TS4

Nang makarating ako ng classroom ay rinig na rinig ko na ang boses ni Angelika at Jinace. Kahit kailan talaga ang iingay. I went straight to them at alam kong nagsisimula na naman silang mag chika. Magkatabi ang mga mag jowa, as usual. Nasa tabi ni Jinace si Kurt at tumatawa ito.

Ano kayang meron?

Nilagay ko muna ang bag ko at narinig ko ang boses ni Hannah.

"Nasaan na ba si Angel? Alam niyo nitong mga nakaraang araw, late na 'yon. Baka nagka problema na naman iyon." I heard her sigh. Wair, hindi nila ako nakita?

"Oo nga baka inaway na naman ni," I heard Jinace said pero naputol ito. "Nevermind. Tawagan niyo nga!" Napatawa ako ng mahina. Hindi talaga ako nila napansin. I let down my hair and curl it a bit. First time ko ata ginawa ko usually kasi ay naka ponytail ako.

My phone ringed at napatingin silang lahat sa akin. May naramdaman ako sa likod ko at kinilabit ako.

"Hello? New student---shuta Angel?!" Hannah exclaimed. I laughed at her reaction.

"Hi?" Alanganing sagot ko.

"Hoy, bakit may pa ganyan kang nalalaman?" nanlalaki ang mga mata nila. I touched my hair and smiled.

"Bagay ba? Trip ko lang magpaganda," sabi ko sabay upo sa tabi ni Kurt.

"Baka nagpa ganda kay crush niya." and they started teasing me.

"Siguro, andyan nga sa tabi niya si crush diba?" Phobe said and giggled. They all teased me at nahiya naman ako.

"H-hoy hindi mga gaga!" I said.

"Sus, deny deny pa. Diyan din kami nag simula oy!" Hannah said. I laughed at bumaling ako kay Kurt na ngayo'y nakatitig sa akin.

"B-bakit?" na conscious naman daw ako.

"Hinay hinay sa pagtitig, baka ma fall." Alex said while laughing.

"You look good." Kurt said

Tumibok ang puso ko.

"Ha? S-salamat?"

"Ay kailangan mag stutter sis? Kilig ka ba ieee?" Jinace teased me at napatawa na lamang ako.

That's the first time Kurt complimented me. My heart is so happy. Sa ganoong gestures niya ay kinikilig na ako.

Natapos ang klase at lunch na. Nasa mcdo kami ngayon since walang pasok ngayong hapon dahil may meeting ang mga teachers. Nag order na sila Christopher at Jinace at naiwan kaming walo sa mesa. May sariling mundo ang mga magjowa at nag-uusap naman si Kathlen, Phobe, Jeyden at Mikael. Ay by partner sila sis? Sana all.

Kurt is busy with his phone siguro ay tinetext si Glydel. Sana all ulit.

"Ayaw payagan ng papa mo si Glydel?" biglang tanong ni Kurt sa akin. I nodded at him.

"Are you okay?" Napatingin ulit ako sa kaniya.

"Huh? Of course I'm fine. Why?"

"You're not looking at me."

"Do I have to look at you?"

"In order for a communication to be effective, we must maintain the eye contact Angel." I looked at him.

"Are you lecturing me?"

"No, I am just stating facts." sabi nito at tumawa. I laughed also. Kahir awkward man ay tumawa ako.

"Hindi talaga makakasama si Glydel?" He asked. Oh. Baka nagsumbong na ang bruha.


"Yeah, hindi siya pinayagan." I answered him.

"Sayang pala kung ganoon," he said again.

"Kaya nga, she really wants to come pa naman. But I understood papa and mama's side tho." ani ko. Dumating naman na ang order namin at nagsimula na kaming kumain.

"By the way, may performance next week at baka may kunin daw na performers sa atin." Hannah started.

"Sus, ikaw naman na ata magpe-perform. Ikaw pa ba?" I said. She laughed a bit and shook her head.


