Chapter Sixteen


KINABUKASAN... maagang nagising si Rafael dahil plano niyang mag-report lamang sa opisina nila at kausapin ang Daddy niya tungkol sa plano niyang pag-stay sa Palawan. Nakapagdesisyon na siya na aayusin ang problema nila ni Andrea. Nagluluto siya ng almusal nang tumunog ang gate bell. In-off niya ang kanyang kalan saka siya nagtungo sa lobby. Nakita niya buhat sa CCTV ang babaeng nakatayo sa labas ng gate. Pamilyar sa kanya ang mukha nito.

Lumabas siya at binuksan ang maliit na gate. "Thanks God I found you," sabi ng matangkad na babae. Halatang hindi ito purong pinay dahil sa bughaw nitong mga mata at sobrang puti na balat na mamula-mula.

Inaalala pa niya kung sino ang babae. "Uhm, who are you, please?" aniya.

"I'm Sofia, Carina's best friend. I came here to know what happened to Carina. She didn't call me since she's here. Nagpunta ako sa Cebu, dahil sabi niya ay doon siya mag-stay before siya uuwi ng Texas. Pero wala siya sa rest house ng mother niya. Walang tao roon. Hindi ko na makita ang Facebook account mo at nakalimutan ko ang sure name mo. I just found your address here from Carina's last message to me. Can you tell me what happened to her? I'm worried and her co-band member asking me about her. Mabuti nagpunta ako sa bar niya at nalaman ko mula sa staff niya na hindi pa siya nakakabalik since nagpunta siya rito sa Pilipinas. Hindi na siya active sa social media. May nangyari ba sa kanya?" walang prenong palatak ni Sofia.

Hindi niya alam kung paano ito sasagutin. Naalala na niya. Si Sofia ang kasama ni Carina noong nakita niya ito sa bar kung saan sila nag-iinuman noon ng mga pinsan niya. Si Sofia ang nire-reto ng pinsan niya sa kanya dahil daw Pinay rin ang nanay nito at taga-Maynila rin. Pero na-love at first sight siya kay Carina simula nang marinig niya itong kumanta. Napakaganda ng boses ni Carina at ang kinanta nito ay ang kantang 'You're Still the One'.

Bumuntong-hininga siya. Tuluyan na siyang nakaalala. Nalasing siya noong umakyat siya sa stage para kumanta dahil nag-request si Carina ng interested guest singer. Siya ang itinuro nito. Kumanta siya kahit wala siyang talent sa pagkanta. Pagkatapos niyang kumanta ay inalalayan pa siya ni Carin pababa ng stage. Doon nahulog ang susi ng kotse niya na walang key-chain dahil isinibat lang niya ang kotse dahil alam niyang hindi papayag ang Daddy niya. Binigyan siya ni Carina ng key chain at iyon na ang mayroong imahe ng agila.

"Please, Rafael, enlighten me. What happened to Carina?" pilit ni Sofia.

"Come inside first," aniya saka iginiya papasok sa bahay niya si Sofia.

Inalok niya ito ng almusal pero tumanggi ito. Naikuwento niya rito ang nangyari sa kanya at kay Carina sa abot ng nalalaman niya.

"Kaya pala hindi na makontak ng manager niya sa bar ang phone number ni Carina. Sinabi kasi ni Carina kay Megs, na uuwi siya sa Texas after six months. Seven months past na. Kaya tinawag na ako ni Megs. Actually nasa London ako and busy for my family gathering. Hindi ko alam na hindi pa pala nakakauwi si Carina. So, what we gonna do now? Hindi pa rin ba siya nakakaalala?" ani Sofia matapos niyang ikuwento rito ang nalalaman niya.

"I think hindi pa. Kaya babalik ako sa Palawan para ayusin ang problema. Actually I met her already," aniya.

"I'll go with you," sabi nito.

"Okay. Saan ka naglalagi ngayon?"

"Sa bahay ng Pinsan ko sa Pasay."

"Sabay na tayong mag-book ng flight mamaya. Then magkita na lang tayo sa airport."

"Okay. Thank you."

