PROLOGUE

Nagising ako mula sa isang malalim na pagkakatulog ng tumambad sa akin ang isang maputing kwarto na halos lahat ay maputi. Inilibot ko naman ang paningin ko sa loob at nagtaka kung bakit ako napunta dito. Bumangon naman ako at bahagyang hinawakan ang aking sentido ng makaramdam ako ng kirot at napansin ko naman ang suot kong pareho pa rin kagabi.

Putek na yan anong nangyari at bakit sobrang sakit nitong ulo ko?!

Then suddenly, I remember that me and my best friend Karsen went to the bar last night and unwind narin dahil sa sobrang stress namin sa pag-aaral.

Party

Drinking

Dancing

At sigurado akong wala akong kalaplapan kagabi kahit sobrang lasing ko na. Hindi naman kasi ako katulad nang iba na porket pumunta na sa bar ay gusto na makipaglaplapan o naghahanap ng kalaplapan. Maliban nalang sa ulopong ko na kaibigan na hindi ko alam kung nasaan ngayon.

Okay, ang defensive ko sa part na yun kahit walang nagtanong.

Yun nalang ang huling naalala ko bago ako nawalan ng malay. Muli ko namang nilibot ang tingin ko sa kwartong ito at nagpasyang bumangon ng maramdaman kong medyo nawala ang sakit nitong ulo ko. Tumungo naman ako agad sa pinto at binuksan ito at nagpasyang lumabas.

Napanganga naman ako sa nakitang napakagandang bahay na ito, hindi ko alam kung bahay pa bang matatawag 'to o palasyo sa sobrang laki at lawak. Nilingon ko naman ang gilid ko kung saan may nakita akong hagdan na kulay puti pababa, kaya hindi na ako nagdalawang isip na lumakad papunta rito habang patingin-tingin sa paligid. Pero ang ipinagtaka ko lang ay kung bakit parang wala yatang tao? Bakit wala yatang mga maids? Diba pagsa ganitong kalaking bahay may mga maids na naglilinis sa paligid? Pero ngayon wala akong makita maskin isa. Ipinagkibit balikat ko nalang yun at dali-daling bumaba kasi gusto ko naring makauwi sa bahay.

Paniguradong hinahanap na ako ni nanay ngayon at magbu-bunganga na naman yun pag nalaman nun na hindi ako umuwi.

Ilang saglit pa ay pagkarating ko sa ground floor na yata 'to, mula sa 3rd floor na pinanggalingan ko kanina. Sa sobrang taas ay may nakita akong maraming pinto, pero hindi ko alam kung saan ang daan dito papunta sa labas.

Nakakagago naman oh! Asa'n ba kasi ang mga tao dito para makapagtanong ako!

Hindi nalang muna ako nagtungo sa isang mga pinto at nagpasya na hanapin kung nasaan ang kusina dito. Baka maligaw ako gagi, kaya mamaya nalang at hintayin ko nalang ang may-ari nitong bahay. Tangina nagugutom na ako kanina pa yawa. Hindi ko alam kung anong oras na ngayon. Wala naman kasi akong relo at cellphone. Dukha ako eh pakialam niyo ba. Naglakad-lakad naman ako agad at muntik pa talaga akong maligaw sa napakalaking bahay na'to. Kung hindi ko pa nakita ang may isang maliit na name tag yata sa taas na kitchen ay hindi ko pa ito mahahanap.

Luh may pa ganito pala pero bakit dun sa mga pinto wala?! Hustisya naman!

Dali-dali naman akong nagtungo sa pinakamalaking ref at pagbukas ko ay wala akong ibang nakita bukod sa isang plastic na may nakatatak na cereal. Ito yata yung pagkain ng mayayaman na rich kid na nababasa ko sa wattpad, eh. Oo nagbabasa ako nun kahit wala akong cellphone, pero kay nanay ang hiniram ko. Wala lang share ko lang. Kinuha ko naman ito at naghanap ng gatas sa cabinet at thankfully ay meron naman akong nakita kaya agad ko narin itong tinimpla at nilagay sa isang babasagin na baso. Ilang sandali pa ay nagsimula naman na akong kumain.

Total wala naman yata ang may-ari nitong bahay na'to ay lulubos-lubosin ko na. Bahala na mamaya pag dumating sila.

