#TTW05
Entry 05
Ngumuso ako habang pinagmamasdan ang kisame ng aking kwarto. I bended my knees and let my other knee to just lie on the bed sheets. Hindi ako mapakali kaya naman tumihaya na ako at isinandal ang likod sa headboard ng malaki kong kama.
I play with my lips as I stare blankly in the off television straight to my vision. Bahagya ko ulit ginalaw ang aking mga hita at ito na naman ang hapdi na kagabi ko pa nararamdaman.
It feels like his whole is still inside me. Siguro dahil sa pagod na dulot nang nangyari kagabi ay nagawa ko na lang makatulog ngunit sa paggising ko ay nangingibabaw na naman ang hapdi sa aking gitna. And whenever the image of him last night flashed in my mind, I feel like I am going to fucking boil.
That was my first time and he is the first man to touch me barely in my private parts. I am liberated and I am not that concern to whom I am going to give my virginity. It just happen that I felt my inside ready only for him. Uhaw ako sa halik at haplos mula sa mga naging ex ko ngunit hindi ko kailanman naramdaman noon ang naramdaman ko kay Toby.
At hindi ko alam na ganoon pala iyon. It's like there is something inside your head telling that it is okay to lose your virginity tonight because it feels like you won't regret anything in the end. At iyon ang nararamdaman ko ngayon.
Madalas naririnig ko sa mga konserbatibo kong mga kakilala na hindi dapat agad ito sinusuko. Now that we're living in a modern world, mas nararapat daw na mas maging maingat tayo dahil marupok tayo pagdating sa usaping sekswal. Na kaunting hawak lang sa'yo, nag-iinit na at pakiramdam mo ay pwede na.
I am neither good nor evil. I am flawed with how I perceive life. But there is no exactly right and wrong in this world. It always depends on how a person sees it. Dahil kung tama sa'yo, para sa isa naman ay hindi. And whatever we do, lahat ng tao may masasabi pa rin. It doesn't mean that we need to do everything we want, it's not like that. Kailangan nating maging responsable sa mga desisyong ginagawa natin. I am not against to those who ought to say that virginity must be kept until you're ready, but just respect. That if someone willingly gave up hers, there's no should be an issue about that. After all, we are created with different minds.
Bumuntong hininga ako at nilingon ang side table kung saan nakalapag ang cellphone ko. Kanina pa ito tumutunog dahil sa tawag ni Zaijan. He's asking me na samahan siya sa court para mapanood ang laro nila kaso tinatamad ako. Marami pa din akong gagawin.
I ignored the calls and straightly walked towards my bathroom. Hindi ko na nagawang maglinis kagabi ng katawan dahil sa sobrang pagod. Ni hindi ko na nga rin namalayan na nakarating kami sa bahay dahil nagising na lang ako at nandito na sa kwarto. Probably, Zaijan brought me here.
"Did I lose it?" I asked to my reflection in the mirror.
I rested my palm on the sink and tilted my head a little to see the kiss marks. Tatlong kulay ube ang nasa magkabilang gilid ng aking leeg at dalawang parehas na kulay ang malapit sa aking dibdib. I unclasped my bra and saw that even on my boobs, there are hickeys!
Hinubad ko ang aking jeans at pumasok sa shower room. When the warm water gushed down to my body that's only when all the realizations popped in. My legs are apart and now I feel like there is something that I lost... something that missing. Tila ba hindi naman ako ganito noon.
Tumingala ako at dinama ang haplos ng tubig.
Either way, I can't take back time. I can't change what was. I gave it up and lost. I don't regret anything, though.
For the weekend, I busied myself with the school works and updated some articles on our campus paper site. Marami kasing deadline kaya naging abala ako sa pagsusulat.
Akala ko at maayos na ang araw ko sa linggo ngunit nang ni-message ako ni Letixia na may babaguhin siya sa aking article ay gusto ko na lang magwala.
"Ate, sorry. But it just really sounds not fair." Aniya sa kabilang linya.
Hindi ako nag-react at nanatiling blanko ang aking ekspresyon. Ngumiti siya at kumaway pa sa screen nang siguro ay inaakala niyang lag ako.
Alam kong maganda ang intensiyon niya, pero nasisira ang kumpyansa ko sa aking sarili sa tuwing nakikita niya ang mga mali ko.
"You made the other argument too idealistic. The readers might misinterpret and think that this is fictitious."
I gritted my teeth and nodded. Ang dami kong ginagawa at sumabay pa na campus journalist ako, kaya siguro ay naghahalo na sa utak ko.
