Chapter 1

"Ito na! Yieeehh! Ito na talaga!"

Excited kong bulong habang ipinapasok ang mga itim kong libro ko sa itim kong bag saka ko ito isinampa sa likuran ko at excited na naglakad papalabas ng room with poise and all.

I am the owner of this university. My parents gave it to me when I turned 12. Only child, so they are expecting me to be matured as early as possible to uphold the family's name tho people always read my cover as a spoiled brat because I rarely talkΒ  and show emotions.

Ayaw ko lang talaga ng nakakausap kasi wala naman nakakaintindi sa kalokohan ko.

Aside from being dropdead gorgeous, lagi din akong top 1 dito sa school whether it's academic or extracurriculars and no one questions it as I am really smart kaso gaya nga ng kasabihan nila, ang mga matatalino, tatanga-tanga talaga pagdating sa pag-ibig.

Unlike other smart people's katangahan, mine is on a different level.

I love a person na naririnig ko lang sa mga kwento ng grandmom koβ€”si Kamatayan.

Yes, he's the death god!

That answers one of the questions that has always been asked by my social media followers; "Bakit laging black 'yong suot mo?"

Well, according to my grandmom, Kams always wear black clothes kaya naman why not? Pero syempre, 'di ko 'yan ang sagot ko't magkamalan pa akong siraulo aba.

As usual, maraming bumabati sa akin habang rumarampa sa hallway. Ginagalang ako dito sa school not because I'm the owner pero narin sa taglay kong kabaitan at kaplastikan char.

Excited akong tumakbo palabas ng gate. Ngayon na kasi sasabihin sa akin ni gradmom ang plan B kung paano ko pwedeng makita ang prince charming ko. Hindi kasi gumana ang plan A at 'yun ay ang ilagay ko ang buhay ko sa bingit ng kamatayan.

Ginawa ko na kasi lahat: ang magpasagasa, ang tumalon mula third floor ng school, ang lumagok ng acetone, at ang magpasaksak. Kulang nalang barilin ko na sarili ko, eh. Pero lahat ng 'yun palpak.

Hindi ako nasagasaan kasi agad na nakakaiwas ang mga sasakyan bago ako mabangga kaya in the end, sila 'yung muntikan ng namatay. 'Yong tumalon naman akong third floor, nakalimutan kong 7 ft. pool pala 'yung nasa ibaba. Ilulunod ko nalang sana sarili ko, andami namang agad na sumagip sa akin.

'Yong lumagok naman ako ng acetone, hindi natuloy at nakita ako ng isa kong personal maid kaya ang ending, kinuha lahat ni mommy lahat ng cosmetics ko. Hindi na nga ako nagkukumot habang natutulog at baka itali ko raw ito sa ceiling at magbigti.

Pinataasan pa ni daddy ang ceiling ko at lahat edges sa bahay, foam-coated na. Isang kembot nalang talaga at ipapadala na raw nila ako sa mental kasama si grandmom.

Bakit ba? KASALANAN BANG GUSTO MONG MAKITA ANG MAHAL MO? MAY MALI BA DO'N? SAGOT!

One time nga, sinadya kong ipadpad ang sarili ko sa pugad ng mga addict para masaksak ako o 'di kaya'y mabaril man lang pero dahil hindi lang ako maganda, tanga pa, nakidnap for ransom lang ang dyosa. Mabuti nalang talaga at hindi ako nagahasa.

Haist! Lintik na pagmamahal 'yan. Ginagawa mo na lahat, wala parin.

Nakatayo lang ako sa labas ng gate habang hinihintay ang butler ko. Personal all ko 'yong mokong na 'yun. He's 25. Just 5 years and a day older than me. September 27 kasi ako habang siya, September 28.

Gwapo si Takumi sa totoo lang. Matipuno, maputi, charming, tama ang tangkad at may abs pero kahit gano'n, hindi ko parin talaga feel na landiin siya. He's been my butler for 6 years pero ni minsan, hindi ako naatract sa kanya.

Aside kasi sa pagiging tahimik at pagkamisteryoso niya, ni minsan, hindi ko rin siya nakitang ngumiti. Para siyang robot na naka program lang para alagaan ako't sundin lahat ng mga kaartehan ko sa buhay.

