Chapter Eleven
MASAYA si Andrea nang sabihin ng doktor na magandang senyales daw ang mga nararamdaman niya. Patunay raw iyon na unti-unti nang bumabalik ang ala-ala niya. Pagdating nila sa El Nido, sa resort ni Martin ay napansin niya ang pananahimik ng binata. Simula nang umalis sila sa clinic ni Dr. Andrada ay tahimik na ito. Magkasalo na sila sa hapunan.
"Okay ka lang ba? Baka napagod ka na sa biyahe," aniya.
Matamang tumitig sa kanya si Martin. "I'm fine," sagot nito sa malamig na tinig.
"Magpahinga ka na lang. Ako na lang ang bibiyahe mag-isa pabalik ng Cuyo."
"Kaya mo ba?"
"Oo naman. Ang sabi ni Doc, kailangan kong mag-stay sa lugar kung saan mabilis ang recovery ko. Huwag kang mag-alala, ayos lang ako." sabi niya.
"Dapat pala matagal na kitang dinala sa Cuyo. Doon lang pala mabilis ang recovery mo," anito.
"Depende rin siguro. Nakakatulong din sa akin si Rafael. Pareho pala kaming may amnesia," kaswal na sabi niya.
Nang sipatin niya si Martin ay napakaseryoso nito.
"Martin?" tawag niya sa atensiyon nito.
Naging uneasy si Martin. "Paano mo nalaman na may amnesia si Rafael?" usisa nito.
"Sinabi niya. Alam mo ba'ng dito sa El Nido siya nadisgrasya at nagka-amnesia?"
"Paano siya nagka-amnesia?" tanong nito.
"Uh... aksidente raw. Hindi ko naitanong kung anong klaseng aksidente. Baka car accident. Pero sabi niya hindi pa rin siya satisfied sa nalalaman niya mula sa pamilya niya. Kaya siya narito sa Palawan ay para mas madali siyang makaalala. Hindi ko maintindihan. Simula noong nakilala ko si Rafael, marami akong nararamdamang pamilyar at may mga pamilyar na eksenang pumapasok sa isip ko," kuwento niya.
"Andrea, I think there's something wrong with you," bigla'y sabi ni Martim.
Awtomatikong tumitig siya sa mga mata nitong mahayap ang tingin sa kanya. "What's wrong?" maang niya.
"Do you like Rafael?" walang gatol na tanong nito.
"What do you mean by that?" kunot-noong tanong niya.
"Masaya ka habang nagkukuwento tungkol kay Rafael. Huwag mong ikaila ang totoong damdamin mo. Gusto mo siya 'di ba?" usig nito.
Natigagal siya. Sumobra ata ang tuwa niya at hindi niya inisip ang mararamdaman ni Martin. Paano nga ba niya pagbubulaanan ang totoong nararamdaman niya? Alam niya sa kanyang sarili na hindi na basta estranghero sa kanya si Rafael. Masaya siya na nakilala niya ito at hindi niya maikakaila na palagi itong laman ng isip niya habang malayo ito sa kanya. Nami-miss niya ang mga patutsada nito sa kanya at ang mga effort nito para mapasaya siya at damayan siya sa kanyang kalungkutan.
"I'm sorry. I just found myself comfortable with him. Pareho kami ng sitwasyon kaya siguro madaling napagaan ang loob ko sa kanya at-"
"At na-in love ka bigla sa kanya, tama?" putol nito sa sasabihin niya.
Nilinis niya ang kanyang lalamunan. Nahimigan niya ang iritasyon sa boses ni Martin. Hindi siya makatingin nang deretso sa mga mata nito.
"There's no love, I think," aniya.
"You don't need to hesitate, Andrea. You're not innocent and I know you know how to fell in love," anito.
Napilitan siyang tingnan ito sa mga mata. "Martin, please, I don't want to make it serious. I know my rules," aniya.
"Yeah, you must know your rules. Pinabayaan kitang magpatali sa paniniwala mong kasal ka na dahil nga may amnesia ka. But it's so unfair, Andrea. You denied all men who flirting on you. Sino ba si Rafael?" usig nito sa matigas na tinig.
