TS14

Dalawang araw na ang nakalilipas at hanggang ngayon ay hindi pa rin kami nakakapag-usap ni Hannah. I sighed. What is happening?

Nandito ako ngayon sa bahay at nagmukmok. Hindi ako pumasok the whole day at nagdahilan na nagkasakit ako. I have to make a way. Hindi pwedeng ganito na lang kami palagi. Pati mga kaibigan ko nadadamay na.

Pansin ko rin ang paglayo ng agwat namin ni Kurt. He's not talking to me. And it really bothers me a lot. May nagawa kaya akong kasalanan?

Glydel became an instant celebrity in school. Sobrang iyak ko kahapon nang marinig ko ang boses ko na pinapatugtog sa speaker. She receive a lot of good compliments. At heto ako, uto uto pa rin pagdating kay Glydel. She told me to make another song para bukas sa presentation.

Ako dapat 'yon. Ako dapat ang busy at naghahanda para bukas. Pero duwag ako. Nauunahan ako ng takot. Takot na baka hindi magustuhan ng tao ang gagawin ko. At hanggang ngayon takot pa rin ako. Tama si Hannah. Ang dali kong sumuko. Ang dali kong sukuan ang mga bagay na dapat sa akin naman talaga.

I sighed and closed my eyes. I wonder what would be Kurt's reaction the moment he'll knew that it was my voice all the time?

Magugustuhan niya din ba kaya ako, gaya ng pagkagusto niya kay Glydel? Or was it just my voice that he really loves? Tumayo na ako at nag-ayos. I'm going to meet my friends.

I'm about to went out nang makita ko sa sala si Kurt. I got confused. How does he know na I'm here? I never told him na lumipat ako. Not unless my friends told him?

"Kurt?" I called his attention. He looked at me and smiled. Nagtaka naman ako sa inakto niya. I thought we're not good?

"Hey," he replied.

"Anong ginagawa mo dito? Paano ka nakapasok? Paano mo nalaman na nandito ako?" sunod sunod kong tanong. He chuckled.

"Take it easy, will you?" he said. Ay? Ganoon lang?

"Kurt, seryoso ako."

"Your friends told me, how are you here? Bakit hindi ka pumasok?" He asked while roaming around the house.

"Kurt, seriously, anong ginagawa mo dito?" I seriously asked. He smiled again. What's with him?

"I know everything," napakunot naman ang noo ko.

"What are you talking about? Anong alam mo?"

"I know you story, that you sing and Glydel issues, and yeah, so much more."

I frozed. What the hell is he saying? Paanong nalaman niya? Who told him?!

"W-what?"

"Alam kong kumakanta ka Angel, I knew you sing." he seriously said. I couldn't look at him.

"Why are you doing this for yourself? Why are you letting Glydel destroy you?"


"Wala naman na akong magagawa,"

"There is. Nandito kaming mga kaibigan mo. We can help you. Prove her wrong!" he seriously said. I sighed and looked away.


Ilang beses na akong sinabihan ng mga kaibigan ko na dapat ay mag voice out na ako. Pero bakit hindi ko kaya? Natatakot ako, oo.


"I'm scared Kurt." I said.


"I'm here. Angel, I'm here."


I looked at him. Kurt, why are you doing this to me? Nahihirapan ako. I can't even think straight. I sat down at inayos ang hoodie ko.



"Kailan mo pa nalaman?" I whispered.



"The moment we went to Alex's resort. I heard you two talking. Bakit ka natatakot na sabihin sa akin?"



Eto na ba talaga? Should I really tell him everything? Pero nahihiya ako. I stare at him for so long. He smiled.





"You see, Glydel really likes you. The moment she knew I write songs and sing, she told me to write a song for her and record it. Hindi ko alam na sa'yo na niya pala binibigay iyon. I don't want to ruin anything, she's my sister. Ayokong saktan siya. Pero mas lumala lang, she keeps on pushing me to write and record everything dahil akala niya gusto mo na siya. Nagustuhan mo ba talaga siya?"



Huli na ng marealize ko ang tanong ko. What the hell Angel?


I heard him chuckled. Wag kang tumawa potangina, nahihiya na ako dito!



"What do you think?" he teased me. I glared at him.




"Gago. Sabihin mo na lang, dami mong alam!" singhal ko.





