ELEVEN
KINNEY
"Which one?" I asked Lake habang hawak hawak yung dalawang damit na parehas na parehas pero magkaiba ng kulay. Blue yung isa tapos green naman yung isa.
"I prefer the green one." He answered habang turo turo yung color green na damit. Hawak hawak niya yung basket na punong-puno na ng damit.
"The blue one is better." Tumingin kaming dalawa ng mag salita si Alter. Sumama sila sa amin dahil gusto daw nila. Like duh!
"Trust me, mas maganda yung green." Bumaling naman ako kay Lake nang mag salita ulit siya.
"I am the father at mas gusto ko yung blue kaya yung blue ang kukunin natin." Pag aapila pa ni Alter. I stayed quiet habang nakikinig sa kanila.
Kinuha sa akin ni Alter yung blue at inilagay sa Basket na hawak ni Lake pero inalis yun ni Lake at kinuha sa akin yung Green at inilagay sa basket na hawak niya.
"What the fu--" hindi na natuloy ni Alter ang sasabihin niya nang tampalin ko ang bibig niya.
"Don't cuss, naririnig ka ng anak mo," Pag sesermon ko sa kaniya na sinunod niya naman.
"Bessy, yung white na lang." Tumingin ako kay Leigh na hawak hawak si baby Thorn. She insisted kanina.
"Good Idea." I said. Don't ano! We're okay naman eh yun nga lang si heart ko ang problema dahil napaka selosa.
"Akin na si Baby Thorn." Kinuha ko siya kay Leigh at binuhat. Inilagay naman niya sa basket na hawak ni Lake yung color white na damit.
Nagkatinginan kami ni Leigh nang makitang ang sama ng tingin nila Alter at Lake sa isa't isa. At out of nowhere ay bigla kaming natawa.
Just like the old times.
"Come on, stop it guys mas matino pa si baby Thorn sa inyo eh," Sermon ni Leigh. Tumigil naman silang dalawa.
Lumapit sa akin ni Lake habang naka simangot.
"May kulang pa ba?" Tanong ni Lake habang naka simangot pa rin kaya natawa ako at hinila ang pisngi niya na mas nag pasimangot pa sa kaniya.
"Kung hindi lang kita mahal eh," mahinang bulong niya na narinig ko naman. Namula ako sa sinabi niya at lumapit kita Leigh.
"Bayaran ko na?" Lake asked at tumango naman ako.
"Ang cute cute talaga ni baby Thorn," Leigh said while pinching Thorn's cheeks slowly.
"Kanino pa ba nag mana?" Pag mamayabang ni Altet kaya inirapan ko siya.
"Sa akin malamang." Sagot ko naman. Tumawa lang naman siya sa sinabi ko kaya sumimangot ako.
"Tayo na lang kasi," Natatawang sabi niya pero parehas kaming natigilan ni Leigh at naka tingin lang kay Alter.
"Ang kamukha ni Thorn," pag papatuloy niya. "You're over thinking everything, babe," tumatawang sabi tapos at inakbayan si Leigh. Nag iwas ako ng tingin.
Eto nanaman yung aching feeling. Buti na lang ay naka bayad na si Lake na lumapit agad sa akin.
"Japanese or Italian?" Lake is asking which restaurant ang gusto kong pag kainan.
"Italian na lang." I answered him at duon nga kami pumunta. Sumunod naman sa amin sila Alter.
......
The waiter already served the food at nag istart na kaming kumain pero medyo nahihirapan ako dahil buhat ko si baby Thorn at wala naman akong dalang stroller.
"Here," Itinapat ni Lake yung spoon niya na may laman na foods sa bibig ko pero tinignan ko lang yun.
"C'mon sugar cane, we are used to this," He whispered. Pinag taasan ko siya nang kilay at mag sasalita sana pero pag bukas ko nang bibig ko ay bigla niyang ipinasok sa bunganga ko yung spoon ay no choice ako kundi nguyain.
"Say ahh, babe," Lake and I glanced at Alter and Leigh nang mag salita si Alter.
"What?" Patay malisyang tanong ni Alter.
"Huwaaaah waaaah~" Biglang umiyak si baby Thorn. Maybe gutom na siya.
"Lake, kuhanin mo nga yung milk bottle ni Baby Thorn," Utos ko kay Lake na agad naman niyang ginawa.
"Ako na," Inunahan ni Alter si Lake na kuhanin yung milk bottle ni Baby Thorn. Nag katinginan kami ni Lake at nakita ko siyang ngumisi sa akin.
"Let's start the game," Bulong niya sa akin. Yung tipong ako lang talaga ang makakarinig.
Kinunutan ko siya ng noo dahil hindi ko siya gets.
"Sugar Cane, Try this," Tapos ay itinutok niya ulit sa bibig ko yung spoon na puno ng pagkain.
Awww, gets ko na.
"I don't like pastas, cookie monster," Damn it! Hindi ko inexpect na ganito pala kami kakorni ni Lake. Endearment namin nung college ang gamit namin ngayon at ngayon ko lang talaga narealize na sobrang corny namin.
"Try it, sugar cane," Pamimilit pa rin niya kaya kinain ko na. Ang lakas din talaga ng trip ng lalaki na to.
"Alter," Pag tawag ko ng pansin kay Alter pero naka simangot lang niya akong tinignan.
"Huy!" Pag tawag ko ulit pero hindi niya pa rin ako pinansin.
At nagulat kaming lahat ng bigla siyang tumayo at nag walk out. Nag katinginan kami, tatayo na dapat ako pero naunahan ako ni Leigh.
Kaibigan ka lang, Kinney. Kaibigan kahit kasal na kayo.
⚫⚫⚫
Sorry dahil super short ng update😪
Happy 302 reads!!!
CONTINUE READING...
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top