang kinain niya kaninang pananghalian.
Because only now did she notice the stench of burning meat and gasoline.
Only now that she notice the burnt human body lying on the ground.
"Shit! K-Kailangan nating tumawag ng pulis.."
Napalunok si Karies at mabilis na inilayo ang batang babae sa karumaldumal na tanawin. Sinong demonyo naman ang gagawa nito? This is just inhuman!
Ilang sandali pa, mahinang nagsalita ang kasama ang paslit. "D-Detective po ang ate ko.. pwede po natin siyang tawagan."
Sana lang hindi busy ang ate niya.
---
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top