Chapter 5

"HOY, KAMS! LUMABAS KA NAMAN NA, OH!" Ungol ko habang tamlay na naglalakad sa may garden. Nangangalay na mga hita ko't ang sakit-sakit na ng paa ko.

Mahigit dalawang oras na rin simula ng mag-disapir ang tukmol kaya ang dilim-dilim na ng paligid at tanging mga pixie dusts lang 'yong nagbibigay ilaw pero hindi parin ito sapat para maaninag ko ng maayos ang mga bagay-bagay.

Baka may kung anong klaseng maligno pa ang sumulpot diyan sa tabi, madeadbol pa ako for the second time.

Napagdesisyunan ko nalang munang tumigil sa isang malaking kahoy sa unahan saka naupo sa umuusling ugat nito. Busangot akong sumandal saka pinaypayan ang sarili.

"Anak ng garapata ka talagang kamatayan ka! Daming arte sa buhay pucha!" Inis kong pagmumura.

Nagmasid-masid nalang ako sa paligid habang pasimpleng pinapatay ang mga lamok na handang mamatay matikman lang ang mamahalin kong blood. AB ako, 'wag ka!

Ewan ko rin nga lang! Supposedly, hindi na nila ako makakagat, eh, kasi nga kaluluwa nalang ako. Pero 'yon nga, nasa underworld ako. Baka ibang level na 'tong mga lamok nila dito.

Napabuntong-hininga nalang ako habang naghahalungkat ng ideya sa pali-paligid. Mukhang kailangan ko ata ang tulong ng uhuging Zelus na 'yon.

Hindi naman sa concerned ako sa pwedeng mangyari kay Kams gaya no'ng sinabi ni Zel pero kasi 'di ba? Parehas kaming machuchugi kapag wala akong ginawa.

Baka may madamay pa.

Hindi man ako sure kung totoo ba talaga 'yong sinasabi no'n o gusto niya lang talaga akong pagmukhaing tanga pero kasi baka magsisi ako sa huli. Babalik ako sa katawan ko kahit ano'ng mangyari!

"So? Saang sulok ko naman hahanapin ang Zelus na 'yonโ€”GAGU KA!"

Hiyaw ko't napahawak sa dibdib nang biglang sumulpot ang punyeta sa harapan ko.

"Lemme guess! You lost him again?" Walang kagana-gana niyang tanong.

Nakalutang pa ang animal sa ere habang nakahiga sa magkabila niyang braso.

Pahiya akong ngumisi saka nag peace sign kaya nakatikim ako ng batok strawberry flavor heh!

"ANG GANDA NG GREETINGS MO, AH! CLOSE TAYO?!" Nakanguso kong sambit habang himas-himas ang ulo ko.

"Kakasabi ko lang kanina 'di ba na 'wag na 'wag ka na ulit lumayo sa kanya?! Ano bang hindi mo naintindihan do'n?!"

Bagama't madilim, kita ko parin ang namumulang mukha niya kaya maslalong tumalim nguso ko.

"Kasalanan ko ba namang nag-disapir nalang siya bigla?"

"Ano pala kasi ang nangyari?" Tanong niya habang dahan-dahang naglanding sa harapan ko. "Magkasama na kayo kanina, 'di ba?"

Umismid ako. "Hindi ko nga rin alam. Nagdidiscuss lang kasi siya kanina ng mga plano para mahanap 'yong karit tapos bigla-bigla nalang siyang napahawak sa mata niya saka na siya nawala."

"Ang sabihin mo may ginawa ka na namang katangahan!"

"'Wag kang judgemental, ah!" Pinanlisikan ko siya ng mata. "SAka..." napanguso ako. "Nabanggit mo kanina na hindi niya totoong anyo 'tong gamit niya ngayon 'di ba? Kung ganun, ano?"

Naghigbit-balikat lang siya. "Only Hades knows about that. Maski nga mga magulang niya hindi alam."

"Paano naman 'yon nangyari?"

"Than was born in a form of a black miasma and Hades immediately took him to his care until he grew up."

"Inutot lang siya ng mama niya ganunโ€”aray ko joke lang!" Hiyaw ko nalang nang ibato sa akin ng kumag ang suot-suot niyang silver bracelet.