Sandali niyang iniwan si Sofia para asikasuhin ang almusal niya. Natataranta na siya. Naalala niya ang kanyang cellphone. Simula kagabi ay naka-off iyon dahil ayaw niyang makatanggap ng tawag mula sa parents niya.

Pagkatapos ng almusal ay nagtungo siya sa kanyang kuwarto at naligo. Nang makapagbihis ay binuksan niya ang kanyang cellphone. Mayroon siyang mensahe mula sa Daddy niya.

Nasa hospital ang Mommy mo. Inatake siya sa puso kanina lang. Don't make things worse, Rafael. I need you now.

Natulala siya nang mabasa ang mensahe ng Daddy niya. Inalipin siya ng takot at pag-aalala para sa kanyang ina. Kailanman ay hindi niya binalewala ang Daddy niya. Mabait at tahimik lang ang Daddy niya pero masamang magalit. Wala na siyang choice.

PINAGMAMASDAN ni Andrea ang munting kastilyo na binigay sa kanya ni Rafael. May dalawang linggo na rin ang lumipas magbuhat noong huli silang nagkita ni Rafael. Wala pa siyang balita rito. Hindi pa ito bumabalik sa Cuyo Island. Hindi na siya pinayagan ni Martin na mag-stay sa Cuyo. Hindi pa siya handang ipagtapat kay Martin na tuluyan nang nagbalik ang alaala niya. Ramdam din kasi niya na hindi pa ito handang umalis siya.

Kumislot siya nang may kumatok sa pinto. Naroon siya sa kanyang tinutuluyang apartment. Pasado alas-dose na ng tanghali pero hindi pa siya lumalabas para kumain. Nagtungo siya sa pinto at binuksan iyon. Bumungad sa kanya si Martin na seryoso sa mukha.

"It's time for lunch," sabi nito.

"Wala akong ganang kumain," aniya.

"That's not an excuse. Come on, nag-order na ako ng pagkain," pilit nito.

Wala siyang magawa nang hawakan nito ang kamay niya at iginiya siya patungo sa restaurant. Pinilit na lamang niya ang sarili na kumain.

"Pupunta tayo sa Cuyo bukas para bisitahin ang resort. Mag-stay tayo ng tatlong araw roon. Mukhang malabo pang makakabalik si Rafael," sabi ni Martin.

Matamang tumitig siya sa binata. Ni minsan ay hindi naalis sa isip niya si Rafael. Binibilang niya ang araw at palagi siyang naghihintay sa pagbabalik nito. Nakapagdesisyon na siya na ipagtatapat niya kay Rafael ang pagbabalik ng alaala niya.

"Bakit nga pala wala pa siya? Paano ang construction?" kaswal na usisa niya.

"Alam naman ng foreman ang trabaho. Planado naman ang lahat at kompleto na ang materyales. Babalik din naman si Rafael. Busy malamang siya ngayon sa pag-aasikaso sa kasal niya," anito.

Napatda siya. May kung anong mabigat na bagay na dumagan sa dibdib niya. Totoo ba ang narinig niya? Ikakasal na si Rafael?

"Paano mo nalamang ikakasal na si Rafael?" tanong niya sa garalgal na tinig.

"Nakita ko ang post sa Facebook na naka-tag sa kanya na maaring post ng kaanak niya. Nakalagay sa post na engagement party iyon ni Rafael. May litrato rin si Rafael na may katabing babae, na malamang ay fiancee niya. Tinawagan ko rin siya last week at sinabi niya na hindi pa siya makakabalik dito dahil marami siyang inaasikaso."

Tuluyang nagpuyos ang damdamin ni Andrea. Halos hindi niya malunok ang kanyang kinakain. Nakita na rin niya ang mga litratong sinasabi ni Martin sa Facebook ni Rafael pero binalewala niya iyon dahil tiwala siya na hindi siya basta babalewalain ni Rafael. Hindi siya nakatiis, walang imik siyang tumayo at lumakad palabas ng restaurant. Kaagad naman siyang sinundan ni Martin.

"Andrea, alam kong umaasa ka kay Rafael. But think about yourself first. He's engaged now. Isa pa, may amnesia rin siya. Walang kasiguruhan kung basta ka na lang magtitiwala sa kanya. A man like him does not deserve you. Paaasahin ka lang niya at sasaktan," sabi ni Martin.