"It's a group performance. Sasali ka beh ha?" Hannah replied. I was stunned. Napatingin si Kurt sa akin.


"Ha? Hindi naman ako kumakanta at sumasayaw beh. Kayo na lang siguro hehe," alanganing sagot ko.


"Iyong kapatid mo na lang kaya?" palusot ni Angelika para hindi mahalata ni Kurt.

"Ah oo, I'll talk to her." sagot ko at nagpatuloy kami sa pagkain.




Matapos kaming kumain ay dumiretso kami ng school at nagpahinga. Since walang pasok ay may free time kami. Nagpunta ng sinag si Hannah at naiwan kami dito. Napaka busy person talaga.



The boys are playing ml at nag-uusap kaming apat na mga babae.



"Smiling ka today beh." Phobe commented at napatawa ako.


"Oh tingnan mo! Tumatawa ang gaga!" natatawang saad ni Angelika.

"I'm just keeping this vibes, nagkaayos na kasi kami nila mama at papa."

"Wait, did you just call your step mom, mama?" shocked was written on their faces. I nodded and smiled.

"I just realized things, nag-usap kami kagabi. Naiintindihan ko na siya at natanggap ko na rin." saad ko pa

"We're happy for you Angel, pero sumali ka nga kasi doon sa performance. Solo mo!" Jinace said. I sighed at napatingin kay Kurt.

"Kahit naman sumali ako ay wala namang mangyayari." Sabi ko sabay hilig sa upuan.

"Ah basta sasali ka, submit your entry tomorrow." ani Angelika sabay punta sa jowa niya.

"True sis! Sayang opportunity grab mo na Angel" bulyaw sa akin ni Phobe.

Nakabalik na si Hannah at nag-usap usap na kami kung anong oras kami magkikita bukas. Bukas na pala ang punta namin sa resort nila Alex. Excited na ako.

"Basta girls ha, bring your swimwears!" Hannah squeaked

"Ano bang meron sa swim wears beh?" sagot ko sa kaniya. Umirap ito.

"Oo nga, mas mabuting wag na kayong mag swim suit swim suit!" padabog na saad ni Alex at sumimangot si Hannah.

"Porket sexy ka ganyan ganyan ka sa amin!" bulyaw ni Phobe at napatawa kaming lahat. Matapos mag-usap ay napagdesisyunan na naming umuwi dahil alas syete na rin ng gabi, we already had our dinner sa mcdo at narito na kami sa labas.

"Text na lang tayo bukas guys, see you! Una na kami!" Alex said at inakay na ang girlfriend niya. Hannah bid her goodbye at naiwan kaming sampu dito.

"Sama na tayo," saad ni Phobe kay Kathlen.

"Kami rin, sama na kami sa inyo baka mapano pa kayo sa daan." saad ni Christopher sa kanila at humarap sila sa amin.

"Kayo?" tanong ni Jinace.

"Ha? Ah ano, sasakay na ako dito. Malapit na rin naman sa bahay 'to." saad ko pa at ngumiti sa kanila.


"Samahan mo na 'yan Kurt, una na kami ha? Kita na lang tayo bukas."

"Hoy Kurt, alagaan mo 'yang kaibigan namin masasapak kita!" Angelika glared at him at napatawa si Kurt.

"Oo na, alis na dami pang sinasabi eh," Kurt said at nagsialisan na nga sila. Nagsimula kaming maglakad ni Kurt at sobrang awkward! Depota, mas mabuti pa siguro na sumakay na ako kanina!

"By the way Angel, nasa lahi ba ninyo ang singers?" Kurt asked all of the sudden.

"Ha?" I asked back. Ano daw?

"Nasa lahi ba ninyo ang pagiging singer-songwriter?"

I was shocked at was he asked.

"W-wala naman. Ba-bakit?"

