Chapter 02
Please follow @beeyotchupdated on twitter for real time tweet if any story got updated. Thank you.
#WTG02 Chapter 02
"Miss, are you okay?" tanong ni chicken wings nang lumabas siya sa Jeep niya at lapitan ako.
"Mukha ba akong okay?!" malakas na bulyaw ko sa kanya habang ganoon pa rin ang pose ko. Shet! Bakit ako napunta sa kalsada?! Saan ba papunta iyong nagtutulak sa akin kanina?! Hindi ba cart naman talaga iyong pinagpasukan sa akin ni Jerry?! Bakit ako napunta sa labas?! Hindi ko gets?!
"Let me help you—"
"Wag mo kong hawakan!" sabi ko sa kanya. "Ihanap mo ako ng doctor!"
"Let's get you to the hospital," sabi niya. Sinubukan niya akong muling hawakan pero malakas ko siyang sinigawan. May napa-nood akong ganitong episode sa Grey's Anatomy, e! Ginalaw kasi pagkatapos maaksidente tapos iyon—paralyzed! Hindi ako pwedeng maging ganoon—malakas ang pakiramdam ko na hindi ako magiging inspiring na person with special needs.
"Let me help you—"
"Wag mo nga akong galawin."
"Do I drive you to the hospital while you're on my windshield?" naguguluhan na tanong niya. Shet. Mukha nga akong gagamba na naka-harang sa windshield niya. Feel ko dapat umalis ako rito, but at the same time, takot akong baka may nangyari pala sa spine ko.
Minsan talaga masama na 'tong panonood ko ng Grey's Anatomy, e. Minsan nanghihingi na lang ako ng scalpel out of nowhere.
"Maghanap ka ng doctor sa loob ng hotel," sabi ko.
"Okay..." sagot niya pero ramdam ko pa rin na naguguluhan siya sa mga nangyayari.
* * *
Hindi ko alam kung ano ang nangyari.
Ang alam ko ang sinabi ko kay chicken wings ay ihanap lang ako ng doctor para i-confirm na hindi ako mababaldado kapag gumalaw ako sa pwesto ko, pero nakita ko na lang ang sarili ko na napapalibutan ng mga doctor at biglang nasa stretcher na ako at naka-sakay sa ambulansya.
Hindi ito ang ineexpect kong mangyayari nang gumising ako kaninang umaga!
Sobrang daming tanong sa akin ng mga tao. Hindi ko alam kung ano ba ang sinabi sa kanila ni chicken wings dahil kung tratuhin nila ako ay parang mamamatay na ako bukas.
Oh, my god.
May internal bleeding ba ako?!
Kasi parang for a moment kanina ay lumipad ako at humiwalay ang kaluluwa ko!
"Is there anything I can do for you?" tanong sa akin ni chicken—
"Ano ngang pangalan mo?" tanong ko sa kanya dahil nahihirapan na akong tawagin siyang chicken wings sa utak ko. Ayoko kasing tandaan iyong pangalan niya dahil 'di niya deserved, noh! Pagkatapos niya akong isnabin dati nung nakita ko siya sa resto! Porke kasama niya rich friends niya! 'Di bale, naka-rich girl lifestyle naman na ako ngayon!
"Nikolai," sagot niya.
"Okay," sabi ko. "Kung mamamatay man ako—"
"You won't die—"
"Desisyon ka?" tanong ko at kumunot ang noo niya. 'Di ko na siya pinansin. Baka may internal bleeding nga ako at anytime ay mamatay na ako—pero 'di ko rin sure. 'Di ko masyadong maalala kung nakakamatay ba agad ang internal bleeding. Sa dami ba naman ng episode na napanood ko! "May ipon akong pera sa condo ko. Iyong susi ay nasa bag ko. Ibigay mo sa Tita Perlita ko sa probinsya. Paki-sabi bayad ko sa kanya dahil kahit inaapi nila ako nung bata ako, at least hindi nila hinayaan na magka-peklat ako."
Nag-iisip pa ako ng mga ihahabilin ko sa kanya. Mag-iiwan din kaya ako sa mga pinsan ko? Pero wala naman silang ambag sa buhay ko—ang tanging memory ko lang sa kanila ay iyong sinasara nila iyong bintana kapag nakiki-nood ako mula sa labas.
'Di nila deserve ng sugar.
