THREE
KINNEY
Nagising ako na nasa hospital ako. Naalala ko ang baby ko! Tumingin ako sa paligid and then nakita ko si Alter na naka tulog sa sofa. Parang may kakaibang feeling akong naramdaman.
He's Here!
Ayaw ko sana siyang gisingin but then naka ramdam ako ng uhaw.
"Alter," I said in a low tone. Mukhang narinig naman niya ako dahil he opened his eyes.
"Are you okay?" Agad na tanong niya tapos lumapit sa akin. Ewan pero napa ngiti ako.
"Yeah but nauuhaw ako," I answered frankly. Agad naman siyang gumalaw tapos ay kumuha ng tubig at ibinigay sa akin na agad ko namang ininom.
"How's my baby?" Agad na tanong ko after drinking my water.
"Our." Pag cocorrect niya. I mentally rolled my eyes dahil sa sinabi niya.
"How's our baby?" Pag uulit ko. Ngumiti naman siya pero super saglit lang. Parang may tumambol sa puso ko ng makita ko siyang ngumiti.
"The baby is fine," He answered and then mag sasalita sana ako pero biglang bumukas ang pinto and behind that door ay si Lake habang may hawak ng fruits.
My eyes widened ng lumapit siya sakin and then hinalikan ako sa pisngi. Well, medyo sanay naman na ako pero iba na ngayon eh.
Hindi ko makakalimutan kung paano niya ako lokohin.
"What are you doing here?" I used my coldest tone ng mag salita ako. Nakita kong may dumaan na sakit sa mga mata niya. And so nag iwas ako ng tingin dahil duon.
"I-I'm here to visit you," Sagot niya. Tinignan ko lang siya at pinag taasan ng kilay.
"Leave." I don't know where I got the guts na paalisin siya.
"But I wanna--" He didn't finish his words dahil sumabay si Alter.
"Just leave, will you?" Bored na sabi ni Alter. Sinamaan naman siya ng tingin ni Lake pero hindi siya pinansin ni Alter.
Wala namang nagawa si Lake kundi umalis. Right after he left, dumating naman si Leigh. Nagulat ako ng lumapit siya kay Alter tapos hinalikan niya din siya sa pisngi.
What the hell was that?!
Pasalit-salit lang ang tingin ko sa kanilang dalawa. It seems like napansin din nila na naka tingin ako sa kanila kaya tumingin sila sa akin.
"Kelan pa kayo naging close?" I raised my brow pagkasabi ko nun. Lumapit naman sa akin si Leigh and then umupo sa kama.
"Believe me, ewan ko rin. Sisihin mo yang ama ng anak mo na sobrang kulit at papansin." Sabi niya tapos tinignan si Alter na nginisian lang siya.
Makulit? Hindi naman makulit si Alter ah? In fact, sobrang cold nga niya eh tapos sobrang aloof.
"What? Hindi pa nga ako makulit sa lagay na yun," Natatawang sagot ni Alter. What did I just said? He's laughing? Napa awang ang labi ko habang naka tingin kay Alter.
"Wow huh? Hindi ka pa makulit sa lagay na yun?" Leigh grabbed the pillow tapos ay ibinato kay Alter na tumatawa.
"Nope," Alter replied and then itinabi sofa ang pillow. Lumapit naman siya sa side table kung saan nasaan ang mga fruits at mag balat ng orange.
Akala ko ibibigay niya sa akin pero nagulat ako ng ibigay niya yun kay Leigh.
"Gusto mo rin?" Pag tatanong niya sa akin. I looked away and then umiling nalang.
I don't know what is happening pero isa lang ang alam ko. Na my heart is aching.
.......
Two months had passed and next week na ang kasal namin. It's a civil wedding. Family ko lang at ni Alter ang pupunta kasama na rin si Leigh at mga kaibigan namin. Why? Kasi yun ang gusto ni Alter.
And my tummy is getting bigger na. Ayaw ko na ngang nag susuot ng fitted na damit eh.
"What do you think?" Pag tatanong ko kay Leigh. I'm wearing a white dress na onting crystals na nakapalibot. It's simple but elegant.
"Oh my! It fits perfectly sayo, bessy!" Leigh Exclaimed tapos umikot ikot pa sa akin as if checking my dress.
"Are you sure?" Nag aalangan ko na sagot. Tumango naman siya so I called the saleslady para bayaran na ang napili kong dress.
"Saan na tayo ngayon?" Pag tatanong ko after kuhanin yung paper bag sa cashier. Mag sasalita sana si Leigh ng may biglang babaeng yumakap sa kaniya.
"Ate Leigh." I looked at the girl na biglang lumapit at nakita ko si Airee na may kasama pang iba. Barkada ata niya.
"Who is she, ate?" Singit nung babaeng may katabing lalaki. Lima silang boys actually.
"She's my best friend and siya yung fiancee ni Alter." Naka ngiting sagot ni Leigh. My body stiffened ng marealize ko na kapatid pala ni Alter ang kaharap namin kasama ang girlfriend niya na siyang kausap ni Leigh!
"Awww, akala ko ikaw yung sinabi ni Alter na nabuntis niya. I like you for him naman." Napa yuko ako dahil sa sinabi niya. Damn! The stinging feeling is here again.
"Milly babe." The Ander guy warns his girlfriend.
"What made you think na ako yun?" Natatawang tanong ni Leigh. Nag kibit balikat naman yung babae na Millet pala ang pangalan.
"Wala. Palagi ko kayong nakikitang magkasama lately eh." Napa tingin ako kay Leigh. She looks tense.
"We're friends," Leigh explained.
"If you say so." Sagot naman nung Millet.
"Ate, Alis na kami. See you around." Pag papaalam ni Airee. She kissed her cousin's cheek and then umalis na.
They bid goodbye naman sa akin.
Pinag taasan ko ng kilay si Leigh. "So what was that?" I'm pertaining sa sinabi ni Millet na magkasama daw pala sila Lately.
"I don't see anything wrong with that. Besides, we're friends." She looked away after saying those words. Nanliit ang mga mata ko.
She's Lying...
"I want the truth, Leigh." I said in Low but deep tone. She held my hand.
"Bessy, He's courting me." Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. We are getting married and then now she's saying na nililigawan siya ni Alter?
"You told me na hindi mo siya mahal." Yeah, I said that like five weeks ago. Pakiramdam ko pinag sisisihan ko ang sinabi ko.
I feel so betrayed!
"Do you like him?" I don't know where I got the courage na tanungin sa kaniya sa kaniya iyon.
Nag iwas siya ng tingin and then tumango. Napa buntog hininga nalang ako dahil sa sagot niya.
"Sana maging masaya kayo, and please, don't hurt him." Pinilit kong ngumiti and then tumalikod na lang ako.
It's okay baby, hmmm? Atleast kikilalanin mo pa rin siyang daddy.
•••
Sorry for this very very very lame chapter pero sana nagustuhan niyo!
Edited.
CONTINUE READING...
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top