"Glydel's voice is so good! I keep on listening to it every time I went to sleep. Minsan nga iniisip ko kung boses niya ba talaga 'yon, I mean it doesn't match her. I know it's bad pero parang ibang boses ba, ganoon?" He said. I looked at him. He listens to my voice every night? Natuwa naman ako doon.

"Paano mo naman 'yan nasasabi?"

"You know everytime I asked Glydel to sing in person, ayaw niya kasi nahihiya siya. Kaya naman pinaparinig niya na lang sa akin ang mga recordings niya. There's this one cover that I really love," saad niya at napataw ng kaunti.

"What song?" I asked. Marami na rin kasi akong na cover na kanta at halos lahat ata ay nadoon kay Glydel.

"Heaven by Ailee. Ang taas pala ng boses niya ano? Nakaka in love lalo." Kurt chuckled.

Aray.

"R-really? You think...so?" tanong ko sa kaniya.

So gusto niya ang kanta Heaven. I love it also. Sa lahat siguro ng kinanta kong cover iyon ang nagustuhan ko kasi aside sa korean ito ay gusto ko ang daloy ng kanta.



"Oo, ikaw ba? Kumakanta ka rin?"


Oo. Sa akin lahat ng kanta na pinaparinig ni Glydel sa'yo. I want to tell him that but as much as possible, ayoko. Ayokong manira.



"Na-naku, h-hindi eh." natatawang saad ko. Sige. Magsinungaling ka pa Angel.


"Sayang, anyways, I hope I can hear Glydel sing live. Gusto kong kantahin niya 'yong Heaven." saad ni Kurt. Nasa harap na pala kami ng bahay.


"Dito na ako Kurt, don't worry... I'll tell Glydel that." saad ko pa. He nodded and smiled.


"Salamat sa paghatid sa akin Kurt. Ingat ka." Kurt smiled at me and that melted my heart.


"Walang anuman, sige pasok ka na." saad nito. I nodded and went inside.


Napangiti ako pagkapasok ko ng bahay. Bigla itong naputol ng makita ko si Glydel na nakatayo sa harap ko, glaring her eyes on me.

"Ano?" I asked her.

"Talaga naman 'no? Una si mama, tapos si papa ngayon naman si Kurt. What the hell is wrong with you?" she asked me. Halatang nanggigigil ito.


"Look Glydel, Kurt was just being nice. Hinatid lang ako ng tao, isa pa barkada ko siya. What's wrong with that?" I told her.


"What's happening here?" I heard papa's voice.

"Pa! Inaagaw sa akin ni Angel ang boyfriend ko!" Glydel shrieked. Nanlaki naman ang mga mata ko sa sinabi niya. What the hell is she saying?


"What? Anong sinasabi mo Glydel?" Mama interrupted.


"Pa, ma, I swear Kurt was just being nice. Hinatid lang po ako kasi madilim na at isa pa wala naman pong ata masama kasi kabarkada ko si Kurt pa." I explained.

"Hinatid lang naman pala anak, ba't ka agad nagagalit? Haynako, Angel anak may binili ang papa mo para sa'yo. Go to your rooms now at ikaw Glydel mag-aral ka na. Huwag puro boyfriend ang inaatupag." Mama scolded Glydel at napairap si Glydel sa akin. I mentally laughed. What now brat?


"Thanks ma at pa. Panhik na po ako." sabi ko sabay halik sa mga pisngi nila. Alam kong nagugulat si Tita sa mga pinanggagawa ko. Pero masaya naman ako.

Kaya lang, hanggang kailan ako magtatago kay Kurt?

----------------

Omg. I know super duper late update! I'm so sorry. I got busy fangirling over gfriend, bts, txt and svt that I didn't notice na hindi na ako nakakapag-update. Anyways, enjoy this chapter and stream apple people! Weeee hooo wow wow wow wow!

Affinegoddess

Bแบกn ฤ‘ang ฤ‘แปc truyแป‡n trรชn: AzTruyen.Top