CAPITULUM 06
Eastwood
10:14 a.m.
---
When the arsonist saw the police cars pass by earlier, he couldn't help but smirk. 'Mukhang napukaw ko na ang atensyon ng mga awtoridad', nawiwili niyang isip. Good. He wonder how long before those silly detectives figure it out?
"Kung akala nila tapos na ang trabaho nila ngayong araw, nagkakamali sila."
Agad na umalingasaw ang amoy ng gasolina nang buksan niya ang takip ng container. Para bang isang drogang paulit-ulit na nakakapagpa-"high" sa kanya ang amoy nito. Gasoline reminds him of fires, deadly and magnificent fires... And burning bodies. Oh, yes! He loves watching their bodies burn with the flames he created as much as he loves stealing their money.
'Which reminds me..'
Bahagyang dumako ang mga mata ng lalaki sa bag na naglalaman ng mga pera at alahas. Mabilis niyang isinara ang takip ng container at lumapit doon. Walang emosyon siyang nagsuot ng gloves at kinuha ang kapirasong papel at ballpen sa ibabaw ng kanyang drawer. He hastily wrote something down.
Nang matapos siya rito, maingat niyang isinilid sa loob ng kulay itim na bag ang papel at ibinaling ang kanyang atensyon sa kanyang repleksyon sa kalapit na salamin. The arsonist's eyes scanned his bare shoulders.
Burnt marks.
And that's the shitty thing about the scars. They remind you about the things you want to forget so badly..
Napabuntong-hininga ang arsonist at kumuha ng damit mula sa kanyang maliit na kabinet. Ilang sandali pa, isinuot na rin niya ang kanyang jacket at binitbit ang kulay itim na bag na naglalaman ng mga mamahaling alahas at libu-libong pera.
It eases his conscience that the money he stole from that fat business man will soon be of good use.
Dinaanan niya ang ilang pang galon ng gasolina. Nakakatuwang isipin na madali niyang nabibili ang mga ito nang hindi pinaghihinalaan. Because who on earth would be suspicious if he buys extra gasoline from gasoline stations? No one.
The stench only excited him more, reminding him of his "schedule" tonight. Nang makapasok na siya sa kanyang sasakyan, bahagya siyang natawa. 'When fire goes up, a body falls down.'
The arsonist started the engine, his hands gripping the stirring wheel.
Kailangan na niyang ihatid ang donations niya.
---
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top