"Ikaw na bahala. Marami pa akong gagawin."
Lagi mo naman iniisip na bias ako. Gusto kong umirap pero hindi ko ginawa.
Ngumiti siya at magpapaalam pa sana ngunit agad ko nang pinatay ang tawag. I opened another sheet on my macbook. I'll make sure na wala nang mali sa isusulat kong panibago. Because no matter how I try to take every criticism as an advantage, I can't. Naiinis lang ako.
"Morning!" Maligayang bati sa'kin ni Carter pagkapasok ko sa sasakyan niya.
Kay Baste sana ako sasabay ngayon kaso iniwan naman ako at nauna na sa school. Simula nang tumuntong iyon sa college noong isang taon, it's either kay Zaijan, Carter o sa kapatid ko ako nasabay. I know how to drive naman, ayaw lang talaga muna ako bilihan nila Mommy ng sariling sasakyan. Ayos lang din naman dahil mas komportable akong sumabay kaysa mag-drive.
Hindi ko binati pabalik si Carter at narinig ko pa ang nakakaloko niyang tawa dahil sa pag-ignora ko sa kaniya.
"Hindi mo kami sinamahan no'ng sabado ni Zai. Wala tuloy kaming cheerleader."
Binalingan ko siya. Nagsisimula na siyang ilabas ang sasakyan sa malaking gate namin.
"Nasaan mga babae mo?"
"Anong babae? Wala akong babae!" Defensive niyang sagot na akala mo naman ay may maniniwala pa.
Carter is known to be one of those famous playboys in our university. It's not even surprising, wala namang bago sa lalaki kung babaero sila.
Inirapan ko na lang siya.
"Pero maraming chix noong sabado. Sana ay pumunta ka. Naglaro sina Cohel."
"Kalaban ninyo?"
"Of course."
"Sino kasama niya?"
"Sina Felix pati 'yong mga bagong recruit ata nila."
"Why don't you join the team, Carter? Para naman may kabuluhan ang pagiging estudyante mo sa CvSU."
"Ganiyan ang tingin mo sa'kin? Reese, may amnesia ka ba? Consistent uno ang grade ko."
Nagkibit balikat na lang ako sa sinasabi niya. Well, my friends are gago but they have brains. Hindi maipagkakaikalang kahit mga siraulo ay hindi naman nangungulelat pagdating sa acad.
"At saka hindi ko kailangan sumali sa varsity para lang magkaroon ng kabuluhan ang pagiging estudyante ko." He said meaningfully.
"Whatever."
Humalakhak siya. "Care to tell me bakit hating gabi ay nagpapasundo ka kay Zaijan sa isang hotel?"
Napaayos ako sa aking pagkakaupo nang tinanong iyon ni Carter. Well, I do not intend to keep it a secret from my friends... pero kung hindi naman kailangang sabihin, hindi ko sasabihin. It's my privacy.
"Pakialam mo?" Balik ko sa kaniya.
He reached for my cheeks and pinched it. Hinampas ko ang braso niya dahil sa ginawa niya.
"It hurts, Carter!" Saway ko sa kaniya.
"Ang arte mo naman. Para kang si Ody!"
"Just fucking drive, Carter."
"Bakit ka nagagalit agad? Baka buntis ka?" Pang-aasar niya.
Bigla akong kinabahan sa sinabi niya dahil naalala ko ang nangyari sa'min ni Toby. Is it possible na mabuntis ako? That was my first time.
Hindi ako nakaimik sa biro ni Carter. Bigla akong natakot... pero gumamit naman siya ng condom, 'diba? And he pulled out his thing right before my released. Hindi ako mabubuntis.
"Oh? Bakit ka tumahimik?"
Hindi ko na pinatulan ang mga pang-aasar ni Carter. Tumahimik rin naman siya at hindi nagtagal ay may panibagong tanong ang pumasok sa isip ko.
Malaki ang campus, malayo ang Marketing Department sa building ko. I wonder if I'll see Toby again? I want to ask my brother about him dahil lagi niya iyong kasama sa gymn ngunit huwag na lang. Baste is nosy, he'll asked me many questions first bago ka bigyan ng impormasyon. Lalo na kung tungkol sa lalaki.
"Sino kinita mo sa hotel?"
"Ilang taon bago maka-move on?"
Sabay kaming nagsalita. Sinulyapan niya ako at hinintay na sagutin ko ang tanong niya ngunit hindi ako sumagot. I don't want to answer his inquiry.