Hindi ko naituloy iyong sasabihin ko dahil dinala na ako isang kwarto para kuhanan ng napaka-raming scans. Kung anu-ano ang ginawa sa akin, at finally, nasa isang private room na ako.
"So far, your scans are clear," sabi ng doktor.
"Sure po, doc? Walang internal bleeding?" pagsisigurado ko.
"Wala naman," naka-ngiting sabi niya sa akin. "But we'll keep you overnight for observation."
Nagpasalamat ako sa doktor. Nakita ko na kinausap siya ni Nikolai. Baka sinisigurado lang din na walang kung anuman sa akin. Aba, kung mamamatay man lang ako, siya ang pumatay sa akin! Nananahimik ako, e! Kakalabas ko lang ng pushcart tapos gaganunin ako?! Tapos kasalanan ko pa?! Victim blaming, ganon?!
"You're okay," sabi niya. "Thank God."
"Di mo sure—baka mamatay ako bukas."
Nanlaki ang mga mata niya na para bang gulat na gulat siya sa sinabi ko. Ewan ko. Kebs lang sa akin magjoke sa mga ganito kasi ewan... Lumaki ako sa buhay na hindi masyadong happy-happy. Na iyon bang tipong minsan naiisip mo na ano naman kung mawala ako bukas? As if naman may malulungkot.
"Doc!" sigaw niya sa doktor na kakalabas lang.
"Uy, joke lang! 'To naman 'di mabiro!" sabi ko dahil baka mag-eskandalo pa siya dito sa ospital.
"Nothing's hurting?"
"Wala."
"Are you sure?"
"Oo nga."
"Then why make a joke like that?!" parang galit na sabi niya.
Medyo natigilan ako dahil... grabe, ang hot naman nito magalit.
"Bakit ka galit?!"
"Because—" sabi niya tapos natigilan at hot na napa-suklay sa buhok niya gamit iyong daliri niya. Kitang-kita ko iyong ugat sa braso niya at sa leeg niya.
Sarap naman galitin nito.
"I'm sorry for shouting," bigla niyang sabi. "But are you really okay? Does anything hurt?"
Dahan-dahan akong umiling kahit gusto kong tumango, pero parang ayoko siyang galitin. Feeling ko baka kunin niya na 'tong unan sa ilalim ng ulo ko at itakip sa mukha ko.
"Are you sure?"
Tumango ako.
"Can I call anyone?"
Umiling ako.
Sino naman tatawagan? Wala naman akong friends dito—'di kami friends ni Yana. Asa pa siya. Saka 'di ko pwedeng tawagan si Nick! Leche siya! Naging unwilling na kabit pa ako! Kailangan ko ng maghanap ng trabaho! Gusto ko iyong rich girl lifestyle ko, pero hindi sa ganoong paraan, noh!
"Sige na, umalis ka na," sabi ko sa kanya dahil baka may lakad pa siya.
"Are you sure I can't call anyone?"
"Wala nga," sabi ko.
Naupo siya roon sa maliit na sofa sa kwarto. Nagde-kwarto siya at saka kinuha iyong cellphone niya. "Sorry, can't come," sabi niya sa kung sinuman ang kausap niya. "Have to do something," dugtong niya tapos ay tumingin sa akin.
Sumimangot ako sa kanya. Kapal nito—as if utang na loob ko pa! Siya kaya sagasaan ko tapos ako 'tong aattitude sa kanya?!
"Nasa ospital naman ako. Kung mamamatay ako—"
"Oh, my god. Can you please stop talking about dying?"
"Arte mo, ha."
"You're not dying."
"Di mo—"
"The doctor said that you're fine—you don't even have a scratch on your body."
Shit.
Nagka-sugat ba ako?! Isa pa naman sa mga pinagmamalaki ko sa buhay iyong pagiging makinis ko?!
Kung wala man akong mahanap na trabaho dito, balak ko sanang gumapang pabalik sa club... pero paano ako tatanggapin kung sugat-sugat na ako?!
Mabilis kong hinawi iyong kumot at saka tinignan iyong mga hita ko. Tinaas ko rin iyong hospital gown—
"For god's sake!" sigaw niya kaya naman napa-tingin ako sa kanya. Nag-iwas siya ng tingin. Ay, tangina! Naka-lace panty nga pala ako ngayon! Masyado akong nagpanic na may peklat ako kaya nalimutan ko na may kasama nga pala ako sa kwarto!
