Chapter 08
Please follow @beeyotchupdated on twitter for real time tweet if any story got updated. Thank you.
#WTG08 Chapter 08
"Sigurado ka na dito ka lang?" tanong ni Clark nang matapos niyang ayusin iyong mga kinalat niya sa bar. Tumango ako sa kanya. Mukhang naguguluhan siya kung bakit stay put lang ako rito sa bar. Ayoko muna kasing umuwi kasi nitong mga nakaraang araw ay pakiramdam ko may naka-sunod sa akin. Nung una ay akala ko praning lang ako—kaso mga isang linggo ko nang nararamdaman iyon. Kaya dito muna ako sa bar hanggang madilim pa sa labas. May guard naman d'yan sa labas kaya sisigaw na lang ako kung meron mang mangyari.
Naka-tambay lang ako sa may sofa habang hinihintay na sumikat ang araw. Agad akong napa-upo nang may marinig akong ingay. Tumakbo ako papunta sa bar para humanap ng ice pick doon kaya lang ay nakita kong si Nikolai lang pala ang nandoon.
"What... are you doing?" tanong niya habang hawak-hawak ko iyong ice pick kasi gi-gripuhan ko talaga siya kung 'di ko siya kilala!
"Bakit ka ba nandito?!" sigaw ko sa kanya.
"I own this place?" tanong niya. Tignan mo 'tong taong 'to! 'Di talaga sure sa maraming bagay! "Can you please put that down?" sabi niya sabay turo sa ice pick na hawak ko. "What are you doing here? The bar's already closed."
Nagkibit-balikat ako. "Ikaw, bakit ka nandito?" Nagkibit-balikat din siya. Ngumisi ako. "Ako pinuntahan mo rito, noh? Miss mo na ko?"
Natawa siya. "Why are you here?" ulit na tanong niya.
"Binabantayan ko iyong mga alak."
"Why?"
"Ang mahal, e! Masyado kayong tubong-lugaw. Tatlong libo sa isang bote ng alak? E sa akin gagapang ka na sa halagang 200 hundred!" sabi ko sa kanya. Malakas kutob ko tutumba agad 'tong si Nikolai kapag pinainom ko ng C2-gin, e.
"We have guards," sabi niya. "You don't have to do that."
"Sure ba? 'Di ko kasi alam ano talaga trabaho ko rito," sabi ko sa kanya. May accountant naman pala kasi sila na nag-aayos nung kita nila rito. Tapos may Clark na. May naghuhugas din ng mga gamit. May guard na. Naniniwala talaga ako na muse ako sa lugar na 'to, e. Kaya nung isang araw, nagpaka-promo girl na lang ako at namigay ng free shot nung bagong alak dito.
"Your job is to make sure everything is running smoothly."
"Manager?"
"Sure."
Taena talaga 'to.
"Ano nga kukunin mo rito? Kung talagang 'di ka pumunta para lang makita ako," sabi ko sa kanya. Tinawanan lang ako ni gago. Umakyat siya sa second floor at mukhang may kukunin nga siya. Pagbaba niya ay may dala lang siyang mga papel-papel. "Ano 'yan?" tanong ko.
"Notes," sabi niya. "No time to make more notes, so I'll just read my old notes."
"Sa 'yo ba talaga 'yan? Bakit may Assia dela Serna na naka-sulat?" tanong ko dahil nakita ko na may pangalan sa harap na naka-lagay. Matagal ko nang gustong magtanong tungkol dito kaya lang ay wala laging tamang timing. Saka minsan ko lang siya makita dahil nasa school palagi. 'Di naman siya madalas nagpupunta dito sa bar—nung isang beses lang dahil nagtext si Clark sa kanya.
Tinignan niya iyong papel. Doon niya lang ata na-realize na may naka-sulat ngang pangalan. "It's a photocopy," sabi niya. "I used to photocopy her notes."
"Jowa mo?"
"I don't have a death wish," sagot niya.
"Ha?" naguluhan na tanong ko.
"Can we not talk about her?" tanong niya na para bang ayaw niya talagang pag-usapan. Ano kaya ganap dito? Crush niya kaya? Sabi kasi ni Clark e bukambibig daw ni Nikolai si Assia kaya lang ay may Vito sa eksena. Ano kaya itsura nung Assia? At ni Vito? Siguro mala-diyosa iyong babae na 'yun.
Kasi si Nikolai na gwapo, namimigay ng pera at bra, tapos todo-perform sa kama ay aayawan mo?! Sino ka, sis?! Pa-share ng secret!
"Okay fine," sagot ko. Sinaktan siguro 'to nung Assia.
"Thank you," magalang na sagot niya na akala mo 'di ako pinadapa at lahat-lahat.
"Are you leaving? I'll drive you home."
"Talaga?"
"Yeah..." sabi niya na medyo kunot ang noo. "Is there a problem?"
