EPILOGUE

KINNEY

It has been two months simula nung mawala si Alter. Nakita ko mismo yung katawan ni Alter eh! Nakilala ko yung katawan niya dahil suot suot niya ang wedding ring namin and even the necklace that I gave him. I can't imagine a life without him, hanggang ngayon nasasaktan pa rin ako sa tuwing naaalala ko ang araw na yun.

Andito ako ngayon na puntod niya. Today is our 5th anniversary. I always dream of celebrating anniversaries with him, candles, roses and exclusive dinners just for the two of us. Ang dami ko pang gustong gawin kasama niya but then he left me.

I tightly closed my eyes. Gusto kong pigilan ang luha sa mga mata ko pero hindi ko kaya. Kusa nalang tumutulo ang luha sa mga mata ko.

Ang aga mo naman akong iniwan.

"Alter, mag paramdam ka naman oh." Mariin akong napapikit. humangin ng malakas. I smiled bitterly as I feel the air hugging my whole body.

Hindi ko kaya eh. Kahit na pilitin kong kalimutan siya, kahit na pilitin kong wag niyang alalahanin, palagi ko pa rin siyang naaalala.

Bakit mo ba kasi kailangang mawala?

After I am done bursting my feeling out au tumayo na ako at pumunta sa parking kung saan nag hihintay si Lake.

"Tara na?" Ngumiti ako kay Lake. Nasa may sasakyan lang siya. Hindi na rin ako nag pasama sa kaniya.

Sumakay na ako sa sasakyan. Tahimik lang kami, gusto ko ng umuwi sa bahay. I feel so exhausted. Pakiramdam ko, kinakapos ako. It has been two months. pero ramdam ko pa rin ang sakit, my whole body feels so sore. Gusto kong magpahinga.

"Everything's gonna be okay," Lake said habang nag dradrive. Tumingin ako sa bintana. Naramdaman kong may tumulo na naman na luha sa mga mata ko. I immediately wiped it off.

"Sana nga." Tinry ko ulit na ngumiti sa kaniya. He smiled back at me tapos ay ibinalik ulit ang tingin sa daan.

Naka-tingin lang ako sa bintana ng biglang nag ring ang phone ko. Tinignan ko kung sino ang caller at nakita ko ang name ni mommy. My forehead creased for her sudden phone call.

Bakit naman tatawag si mommy?

Sinagot ko yung tawag.

"Hey, mom," I greeted her. Tahimik lang sa kabilang linya pero I can hear some soft noises na parang umiiyak.

Bigla akong kinabahan nang hindi sumangot si mommy.

"Mom, what's wrong?" The crying noises became even more louder. Napapatingin- tingin na din sa akin si Lake habang nag dradrive. My heart is starting to pound fast. Bigla akong nakaramdam ng kaban

"S-si Thorn." mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa sinabi ni mommy.

"Bakit si Thorn mommy? What happened to my son?!" I can't help but to shout. Kinakabahan ako, sobrang kinakabahan.

I already lose my other half at ikamamatay ko kung pati si Thorn ay iiwan ako.

"H-he is... Y-yung school bus. He was riding sa school bus a-and then the driver lost control s-so bumangga yung s-sasakyan nila." Napa takip ako sa bibig para pigilan ang hikbi ko. I can't talk.

Bakit ba nangyayari ito sa akin?!

"Anong nangyari?" Lake seems so worried dahil inihinto niya sa gilid yung sasakyan.

"Let's book a flight," I said. Kumunot ang noo niya.

"Bakit?"

"Naaksidente si Thorn," I explained na mas nag paiyak sa akin. Nakita kong natigilan si Lake.

"You are already 7 months pregnant, Kinney! Hindi ka pa pwedeng bumyahe." Umiling ako sa kaniya while still crying.

"I need to see my son, Lake," I sobbed.

"You can use my private jet. More safe at mas mabilis unlike if mag pupublic flight ka." Napa-ngiti ako sa sinabi niya at pinunasan ang luha ko na patuloy pa ring tumutulo.

"Thank you, Lake."

.......

