CAPITULUM 09

Genesis Orphanage
1:00 p.m.

---

Karies Victoria doesn't want to leave.

Kung pwede nga lang sanang bumalik sa ampunang ito, hindi siya magdadalawang-isip na kunin ang kanyang mahahalagang gamit at layasan ang mga "magulang" niya. But running away from her new home would only prove that Mother Theresa was right---that she isn't happy inside the Victoria household. Huminga nang malalim ang dalaga at sinilip ang mga batang abala sa pagkain.

'Buti pa sila, hindi pa nila kailangang harapin ang reyalidad.'

They all sat down at a long table. The white mantle piece only adds up to the simplicity of the orhanage. Sa kanyang tabi, tahimik na inaalagaan ni Mother Theresa ang isang sanggol. Kung tama ang pagkakaalala ni Karies, isang linggo pa lang mula nang iwan ng social wellfare workers ang bata dito sa ampunan.

'Just like him...'

Mabilis siyang umiling at ibinalik ang atensyon sa mga batang nagkukwentuhan. Ilang sandali pa, nalipat na sa kanya ang topic ng usapan.

"Ate Karies! May boyfriend ka na po ba?"

The little girls giggled when they saw Karies blushed. Mabilis siyang ngumiti nang pilit at napakamot sa ulo, "Um.. wala pa."

"Hala, bakit wala?"

"Pero may crush ka po?"

"Ayiiiiee!"

"Kailangan ba meron?" This is getting awkward. Bakit ba ang hilig mang-usisa ng mga batang ito sa kanyang lovelife? "Hindi pa dumadating ang lalaking itinadhana sa'kin ni Lord. Love comes when the time is right, and I'm in no rush.."

"Eh, 'di ba dati po crush mo si Kuya Macky?"

Agad na itinikom nang bata ang kanyang bibig nang mapagtanto ang kanyang sinabi. The whole dining room fell silent. Napalunok si Karies nang marinig ulit ang pangalang 'yon. Nakalimutan na niyang naaalala pa rin ng ibang mga bata sa ampunan ang buhay nila dito noon. Some of them still remember her as Kathlene. And when they remember Kathlene, they remember her bestfriend, Macky.

Macky the weirdo.

Macky the introvert.

Macky the boy who loved to watch things burn...

May kirot pa rin sa dibdib si Karies habang pinipilit layuan ang mga alaala ng nakaraan. Hindi na niya namalayang mahigpit na pala siyang nakahawak sa kanyang kutsara. Her hands trembled at the mere thought of her ex-bestfriend.

"Matagal nang wala si Macky. Hindi na natin dapat pag-usapan ang taong matagal nang namamayapa."

Hindi sinasadyang napataas ang boses ni Karies. She doesn't want to look like she was irritated, pero nahihirapan siyang kontrolin ang kanyang emosyon. Hanggang ngayon, naroon pa rin ang pilat na iniwan ni Macky sa puso niya.

"Kathlene..."

Mother Theresa tried to hold her hand and calm her down, pero agad niyang tinabig ang kamay ng madre.

"My name is Karies." Mariin nitong sabi bato tumayo at naglakad na papalabas ng dining hall.

She walked pass the hallways and grabbed her bag in the living room. 'Baka nga mas mabuting bumalik na lang ako sa reyalidad ko,' huminga siya nang malalim at akmang aalis na sana ng bahay-ampunan nang mapansin niya ang isang kulay itim na bag sa tapat ng pinto ng Genesis.

Karies stared at the black bag lying innocently at their doorstep.

Nagpalinga-linga siya sa paligid, pero walang sinumang naroon. Out of curiosity, she crouched down and unzipped the bag.

"A-Anong...?"

Nanlaki ang kanyang mga mata nang makita ang nilalaman nito. Libu-libong pera at mamahaling mga alahas. She lifted up the golden rosary and eyed it. "S-Sino naman ang mag-iiwan nito dito?" Kabado niyang ibalik ang mga mata sa bag at sinuri ito hanggang sa mapansin niya ang sulat sa loob.

At nang mabasa niya ang nilalaman ng sulat, hindi na niya napigilan ang luhang dumausdos sa kanyang pisngi...

Dear Mother Theresa,

Consider this a donation for the orphanage. Buy the kids new clothes and healthier food. More will come, don't worry.

Love,
Macky.

---

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top