Chapter Seventeen

"New Suuuuun!" Bumangon kaagad ako at kinusot ang mata. Bumungad ang muka ni Dohee eonnie sakin na pinapawisan.

"Ang tagal mong gumising! Nakapag-jogging na kami lahat lahat at ngayon ka pa lang nagising."

Tinignan ko ang wall clock na nakasabit sa dingding at 7:27 na ng umaga.

"Medyo maaga pa naman eonnie." Sabi ko sakanya at tinupi ko ang kumot ko sabay diretso sa cr para makapaghilamos.

"Tapos na pala kaming kumain tsaka wala ng natira. Tagal mo kasing gumising." Aniya sabay labas. Sana naman hindi totoo yung sinabi niya baka magutom ako hindi pa naman ako marunong magluto.

Pumunta ako sa dining area at binuksan yung ref baka may iniwan silang pagkain para sakin. Tama nga si Dohee eonnie wala na silang tinira para sakin.

Tinignan ko yung cabinet at kumuha ng isang pack ng ramyun at yun nalang ang niluto ko para kainin.

"Bakit nila ako iniwanan ng hugasin?!!!" Reklamo ko ng makita na may tambak na plato, kutsara't tinidor at baso sa lababo.

Hindi na sila naawa sa bunso nila ㅠㅠ

Naligo na ako at nagbihis tsaka lumabas. Naabutan ko sila sa veranda na nag-uusap. Umupo ako sa isang mono block chair katabi ni D.ana eonnie.

Hindi pa masyadong sikat yung araw at medyo malamig pa ang simoy ng hangin. Maganda rin ang view dito sa dorm namin dahil kita ang Namsan tower.

"Tapos ka na bang kumain New Sun?" Tanong sakin ni Euijin eonnie at tumango ako bilang sagot.

"Hinugasan mo yung mga plato dun?" Tanong ni Sumin eonnie at tumango ulit ako bilang sagot.

"Ang bait ng maknae natin!!" Sigaw niya. Hindi ko nalang pinansin yun at tinuon ko ang pansin sa Namsan Tower.

"Kamsahaeyo uri New Suuun!" Sabay nilang sigaw sakin. Sinamaan ko sila ng tingin at natawa sa ginawa ko.

"May taga hugas na pala tayo. Hahaha." Tukso nila sakin. Hindi ako sanay sa pangtutukso nila kasi iba ang nakasanayan kong pangtutukso.

Naalala ko bigla ang mga kaklase kong makakapal ang mukha. Sina Hyojung at Somi. Nangbubully pa rin pa kaya sila? At adik na adik pa rin pa kaya sila kay Mingyu? Well, baka ganun pa nga rin sila. Nakaka-shock naman kung bigla silang magbago diba?

Medyo namiss ko ang pagpasok sa school at pagsuot ng uniform. Yung pag-iignore ng mga sinasabi sakin nina Hyojung at Somi. Yung magandang boses ng president Sejeong namin at si Mingyu na palagi akong binbibwesit. May mga bagay din palang nakakamiss kapag may bago ka ng ginagawa.

"Ano pong schedule natin ngayon D.ana eonnie?"

"Wala tayong gagawin ngayon pero baka bukas meron na."

Naisipan kong makipagkita kay Mingyu ngayong araw dahil medyo namiss ko rin siya at para mawala na rin yung awkward atmosphere namin dahil sa ginawa ko. Gusto ko ring sabihin sakanya na trainee na ako. For sure, matutuwa at magugulat yun.

"Sumin eonnie, aalis po muna ako. Mamasyal lang kasama kaibigan ko. Tawagan niyo nalang po ako kung kailangan niyo presence ko okay? Salamat po!"

"Okay. Mag-ingat ka New Sun tsaka hwag kang magpapagabi."

Dinial ko na yung number ni Mingyu para masabihan ko siya na mamasyal kami at libre ko. Pero naka-ilang dial na ako at hindi pa rin niya sinasagot. Kaya naisipan ko na bisitahin nalang siya sakanilang bahay. Tutal wala namang pasok ngayon kasi Sabado.

Naglakad ako papuntang bus station at naghintay ng bus patungo kina Mingyu.

Naka-upo ako sa may bintana. Nilagay ko yung headphone ko sa tenga at umidlip. Nadisturbo ako kaya nagising ako. Malikot kasi yung katabi ko. Para bang kinikilig.

Tinignan ko siya kung ano ang ginagawa niya at busy siyang nanonood sa cellphone niya. Nanonood ata ng drama kasi kilig na kilig siya. May pahapak hapak pa siya sa upuan.