Nabikig na ang lalamunan niya.
"Sabihin mo lang kung ano talaga ang nararamdaman mo para kay Rafael, and I will respect your decision as long as you're comfortable," wika nito.
"Marami akong nararamdamang pamilyar sa kanya. I just felt like I know him already," sabi niya.
"Naisip mo na ba na baka nagkita na kayo noon?" usig nito.
"Yes," deretsong sagot niya.
Hindi na kumibo si Martin.
PAGBALIK ni Andrea sa Cuyo Island ay nasorpresa siya nang salubungin siya ni Rafael sa entrada ng resort. Malapad ang ngiti nito pero hindi ang ngiti nito ang unang napansin niya kundi ang pangangayayat nito. May kung anong pumiga sa puso siya nang makita ang hitsura nito. Inagaw nito ang dala niyang travelling bag.
"Kumusta ang medication mo?" tanong nito nang naglalakad na sila patungo sa front office.
"Okay naman. May progress naman sa memory ko. Ikaw, bakit parang hindi ka na natutulog at kumakain? You look stressed," aniya.
"Wala ka, eh kaya hindi ako makatulog at makakain nang maayos," walang gatol na sabi nito.
Napahinto siya bigla sa tapat ng front office. Marahas niyang hinarap si Rafael. "Huwag mo akong biruin ng ganyan, puwede?" mataray na sabi niya.
Ngumisi ang binata. "Hindi kita binibiro. Hindi ako sira-ulo para pahirapan ang sarili ko. Wala, eh, nasanay na talaga ako sa 'yo," anito.
"That's not a good sign, Rafael. You have to consult to your psychiatrist."
Tumawa ng pagak si Rafael. "That's funny. I'm serous, Andrea. I really missed you," seryosong sabi nito.
Bumuntong-hininga siya. Pagkuwan ay dumeretso siya sa kanyang cottage. Hinatid naman doon ni Rafael ang bag niya. Nagkita na lamang sila sa bagong palapala kung saan nakahain ang hapunan na niluto ni Aleng Delia.
Na-miss niya ang dagat ng isla kaya pagkatapos ng hapunan ay naligo siya suot lamang ang ternong puting underwear. Mula sa puwesto niya ay natatanaw niya ang bagong palapala kung saan nakatambay si Rafael kasama ang ibang empleyado. Nagkukuwentuhan ang mga ito.
Kanina ay hindi niya maintindihan ang naramdaman niya nang makita niya si Rafael. Mas nauna kasi niyang napansin ang pangayayat nito. Pero nang kumakain na sila ay saka niya naramdaman ang pananabik sa muling pagkikita nila.
Nang magsawa siya sa kakalangoy ay nagtungo siya sa camp site. Hindi pa niya nailigpit ang tent na inilagay niya sa lilim ng puno ng mahogany. Nag-iisa na lang ang tent niya roon. Isang beses lamang siyang nakatulog doon. Malayo na ang ibang tent sa kanya. Binuksan niya ang tent at kinuha ang rubber carpet at inilatag sa tapat ng tent. Lumuklok siya roon. Maliwanag ang paligid dahil sa liwanag ng buwan at mga bituin.
Nang makadama siya ng gutom ay nagtungo siya sa palapala at kumuha ng makakain at maiinom. Wala na roon si Rafael. Nang pabalik na siya sa camp site ay namataan niya si Rafael sa tapat ng store at may kausap na magandang babae na nakabikini. Nakasuot lamang ng itim na boxer si Rafael at halatang naligo rin dahil basa ang buhok. Kahit nangayayat ito ay maganda pa rin ang katawan nito.
Kalaunan ay naiinis siyang nakikita ito habang aliw na aliw sa kausap na babae. May dalawang dipa lamang ang pagitan niya sa mga ito kaya naririnig niya ang mga sinasabi nito. Nang mahagip siya ng paningin nito ay dagli siyang umiwas ng tingin at nagpatuloy sa paglalakad.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top