"Bakit? Magmo-move on ka?" Nahimigan ko ang panunuya sa tono niya.
God, bakit ganito ang kaibigan ko?
"Tanga, hindi. Lahat na lang ba ng itatanong ko tungkol sa'kin?"
"Bakit ka magtatanong kung hindi naman pala para sa'yo." He shrugged and even thinks it's funny.
I rolled my eyes.
"Kidding aside. I don't know, Reese." Bawi niya nang mapansin ang pagiging iritado ko.
"Hindi ka pa ba namatayan?"
"Ng puso?"
"Ng mahal sa buhay!" Tumaas ang tono ng boses ko.
Tumawa siya kahit wala namang nakakatawa. Hindi ko alam bakit ang hilig hilig tumawa ng isang 'to.
"Nawalan na. Pero... hindi ko alam kung ilang taon. Tanungin mo kaya sarili mo! You lost your grandparents noong highschool, ah?"
Hindi ako umimik.
Well, it's been four years when I lost both of my grandparents. Umiyak at nasaktan ako na akala ko ay hindi ko na kakayaning magpatuloy sa buhay nang wala sila. But I have no choice but to continue. And as years go by, my love for them remains the same but I moved on... I accepted that they are gone.
At hindi ko alam kung bakit hanggang ngayon, sa lahat ng gagawin ni Toby ay bukambibig niya pa rin si Mia. It's already been two years since his girlfriend died. He should've moved on. Kung hindi ay... paano siya makakaahon sa isang tao na wala na sa mundo?
"Bakit mo ba tinatanong?"
Bakit ko nga ba tinatanong?
I am just curious. Dahil may nangyari sa'min dalawa ngunit tila parang nagsisisi pa rin siya. Why does he feel like he cheated with her when in fact she's already gone. Don't get me wrong, I am not putting any feelings on what happened to us, it just my purely curiosity of how he still thinks that he cheated to someone who's not alive anymore. Why does he think he made a mistake kung wala naman palang magagalit.
"Tingin mo nakalimutan na ni Toby si Mia?" Wala sa sarili kong tanong.
Binalingan ko siya at naabutan siyang ngumunguso. Kumunot ang kaniyang noo at seryosong nakatuon ang mga mata sa harapan. Nabalot sa katahimikan ang buong loob ng sasakyan. Hinintay ko ang kaniyang sagot ngunit nakarating na kami sa tapat ng department ay hindi naman siya umimik.
Hindi ko na siya hinintay at bumaba na ako sa kaniyang sasakyan at dumiretso papasok. I was stepping in the staircase when I looked back. Nanatiling nakatigil ang hillux ni Carter kaya kumunot ang noo ko. Umamba akong babalik pero bigla itong humarurot.
Inilabas ko ang aking cellphone para tawagan ang kaibigan.
"What?" Bungad ni Carter sa kabilang linya.
"You're driving too fast. Bagalan mo." Tangi kong sinabi at pinatay agad ang tawag.
Nang pumunta ako sa Pub House para sa isang meeting ay sinubukan kong pumasok sa college ng Marketing ngunit nadismaya lang ako nang wala namang bakas ni Toby roon. It's been a week since that night. I don't know why my curiosity about his past is taking over me. Wala naman siyang kaibahan sa ibang lalaki.
But the way he cursed under his breath and his face that showed disappointment when he left me alone in that room always flashed in my memories. I never fell in love, and I don't think I could at this age. I am too young for that, too shallow to exactly know what it is... pero bakit para sa isang lalaking katulad niya, tila ba ang buhay niya ay nakalaan na lang sa taong hindi na humihinga.
Humampas ang pang-hapong hangin ng Setyembre. Naglalakad ako sa gilid ng grandstand dahil galing akong canteen. Carter and Zaijan is nowhere to be found and my friends are all busy. Ako lang mag-isa ang nakapag-merienda sa canteen dahil nagugutom na talaga ako.
Hindi na tirik ang araw at nasa lilim naman ako ng anino ng malaking grandstand kaya hindi ko inaalintana kung naglalakad ako ng mabagal.
"Hi, Reese!" Someone from the same department greeted me kaya naman kinawayan ko siya.
Binilisan ko ang lakad ko para magmukha akong nagmamadali kahit pa may dalawang oras pa akong vacant bago ang susunod na subject. Umapak ako sa hagdanan at piniling tumambay muna dito bago dumiretso papasok.
Pero kung sinuswerte ka naman, sa lugar na mas hindi ko siya inaasahang makikita ay dito ko pa natagpuan si Toby.