Umiling ako. "Wala," sabi ko. "Kunin ko lang gamit ko."
Mabilis na kinuha ko iyong bag ko. Mabuti na lang at napadpad siya rito dahil gusto ko na rin namang umuwi. Syempre iba pa rin sa sariling kama ko ako matutulog.
"Are you sure you're okay?" tanong niya habang naglalakad kami papunta sa Jeep niya. Haaay, Jeep... Maraming masasarap na alalala ang nangyari sa likuran mo.
"Yup."
"No one's bothering you?"
"Ikaw lang kasi 'di ka nagpapa-kita," tukso ko sa kanya kasi ayokong pag-usapan iyong mga weird na ganap. Baka isipin ni Nikolai na na-a-attach na ako sa kanya kapag nagkwento ako nung mga ganon. "Ganyan ka ba talaga ka-busy at wala kang time kahit mga 3 hours lang? Short time lang, ganon?"
Natawa siya habang iniistart iyong sasakyan niya. "I have an hour now—"
"Game! Sa hotel mo ba?"
"No, I have group study in—"
Hindi na natapos ang sasabihin niya dahil agad ko siyang sinunggaban. Akala ko ay papalag pa si Nikolai pero ang naramdaman ko agad ay ang pagbaba niya nung upuan. Mukhang nagmamadali nga talaga siya dahil agad niyang hinila pababa iyong panty ko at naramdaman ko iyong daliri niya—
"Dalawa muna!" sabi ko. "Wag kasi tatlo agad!"
Tumawa siya. "Fine," sabi niya. Magrereklamo pa sana ako nang hawakan niya ako roon. Napa-kapit agad ako sa mga balikat niya. Dahil nagmamadali nga siya ay kusang hinubad ko na iyong t-shirt na suot ko. Parang baby si Nikolai na kusang inabot iyong nipple ko. Habang naka-sabunot ako sa buhok niya ay ramdam kong inaabot niya iyong sa glove compartment.
"Ako na," sabi ko nang makuha niya iyong pakete ng condom. Mukha namang wala siyang pakielam dahil naka-concentrate pa rin siya doon sa boobs ko. Binuksan ko iyong condom tapos ay tinulak siya pahiga. Binuksan ko iyong butones ng pantalon niya at saka hinila pababa iyong zipper.
"Tapos na tao sa likod tapos dito sa harap. Sa next, doon naman tayo sa second row," sabi ko habang sinu-suot sa kanya iyong condom.
"You have a fascination with car sex?"
"Wala, ah. Hirap kaya dito," sabi ko habang sina-sakyan ko siya. Napa-awang iyong labi ni Nikolai nang pumasok siya sa akin. Hinawakan niya iyong magkabilang bewan ko. "Nauubos iyong natitirang brain cells—" reklamo ko dahil nauuntog ako sa bubong ng sasakyan niya kaya lang natigil ang reklamo ko nang bumilis siya nang bumilis.
Taenang pag-aaral niya 'yan! Dalawang buwan ko na siyang kilala pero nakaka-tatlo pa lang ako! Laking abala!
* * *
Nang matapos kami ay gulu-gulo iyong buhok ni Nikolai dahil kanina ko pa siya sina-sabunutan. Patas lang dahil parang ang hapdi nung pwet ko dahil kinu-kurot niya.
"Aaral ka pa after nito?" tanong ko sa kanya.
"Yup."
"Sino kasama mo? Assia?"
"Why are you so curious about Assia?"
Nagkibit-balikat ako. "Wala lang," sabi ko. "Inaano mo rin siya?" tanong ko kasi malay ko ba! Mamaya marami palang ka-sex 'to! 'Di naman sa pipigilan ko siya kasi 'di naman kami magjowa, pero dapat alam ko, noh.
"God, your questions," sabi niya habang binaba iyong salamin at saka tinignan iyong itsura niya roon. Tangina ang sexy talaga nung tattoo niya... lalo na kapag naka-silip iyong sa t-shirt niya.
"Wag mo na ngang sagutin," sabi ko. "Pa-hatid na lang sa condo ko."
Tumingin siya. "You ask like you like me."
Natawa ako. "Tanga. Syempre kung ka-sex mo siya e 'di parang ka-sex ko na rin siya. Ano? Share-share tayong tatlo ng body fluids?"
Bigla siyang natawa. At napa-iling. Well, at least entertaining ako sa kanya. "God..." mahinang sabi niya. "Assia's a friend. Never in a million years will I have sex with her, okay?"
"Kasi 'di ka niya type?"
"Because I see her more as a sister, okay?" sagot niya.
"Sa madaling salita... 'di ka nga niya type?"
