CAPITULUM 04
Jones' Residence
7:30 a.m.
---
"They say that when there's smoke, there's fire.. but in this case, when there's fire, there's a burnt corpse of a fat businessman."
Akala ni Detective Nico Yukishito na sa mga crime documentary at mga larawan na lang siya makakakita ng sunog na bangkay. But it looks like fate is on his side today! After how many weeks of solving boring cases brought in by boring humans, sa wakas ay magiging makabuluhan ulit ang buhay niya!
Kanina nang mai-text sa kanila ni Inspector Ortega ang address, agad siyang bumalik sa kanyang sasakyan para puntahan ito. He was about to drive away when he noticed the pink-haired detective settling herself on the passenger's seat.
Agad na napasimangot ang binata na isinawalang-bahala naman ni Detective Briannova Carlos.
"Oh? Anong tinitingin-tingin mo diyan?"
"What in the name of Sherlock are you doing here, woman?"
She rolled her eyes. "Are we seriously going to argue about this? Hinihintay na tayo ni Inspector Ortega."
"Pero---!"
"Drive."
Buong biyaheng nakasimangot si Nico hanggang sa makarating na sila sa nasunog na mansyon. Bumungad sa kanila ang ilang sasakyan ng mga bumbero at mga pulis. Naapula na nila ang sunog, at mukhang sinisimulan na rin ng Eastwood Crime Unit (ECU) ang trabaho nila.
'Stupid newbies.'
Sa labas ng nasunog na mansyon, napansin ni Nico ang tubig sa may bakuran. The light emitted rainbow colors at its surface. He made a mental note on this and proceeded to the entrance. Nang marating niya ang bukana ng mansyon, agad siyang napatingin sa mga marka sa sahig. Burnt marks that left a trail. He knew what this is.
When Chief Inspector Placido Ortega, a stout man with a thick mustache, greeted them, agad na kumunot ang noo ng gurang na hepe nang makita ang mukha ni Detective Nico.
"Is something wrong, Detective Yukishito?"
Napabuntong-hininga na lang si Nico. "This is exactly why I dislike the female species, chief. Mas mahirap pa silang lutasin kaysa sa isang murder case."
Hindi na umimik pa ang naguguluhang inspector.
Huminga nang malalim ang detective at nilanghap ang masangsang na amoy ng sunog na bangkay ng negosyante. Nagkalat sa sahig ang mga nasunog na mamahaling kagamitan. 'It's a shame such an expensive mansion went down in flames.' Sinipa niya ang ilan sa mga ito at tinitigan ang bangkay sa gitna ng sala.
Halos hindi na makilala ang bangkay.
The businessman's burnt skin cracked and almost turned to ashes. Mukhang nilamon na rin ng apoy ang buhok nito at hindi na makilala ang kanyang mukha. Nico could almost imagine how his fat and muscles sizzled while burning.
"Herman Jones, age 56. May-ari ng Jones mango plantation, ang isa sa pinakamalalaking negosyong nag-eexport ng mga produkto dito sa Eastwood. Police investigation's initial findings concludes the fire started between 9 p.m. and 10:30 p.m. last night." Nova read the file handed to her by the inspector. Mukhang hindi siya kumportableng titigan ang nasunog na negosyante. Nico couldn't blame her. It's not everyday they get the privelege of seeing charred bodies.
"And what do they think the cause of fire is?"
Nove shrugged, "The Eastwood Fire Department said it was faulty in electrical wirings. But of course, that's plain bullshit. Imposibleng magkaroon ng mali sa electrical wirings ang mansyon ng isang milyunaryong katulad ni Mr. Jones. In fact, he most probably hired the best engineers to create this mansion. Plus, wala pang tatlong taon ang tanda ng mansyong ito, base sa nabasa ko kanina sa background history niya."
'She's right. May foul play ngang naganap sa insidenteng ito.' Ngumisi si Nico at hinaharap sina Nova at Inspector Ortega.
"Oh, but I assume the Heraldic Eastwood Local Police already knows that.. kaya mo kami pinatawag dito. Am I correct, chief?"
Tumango naman si Inspector Ortega at seryosong sumagot sa tanong ng binatang detective, "We are entertaining the possibility that this was a homicide masked in a house fire. Walang laman ang safety vault ng negosyante nang mahanap namin ito sa kwarto niya. Hinala namin na ang sunog ay kagagawan ng isang arsonist. Posibleng pinatay niya si Mr. Jones matapos siya nitong nakawan, at sinunog ang mansyon para magmukhang aksidente ang lahat."
"Well, it's a good thing the police are not as blind as those stupid firefighters." Humikab si Nico at itinuro ang bangkay, "Isa nga itong kaso ng murder, chief. Indeed, the fire was used to distract us. Itinago niya ang pagpatay sa likod ng maskara ng isang house fire."
"Wait, did you just say 'murder'?" Napasimangot si Nova at humalukipkip. "Paano mo naman nabasang murder ang nangyari at hindi isang homicide?"
Humans shouldn't be confused with those two terms. Ginagamit ang salitang "murder" kung intensyunal ang pagpatay sa biktima. Madalas planado ng isang killer ang gagawin at may intensyon siyang kitilin ang buhay ng isang tao, lalo na kung may matinding galit at dahilan siya para gawin ito. Samantala, ang salitang "homicide" naman ay ginagamit kapag hindi intensyunal ang pagpatay. Halimbawa, kung aksidente lang na napatay ng isang magnanakaw ang ninanakawan niya, homicide ang tawag dito.
'I'll bet my dog, this is definitely a murder.'
That's how confident the best detective in Eastwood is.
"Isa itong murder. If you've noticed the hallway we've passed through, maaaninag niyo pa ang nasunog na security system ng mansyon. May retina scanner pa ito at yari sa metal ang mga pinto. Masyadong matataas ang mga bakod ng mansyon at nagkalat ang mga CCTV cameras. I wouldn't even be surprised if there's an alarm system there.. sa higpit ng seguridad ng mansyon, sa tingin niyo ba ay simpleng pagnanakaw lang ng pakay ng arsonist?" Detective Nico Yukishito grabbed a pair of latex gloves and crouched beside the corpse. Nakatingin pa rin sa kanya sina Nova at Inspector Ortega.
"The arsonist must be stupid to risk getting caught. Malamang ubod siya ng tanga para pagnakawan lang ang isang kilalang negosyante sa ganito kahigpit na seguridad sa mansyon. No, I think the arsonist wanted more than just the money and jewelries of Mr. Jones. The arsonist wanted to kill the businessman and already planned how to pass through this mansion's security system long before the fire."
Napalunok ang dalaga. "Kung tama nga ang sinasabi mo na planado na ng arsonist na makapasok sa mansyong ito para patayin si Mr. Jones, paano naman siya makakalagpas sa isang retina scanner?"
Nico's smirk widened as he turned the corpse's head. Lalong bumigat ang tensyon sa paligid nang mapansin nina Nova at Inspector Ortega ang isang makapanindig-balahibong katotohanan..
"Simple. The arsonist lured him outside his mansion, killed him by smashing his head, and took out one of his eye for the retina scan."
---
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top