Sakto naman na kakaubos ko lang sa kinakain ko ay nakarinig ako ng ugong nang isang sasakyan at mga taong nag-uusap na boses ng mga babae papasok dito sa loob. So babae ang may-ari nito? Pero bakit mukhang madami yata sila? Baka bahay ampunan talaga 'to pero ginawa lang nilang palasyo para sosyal. Tama ganun na nga! Ilang saglit pa ay narinig ko naman ang mga boses nitong papalapit na kaya dali-dali akong nagtago sa likod ng malaking ref dala ang bowl at baso na ginamit ko. Pucha, buti nalang hindi dikit sa pader ang pagkalagay nitong ref at hindi masyadong mainit sa likod kasi may telang nakaharang. Palapit na sila ng palapit, kaya naririnig ko na ng malinaw ang mga boses nila.

"Oh, why are you alone? Where is she?" Ani ng boses ng isang babae. Ang sexy niya magsalita ah infairness, pero kahit ganun ay ramdam ko ang lamig na nagmumula dito.

Dati ba siyang ice cube? Pero teka ako ba hinahanap nila? Malamang oo.

"Obviously, she's not there; that's why I'm here." Boses nung sumagot na halata ang taglay nitong katarayan. Hindi ko pa nakikita ang mukha niya, pero sa tingin ko isang sulyap ko lang sa kanya tataasan na ako niyan ng kilay.

"What? What are you talking about that she is not there?!" Muntik na akong mapatakip sa aking magkabilang tenga sa lakas ng boses na yun. Buti napigilan ko at naalala kong may bitbit pala ako. Huhu, mommy, help!

Ano ba naman kasi ang babaeng 'to dati ba siyang torotot? Ang OA niya mag react ah.

"Will you please stop shouting?! Tch, you're so overacting. Put the grocery items here and let's find her. Let's go." Kung may ilalamig pa yung boses kanina ay doble naman yung huling nagsalita. Hula ko apat sila at ilang sandali pa ay narinig ko nalang ang mga yabag ng mga ito palalayo. Dali-dali naman akong sumilip mula sa pinagtataguan ko to make sure na wala na talaga sila.

Area clear.

Nagmamadali naman akong nagtungo sa lababo para hugasan yung kinainan ko. Hindi naman pwedeng iwanan ko nalang 'to dito baka malaman pa ng mga yun na dito ako galing kanina. Nang matapos ako ay pinahid ko naman ang basa kong kamay sa maliit na towel na nakasabit sa gilid. Ilang sandali pa ay narinig ko na naman ang mga yabag ng mga ito na pabalik, kaya mabilis akong nagtago sa ilalim nang lamesa at tahimik na nagdadasal na sana ay hindi nila ako mahuli. Panigurado pag nahuli ako niyang mga yan kakasuhan nila akong magnanakaw huhu, pero naisip ko na bakit naman nila ako kakasuhan? Diba dapat ako ang magsampa sa kanila nun kasi sa pagka-alala ko ay sila yata ang nagdukot sa akin? Oo nga nu at buti naisip ko yun!

"Arghh, fuck, where do you guys think she went? The doors are all locked, so it's impossible if she skips that fast." Ano daw? So sarado pala ang mga pinto at imposible pang makalabas ako dito? Gagu!

Tangina ano na gagawin ko ngayon?! Huhu ayaw ko makulong dito kasama sila. Hindi ko naman kasi kilala!

"It's not possible if she skips or runs away that fast. She is like the flash if you guys didn't notice that after we saw her at the bar last night running away from us even though she is hella drunk." Tangina ako tumakbo? No wonder kung bakit nahimatay ako bigla saktong pagkalabas ko ng bar. Ngayon ko lang naalala na may mga tao palang hinahabol ako nun at hula ko ay silang apat yun.

Pero ang ipinagtaka ko ay bakit nila ako hinahabol? May nagawa ba ako sa Kanilang Kasalanan? May utang ba si nanay na hindi nabayaran kaya nagpasya siyang ibenta ako sa mga babaeng 'to? Kung ganun aba hindi ako papayag tsk. Kailangan ko na talagang makatakas sa lalong madaling panahon para makausap ko si Nanay at Masermonan Narin.

"Wait, let's check the CCTV footage first."

"Right. I forgot that there was a CCTV all around in this house."

"Let me check my phone."

Putangina lagot na. Bakit hindi ko naisip na imposibleng may CCTV pala ang mala palasyong bahay na'to! Ilang sandali pa ay narinig ko naman ang pagtahimik nila kaya sisilip na sana ako ng makasalubong ko ang isang matang matalim na nakatitig sa akin habang nakataas ang isang kilay.

Tangena ipusta ko ang gagamba ko sa bahay na ito yung mataray na babaeng panay salita kanina.

"What do you think you're doing down there, Cara Mia? Ramdam ko ang diin sa boses nito, pero hindi ko na narinig ang huling sinabi niya kasi bukod sa pabulong nalang yun ay nagsulpotan narin ang tatlo pa habang masama ang tingin sa akin.