At isa pa, loyal ako kay baby Kams ko at pinangako ko na sa sarili ko simula nung 9 years old pa lang ako na siya lang ang mamahalin ko at ang kaisa-isang lalaking bibigyan ko ng anak kek!

"Lintik na Tanaka 'yan!" Pagmumura ko. Ten minutes na kasi ang lumipas at hindi pa siya nakakarating.

"Lady Sy? Why are you still here?"

Napairap nalang ako ng palihim nang marinig ko ang boses ni Shin mula sa likuran ko. Pasimple akong lumingon at ngumiti ng plastic.

Shin is my competitor in class and palagi niya lang akong ineenglish! Ang ayaw ko pa naman sa lahat ay 'yung ginagamitan niya ako ng malalalim na words para ipagdildilan sa mukha ko kung gaano ako kaganda-este kung gaano siya sa talino mukha namang chopping board.

"Can't you state the obvious?" Pag-eenglish ko rin.

Best in English kaya ako nung elementary at highschool amps!

"Oh, so Tanaka haven't arrived yet." Nakangisi niyang sabi. Ewan ko kung simpleng statement lang ba 'yun o sadyang iniinis niya lang talaga ako.

"Sobrang obvious na nga, sinasabi pa." Bulong ko.

"Pardon me?"

"Wala, sabi ko gwapo mo bingi lang. Oh, ayan na sundo mo." Untad ko saka nginuso ang paparating na pulang car.

"Want to ride you home?" Tanong niya nang pumarada ito sa harapan namin.

"No, thanks." Mataray kong sabi.

Nanghikbit-balikat nalang siya saka pumasok. Buti naman at agad siyang umalis at baka nabasag ko lang 'yung windshield ng sasakyan niya.

I just hate him kahit ano'ng gawin ko!

Shin is my former suitor na binusted ko just a year ago so, he started issues about me. Na nababaliw na raw ako and all. Sinabi ko kasi sa kanya ang totoo na may mahal na akong iba at 'yon ay si Kamatayan.

Aba! Hello? Wala kaya siyang abs kaya 'wag siya diyan. Mas pipiliin ko pa siguro 'yong si Tanaka kaysa sa kanya. And speaking of Tanaka, saan na ba 'yun nilagay ni Lord? Binabangaw na ata ako dito. Mukhang uulan pa ata talaga.

Inis kong dinukot ang phone ko saka tinawagan ang lintik na robot.

"Nice."

Walang gana kong sabi nang biglang bumagsak ang napakalakas na ulan na agad akong binasa. Buti nalang at water proof bag pati phone ko.

Agad kong idinial ang number ng punyeta. Buti nama't agad niya itong sinagot.

"Dear, Tanaka. Wala ka bang planong sunduin ako? Ako'y sobrang basa na. Nagmamahal, Khi!" Bulyaw ko pero as usual, wala lang sa kanya at nag-explain lang na parang robot sa kabilang linya.

"I'm sorry, Lady Sy. A commotion happened on the main road so the traffic went firm but don't worry, I'm on my way."

"Forget it! I'm walking home." Bulyaw ko ulit at inis na pinatay 'yung tawag.

Unfortunately, hindi ko nadala ang payong ni raincoat ko kaya mukhang mapapasulong ako nito. Ayaw ko namang sumilong muna sa loob at kanina pa ako kating-kati na makauwi para malaman ang plan B na tinutukoy ni grandmom.

"Lady Sy? Ano pong ginagawa niyo dito?" Tanong ni manong guard habang tumatakbo papalapit sa akin dala-dala ang isang pink na payong. "Ito po, gamitin niyo po 'to." Sabi niya saka inabot ito sa akin.

"Ahh~ it's okay, manong." Nginitian ko lang siya at mukhang agad naman niyang narealize na hindi talaga ako gumagamit ng mga bagay na hindi black.

Gusto ko nalang sanang mag taxi pero hindi ako nagdadala ng cash. Credit card lang talaga. Ayaw ko namang manghiram at nakakahiya 'yon.

Ilang kilometro pa ang lalakarin ko mula dito hanggang sa bahay pero keri na! Things we do for love hihihi.

Half-way na ako nang tumila ang ulan. May construction pa talagang nagaganap sa daan which made the side walk kinda slippery.

Wala na sa plano ko ang magpasagasa at may plan B na raw kasi si grandmom kaya pumihit ako sa railings sa gilid para may makapitan ako't 'di ako madulas.