Napa-irap siya. "You have no idea," tanging sagot niya lang bago buksan iyong sasakyan niya. Pagdating namin sa harap ng condo ko ay bumaba na ako. Nagpasalamat ako sa kanya tapos ay naglakad na ako papasok. Kaso bago pa man ako maka-pasok ay tumingin ako sa paligid dahil feeling ko na naman ay may naka-tingin sa akin. Tumataas talaga iyong balahibo sa leeg ko sa sobrang kaba!
Biglang nagring iyong cellphone ko.
"Bakit?" tanong ko.
"You okay?"
"Yup."
"Then, why did you stop walking? And why are you looking around like you're trying to catch someone?"
Tumalikod ako at nakita ko na naka-park pa rin siya sa harap ng building. Tumingin ako sa kanya. Binaba niya iyong bintana. Para kaming tanga na nag-uusap sa cellphone kahit ilang metro lang naman ang layo niya sa akin.
"Wala lang."
"Jersey," sabi niya na kagaya nung tono niya nung bini-bilangan niya si Zach. Medyo kinilabutan ako sa tono niya.
"Fine!" pag-amin ko agad kasi parang nakaka-takot magsinungaling sa kanya. "Feel ko kasi may sumu-sunod sa akin. Kaya nandun din ako kanina sa bar kasi inaantay ko mag-umaga kasi ayoko umuwi ng madilim pa."
Akala ko ay sasagot siya sa akin, pero nagulat ako nung bumukas iyong pinto ng sasakyan niya at diretso siyang naglakad papunta sa akin.
"Since when has this been happening?"
"Hindi ko alam. Ngayong linggo lang ata."
"And you didn't bother to tell me?"
"Kasi busy ka sa school."
Ayan na naman siya sa pagsuklay ng buhok niya. At ayan na naman ako na sumilip sa v-line niya at sinubukang tignan kung ano iyong naka-sulat sa may tattoo niya.
"Next time please tell me," sabi niya.
Tumango ako. "Okay."
"Let's go."
Kumunot ang noo ko. "Ha?"
"Maybe someone's really stalking you—"
"Wala akong stalker."
"You wanna bet on that?"
Hindi ako naka-sagot. Hindi ko alam. Meron siguro. Nung nagta-trabaho pa ako sa club, merong mga makukulit na lalaki na text nang text at tawag nang tawag. Pero never pa naman umabot sa ganitong point!
"Nandito naman na ako sa building. Safe naman dito. Mahal-mahal kaya ng renta ko!" sabi ko sa kanya. Kalahati nga ng sweldo ko sa bar sa renta ko napupunta, e. Pasalamat na lang talaga ako at hindi ako mahilig kumain.
"Fine. But I'll walk you in."
"Fine."
Pagpasok namin ay kita ko na napa-tingin sa amin iyong ibang mga babae. 'Di ko naman sila masisi dahil masarap talaga 'tong lalaki sa tabi ko. Pasensya na lang sila dahil may nanalo na. At kahit pumila pa sila, mayroon na akong backstage pass.
"Do you have any idea who might be stalking you?" tanong niya.
"Sa ganda kong 'to, maraming choices."
Sumimangot siya. "Jersey, I'm serious."
Tumawa ako. "Di ko kasi alam. Malay ko ba. Feel mo ba magpapa-kilala sila sa akin?"
Kumunot ang noo niya. "After work, just wait for me and I'll drive you home."
"Wag na," sabi ko sa kanya. "Alas-dos ng umaga pa tapos ng trabaho ko. Tulog ka na nun."
"I'm still awake at that time."
"E 'di ipang-aral mo na lang 'yung oras mo para maka-graduate ka na."
"Whatever. Just wait for me there and don't go home alone."
"Wag nga kasi. 'Di mo ako jowa."
"So? Do you need to be my girlfriend for me to do things like this for you?" tanong niya na naka-kunot ang noo. Hindi ako naka-sagot. "You're my friend and I protect my friends."
Hindi ako naka-sagot.
Bumukas iyong pinto.
Diretso akong lumabas at naglakad papunta sa unit ko. Ramdam ko na naka-sunod sa akin si Nikolai.
"Why are you so quiet?" tanong niya nang huminto kami sa harap ng unit ko. Tumingin ako sa kanya at seryoso siyang naka-tingin sa akin.
"Salamat," sabi ko.
"For what?"
Umiling ako. Nabigla ako nang sinabi niya na ginagawa niya 'to dahil kaibigan niya ako. Akala ko ang turing niya lang sa akin ay iyong babaeng dating nagtrabaho sa club. Iyong tinutulungan niya dahil nakaka-awa.
Pero kaibigan niya raw ako.
Parang kapantay niya.
Parang... ang sarap sa pakiramdam.
Ngumiti ako sa kanya at saka tumingkayad para halikan siya sa pinsgi. "Salamat sa paghatid. Good luck sa aral mo," sabi ko bago buksan ang pinto at pumasok sa unit ko.
***
This story is chapters ahead on Patreon x
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top