Pumihit siya paharap dito. Hindi na niya napigil ang pagdaloy ng kanyang mga luha. "Martin, I'm sorry for the efforts you've been wasted for me. And thank you for everything. Nagbalik na ang alaala ko at si Rafael ang lalaki sa nakaraan ko. He proposed me a marriage and I accepted it. I love him. He's still the one I love," walang gatol na pagtatapat niya.

Napatda si Martin. "B-but, he ignores you. And now, he's getting married with someone else," balisang sabi nito pagkuwan.

Lalong nanikip ang dibdib niya habang iniisip ang katotohanan tungkol kay Rafael. "If ever I fail to get him back, I will let him go and I have to move on. I need to go back in Texas," lumuluhang wika niya.

Hindi na nakakibo si Martin. Iniwan niya ito at pumasok siya sa kanyang apartment.

NASORPRESA si Andrea nang biglang sumulpot si Sofia sa resort ni Martin sa El Nido. Nang magpakilala ito sa kanya ay walang alinlangang nakilala kaagad niya ito. Nang tanungin naman niya ito tungkol kay Rafael ay wala itong binaggit na engaged na ang binata. Sinabi lang nito na hindi nakasama si Rafael dahil marami pa itong inaasikaso.

Tinulungan naman sila ni Martin na makabiyahe kaagad patungong Maynila. Nangako naman siya kay Martin na papasyalan niya ito kahit makabalik na siya sa Texas. Maluwag naman ang pagtanggap ni Martin sa desisyon niya.

Pagdating nila ni Sofia sa main office mismo ng kumpanya na pag-aari ng pamilya ni Rafael ay kaagad nilang hinanap ang binata. Na-excite siya nang sabihin ni Sofia na nakakaalala na rin si Rafael. Subalit pagdating nila sa mini dining room ng kumpanya ay napako ang mga paa niya sa pinto nang mamataan niya si Rafael na may katabing babae. Kasama ng mga ito sa mesa ang tatay nito at ang parents marahil ng babae. Namumukhaan niya ang tatay ni Rafael dahil nakita na niya ito noong nasa Texas sila. Ang babaeng kasama ni Rafael ay ang babaeng nakita niya sa litratong naka-post sa Facebook nito na nai-tag dito ng kung sino.

"I think we need to set an appointment to talk to him," sabi ni Sofia.

"No need. We need to book a flight to US right away," pasya niya.

"But, Carina, you have to talk to Rafael, first."

"For what reason? He's engaged and I need to accept the truth." Tatalikod na sana siya nang pigilan siya ni Sofia.

Nang tingnan niya si Rafael ay nakatayo na ito at nakatingin sa kanila. Nagpatuloy pa rin siya sa pag-alis.

"Carina, wait!"

Nasa lobby na siya nang marinig niya ang pagtawag sa kanya ni Rafael. Huminto siya at hinarap si Rafael. Dagli niyang hinubad ang suot niyang singsing na binigay nito saka ibinalik dito.

"Take it. Ayaw kong umalis na dala ang bagay na 'yan. Wala na iyang bisa. But then, thank you for the memories from past and the present. The incident happened between us before was enough to understand that we're not meant to be. It's destiny. I'm happy for you. Congrats for your engagement. The girl you chose was look fit for you," seryosong pahayag niya habang pigil ang kanyang emosyon.

"Hey. What are you talking about?" maang nito. Wala itong nagawa nang sapilitan niyang ilagay ang singsing sa kamay nito.

Hindi na siya nakaimik nang mamataan niya ang fiancee ni Rafael na papalapit sa kanila.

"Rafael! We have to go now. Dad is waiting," sabi ng babae.

Hinawakan ni Rafael ang kamay niya pero marahan niya iyong iniwaksi saka niya ito tinalikuran. Dagli namang sumunod sa kanya si Sofia.

Nang lulan na sila ni Sofia ng taxi ay nag-uunahan sa pagpatak ang kanyang luha. Tuluyan siyang napahagulhol nang gupuin siya ng matinding emosyon.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top