"Nakakadalawa ka na, ah!" Duro ko pa sa kanya.

"Umayos ka kung ayaw mong pati 'tong puno tumama sayo!" Banta niya kaya napatakom ako.

Umirap siya sabay sandal sa puno na sinasandalan ko saka nagkrus ng braso.

"The truth is Than has three forms: human form, god form and darkness form. What you saw in the land of the living is his human form and who knows when you will see his god form and you won't wanna see his darkness form and you, woman..." baling niya sa akin.

"Kapag ipinagpatuloy mo pa ang pagkakawalay sa kanya, baka makita mo talaga 'yong huli. Than is hundred years older than me and not long before I was born, he killed the god of war Ares with his darkness form and to think that Ares is immortal."

"Is he really that powerful?"

Hindi umimik si Zel kaya matik ko na ang sagot niya.

"Now that his scythe is gone, it's your job to seal that darkness inside him as his brideโ€”"

"Human scythe," lebel boses kong singit.

"Whatever! Basta hanapin mo siya now na."

"Kung pagbubuhulin ko kaya 'yang mga pakpak mo? Sabi ng nag vanish, eh. 'Di naman ako taga rito at mas lalo ng hindi kami close para malaman kung saan siya madalas pumupunta!"

"Oh god!" Singhal niya't napasinghap nalang ako nang may biglang sumulpot na harmony bell sa palad niya nang ibuka niya ito.

Pasimple niya itong kinalog. Hindi na ako mabibigla kung may sumulpot man na kung ano'ng nilalang sa harapan ko't nawalan na ako ng ganang magulat talaga.

At hindi ako nagkamali, may sumulpot nga. Hindi man ako nagulat pero pakiramdam ko natanggal 'yong panga ko nang matignan ko siya ng maayos.

Isang lalaking may mahabang kulay gold na kumikinang na buhok ang kaharap ko ngayon. At alam niyo 'yong nakakaleche? NAKATOPLESS SIYA, MGA KABABAYAN!

Bakat na bakat 'yong six packs niyang abs. Sumilay pa 'yong v-lines ng gagu nang tumayo ito ng maayos. Ewan ko nga lang kung may saplot pa ba siya down there kasi tapis lang 'yong nakatakip sa ano niya't kita pa pati maputi at makinis niyang legs!

Hindi ko tuloy maiwasang mapatitig sa kanya. Parehas naman silang hot nina Zelus at Hypnos pero sa kanya lang talaga ako napatunganga ng bongga. Iba rin ang pakiramdam ko sa kanya. Hindi ko ma explain kung bakit pero parang gumaan bigla ang pakiramdam ko nang dumating siya.

Napakurap-kurap ako ng ilang ulit bago nakaiwas nang tignan niya ako. Pakiramdam ko tuloy nanigas ako sa kinauupuan ko.

[Oh Sehun as Apollo]

Anak ng! Ang ganda ng kulay gold niyang mga mata. Hindi lang kasi ito basta-bastang gold lang, para itong may sun pattern na nakapalipot sa pupil. Not to mention na kumikinang ito!

"Of all times, why now, Zel?!" Mahina pero padabog na tanong nito.

"I'm sorry, Sun. I just badly need your help."

"What kind of help?"

"Finding lost thingsโ€”I mean, finding Thanatos right away."

Hindi ito sumagot hanggang sa bigla nalang itong naupo sa harapan ko't tinitigan ako ng mabuti.

Hindi ako makaimik at parang nawala ako sa ulirat nang magtama ang mga mata namin hanggang sa hinawi niya ang buhok ko't nagbunot ng isa.

"Ampucha hoy!" Singhal ko't agad namang nakatanggap ng kutos mula kay Zel.

Nakahimas akong tumingin sa kanya ng masama pero inikutan niya lang ako ng mata. Sunod kong tinignan 'yong Sun na ngayo'y may kung ano'ng ritwal na pinaggagawa sa buhok ko.

Dahan-dahan akong tumayo nang may sumulpot na harp sa harapan naming tatlo. Magkarap lang kasi kami. Agad itong hinawakan nung Sun at napaamang ako nang gawin niyang isa sa mga strings 'yong isang hibla ng aking buhok saka siya maingat na nagstrum.