Malalim ang mga matang nakatingin sa malayong kawalan, nakaupo habang parte ang dalawang hita. Ang kulay pulang labi ay mariing nakatikom. Ang buhok niyang medyo mahaba ay sumasayaw kasabay sa paghampas ng marahang hangin. Bumagsak ang tingin ko sa kamay niyang kapwa nakasalikop sa isa't-isa, tila ba pinapahiwatig na hindi sila maghihiwalay.
Ngumuso ako para mapigilan ang pagsilay ng ngiti sa aking labi ngunit hindi ko napigilan at sa pag-upo ko ay binigyan ko siya ng matamis na ngiti.
"Hi! Mag-isa ka, ah." I beamed beside him.
Lumalim ang gitla sa noo niya nang binalingan ako. Nakita ko ang pagbagsak ng tingin niya sa aming gitna at ang mabilis niyang pagbibigay ng pulgada sa aming pagitan.
Kumunot ang noo ko dahil sa ginawa niyang pag-distansiya.
Scared that Mia will ghost you at night, huh?
I tilted my head and smirked to hide my second embarrassment for what he did. Para namang may nakakahawa akong sakit kung makalayo.
"Bakit ka mag-isa?" Tanong ko para mabasag ang katahimikan.
Matalim ang mga mata niyang ibinalik sa akin ang tingin. Tinaasan ko siya ng kilay. What? I'm just asking.
"None of your business-"
"Marami kang kaibigan, 'di ba? O baka naman may practice kayo at dito ka tumatambay habang hinihintay ang iba mong team mates?"
I bit my lower lip and smiled again. Nanatili ang mariin niyang titig sa akin. Ilang segundo akong nakipagtitigan sa kaniya para hintayin ang sagot niya ngunit bumuntong hininga siya at nag-iwas ng tingin.
"Magpapahinga rin sana ako dito kaso swerte ko at nakita kita." I giggled.
"Zaijan is your boyfriend, right?" Malamig at blanko ang ekspresyon niya nang itanong iyon.
Natigil ako sa biglaan niyang tanong. Tinuwid ko ang aking likod.
"Zaijan?" Natatawa kong ulit. "Hindi, ah!"
Hindi siya umimik at nanatili ang titig sa kawalan. Sinundan ko ng tingin ang kaniyang tinitignan pero ang tangi ko lang nakita ay ang malalayong buildings. Muli kong ibinalik ang tingin sa mukha niya. Tumikhim ako dahil halatang wala siyang balak dugtungan ang sinabi ko.
"Why those issues are hanging around on this- how many square meters again this school is?" Tanong ko.
His forehead creased and shook his head disappointedly.
"Well, not necessarily needed. But what I am saying, a guy and a girl can be seen together with no such thing hidden behind the relationship. That's what you called friendship, Toby."
"Tss."
"Hindi ka naniniwala? Can't a guy and girl be friends? I have so many boy friends!"
Hindi pa rin siya umimik. Ano ba 'yan, pipi ata 'to.
"Palibhasa, issue lagi kapag magkasama ang babae at lalaki. People will say, the girl is flirting or the one will say, the guy is fooling her. Like, dude, where are you? Living in a fictional world?"
"That's because most of those girls and boys you were talking doesn't really "only" friends. They are up for something else."
"Oh? Like what?"
Toby's eyes turned daggers. I smirked realizing that I got his attention because of that. I am not innocent, I know what he meant.
"Don't play innocent, Clarisse."
"Too formal! Reese na lang."
Umiling siya at hindi na muling umimik. Ngumiwi ako at pasimpleng lumapit sa kaniya, tinatanggal ang distansiyang nakapagitan sa aming dalawa.
"Well, I know what you are talking. Friends with benefits ba? In that case, hindi naman lahat. Ako papatol kay Zaijan? In my wildest dreams!"
"Whatever."
"Gay." I mocked lowly. "Hindi ko naman boyfriend si Zaijan. And for what you are saying, siguro tayo pwedeng gano'n since hindi naman tayo friends? Magiging friends pa lang." I suggested absently.
"What?!" Tumaas ang kaniyang boses at mabilis pa siyang napatayo.
Tumaas ang tingin ko sa kaniya at naabutan ang galit sa kaniyang mukha. Nanlaki ang mga mata ko sa biglaan niyang pagpapakita ng galit.
Anong mali sa sinabi ko?
"Whatever is on your mind, Clarisse, keep it to yourself. You're not a good talker." Aniya at iniwan akong magisa.