Haist! Mabuti pa't hinintay ko nalang talaga ang robot. Inis akong napapadyak saka muling dinukot ang phone ko kaso nadudulas ito sa kamay ko.

"Bwesit naman, oo. Kung kailan pa ako nagmamadali saka pa ako tinamaan ng lecheng lintik."

Dahan-dahan akong sumandal sa railings para suportahan ang sarili ko. Nadukot ko na sana ang phone ko pero muli itong dumulas sa kamay ko't tumilapon ng isang metro mula sa akin.

"ANAK NGβ€”" Pagmumura ko ulit saka ito ngali-ngaling pinulot.

Sa sobrang inis ko, nakalimutan kong madulas pala 'yong daan. Ewan ko kung ano ng sumunod na nangyari. Dumilim nalang kasi bigla hanggang sa may maaninagan akong tao sa harapan ko. Kinusot-kusot ko pa mata ko para makita siya ng malinaw.

"Sino ka?" Tanong ko sa lalaking nasa harapan ko.

Hindi niya ako sinagot at diretso lang na nakatingin sa kung saan. Tumingin din ako doon at napataas ng kilay nang makita ko ang mga taong nagkukumpulan sa unahan.

"Ano'ng meron dun?" Tanong ko ulit sa kanya.

This time nilingon niya na ako saka ngumisi ng pagkalawak-lawak kaya medyo napaatras ako light. Ang weird niya kasing tignan. Nakasuot pa siya ng itim na hooded-jacket at may dala-dalang tinidor.

"Sino ka nga ulit?" Ngiwi ko na namang tanong.

Umayos siya ng tayo sabay bow. "Kamatayan po, at your service!"

Napakurap-kurap nalang ako dahil sa sinabi niya't dahan-dahang lumayo.

Ngali-ngali kong tinignan phone ko para sana tawagan ulit si Tanaka pero laking gulat ko't wala na ito sa kamay ko.

Tumingin-tingin ako sa paligid at baka nahulog ko ito somewhere pero wala kaya napatingin ako sa lalaking adik na nasa harapan ko't nakangisi parin sa akin.

"Hoy! Kinuha mo cellphone ko, noh?!" Bulyaw ko pero tinaasan niya lang ako ng kilay.

"Aanhin ko naman?" Inosente niyang sagot, "IphoneX max nga 'yon pero 'di ko naman 'yon magagamit."

"Paano mo nalaman na IphoneX max 'yon kung hindi mo kinuha?!"

"Nakita ko bakit?" Parang naghahamon niya pang sagot.

"Saan?"

"Ando'n..." sabi niya saka tinuro 'yong mga nagkukumpulang tao sa unahan.

"'Wag mo akong ginagago, ah!" Banta ko pa pero inirapan niya lang ako wow!

"Puntahan mo kasi dun? Daming say!"

Napatakip nalang ako ng bibig nang mataray niya akong tinalikuran at naglakad papunta dun sa mga tao.

Ewan ko kung bakit pero sinundan ko siya hanggang sa huminto ito malapit dun sa nagkakagulo saka ako nilingon.

"Ando'n! Tignan mo." Dagdag niya pa saka tumuro sa kung saan.

Tumingin parin ako doon pero wala akong ibang makita kundi ang mga paa ng mga tao dito.

"My gosh!" Rinig kong untad niya't nagulat nalang ako nang bigla niya akong hilahin papunta dun sa gitna.

Halos lumabas mga mata ko nang lumagpas ako dun sa mga tao kaya hindi agad ako nakagalaw nang huminto na siya.

"A-anong nangyari?" Utal kong sabi saka siya dahan-dahang tinignan.

Nakatingin lang din siya sa akin. Hindi siya sumagot at tumuro lang sa harapan. Agad akong tumingin dun at muntikan ng atakihin sa puso nang makita ko ang sarili kong duguang nakahandusay sa daan at walang malay.

"OH. MY. GOSH!"

________
[A/N] Pff! Shemz! Bakit ang sabaw ng chapter 1? Hahaha bawi ako sa next chapter. Natuyo na ata humor cells ko, eh. Hahahaha.

Instagram @erisbyun
Twitter @ErisByuun
Facebook [Eris Byun]

BαΊ‘n Δ‘ang đọc truyện trΓͺn: AzTruyen.Top