Pagkalapag pa lang ng sasakyan ay lumabas na agad ko. Lake came with me dahil daw nag aalala siya sa amin ng baby ko.

"Saan tayo ngayon?" Lake asked.

"I don't know, tatawagan ko sila mommy," I replied tapos kukunin na sana yung cellphone ko pero kay kumalabit sa aking bata.

"Yes?" This is not right time for this but I still smiled at him. Ngumiti siya sa akin and then may inabot na red rose na may letter.

Kumunot ang noo ko. Hindi ngayon ang time para dito. Ilalapag ko na sana yung rose para matawagan ko na si mommy pero pinigilan ako ni Lake.

"Read it," he smiled. Kahit na nawiweirduhan man ako ay binasa ko pa rin.

"I miss you," basa ko sa naka sulat. Biglang tumaas lahat ng balahibo ko.

Nag pa tuloy lang kami sa pag lalakad nang may sumalubong ulit sa akin na bata.

"I love you," basa ko ulit.

Patuloy lang kaming nag lalakad at patuloy ring may mga batang sumasalunong sa amin na may mga dalang roses.

'Can we start all over again?'
'I miss your kisses.'
'Can we cuddle?'
'I miss your lips.'
'I can't wait to hear your voice once again.'
'I miss your smile.'

Ilan lang yan sa mga naka sulat sa letter. The Last boy na lumapit sa akin ay naka suot ng hood at mask at may ini-abot sa akin na isang katutak na roses na may ribbon pa unlike sa ibang bata na pa-isa isa lang.

"I miss you and our son," basa ko sa letter. And then when it finally hit me, biglang tumigil sa pag-ikot ang mundo ko.

Napa yuko ako. At pag-angat ko ng tingin, nakita ko si Alter na naka tayo sa harap ko habang buhat buhat si Thorn at isang katutak na chocolate sa isang kamay.

My brain can't process ang mga nangyayari ngayon.

He's alive. My Alter is alive.

Parang nag slow motion nang lumapit siya sa akin. Blurred ang paningin ko dahil sa mga luha na tumutulo sa mga mata ko.

"I miss you," he smiled at me. Bumuka ang bibig ko but there is no words coming out.

"Hey, hindi ka mag sasalita?" Lumapit siya sa akin at hinawakan ako sa pisngi.

"Y-you're here. Totoo ka," I said. I started crying even harder at napa-yakap sa kaniya.

"Diba sabi ko hindi kita iiwan?" He asked kaya naman tumango ako.

"Thank you for keeping your promise." Napa yakap ako sa kaniya ulit.

"Mom, dad, my future sibling will be flat na if you won't stop hugging each other." Napa-tawa kaming dalawa dahil sa sinabi ni Thorn.

Humarap si Alter kay Lake at nakipag fist bump at manly hug.

"Thanks, bro," Alter said. Ngumiti at tumango lang sa amin si Lake.

Humarap ulit sa akin si Alter at hinalikan ako. I smiled while we are kissing at kumapit pa sa leeg niya para kumuha ng suporta.

I can't believe na andito na ngayon sa harap ko ang lalaking mahal na mahal ko.

"Mom, dad, andito pa po ako," Naka-ngusong sabi ni Thorn kaya natatawang binitawan ko ang leeg ni Alter.

Binuhat ni Alter si Thorn.

"I love you, mommy and daddy," Thorn said tapos ay hinalikan kaming dalawa ni Alter.

"I love you too, Son."
"I love you too, baby."

Natawa kami ni Alter nang sabay kaming mag salita.

"Wife." Tumingin ako kay Alter ng tawagin niya ako.

"Happy 5th anniversary," he said and them ini-abot sa akin yung chocolates. Naka-ngiti ko yung inabot.

"I love you," sabi niya ulit while looking sa mga mata ko. I smiled at him.

"I love you too."

•••

Waaah! Tapos na!👏 *insert victory dance*

Salamat sa mga nag babasa nang worthless marriage! Sa mga nag basa, nag babasa at mag babasa palang.

Super thank you talaga!

THANK YOU FOR READING...

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top