Chapter Twelve


PAGDATING ni Andrea sa tent ay pinapak niya ang adobong manok na mayroong patatas. Isang baso ng tubig lang ang dala niya. Nakaluklok lang siya sa carpet. Wala na siyang nakikitang tao na pagala-gala sa paligid. Tahimik na sa kanyang puwesto. Pasado alas-diyes na ng gabi kaya malamang tulog na ang ibang guest na nasa tent 'di kalayuan sa puwesto niya.

Nang maubos ang pagkain niya ay kinuha niya ang unan sa loob ng tent at humiga siya sa carpet habang nakatingala sa kalangitan. Sa mga sandaling iyon ay iniisip niya ang mga napag-usapan nila ni Martin tungkol kay Rafael. Mamaya ay bigla na lamang may aninong sumulpot kasunod ang bulto ni Rafael. Nakadukwang ito sa kanya. Bumalikwas siya ng upo. Nakatayo sa gawing kaliwan niya si Rafael habang nakatukod ang mga kamay nito sa mga tuhod nito at nakatingin sa kanya.

"Ano'ng ginagawa mo rito na mag-isa? Baka bigla kang gapangin ng ahas dito at matuklaw," sabi nito.

Hindi niya ito sinagot. "Bakit ka nandito?" sa halip ay tanong niya rito.

"Hinanap kita," sagot nito saka ito umupo sa tabi niya.

"Nagsawa ka na ba sa kausap mong babae?" aniya sa malamig na tinig.

"Taga-Maynila ang babaeng iyon at isa sa kliyente ng kumpanya namin. Huwag kang mag-alala, may asawa na 'yon," anito.

"Hindi ako nag-aalala. Bakit ba napakahangin mo minsan?" inis na sabi niya.

"Don't get me wrong. Hinuhuli lang kita."

"Ano naman ang huhulihin mo sa akin?"

"Please, give ourselves a try. Alam ko'ng komportable ka sa akin. Hayaan mong bumuo tayo ng sarili nating alaala bilang parehong may amnesia. Aminado ako na simula noong nakilala kita ay may mga naaalala na ako. Kaya gusto ko sanang magpatuloy ito," sabi nito.

Nawindang siya. Pareho sila ng nararamdaman ni Rafael. Napatingin siya sa kumpol ng susi na nilalaro ng kamay ni Rafael. Ang dalawang key chain ang tinitingnan niya. Ang isa ay may nakasulat na 'Palawan', habang ang isang bilog na yari sa stainless ay may nakaukit na imahe ng agila na may kagat na rosas sa tuktok. Walang pasabing inagaw niya sa kamay ni Rafael ang susi.

"Hey!" sabi nito.

Tinitigan niya maigi ang key chain na mayroong agila. Parang kidlat na dumaan sa isip niya ang ilang senaryo na nagpapakita sa ganoong bagay. May nakikita siyang mga musical instrument, mga ilaw, mga taong nagsasayaw at damit na may imprinta ng agila na katulad nang nasa key chain.

"Saan mo nakuha itong key chain na agila?" tanong niya kay Rafael.

"Nakita ko 'yan na sinasabitan ng susi ng maleta ko. Akin na, importabte 'yan," sabi nito saka pilit binabawi sa kanya ang susi.

Hindi niya iyon ibinigay. Gusto niyang kunin ang key chain dahil ramdam niya na may koneksiyon iyon sa nakaraan niya.

"Akin na ito," aniya.

"No!" mariing tanggi nito.

Pinilit niyang maalis ang key chain pero sa kagustuan ni Rafael na mabawi iyon sa kanya ay bigla siya nitong sinampahan. Napahiga siya nang hindi niya kinaya ang bigat nito. Natigilan siya nang mamalayang ga-daliri na lamang ang pagitan ng kanilang mga labi. Bigla siyang nanlumo. Nagkaroon ito ng pagkakataong mabawi ang susi sa kamay niya.

"Gusto mo ba talaga ang key chain? Take it again," hamon nito.

"No way, sa ganitong posisyon natin?" aniya. Nalalanghap niya ang amoy mint nitong hininga.

"Susuko ka na lang ba? Kung ako sa 'yo hindi ko titigilan ang isang bagay na gusto ko hanggat hindi ko nakukuha," anito.

"Huwag na. Hindi mo rin naman ibibigay sa akin."

"Kung ipipilit mo, makukuha mo. Use your head, darling. Come on, take it," sabi nito saka iwinawagayway ang kumpol ng susi.

Naiinis siya sa hamon nito. Sinubukan niyang kunin ang susi pero habang gumagalaw siya ay lalong naglalapit ang mga mukha nila. Kalaunan ay nasisiyahan siya sa nangyayari. Nang mahuli niya ang kamay ni Rafael na may hawak sa susi ay nakipagbuno siya rito. Mas malakas ito. Nang mainis ay walang abog na siniil niya ng halik ang labi nito.

Akala ni Andrea ay magagawa niyang palambutin si Rafael sa pamamagitan ng halik subalit nagkamali siya dahil sa halip na lumambot ito ay naramdaman niya ang paninigas ng sandata nitong dumadaiti sa kanyang mga hita.

Damn! He's crazy!

Nang akmang lulubayan niya ito sa paghalik ay saka naman kumilos ang mga labi nito at itinuloy ang halik.

"What do you think are you doing, huh?" wika nito nang sandaling iwan ang labi niya.

