Chapter 42

Please follow @beeyotchupdated on twitter for real time tweet if any story got updated. Thank you.

#WTG42 Chapter 42

"Pagod na pagod na ako..." pagod na sabi ko kay Nikolai habang naka-yukyok iyong ulo ko sa lamesa. Kanina pa niya sinasabi sa akin na 'wag kong gawin iyon dahil madumi iyong lamesa, pero wala na talaga akong energy sa katawan. Ilang buwan na lang at BAR exam na. Pagod ako sa pagrereview. Para akong tino-torture araw-araw.

Naramdaman ko iyong paghagod niya sa tuktok ng ulo ko. Na-relax ako kahit konti. Hindi pa rin naman kaming dalawa... pero gets na namin 'yun. Magkasama kami tuwing Sunday tapos minsan nagtetext tuwing weekdays. Basta alam niya na focus ko talaga iyong review ngayon. Malinaw na malinaw na sinabi ko sa kanya na goal kong maging abogado bago pa man ang ibang bagay.

"Maybe you can take a break from working," sabi niya.

"Ayoko. Marami akong natututunan sa trabaho ko."

"You can always learn more when you're already a lawyer."

"Baka maka-hanap sila ng ipapalit talaga sa akin," sagot ko. Gusto ko talaga doon sa firm. Feeling ko doon talaga ako maggo-grow as a person at as a lawyer. Alam mo 'yun? Kapag lumalabas kami, parang friends talaga at barkada kami... pero kapag nasa loob ng opisina, seryoso at trabaho talaga. Kumbaga, nakita ko na iyong best of both world kaya ayokong pakawalan.

"There are lots of other firms."

"Gusto ko roon."

Tumingin ako sa kanya. Medyo umirap siya. Kinunutan ko siya ng noo. "Friends lang kami ni Darius."

Mas kumunot ang noo niya. "So, it's Darius now? What happened to Atty. Marasigan?"

Tinawanan ko siya. "Darius na raw itawag ko, e," sabi ko tapos sumimangot si Nikolai. Umayos ako ng upo. Tumunog iyong tiyan ko kaya naman umorder na kami ng pagkain. Nasa Tagaytay kasi kami ngayon. In fairness kay Nikolai na kahit Sunday lang kami nagkikita, talagang sinu-sulit niya. Madalas kami sa Tagaytay o kaya naman sa Batangas kapag feel niya na dalhin ako sa beach. One time din ay nagpunta kami sa Puerto Galera. Sabi niya kasi na alam niya iyong pagod ko buong linggo kaya gusto niya ma-relax ako kapag Sunday.

Umorder lang kami ng pagkain tapos ay nagkwentuhan. Ang ganda ng view sa coffee shop na 'to. Nakaka-relax talaga. Nandoon kami mula lunch hanggang dinner. Sobrang nakaka-amaze lang talaga na 'di kami nauubusan ng pag-uusapan.

"Thanks for today," sabi ko nung ihinto niya iyong sasakyan niya sa harap ng apartment ko. Alam ko hassle sa kanya kasi medyo traffic pabalik sa hotel niya.

"Anything for you," malambing na sagot niya.

Alam ko dapat bumaba na ako. Kasi ganoon kami. Magkikita ng brunch ng Sunday tapos ay ihahatid niya ako pauwi. Halos dalawang buwan na rin na ganito kami. Sobrang kalmado. Kahit sobrang stressful nung buong linggo ko, mayroon akong nilu-look forward tuwing linggo.

"Uhm... Gusto mong magkape sa loob?"

"We already had 2 cups," sagot niya.

Umirap ako. "Ayaw mo bang pumasok sa loob?"

Kumunot ang noo niya at bahagyang nanlaki ang mga mata. "You're inviting me inside?" medyo gulat na sagot niya.

Simula nung maging okay kaming dalawa, never pa siyang naka-pasok sa apartment ko. Ewan. Para bang... ang permanent na kapag pumasok siya. Para bang symbolism na papasok na talaga siya sa buhay ko. Kaya hindi ko talaga siya inaaya. Hanggang sa labas lang siya.

Pero parang okay na talaga kami ngayon.

"Ayaw mo ba?" tanong ko na medyo naka-arko ang kilay, pero imbes na sumagot ay mabilis niya lang na tinanggal iyong seatbelt niya. Natawa ako. Parang bata talaga 'to.

Pagpasok niya sa loob ay para siyang nasa museum dahil patingin-tingin siya sa mga gamit sa loob. Wala naman siyang makikita d'yan bukod sa mga libro at kung anu-anong gamit para sa school.

"Wala pala akong kape," sabi ko sa kanya.