Tatlong ulit niya itong ginawa ng nakapikit saka siya namulat at nilingon si Zelus.

"He's in Olympus." Malimit niyang sabi.

"Hmm... thank you." Binalingan ako ni Zel. "You should learn to do that or you'll end up getting bald."

"Is there anything else you need before I go? I'm kind of busy right now so I have no time to help you any further."

"Nothing more. You have my thanks."

Malimit na nag-bow si Zel. Tumango lang si Sun saka ako tinignan. Madali lang 'yong titigan naming dalawa at bigla nalang siyang naglaho pero pakiramdam ko ilang minuto 'yon.

'Yong mga mata niya kasi parang nangungusap.

"Oh? Pinagnanasahan mo rin si Apollo?"

Agad akong napatingin kay Zelus ng masama nang sikuhin niya ako sa tagiliran.

"Kapag talaga ako inatake ng topak, kakalbuhin ko 'yang mga pakpak mo talaga!" Banta ko.

"Ehhh~ kasi 'yong tingin mo kay Apollo talaga, iba eh!"

"Judgemental niyo talaga, noh?" Nakangiwi kong sabi. "Saka anong Apollo? Akala ko ba si Sun 'yon?"

"He's better known as Sun here in the underworld. Saka alam kong ang kilala mo lang ay Apollo kaya minention ko na. Hindi ka pa naman nakikinig sa klase."

"Daming alam heh!" Inis kong sambit. "Pakialam ko ba sa inyo! Saka bakit siya tinawag mo, eh, god of sun 'yon siya, 'di ba?"

"He can locate anything and anyone using anything which connects to the object or person."

Tumango ako't napatingin sa kung saan ko siya huling nakita.

"Pero bakit alam niyang may connection ako kay Kams?"

"Kams?"

"Kay Than?!"

Napaismid lang siya. "Ah... Oo nga, noh? Ako kasi, nalaman kong naging human scythe ka ni Than through his maids. Friends ko kasi silang lahat at lagi silang may sinasabi sa akin."

Napangiwi nalang din ako. Hindi na 'yon kataka-taka at sa laki ba naman ng bunganga ng isang 'to, lahat siguro ng sabi-sabi dito sa Tartarus alam niya.

Napabuntong-hininga nalang ako. "So? Saang banda natin mayayari 'yang Olympus na 'yan?"

"Bakit? Pupunta ka?"

"Ano pang silbi't tinawag-tawag mo pa 'yong si Sun kung hindi pala natin pupuntahan?!"

"Souls cannot enter Olympus, idiot!"

"Eh, kung sana'y sinabi mo agad?!" Sigaw ko.

"Eh, bakit ka sumisigaw?!" Sigaw niya rin.

"Eh, kasi ang gago mo!"

"Ang gulo mo kausap! Bahala ka diyan!" Inis niyang sabi saka ako tinalikuran.

"'Wag kang bastos, woy!"

Sinamaan niya ako ng tingin. 'Yong tipong parang nananaksak na.

"I'm a god, my beloved Khione. Baka naman..."

"Ako si Khione, Zel. Baka naman..." paggaya ko sa kanya.

"May saltik ka talaga, eh!" Umirap siya.

"Bakit nga pala hindi ako pwedeng pumasok sa Olympus?"

Umismid si Zel, kunwari nag-iisip.

"Olympus have multiple gates, you know, and each gates has dangerous gate-keepers. Sa Craken pa lang, ubos ka na."

Napalunok ako. "Aantayin ko nalang si Kams dito. Mataas naman pasensya ko."

Ang dami pang sinabi ni Zel na hindi ko na halos masink-in at ang dami-dami ng impormasyong pumasok sa utak ko ngayong araw.

Hindi ko rin lang talaga gets si Kams. Hindi niya ba alam na hindi kami pwedeng malayo sa isa't-isa? Kasi kung oo, hindi niya sana ako iniiwan, eh.

Saka 34 days nalang meron ako. 33 nalang bukas. Sinasayang niya rin panahon ko leche!