Hindi ko na siya pinansin pa at chineck ang bawat parte ng katawan ko. Naka-hinga lang ako nang maluwag nang masigurado ko na flawless pa rin ako.
"Arte mo, ha," sabi ko nang makita ko na kunot pa rin ang noo niya. Akala mo naman virgin pa 'tong isang 'to—e literal na regalo nga ako sa kanya ng kaibigan niya nung birthday niya dati. Masyadong mapagpanggap.
"Pwede ka ng umuwi. Matutulog lang naman ako."
"No, I'll stay."
"Wag na."
"I insist."
"Di kita boyfriend."
"Then call your boyfriend and I'll leave," parang hinahamon na sabi niya sa akin. Nakipagsukatan pa ng tingin si gago. Napa-irap ako. "No boyfriend, huh?"
Umirap na naman ako. "Alam mo, injured ako tapos nilalandi mo ako. Literal na vulnerable ako."
Napa-awang na naman ang labi niya. Para namang shocked na shocked ang isang 'to sa mga sinasabi ko.
"Sige na, umalis ka na," pagtataboy ko ulit sa kanya. Mamaya may jowa pa 'to. Kaka-discover ko pa nga lang na kabit pala ako tapos ngayon naman kasama ko 'tong baka may jowa. 'Di talaga nakaka-ganda kapag nakikiagaw sa lalaki ng may lalaki.
Kasi kung maganda ka talaga, makakahanap ka ng lalaking walang sabit. 'Yan talaga ang tunay na pamantayan ng pagiging maganda.
"No."
"Alis na."
"No."
"Tatawagin ko 'yung security."
"Do it," parang nanghahamon ulit na sabi niya.
Napa-irap na naman ako. "Fine," sabi ko. "Pero may jowa ka ba?"
"Jowa?"
"Girlfriend? Nilalandi exclusively? With strings attached?"
Kumunot ang noo niya. "I have none," parang 'di sure na sagot niya.
"Sure ba 'yan? Parang 'di ka sure sa sagot mo," paninigurado ko lang kasi mamaya may girlfriend pala 'to!
"I have no girlfriend," sabi niya.
"E fiancée? Wife?" dugtong ko pa para sure.
"Do you wanna know if I'm single?"
"Oo."
"Are you hitting on me?" naka-kunot ang noo na tanong niya.
"Kung oo, may magagawa ka ba?" naka-taas ang kilay na tanong ko sa kanya. Sa totoo lang, crush ko naman talaga siya nung una kaming nagkita. Medyo nasayangan nga ako kasi literal na gift na nga ako sa kanya tapos 'di man lang ako inunwrap! Pero nung inignore niya ako nung nakita niya ako sa resto, nabwisit lang ako sa kanya talaga.
Tsk.
Mga rich kid.
Minsan ang sarap itapon sa Jupiter.
"Maybe you have a brain damage," sabi niya at saka tumayo. "I'll call the doctor to check on you again."
"Wala akong brain damage!"
"Are you sure?"
"Di pwedeng gwapo ka lang?"
Napaawang na naman ang labi niya. Masyado namang bilib 'to sa 'kin. Baka mas bumilib 'to kapag nakita niya ang ibang talent ko.
Gusto ko sana siyang tuksuhin pa kaya lang ay baka mapikon na sa akin. Pinigilan kong matawa.
"I promise na okay lang ako," sabi ko habang tinaas pa iyong kamay ko. "Pero umuwi ka na talaga. Okay na ako rito."
Pero umiling siya. "I'll stay," sabi niya at saka muling naupo. "Then I'll drive you home tomorrow."
Tinaas ko iyong kilay ko. "Saan? Doon sa sasakyan mo na muntik ng maka-patay sa akin?" Napa-awang na naman ang labi niya. Tumawa ako. "Joke lang, 'to naman!"
"Please stop with the dark humor."
"Oo na."
"Thank you."
"Dito ka matutulog?"
"Yes."
"Maluwag 'tong kama—gusto mo tabi na tayo?" tanong ko sa kanya pero kita ko na napa-awang na naman iyong labi niya. Tumawa na lang ako at saka pinikit ang mga mata ko. Ang gara talaga ng araw na 'to.
***
This story is chapters ahead on Patreon x
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top