Chapter 78
Lumabas ako ng CR pagkatapos kong suotin 'yung black suit na binigay niya sa 'kin. May CR dito sa loob ng office niya. Nakita ko siyang ngumanga nang makita ako. Tumawa ako at lumapit sa kaniya.
"Hoy, baka pasukan ng langaw 'yang bibig mo."
Agad niyang sinara ang bibig niya. "Wow!You look great."
Kinikilig na naman ako. "Thanks, hyung."
"Come here, let's take a picture together."
"Teka, nasaan 'yung coat mo?"
"Suot mo."
"Aw?"
"Yeah. Hayaan mo na. Come here, babe."
Inakbayan niya ako at nag-selfie kami sa camera niya. Mga ilang picture 'yon bago niya ibaba ang phone niya.
"I'm making this my wallpaper." Ngumiti siya sa 'kin bago nga palitan ang wallpaper niya.
Maya-maya'y may kumatok sa sliding door. Transparent ito kaya kita agad kung sino ang kumatok. Babae siya.
"Come in."
Binuksan ng babae ang pinto at pumasok. "Mr. Lee, ito po 'yung mga ia-approve at pipirmahan."
"Alright. Just put them on my desk."
"Hi." pagbati ko.
Pagkatapos niyang ilagay ang mga papel sa lamesa ay lumingon siya sa 'kin. Nag-bow siya at ngumiti nang bahagya. "Hello! My name is Courtney, and I'm Mr. Lee Donghyuck's secretary. And you are?"
"I'm Renjun. Donghyuck hyung's—"
"Boyfriend. He's my boyfriend."
Nanlaki ang mga mata ko ngunit hindi ko pinahalata. Ngumiti lang ako kay Courtney.
Napansin kong nagulat din siya sa sinabi ni Donghyuck hyung. "Nice to meet you, Renjun."
"Nice to meet you, too."
"Hey, Courtney. Since you're here, could you take us some pictures?"
Tumango si Courtney kay Donghyuck hyung at lumapit sa kaniya, "Sure po." Inabot ni Donghyuck hyung ang phone niya sa kaniya na nasa camera na.
Hinila ako ni Donghyuck hyung sa may pader at tumayo kami roon. Tumingin ako sa kaniya at nakatingin na siya sa 'kin.
"Okay lang na mag-picture tayo, 'di ba?"
"Mhm." tumango ako.
"Okay po, in 3...2...1..."
×××
Nakaupo kami sa sahig habang kumakain ng cup noodles na kinuha namin mula sa storage ng mga pagkain niya sa gilid ng office. May water dispenser din sa gilid kung saan ay may dalawang option ito; mainit at malamig.
Lumingon ako sa kaniya at naalala ko 'yung sinabi niya kanina. I'm his boyfriend. What?
"Hyung."
"Mhm?"
"Uhm, ano, 'yung tungkol sa sinabi mo kanina." Lumingon siya at ngumiti. Bumuntong-hininga ako, "Seryoso ka ba roon?"
"Alin?"
"Ano, 'yung kanina, sinabi mo kay Courtney."
"Ah, that you're my boyfriend?" Nakita ko siyang nag-blush. Hindi ko rin mapigilang mag-blush. Nilapag niya sa sahig ang kinakain niya at kinamot ang batok niya. "Uhm, I'm sorry, I should've asked you first."
"Do you like me, too?" Dahan-dahan siyang tumango. "Do you like the way I like you?"
He laughs softly, "I broke my regulations, I guess. I don't even know why and how."
Ngumiti ako nang malapad, "I like you, Haechan."
"I think I'm starting to like the way you call me by my nickname. Parang natural na lang sa 'yong sabihin." Ngumiti siya pabalik. "I like you, Renjun."
"So, may silbi pa ba 'yung contract natin? I mean, can you still be my sugar daddy?"
"Yeah, of course."
Ilang segundo kaming nagtitig ni Donghyuck hyung. Pakiramdam ko'y natutunaw ako sa mga titig niya pero at the same time ay nalulunod ako.
"Hyung."
"Renjun," He bites onto his bottom lip. "How about, uhm... will you be my boyfriend? For real."
Nanlaki ang mga mata ko. Hindi na ako nag-atubili pa at tumango ako. "Yes! Yes, hyung."
He smiles, then sighs, and laughs. "You know, this is not how I will suppose to ask you. But I guess, unplanned events are the best."
"Hindi ko rin naman kailangan ng bonggang surprise. Ang mahalaga sa 'kin ay sincere ka. Hinihintay ko lang namang tanungin mo 'ko."
"Would you also like to be Brittany's second father?"
Napanganga ako. From Kuya to Papa real quick. "Of course!"
"Hoy!" Nagulat kami nang may magsalita. Lumingon kami sa may pinto. Si Doyoung hyung. "Bakit hindi mo sinabing sinama mo rito si Renjun?"
"Hi, Doyoung hyung."
"Hello, Renjun!" Kumaway siya habang naglalakad papunta sa 'min. Nang makalapit ay umupo siya sa tabi namin. "Nagkaayos na pala kayo."
"Mhm, kahapon lang."
"Hey, I like your new hair! Bagay sa 'yo. Grabe 'yung drastic change, from that long two-toned hair to this short military cut. Ang tapang mo!"
Tumawa ako. "Thanks, I guess."
"So, hindi ka pumasok today sa school niyo?" Tumango ako.
"Excuse me, Mr. Kim, get back to work!" biglang pagsingit ni Donghyuck hyung. Tahimik akong tumawa nang makitang ngumuso si Doyoung hyung.
"Yes, sir." Mas lalo akong natawa nang nag-bow si Doyoung hyung kay Donghyuck hyung.
"Just because you're my friend, doesn't mean you can just barge into my office anytime you want. You didn't even knock first, how rude of you." Tumayo si Donghyuck hyung. "Get up!"
Tumayo na si Doyoung hyung, "I'm sorry, sir."
"Sorry?" he raised an eyebrow, "Next time, learn how to knock, 'kay?"
"Donghyuck—"
"Get out of my office!"
"Mr. Lee?"
"Now!"
Nakita ko 'yung panic sa mukha ni Doyoung hyung bago siya umalis ng office ni Donghyuck hyung. Sinara niya ang pinto bago siya tuluyang makalayo.
"Whoa!"
He winks. "That's for telling the manager I'm just the CEO's assistant. How dare he disrespect me like that just because we're friends?" Bumuntong-hininga siya at muling umupo sa sahig.
"Pero hoy, kitang-kita ko talaga 'yung takot ni Doyoung hyung kanina."
"Sinabi ko na sa kaniya dati na habang nasa trabaho siya, hindi kami magkaibigan."
"I think you're a good CEO, great even."
"By the way, may mga file pa pala akong aasikasuhin. Feel free to roam around my office."
Tumango ako at pinanood siyang tumayo at maglakad papunta sa malaking upuan niya.
-
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top