Tsss. Weirdo.

Binalik ko nalang sa pagpikit ang mga mata ko pero hindi ako komportable dahil sa mumunting tili ng katabi ko. Kokomprontahin ko na sana siya ng marinig kong binanggit niya ang pangalan ni Mingyu.

Teka lang, hindi lang naman ata si Mingyu ang may pangalang Mingyu diba? Pero nacurious ako kaya medyo sinulyapan ko ang cellphone niya.

"Sino si Mingyu?" Dahil hindi ko makita ang pinapanood niya, tinanong ko nalang siya. Mas hindi pa ako mahihirapan kung diretso akong magtatanong sakanya.

Kilig na kilig siya kaya hindi niya napansin yung tanong ko. Kinalabit ko siya para lumingon at lumingon naman siya.

"Sino si Mingyu?" Tanong ko ulit.

Medyo hindi niya ata inaasahan na magtanong ako kaya hindi siya agad nakasagot.

"Ah.. ano po.. si Mingyu isang trainee sa Pledis. Pinapanood ko lang po yung mga videos ng Seventeen." Sagot niya pero hindi pa ako na kuntento. Sinabi ko sakanya na gusto kong makita si Mingyu. Pero bago niya pinakita sakin, sinabihan niya akong wag ko daw agawin sakanya si Mingyu.

"Hwag kang mag-alala. Hindi ako marunong mang-agaw." Sabi ko at tsaka niya pinakita sakin ang picture ni Mingyu. At sht! Si Mingyu nga.

"Kilala niyo po siya?" Tanong sakin ng babae. Nagtaka ata siya sa facial expression ko kung bakit na-shock ako nung nakita ko ang pic ni Mingyu.

"Hindi. Ngayon ko nga lang siya nakita eh. Salamat pala. Hindi siya gwapo." Yun nalang ang nasabi ko.

Totoo ba yung nakita ko kanina? Mukha ba talaga ni Kim Mingyu ang nakita ko?

Inalis ko sa isip yun. Imposible! Napaka-imposible at unimaginable. Si Kim Mingyu may balak mag artista at sumali sa isang boy group? Lol. Nagpapatawa ata tong katabi ko.

"Pakita nga ulit ng mukha ni Kim Mingyu." Sa pangalawang pagkakataon, pinakita niya sakin ang pic ni Mingyu at hindi ako namamalikmata. Si Mingyu nga ito. Si Mingyu na kaibigan ko!

Nasapo ko ang noo ko nung may naalala ako.

"May nag-offer ba sayo? Wala naman silang mapapala kasi wala kang talent."

Bakit ko ba yun nasabi sakanya? Eh ngayon nga may fangirl na siya. Akala ko talaga walang talent tong si Mingyu. Akala ko puro pagpapagwapo lang ang alam pero may hidden talent pala siya na hindi ko alam. Anong klaseng kaibigan ako?

Nasa tapat na ako ng bahay nila Mingyu ngayon. Sana andito siya ngayon at mabati ko siya sa pagiging trainee. Nag-doorbell ako ng limang beses bago nagbukas ang gate nila.

Ang kasambahay nila yung nagbukas ng gate para sakin. Mayaman sila Mingyu at palaging busy ang mga magulang niya kaya may kasambahay sila.

"Nandito po ba si Mingyu?"

"Hindi ko alam Yoonsun. Palagi yung wala dito sa bahay eh."

Pina-upo niya muna ako sa sofa sa sala at titignan kung nasa kwarto ba si Mingyu.

"Yoonsun hija!" Tumayo ako at binati si tita, mama ni Mingyu.

"Nandito po ba si Mingyu?"

"Hindi pa yun umuuwi eh. Isang linggo na rin."

"Sayang naman po. May gusto po sana akong sasabihin sakanya." Malungkot kong sabi. Nginitian naman ako ni tita at sinabing wag mag-alala dahil pagdumating si Mingyu sasabihin niyang binisita ko siya.

Lumabas ako ng bahay nila na malungkot. Walang hiyang Mingyu. Malayo ang pinunta ko at wala akong napala.

"Yoonsun? Yoonsun?" Napa-angat ang mukha ko ng may magsalita.

Lumunok ako para hindi ko siya masabihan ng hindi magagandang salita. Gusto ko siyang pagsalitaan gaya ng dati pero ayaw kong gawin.

"Hi Mingyu. Congrats pala." Nilampasan ko siya at iniwan siyang hindi gets ang sinabi ko.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top