๐ณ๐๐ ๐บ ๐ฏ๐บ๐๐บ ๐ช๐บ๐ ๐ข๐๐๐๐
ย -๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐ ๐ ๐๐ ๐๐๐ ๐ ๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐-
โซโซโซโซ
Hoy crush!
Alam mo bang gusto kita?
Hindi mo yun alam dahil hindi ko naman sayo sinasabi,
hindi ko nga alam kung bakit yun nangyari,
kahit na ako'y asar sayo palagi.
Hoy crush!
Inis ako sayo.
Inis ko sayo'y tagos hanggang buto,
gusto ko lang malaman mo,
sarap mong sapakin, halika nga dito.
Hoy crush!
Ano bang problema mo?
Hindi naman kita dyan inaano,
wala naman akong ginagawa sayo,
gusto mo lang yata ng atensyon ko.
Hoy crush!
Bakit di mo sabihin sakin,
na ako'y gusto mo rin,
wag kang mag alala,
ikacrushback din naman kita.
Hoy crush!
Bwesit ka alam mo ba?
Dahil sa tuwing nandyan ka,
tibok ng puso ko'y lumalala,
sistema ko'y nagwawala.
Hoy crush!
Palagi kong hinihintay presensya mo,
pang aasar mo'y inaabangan ko.
Gusto kong araw arawin mo,
dahil doon ako'y napapasaya mo.
Hoy crush!
Huwag ka sanang magugulat,
kung ako sayo'y magtatapat.
Ipagtatapat aking damdamin,
pwede bang dito ka na lang sakin?
Hoy crush!
Kung iyo mang malaman,
aking pagtinging sayo'y nakalaan,
huwag sana akong iwasan,
sana'y walang awkward sating pagitan.
Hoy crush!
Salamat sayo!
Salamat dahil ako'y pinapasaya mo,
ikaw lang ang gugustuhin ko,
penge muna kiss mga tatlo, para i love you!
๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐ ๐๐ : ๐๐๐ข๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐
Bแบกn ฤang ฤแปc truyแปn trรชn: AzTruyen.Top