"So, you just really wanted to invite me in?" tanong niya na naka-arko ang kilay.

Umirap ako. "Di ko talaga alam na wala akong kape," sagot ko. Busy talaga kasi ako sa mga ganap ko sa buhay kaya pag-umuuwi ako, naglilinis lang ako ng katawan tapos diretso tulog na agad. Sa trabaho na ako kuma-kain ng lunch tapos on the way papunta sa review center naman ako kuma-kain ng dinner.

"Can I sit?"

"Oo naman."

Naupo siya roon sa maliit na sofa ko—kasama iyon nung inupahan ko 'tong apartment. Okay naman siya—malinis saka mabait iyong landlady ko. Iyong isa ko kasing landlord dati e akala mo mamamatay kapag na-delay lang ng ilang araw iyong upa ko. Nakaka-stress. Buti naka-lipat ako.

Naka-tingin kami sa isa't-isa.

"So..." sabi niya.

"So..." sagot ko naman.

"Jersey."

"Nikolai."

Natawa siya. Napa-ngiti. Ang gwapo ng leche.

"Since you don't have coffee, maybe you can offer something else instead."

Umirap ako. "Ano'ng something else 'yan?" tanong ko, pero wish ko talaga na halikan niya na ako. Ang hirap naman kasi na ako iyong susunggab sa kanya gayong ako 'tong super linaw na sinabi sa kanya na walang kung anuman na mangyayari hanggang hindi Atty. Lorenzo ang tawag sa akin.

Saka ayoko lang na maulit iyong dati.

"Can I sleep over?"

"Sleepover lang?"

"Yeah... unless you wanna do something else," sabi niya habang gina-galaw iyong kilay niya. Natawa ako sa kanya. Hindi pa rin namin napapag-usapan iyong sa tatay niya, pero panatag na ako kay Nikolai. Alam ko na mahal niya talaga ako at kung kailan man niya gustong pag-usapan 'yun, bahala na siya. 'Di ko na iisipin. Sure ako na bigla na lang dadating iyong araw na 'yon.

"Inaantok na ako," sabi ko na lang kahit hindi pa talaga ako inaantok dahil sa kape na ininom namin.

Dumiretso ako sa kwarto tapos sumunod lang sa akin si Nikolai nang ayain ko siya. Tinuro ko sa kanya iyong CR ko tapos ay hinanap ko iyong t-shirt niya na ibinaon ko sa pinaka-ilalim dahil nase-stress talaga ako dati kapag nakikita ko 'yun.

Nang marinig ko iyong yabag niya ay humarap ako sa kanya. Napa-awang ang labi ko nang makita ko iyong katawan niya. Jusko... bakit ba ganito iyong katawan ng lalaki na 'to? Parang ginawa para magka-sala ang babae at lalaki.

"If it's okay, I'll just sleep in my boxers," sabi niya.

"Okay," mabilis na sagot ko at tinago iyong shirt niya.

Parang nanuyo iyong lalamunan ko. Dumiretso na lang ako papunta sa CR kahit na gusto kong magstay doon at titigan lang siya. Leche na 'yan! Ex ko na at lahat—natikman ko na at lahat—pero ganito pa rin ang reaksyon ko!

Ang init!

Leche!

Mabilis akong naligo. At tapos na akong maligo nung ma-realize ko na wala pala akong dalang damit! Sa sobrang kagustuhan ko na maka-alis mula doon ay nalimutan kong magdala ng pambihis!

Huminga ako nang malalim.

Kinuha ko iyong tuwalya na lumiyad lang ata ako ng kaunti ay makikita na iyong puwet ko. Binuksan ko iyong pinto nang bahagya.

"Nikolai," pagtawag ko.

"Yeah?"

"Di kita inaakit, okay? Nalimutan ko lang magdala ng pamalit."

Nakita ko na naguluhan iyong mukha niya. "What?"

Dahan-dahan kong nilakihan iyong bukas ng pintuan. "Kukuha lang ako ng damit, okay?" sabi ko. Alam ko na pwede ko naman siyang palabasin para makapagbihis ako pero... tangina. Tigang na tigang na ako! Kung pwede lang na talunin ko na 'tong tao na 'to, e!

Kitang-kita ko iyong panlalaki ng mga mata niya nung lumabas ako ng CR na kapiranggot na tuwalya lang ang naka-balot sa katawan ko. Para akong tanga na pinanood iyong Adam's apple niya na magtaas-baba habang naka-tingin sa akin. Huminga ako nang malalim—paulit-ulit dahil tangina, ano ba 'tong sitwasyon na 'to?! Feeling ko nasa pelikula kaming dalawa at ito na iyong scene na may mangyayari sa amin, e!

"I'll just... go out."