Hindi na ako nakaimik sa dire-diretso niyang sinabi. Sinundan ko siya ng tingin hanggang sa nakakababa na siya ng tuluyan. Umirap ako. Ako pa ngayon ang hindi magandang kausap? Palibhasa he always takes everything seriously.
I stretched my arms and sighed heavily. Tumitig ako sa kawalan at inisip ang galit na ipinakita ni Toby. Hindi naman ako nasasaktan na galit siya sa'kin. Pakialam ko sa kaniya. I just wonder why he turned mad ape suddenly. Lalaki siya, dapat nga ay natutuwa pa siya sa ganoong usapan.
"Tangina, Cohel, ang ganda no'n!"
"Gago, loyal ako kay Kaycee!"
"Sinasabi ko lang naman."
Tatlong makikisig na pangangatawan ng mga lalaki ang biglang sumulpot sa harapan ko. Naningkit ang aking mga mata habang pinapanood sina Carter, Zaijan at Cohel na naglalakad sa ibaba at hindi ata ako napapansin.
Hinayaan ko sila at hindi na tinawag.
"Reese! Anong ginagawa mo diyan?!" Sigaw ni Zaijan.
Bumagsak ang dalawa kong balikat dahil nag-iisip ako ng malalim dito tapos biglang may manggugulo.
Nakita ko ang pag-ambang paglapit sana ni Zaijan sa'kin ngunit hinila ni Carter ang polo niya. Pabirong sinuntok ni Zaijan si Carter at nakisali pa si Cohel. Ang kaninang tahimik na oval ay nabalot sa ingay nila.
"Alam ninyo? Ang ingay ninyo!"
Natahimik ang tatlo dahil sa sinabi ko pero 'di kalaunan ay nag-asaran na naman. Naghilahan pa sa may grandstand na parang mga bata. Ngumingiwi ako habang pinagmamasdan sila. Minsan kinakahiya kong kaibigan ko silang tatlo.
"Mukha naman silang mga disente pero minsan mapapaisip ka na lang kung three years old ba sila."
Sumulyap ako sa aking gilid at naabutan ang biglaang pagsulpot ni Kaycee. She smiled and sat beside me.
"Let's just be thankful that Isaac isn't here. Mas malala 'yang apat na yan kapag nagsama-sama." I added remembering the fourth guy of our group na nasa ibang school.
Pinanood namin ang mga kaibigan sa baba. Nang nagsawa sila ay tinawag ni Cohel si Kaycee. Umalis naman si Carter at Zaijan nang may natanaw na babaeng naglalakad sa hindi kalayuan. I was again left alone here. Gusto kong tumayo ngunit may bumabagabag sa isip ko.
Narinig kong muli ang hagikgikan ng mga kaibigan ko. Pabalik na ang dalawa na mukhang hindi pinansin ng babaeng nilapitan.
"Boyfriend pala ni Gillian si William. Popormahan ko sana." Dinig kong sambit ni Zaijan habang tumatabi kay Kaycee at Cohel na nasa baba.
"William?" I probed.
Tumaas ang tingin sa akin ni Zaijan, naniningkit ang mga mata.
"Oo. 'Yong ex mo."
Umirap ako sa sinagot niya.
"Zaijan! Sali ka sa frat nila Levi?" Sigaw ni Cohel na akala mo ay nasa kabilang dako ng daigdig ang tinatawag.
Pero nang maproseso ko ang tanong ni Cohel ay masama ko silang tinignan.
"What?!" Galit kong sigaw.
They are assholes and sometimes childish but they aren't like those gangsta. Ayokong nadadamay sa gulo ang mga kaibigan kong lalaki. Sure they can fight, but I don't want to see them with bruises just because they are members of what they so called brotherhood.
"Inaaya ako ni Levi na sumali sa frat nila. Ayaw ko naman. Baka si Zai, gusto."
"Subukan ninyo lang sumali, kakalbuhin ko kayo!"
"Huwag kang sasali do'n, Cohel. Ako mismo papatapon sa'yo paalis ng Cavite." Pagbabanta ni Kaycee sa boyfriend niya.
"Hindi naman, babe!"
"Pasimuno ka, Cohel. Huwag mo na ulit sasabihin 'yan!"
"Bakit ako? Sinabi ko lang naman?" Naguguluhang tanong ni Cohel sa akin.
I showed my dirty finger to imply that I am mad.
"Nagagalit ka talaga kapag inaaya ko si Zaijan. Edi si Carter na lang-"
"Isa pa, Cohel!" Pagbabanta ko.