Namimilog ang mga matang nakatitig siya rito. Mamaya ay muli nitong siniil ng halik ang mga labi niya. Ang halik nito ay naging marubrob at mapaghanap. Ganoon na lamang ang kanyang panlulumo at inaalipin ng bayolenteng init ang kanyang kaibituran. Hindi niya nalimitahan ang kanyang sarili nang matukso siyang tumugon sa halik nito. Naging mitsa iyon upang lalo lamang mangahas ang halik nito at nagsimula na ring kumilos ang mga kamay nito.

Mamaya ay nilubayan siya nito ng halik saka siya iginiya papasok sa tent. Doon ay itinuloy nito ang halik. Nang ipikit niya ang kanyang mga mata ay isang pamilyar na senaryo ang naungkat sa isip niya. Isang senaryo na katulad sa nagaganap. Pakiramdam niya'y iisang tao ang kasama niya sa nakaraan at kasalukuyan.

Naramdaman niya ang mga kamay ni Rafael na ina-unlock ang kanyang bra. Pagkuwan ay iginiya siya nito paupo sa kandungan nito. Pinuno nito ng halik at pinong kagat ang kanyang leeg. Napakapit siya sa mga braso nito. Banayad na humuhubog ang kamay nito sa mayaman niyang dibdib. Ang halik nito at haplos ay tila bahagi ng kanyang nakaraan. Umigtad siya nang dumapo ang mainit nitong bibig sa dunggot ng kanyang dibdib. Ang isang kamay nito'y humahagod sa kanyang likod.

Pagkuwan ay inihiga siya nitong muli. Dumaing siya nang hubugin ng kamay nito ang bawat kaumbukan ng kanyang dibdib, habang ang kabila'y pinupuno nito ng halik at pinong kagat. Tuluyan siyang sumailalim sa nakakahibang na kaligayahan. Mayamaya lamang ay dumalantay ang mainit nitong bibig pababa sa kanyang puson. Nag-aapura ang mga kamay nito sa pag-alis sa nalalabi niyang saplot pan-ibaba. Nang lumaya ang kanyang kaselanan ay dumako na roon ang mukha nito at walang habas na gumalugad ang munting panlasa nito sa kanyang kaselanan.

Napakapit siya sa sahig ng tent nang hindi niya matimpi ang tensiyong umaalipin sa kanyang katawan. Nagpatuloy ito sa ginagawa. Mayamaya ay nakontento ito at muli siyang inihiga. Gumiit ang ibabang bahagi ng hubad nitong katawan sa pagitan ng kanyang mga hita. Nang muli siya nitong halikan ay impit siyang dumaing nang kasabay niyon ay bigla siya nitong inangkin. Tila hindi na bago sa kanya ang tagpong iyon at ang mismong katawang umaangkin sa kanya. Pakiramdam niya'y ito rin ang unang inalayan niya ng kanyang pagkababae.

Gusto niyang mag-explore kaya itinulak niya si Rafael saka siya pumangko rito at itinuloy ang pag-indayog. Nagpapaligsahan ang mga halinghing nila habang magkatuwang na inaabot ang tugatog. Hindi nakatiis si Rafael, inihiga siya nitong muli at hinayaan niya itong gumalaw sa ibabaw niya. Panay ang daing niya nang dumalas pa ang pag-ulos nito sa kanya. Nahihibang na siya sa labis na kaligayahan. At habang inaabot niya ang kanyang sariling orgasmo ay tuluyang bumalik sa nakaraan ang isip niya, sa parehong sitwasyon. Ang ipinagtataka niya ay bakit nakikita pa rin niya si Rafael sa kanyang nakaraan? Ito pa rin ang kasama niya sa parehong sitwasyon.

Sandali siyang nakalimot nang tuluyan niyang marating ang sukdulan ng kaligayahan.

Nang mahimasmasan si Andrea ay namataan niya si Rafael na nakaupo sa tabi niya habang hinihilot nito ang sariling ulo.

"I think there's something wrong, Andrea," sabi ni Rafael.

"What?" untag niya habang nanatili siyang nakahiga.

"I don't know. I felt we did it before together," hindi mapalagay na sabi nito.

Umupo siya. Palagi siyang nauunahan ni Rafael. Pareho sila ng nararamdaman. "I just feel it too, Raf," aniya.

Marahas itong humarap sa kanya. Nakatitig lamang siya rito.

"Sino ka ba talaga, Andrea? Ano ba ang nararamdaman mo sa akin?" anito.

"I'm not sure pero pakiramdam ko nagkita na tayo before. May mga naaalala ako pero magulo."

"God, I feel that too. Please, tell me about the yatch scene you said in your dream."

"It was a tragic scene. Binabayo ng malakas na hangin at alon ang yate. May nakita akong dalawang lalaki. Ang isa, gusto niya akong tulungan nang lumambitin ako sa barandilya pero tumalsik siya at nawalan ng malay," kuwento niya.

"Shit! Ugh!" daing nito at bigla nitong pinukpok ang sariling ulo. Nagmadali itong nagbihis at lumabas ng tent.

Nagsuot din siya ng underwear at sinundan si Rafael. Palakad-lakad ito sa harapan niya habang maya't-mayang pinupukpok ang sariling ulo.

"Stop it, Rafael!" saway niya rito.

Natigilan ito. Pagkuwan ay sinugod siya nito at bigla na lamang siya niyakap at siniil ng halik ang kanyang mga labi. Tumugon siya.

"I'm sorry. We have to take a rest. Ipapahinga ko muna ang ulo ko. Let's go," sabi ni Rafael nang maghiwalay ang mga labi nila.

Nang lumakad na ito ay kaagad niya itong sinundan. Naghiwalay na sila pagdating sa cottages.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top