Hindi ako naka-galaw.

Narinig ko iyong yabag niya pero bago pa man siya maka-layo ay mabilis akong lumapit sa kanya at niyakap siya mula sa likuran niya. Hindi ko alam kung bakit ko ginawa 'yun. Nakaka-hiya. Pero miss na miss ko na talaga siya. Miss ko na kaming dalawa. Iyong kagaya nung dati. Pero alam ko naman na hindi na pwedeng mabalik iyong ganoon ng eksakto dahil marami ng nagbago sa amin.

"Jersey..." sabi niya habang hawak iyong mga kamay ko na naka-balot sa bewang niya.

"Plant," bulong ko habang naka-sandal ang mukhang ko sa likuran niya. Naramdaman ko ang pagtawa niya. "Plant, plant, plant," paulit-ulit na sabi ko sa kanya.

Palakas nang palakas ang tawa ni Nikolai.

"Okay, okay," sabi niya habang naka-hawak sa mga kamay ko.

Umirap ako. "Grabe, parang napipilitan pa."

Inalis niya iyong yakap ko, pero nanatili niyang hawak iyong mga kamay ko. Humarap siya sa akin at niyakap ako. Naka-tingala ako at naka-tingin sa kanya. Grabe... sa angle na 'to kitang-kita mo talaga iyong ka-unfair-an kasi bakit ang gwapo pa rin?

"I just don't want it to be like the last time, you know?" malambing niyang sabi habang diretsong naka-tingin sa mga mata ko. "I said and implied some really awful things. I just want you to know that I can do without sex—for now, at least. I mean, I'm not a rock. Just staring at you makes me hard, you know?"

Napa-lunok ako nang dahan-dahang bumaba iyong kamay niya mula sa balikat ko pababa ng braso ko.

"Jersey, do you understand that I'm yours?"

Lord.

"From then to now and pretty sure for all the days to come, for me, it's you."

Kinagat ko iyong ibabang labi ko dahil alam ko na kapag hindi pa siya tumigil ay tuluyan nang mapupunit iyong labi ko sa laki ng magiging ngiti ko.

"So, if you want to have sex, we'll have sex... but if it's up to me, I'd rather we wait until you're officially a lawyer. I mean, it's us—and we're definitely worth the wait."

Para akong nahihipnotismo sa pagtingin niya.

Na tipong bigla na lang akong napa-luhod.

"Jersey—"

Agad na natigil ang pagsasalita niya nung ibaba ko iyong boxers niya. Kitang-kita ko iyong pag-awang ng labi niya. Kitang-kita ko iyong pagka-gulo sa mukha niya kung hahawiin niya ba iyong buhok ko o hahatakin ako patayo.

Pero bago pa man siya makapagsalita ay agad ko siyang hinawakan. Saglit siyang napa-pikit at mabilis na lumalim ang paghinga.

"You know what? I agree," sabi ko sa kanya habang dahan-dahang hina-hawakan siya. "No sex hanggang hindi pa ako abogado—that's the general rule," dugtong ko habang pabilis nang pabilis ang kamay ko. "Pero tuwing may general rule, merong...?"

"Fuck," mahinang sagot niya habang naghahanap ng makaka-pitan.

"Exception to the rule, Nikolai," sagot ko habang pabilis nang pabilis ang kamay ko at parang malalagutan na siya ng hininga.

"I know that, of course," sabi niya.

"Grabe, ilang taon ka pa lang na graduate, naka-limot ka na."

Tumingin siya sa akin. Kitang-kita ko iyong mga ugat sa leeg niya. Halos namumula na iyong mukha niya. Halata na hindi niya na alam kung ano ang gagawin sa akin.

"Jersey, what are you doing?"

"Ito ba?" tanong ko habang naka-titig sa mga mata niya. "Handjob. First time mo ba 'to?"

Umigting ang panga niya. "Jersey, please, don't torture me."

"Torture ba 'to?" tanong ko habang bina-bagalan ko iyong paghagod ng kamay ko.

Parang bata siyang umiling. "Yes..."

"Nikolai," sabi ko habang inabot iyong panali ng buhok. Naka-tingin kami sa mga mata ng isa't-isa. Kita ko iyong paglunok niya habang tina-tali ko iyong buhok ko. "Happy birthday, merry Christmas, happy new year, happy Valentine's day, happy Independence Day, happy lahat ng legal holidays sa Pilinas."

Napa-kurap siya.

"Most importantly, congrats dahil mas mataas iyong grades mo sa akin dati," huling sabi ko bago tuluyan siyang napa-pikit at napa-sabunot sa buhok ko. 

***

This story is chapters ahead on Patreon (patreon.com/beeyotch)

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top