CAPITULUM 11

Kingstone Industries
8:30 p.m.

---

Gasoline smells nicer when it is mixed with blood.

Hindi niya maiwasang mapangiti habang nanunuot sa kanyang ilong ang masangsang na amoy ng gasolina. Nararamdaman na naman niya ang kanyang pagkasabik sa nalalapit na sunog. Seeing this prestine and awfully wealthy office go down in flames is making him feel like a kid again with all the excitement and satisfaction.

Paniguradong abo na lang maaabutan ng mga awtoridad ang bangkay ng lalaking iniwan niya sa may opisina.

"Nagsisimula na ang laro, detectives. Can you catch me before I burn you in a hell hole?"

Ngumisi nang mala-demonyo ang Robinhood Arsonist at inihagis na ang nakasinding posporo. The moment the fire touched the trail of gasoline, mabilis na kumalat ang apoy hanggang sa nakarinig siya ng isang makapanindig-balahibong pagsabog.

A burst of radiance amidst the darkness.

The ground trembled beneath his feet. Unti-unting kumalat ang apoy. Isang impyerno sa mundo ng mga mortal. Isang mundong pinaghaharian ng mga diyos-diyosan na akala mo kung sinong nakaaangat sa buhay. That's the terrible thing about humanity---those who have a golden spoon shoved up their asses are the 'predators' while those who are starving for a spoonful of food are their 'prey'. Kung sinong may pera, siyang may karapatan.

Fuck equality.

'Pero magbabago na ang lahat ng iyon.' Halos mapunit na ang kanyang mukha sa lawak ng kanyang pagkakangiti..

"To burn is the best way to die.. Wala nang mas sasaya pa sa pakiramdam nang nasusunog ka't unti-unting nagiging abo! SAY HI TO SATAN FOR ME! HAHAHAHAHA!"

Kitang-kita niya ang pagkasunog mga mga papeles habang tinutusta ng nagngangalit na apoy ang bangkay ng lalaking nakapako sa pinto. Tumulo sa sahig ang kanyang dugo at halos matakpan na nito ang iniwn niyang sulat para sa kanyang mga kalaro. The Robinhood Arsonist doesn't mind. Matatalino ang mga detectives, kaya't paniguradong mahahanap rin nila ito. The fireproofing chemicals will help.

He could only wait until they realize what those numbers mean.

He pulled the hood over his head while his empty eyes watched the flames. The beautiful and enchanting flames..

'As much as I want to watch him burn alive over a bag of popcorn, it would be too risky. Baka may makahanap pa sa'kin dito.'

Huminga siya nang malalim at binitbit ang isang briefcase na naglalaman ng kayamanan. Sa pagkakataong ito, nagtagumpay na naman siya. Pero nang dumako ang mga mata ng arsonist sa kanyang braso, mahina siyang napamura. 'That bastard broke my wristwatch!'

Nang ma-corner niya kanina ang negosyante at turukan ng pampatulog, hindi inaasahan ng arsonist na makakapanlaban pa ito. The bulky businessmen smashed his arm and broke the arsonist's watch.

"AAAAAAH!"

Kaya't binali niya isa-isa mga daliri nito. Masayang pinaghahampas ng Robinhood Arsonist ang ulo ng negosyante hanggang sa magmantsa ang kanyang dugo sa sariling mesa. Nabasag pa ang mamahaling plake kung saan naka-imprinta pangalan nito sa eleganteng mga letra.

"You. Just. Fucking. Broke. My. Goddamn. Watch!"

Sa bawat salita, katumbas ito ng isang paghampas ng kanyang duguang ulo sa mesa.

The arsonist laughed demonically. Kung wala lang siyang sinusunod na schedule, baka nabalatan pa niya nang buhay ang negosyante.

"Fucking rich people.. they deserve to die in a hell I will create."

Napabalik siya sa kasalukuyan nang halos lamunin na ng itim na usok ang paligid. Sa 'di kalayuan, naalarma na rin ang mga residenteng nakatira kalapit ng pagawaan.

And with that, the Robinhood Arsonist fled the scene in a black van. Humigpit ang pagkakahawak niya sa brief case. Bitbit na niya ang perang ido-donate niya sa orphanage kinabukasan.

Inside the Kingstone Industry's office, the fire continued to devour the corpse of the dead man.

Just as planned.

"When fire goes up, a body falls down."

---

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top