Hohoho pota mama help baka ipalapa ako sa aso nitong mga strangers na'to.

"Go out there." Isang madiin at sobrang lamig na boses ang nagpatigas sa akin at the same time ikinakaba ko rin. Siya yata yung sobrang lamig kanina magsalita at makikitaan mong walang emosyon sa kanyang mukha.

Cold

Lifeless

Dull

Uninterested

Huminga naman ako ng malalim at nagpasyang lumabas mula sa ilalim ng lamesa kung saan ako nagtatago bago ayusin ang gusot kong damit at buhok kong hanggang balikat ang ikli. Nang matapos ako sa ginagawa ay napaangat naman ako ng tingin sa mga babaeng nakatingin lang sa ginagawa ko na may paghanga sa mukha?Eh? Ewan ko kung dinadaya ako nitong mga mata ko, pero yun talaga ang nakita ko eh. Kumurap naman ako nang isang beses at tinignan ulit sila, pero ngayon ay wala ng mga emosyon ang kanilang mukha.

Bilis naman magbago ng mood nitong mga 'to.

"Why are you here in the kitchen?" Salita ng babaeng medyo matangkad na payat, pero napakaamo ng kanyang mukha kahit na wala itong emosyon. Ang tangos din ng kanyang ilong at singkit ang mata. Chinese yata 'to eh.

"All the doors are locked, so how can you manage to get out?" Yung babaeng maputi, matangos ang ilong na kamukha nung crush kong si Dasha Taran ang nagsalita na naging dahilan para matulala ako sa aking kinatatayuan habang nakatitig sa kanya. Pota ang ganda huhu.

"Why are you not answering our questions? Are you mute?" The medyo morena gorgeous girl naman ang nagsalita, at pansin ko lang na kakaiba ang kulay niya sa apat at ang boses niya ay hindi masyadong malamig na medyo may lambing. Ang ganda rin niya at kahawig niya si ano-ewan nalimot ko na basta Hollywood singer yun!

"Are you planning to stand there all day and look like a dumb and pretend to be a mute? You look crazy." And last but not the least, ay yung babaeng pinaglihi yata sa engkanto sa sobrang sama nito makatingin sa akin na may halong disgusto sa kanyang mukha. Luh bakit naman ganyan siya makatingin? Parang ayaw niya yatang nandito ako ah, hmp! Sayang maganda sana siya o pinaka sa kanilang apat, kasi bukod don ay blue ang kulay ng kanyang mata. Hard pass sa masama ang budhi, lol.

I decided to calm myself and cleared my throat, bago nagsalita. "Bakit ako nandito?Sino kayo at bakit niyo ako kinidnap?Alam niyo bang pwede ko kayo kasuhan sa ginagawa niyo?" Sunod-sunod din na tanong ko sa kanilang apat. Aba! Sila lang ba ang marunong tsk. Napansin ko naman na nagkatinginan sila na parang nag-uusap gamit ang kanilang mga mata bago muling sabay na tumingin sa akin.

"I'm your wife."

"We are your asawa."

"I have no choice but to be your wife, even though it disgusts me."

"I'm your wife too, hubby."

Wait teka...

loading..

processing...

digesting....

Asawa? Wife? What the heck?!! Nanlaki naman ang mata ko nang maproseso ang kanilang isiniwalat.

"WHAT THE FUCK?! ANONG SABI NIYO?!!"

Grabe yung pagproseso ko bago nakapagsalita. Potangina. Ano daw? Mga asawa ko sila? How? Paano nangyari yun na gayong wala naman akong pinakasalan? Mas lalong wala akong jowa para magkaroon ng asawa! Take note, apat pa sila!

"Don't shout will you? Tss your so OA. Whether you like it or not, we are your wives from now on. Tsk disgusting." Mukhang homophobic ang yelo na ito. Nandiri pala pero bakit inaangkin ako nitong asawa?

"She's right, hubby, and you have no choice but to STUCK WITH US forever." Yung morena na mukhang pilya ang nagsalita sabay kindat sa akin habang may ngisi sa kanyang labi.

Napasapo nalang ako sa aking noo sa kunsimesyon sa nangyayari ngayon sa akin.

Shuta, I need BDO to find ways to run away from them.

--

A/N: I would like to thanks pala sa mga bading diyan na nag suggest sa mga names nila na ginamit ko na ngayon. Their names is so unique and I love it. Thank you sa inyo ❤️

Ps: Don't expect too much from this story kasi hindi ko forte ang ganito. Kumbaga sinubokan ko lang ang genre na 'to haha 😂

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top