"Doesn't the other deities know about this?" Mahina kong tanong. "Sinabi mo kasing threat si Kams. 'Di ba dapat mabahala sila't nawawala ang karit niya?"

"Every deities has their own work and I'm sure na kaya nasa Olympus is Than is because the titans might have summoned him regarding this." Pasimpleng sagot ni Zel.

Andito na kami sa loob ng green house na nasa likuran lang ng bakuran ng mansyon at nakaupo sa wooden bench na nasa gitna nito. Ang ganda dito! Puno ng mga halamang hindi ko pa nakikita noon. Nakakaloka lalo!

May mukhang rose pero parang pixie dust 'yong pollen niya. May mukha ding santan pero animo'y naglalaho ito 'pag natatamaan ng sinag ng buwan.

Everything inside here is full of wonder.

Napanguso nalang ako.

"'Di ba dapat kasama ako do'n? Hindi pa nga ako na b-brief sa dapat kong gawin as his human scythe kemene, eh!"

"That is something I don't know." Ismid nito't napabusangot nalang ako lalo.

"Wala talaga akong magets, sa totoo lang! Kung threat kasi talaga si Kams, ba't hindi sila tumulong sa paghahanap sa karit niya, 'di ba?! Solve na agad sana!"

"That is because you're the only one who can find it."

Napasinghap ako nang may biglang nagsalita sa likuran namin ni Zel. Agad akong lumingon sa kung sino na naman ito at napatakip nalang ng bibig nang makita ko si Kams na naglalakad papalapit sa direksyon namin.

Is it me?

Is it me o sadyang nagbago talaga ang anyo niya?!

"Oh, Than! You're finally back!" Pamungad ni Zel saka siya tumayo para harapin ito. "So what happened at Olympus? Why were you there?"

Huminto si Kams sa harapan namin at namuntong hininga. "I just had a bone to pick with my sister, Eris. She tried meddling with my business once again."

Hindi ko maiwasang mapakurap-kurap nang mapansin kong magsing-tangkad na sila ni Zel.

"Can I assume that it's about your scythe?"

"No." Walang kaemo-emosyong sagot ni Kams saka ako tinignan.

"I'll find a way to find my scythe before that even cross my mind and you better help me or else you're going to hell."

"I'm already in hell." Nakangiwing bulong ni Zel.

Binalingan niya ulit si Zel. "And among all gods, why did you chose to ask for Apollo's help? You know I hate that piece of shit a lot."

Napaismid ako saglit nang magmura siya ng pa-English. Nasaan na ang GMRC na pinagmamalaki ng depungal na 'to?!

"Ahh~ he's the only one who could find you so..." ngumisi si Zel at napaikot nalang ng mata si Kams.

"Listen, Zel!" Singhal niya. "I want you to keep this as a secret. Only you, me, my twin, that idiot..." turo niya pa sa akin letse, "knows about my missing scythe. I don't want to cause Hades any trouble with the titans so, cooperate."

Seryoso ang pagkakasabi ni Kams no'n hanggang sa ngumisi si Zel.

"Well well well... if it's the great Thanatos asking me for a favor." Halatang panunuksong sabi nito.

"It's not a favor, dumbass! It's something more like a threat." Ngisi din ni Kams.

"Oh~okay." Ngiwing sagot ni Zel kaya palihim akong napatawa.

"'Di ba alam din ng mga katulong mo?" Singit ko.

Tinignan ako ni Kams. "Maids are loyal to their masters as I am their creator. I can kill them right away if they defy me."

"Eh bakit nalaman ng isang 'to?" Turo ko kay Zelus.

"Uy! Bakit napunta sa'kin?" Depensa niya. "Than might haven't told them about keeping this as a secret yet kaya siguro nasabi nila sa akin."

"Geez!" Napasampal nalang si Kams sa noo. "I should have made it clear earlier. My human form seems to have missing more than half of my normal intellect as a god!"

Tumulis labi ko nang marinig ko 'yon. "So, bumalik na ba normal intellect as a god mo ngayon?" Tanong ko nalang bigla.