He pursed his lips and acted like he's zipping it.
Nawala ang usapan tungkol sa frat dahil hindi kami natutuwa ni Kaycee do'n. Nagpatuloy sila sa asaran na hindi ko naman magawang sakyan dahil nasa baba sila samantalang nakaupo ako dito sa taas.
Carter's eyes lifted and found mine. Ngumisi siya at umakyat sa tabi ko.
"Lungkot mo, ah. May reese's ako dito."
Naglahad siya sa akin ng chocolate ngunit hindi ko tinanggap. I only rolled my eyes and crossed both of my arms on my chest.
"Ayaw mo?"
"Kagagaling ko lang ng gym last week tapos papakainin mo pa ako nito?"
"Patpatin mo na nga nagji-gym ka pa!"
Hindi ko siya pinansin. I remained my blank expression as I am watching our friends. Pero tumatakas sa aking isipan ang pinag-usapan namin ni Toby.
I wasn't serious to what I said but he seems to take everything seriously. Hindi ko alam kung wala ba siyang sense of humor o sadyang seryoso lang talaga siya. Hindi man lang nagawang sakyan ang sinasabi ko. But now that I am thinking of it... nadagdagan ang kuryusidad ko.
"May fubu ka ba?" Tanong ko kay Carter nang hindi siya nililingon.
"Wala. Pero marami akong nafu-fuck."
Halos masamid ako sa sariling laway dahil sa ginamit niyang term.
"Hindi ako magugulat kung magkasakit ka."
"Grabe, Reese. Malinis naman mga pinapatulan ko." He defended himself.
"Paano mo nasabi?" I raised my brow and looked at him.
"Syempre kilala ko tinitira ko."
I want to roll my eyes and punched his face. Napailing ako.
"Damn your chosen word, Achileas." Ngumingiwi kong wika.
"Wow. Wholesome ng vocabulary natin, ah." Sarkasmo niyang balik.
"Ewan ko sa'yo. Pero ano nga? May fubu ka?" I eagerly asked him again.
"Wala nga. Paulit-ulit?"
I looked away again and bit my lower lip. I don't know how to enter in such thing like that. Yes, I play but I am a big time ignorant to fuck buddies relationship. That never crossed my mind before. Ngayon lang at hindi ko alam kung bakit. I just made out with Toby and yet here I am and already addicted with it.
"Bakit ba? Gusto mo fubu tayo?" Tanong ni Carter nang hindi ako sumagot.
"Gago ka ba?!" Napatayo ako dahil sa inis sa kaibigan.
"Easy! Joke lang. Friends tayo, you know."
Hinawakan niya ako sa balikat nang nag-aalburoto ko siyang hinarap dahil sa sinabi niya. Tinawanan niya ako at hinila pabalik sa pagkakaupo.
Padabog akong bumalik sa kaniyang tabi. Inalis ko ang kamay niyang nakaakbay sa akin.
"Arte." Bulong niya.
"I am just curious how is it to have fubu."
Nabalot kaming parehas sa katahimikan. Narinig ko ang tawanan nila Kaycee dahil sa sinabi ni Zaijan.
"Masaya. Malaya. There is no serious string attached kaya hindi clingy ang hook up. Pero depende pa rin." He shrugged while thinking deeply.
No strings attach? Hindi clingy? Purely just... fucking?
"Fubu can make your stress life, stressless." Tumawa siya at biglang pumungay ang mga mata.
Inakbayan niya akong muli at hindi na ako umalma sa ginawa niya.
"Iyan! Na-engganyo tuloy ako maghanap." Dagdag niya pa.
Tumayo siya at bumaba sa aming mga kaibigan. Tumayo na rin ako at sumunod ngunit ang isipan ko ay naiwan sa sinabi ni Carter.
Si Zaijan ang naghatid sa akin sa department. Wala akong imik sa byahe hanggang makababa ako. Nilingon ko lang ulit ang sasakyan nang tinawag niya ako. Binaba niya ang bintana at naabutan ko ang mga mata niyang seryoso ang tingin sa akin.
"Don't walk absently, Reese." Paalala niya.
Ngumisi ako at tumango. Muli akong nagpatuloy sa paglalakad. Nasa harapan na ako ng classroom nang natigil ako.
Hindi pa nakaka-move on si Toby. Si Mia pa rin ang bukambibig niya. But he's my first. Hindi ako naghahabol ng kahit ano dahil sa nangyari sa'min ngunit...
I want him to be my toy. I want him as my fuck buddy.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top