"Yes, yes I do like her, the moment I hear the record, I fell in love with it. Kung naalala mo ang sinabi ko noon? Na parang sobrang imposible na boses niya 'yong sa record? Nag doubt ako. Mas lalo akong naguluhan ng narinig ko kayo ni Alex, at nakompirma ko nga." he said. I thought he was sleeping that time!




"And the scene the other day, doon na ako mas naniwala. I'm sorry, hindi ko alam na---"





"No it's okay. It's also my fault, I was too scared to tell you that I was the one who was singing and not her."







"Do you like me Angel?" he suddenly asked. I stiffed. Umiwas ako ng tingin at tumayo.





"Now you know, you can now leave. May pupuntahan pa ako eh," hindi ko pa kayang umamin. Not now.




"I said, do you like me?" hindi ito nakinig sa akin at nakaharap na rin sa akin. I sighed and looked away.






"Ano naman kung gusto kita?" I asked him and laughed bitterly. "Look Kurt, ayoko nang umasa. Let's just be friends, it's better that way." I said.




"I love you Angel," he seriously said. Napatingin agad ako sa kaniya. What did he say?





"And I am not joking Angel," he held my hands and kissed it. Shutangina Kurt, anong ginagawa mo sa akin?





"Why are you suddenly confessing Kurt? What are you doing to me?" I hopelessly said.






"Ayoko na ring magtago Angel, I also want to be free. Now, do you love me also?"





Angel, you've been waiting for this diba? Ayan na. Mahal ka na ni Kurt. Should I also confess? Sasabihin ko na ba?






"I do too, kaya lang Kurt sobrang im---" I was not able to finish what I've said dahil bigla na niya lamang ako niyakap.







"I love you, and please. Stop worrying. Let's stop pretending okay?" He told me. I looked at him and nodded.




Napunta kami sa bahay nila Alex, ang sabi sa akin ni Kurt ay naroon raw silang lahat. I'm scared. Paano kung ayaw pa rin akong pansinin ni Hannah?






"You okay?" Kurt was holding my hand and caressing it. I smiled at him and nodded.







"It'll be fine. I promise," he kissed my forehead and held my hand so tight.




Nakapasok kami ng bahay at naroon silang lahat sa sala. They were talking about something.






"Magbati na nga kayo, patapusin niyo na story nila ni Kurt para kami naman sunod!" Christopher said. I laughed in my mind.







"Gago, hindi ka talaga nakakatulong!" Jinace stated. I smiled.






"Tatakot ako, paano kung hindi pa pala talaga kami ayos?" Hannah said and sighed.






"Ang nega mo beh!" Angelika tsked at napatingin ito sa pwesto namin ni Kurt. I smiled. She smiled. "Oh, nandito na pala si Angel eh!"






Napatingin silang lahat sa amin.






"Wow, very good ka Kurt ah." Jameson said.






The girls went to me at niyakap ako except for Hannah.






"Iwan na muna natin sila guys, tara sa leisure room." Alex said.






"Sana all may leisure room." Jinace joked. We all laughed. At naiwan nga kaming dalawa dito ni Hannah.





Hindi ito umimik kaya naman niyakap ko na siya.





"Sorry na, hindi na mauulit." saad ko sabay yakap ng higpit.







I heard her sniffed. Umiiyak ba siya? Ang emosyonal talaga nito!








"Ikaw kasi eh! Dapat lumaban ka! Hindi ka ganyan beh eh, you should know your rights. Alam mo kung anong tama at mali, pero lumiko ka ng daan. And I hate you for that! Why can't you fight for yourself beh?" litanya nito at umiyak nga. I sighed.








"Sorry, I was just so confused and scared. But it's okay now, alam ko na anong gagawin ko beh, stop crying please naiiyak din ako!" I exclaimed.








"I just want you to be happy. Ayokong nakikita kang parang inaapi, tinatapak tapakan. Ayoko ng ganoon beh," she sniffed and looked at me. "Promise me you'll fix that!" I immediately nodded.









"I promise, now stop crying! Mamaya, ako na apihan ng boyfriend mo, baka akala nun inaway na kita."







"Silly you!" We both laughed.






"Ang sweet, pasali naman." I heard a voice from behind. I saw my friends smiling.







And the rest of the gang joined our hugging session. Ah, thank God for giving me friends like them!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top