Tumingin siya sa akin. "Either yes or not... it's none of your business." Dabog niyang sabi saka muling tumingin kay Zel. "I'll be expecting your complete cooperation and since you knew, you're already responsible to help us at any cost!"

"Uy! Hala! Why?! It's not like I have something to do with the disappearance of your scythe?"

"It's your fault for knowing to begin with!"

"If you only told your maids that this is a top secret from the very beginning then it won't leak! Now is that even my fault?!"

Natahimik nalang si Kams habang tinititigan si Zelus na ngayo'y medyo namumula na sa kakasigaw.

"You'll help or..."

Nanlaki nalang mga mata ko nang itaas ni Kams ang kanan niyang palad sabay ng pagliliyab ng itim na apoy.

"...one way or another." Panunuya niyang sabi kaya napalunok si Zelus saka ngumisi.

"I-ito naman. Ito na, I'll help na."

"Good."

Ngumisi ng pagkasaglit-saglit si Kams sabay ng paglaho ng itim na apoy sa kamay niya.

"Let's go!" Baling niya sa akin saka tumalikod at naglakad papalayo.

Pinagmasdan lang namin siya ni Zel hanggang sa makalabas siya ng green house saka kami nag tinginang dalawa.

"'Yon ba 'yong-"

"Yes..." pagputol niya sa sanang sasabihin ko.

"Ahh I see... aalis na ako."

Tumango siya. "See you around."

Tumango din ako saka na sumunod kay Kams. Kailangan ko pa talagang tumakbo para makahabol sa kanya at paglabas ko ang layo-layo na niya.

Huminto ako sa pagtakbo nang ilang metro nalang ang agwat namin saka ako pasimpleng naglakad pasunod sa kanya.

Palihim ko rin siyang pinagmamasdan mula sa likuran.

"So, ito na pala ang god form niya."

Bulong ko nalang sa sarili.

Malaki ang pinagbago niya sa totoo lang. Lahat maipupunto ko. Hindi ko nga siya halos makilala kanina pagpasok niya sa green house buti nalang gumagana pa ang common sense ko char.

Wala namang pinagbago sa mukha niya pero naging sobrang seryoso at madilim ito unlike no'ng human form niya mukha 'yong tanga at walang alam sa mundo.

Aside sa humaba ng lampas balikat ang medyo curly niyang buhok, lumaki din 'yong katawan niya't tumangkad. 'Yong human form niya kasi, masmatangkad lang siya ng ilang inches sa akin pero ngayon, hanggang siko nalang ata niya ako.

Nabaling atensyon ko sa mga katulong sa paligid na ang talim-talim ng mga tingin sa akin at dahil palaaway ako, dinilaan ko silang lahat sabay irap.

Wala ako sa mood pakshet sila diyan!

Pumasok si Kams sa parehong silid na pinasukan namin kanina. Sumunod din ako't ako na ang nagsara ng pinto.

Napaismid nalang ako nang pagbaling ko sa kanya, nakaupo na siya sa kama habang seryosong nakatingin sa akin.

"You need plenty of rest. We will leave early tomorrow." Prente niyang sabi. Shet lumalim din boses leleng niyo.

"Saan tayo pupunta naman?"

"It's not your job to know."

Umirap ako. "Nagtanong lang, eh. Sungit-sungit! Kfine. Umalis ka na diyan at matutulog na ako."

Maglalakad na sana ako papuntang kama nang magsalita ulit siya.

"This is my room."

Napatiim ako. "So saan ako?"

"Here, with me..." tinapik niya 'yong kama kaya siyang ikinabilis ng tibok ng puso ko.

"Lolo mo with me!" Inis kong duro sa kanya. "'Wag mo akong ginagago, ah! Alis diyan!"

Walang nagbago sa mukha niya't tinabingi lang ulo niya.

"Why? Have you forgotten?"

"F-forgotten what?!"

Bahagyang nanliit ang mga mata niya't maslalong itinabingi ang ulo niya.

"That you are my bride."

_______
Instagram: @erisbyun
Twitter: @ErisByuun
Facebook: Eris Byun
TikTok: @erisbyuun

Bแบกn ฤ‘ang ฤ‘แปc truyแป‡n trรชn: AzTruyen.Top