Chapter 7
Naisipan ko na maagang pumunta sa school para humingi ng tawad kay Mingyu. Siya kasi ang pinaka-unang dumarating sa aming mga kaklase. Para walang chismis ang mangyayari kaya naisipan kong maaga na lang akong pupunta.
Pagkarating ko sa school ground ay mabilis kong tinakbo ang classroom namin na nasa 3rd floor. Mabilis ang paghinga ko dahil sa katatatakbo. Huminto muna ako sa harap ng pinto ng classroom namin upang makapaghinga ng saglit. Habang hinahabol ko ang aking paghinga ay may humawak sa balikat ko na aking ikinagulat.
"Wag ka ngang manggulat Mingyu!" Sigaw ko sakanya na habol-habol pa rin ang hininga.
"Hindi naman kita ginulat. Hinawakan ko lang naman balikat mo. Tsk." Saad nito at naglakad papunta sa pintuan ng classroom at inikot ang doorknob.
"Halika ka na." Yaya niya at sumunod naman ako papasok sa loob. Tahimik pa ang paligid dahil wala pang masyadong estudyante ang dumating.
Una siyang naka-upo sa akin. Nasa harapan ang upuan ko at nasa likod ko naman siya. Nang maka-upo na ako ay nilingon ko siya. "Mingyu, okay ka lang ba kagabi?" Mahinahon kong tanong.
"Ano bang nangyari kagabi?" Tanong niya.
"Nevermind." Sagot ko. Maliit lang talaga ang pasensiya ko.
Sinubsob ko ang ulo ko sa desk. Umaga pa lang wala na ako sa mood.
"Yoonsun joke lang."
"Mukha mo joke."
"Hindi joke ang pagiging pogi ko."
"Wake up Kim Mingyu."
"Gising naman ako. Ito ang realidad, na pogi ako."
"Wala talaga akong matinong makukuha sa'yo ano?!"
"Meron. Ang kapogi-an ko."
Nasapo ko nalang ang noo ko dahil sa ginagawa ni Mingyu.
"Ginagago mo ba ako Mingyu?" Tumayo ako at hinarap siya na naka-upo pa rin.
"Well, well, nagpapabida na naman itong si Choi Yoonsun." Nilingon ko kung sino ang nagsalita at si Jeon Somi iyon. Kasunod naman niya si Hyojung kasama ang mga alipores nito.
"Oh em gee. She's flirting again with Mingyu!" Pagpaparinig sa akin ni Hyojung.
"Hindi naman." Si Mingyu ay sumagot sa sinabi ni Hyojung. Kalma lang na sinabi niya iyon.
"Stop it Mingyu. Bakit ba hindi mo kami magustuhan?" Tanong ni Somi. Ang aga-aga eh ang init na ng ulo.
"Walang magkakagusto sa mga taong ang papangit ng ugali." Bulong ko pero narinig pa rin ni Somi.
"Mas walang magkakagusto sayo Choi Yoonsun! You're an ugly duckling! Ang bagay sayo ay tumira sa putikan! Look at yourself. You're not even pretty! Hindi ka makakapantay sa kagandahan ko. You have no class." Pagtataray sakin ni Somi.
Tinignan ko sila ng masama tsaka umupo pabalik sa upuan ko. Alam ko naman kung saan hahantong ito.
"Bakit ka umupo? Natatakot ka sa amin Yoonsun? Omo! Natatakot si Choi Yoonsun kay Jeon Somi at Kim Hyojung." Tumawa ito na para bang siya ang pinakamasayang tao sa mundo. Hindi ko sila pinansin at muling isinubsob ang ulo sa desk ko.
"Natatakot ka ba sa magaganda Choi Yoonsun?" Si Hyojung ang nagsalita. Kahit hindi ko sila tignan ay ma-iidentify ko parin ang kanilang boses.
"Choi Yoonsun, bingi ka ba?"
"Hoy babaeng maikli ang buhok!"
"Ah hindi ka sasagot ha." Pagkatapos kong marinig iyon ay naramdaman ko na may kamay na humawak sa braso ko at pwersahan akong pinapatayo.
"Ano ba?!! Ano bang problema niyo sa akin?!!" Pagalit na sigaw ko sakanila.
"Ikaw ang problema namin! Mag-transfer ka na kaya! Masyado kang pabida kay Kim Mingyu. Mas maganda pa nga ang kuko ko sa'yo Yoonsun! Hindi mo nga mapantayan ang kagandahan at katalinuhan ko. Wala ka ring talent kaya get lost at huwag na huwag mong landiin si Mingyu! Hindi siya bagay sumama sayo. Mahiya ka naman kapag kasama mo siya!" Si Somi na punong-puno ng galit sa akin. Wala rin naman akong magagawa para pakalmahin siya dahil wala akong pake sa kanya.
"Somi's right. Ang bagay sayo ay magtampisaw sa putik. Doon ka nababagay at hindi kay Kim Mingyu! Walang-wala ka kapag kasama mo siya. You're nothing but a trash." Dagdag ni Hyojung na may pataas-taas pa ng kilay.
"Wala kang class Yoonsun. Isa kang patapon na bagay!" Si Somi ulit na nagpupuyos sa galit. Namumula na rin siya but I don't fcking care.
At dahil hindi ko na maatim ang panlalait nila sa akin ay tumayo ako at tinuro sila.
"Kayong dalawa, ano bang kasalanan ko sa iyo? Kasalanan bang maging kaibigan ko si Mingyu? Bakit pagmamay-ari niyo ba siya?" Halata sa mukha nila ang pagkagulat sa tanong ko.
"Kayo ang walang karapatan na pagsalitaan ako ng ganun. Nananahimik ako at wala akong pake sa inyo. Sana man lang ay gayundin kayo. Walangbpake sa akin. At kayo ang walang class at patapon na! Iyan ba ang tipo na may class? Iyong nang-aaway ng tao na wala sa lugar at ang dahilan ay isang lalaki lamang na ang tanging kaugnayan lang niya sa inyo ay kaklase? Mahiya naman kayo sa mga sarili niyo! Tinuring pa naman kayo na may utak sa klase at may talento pero ano? Hindi niyo iyon ginamit! Wala kayong utak! Kayo ang bobo! Hindi niyo alam kung ano ang tama at mali. I pity you Somi. I pity you Hyojung."
Napalabas ko na ang lahat ng galit ko kaya naman ay medyo kumalma ang aking pakiramdam. Nawalan na ng isang kilong bigat ang damdamin ko dahil sa kanila.
"How dare you talk to us like that!" Akmang sasampalin niya ako pero mabilis na tumayo si Mingyu at hinawakan ang kamay niyang sasampal sa pisngi ko.
"You don't have an authority to slap Choi Yoonsun, Jeon Somi." Buo at malakas ang pagkakasabi ni Mingyu. Halata mo ang pagpipigil niya sa boses na iyon.
"What? Nahihibang ka na ba Mingyu?" Singit ni Hyojung. "Ang katulad mo ay nababagay sa mga katulad namin!" Dagdag niya. Si Mingyu ay naka-straight face parin. Wala siyang pakialam sa sinasabi nito.
"Nagpapatawa ba kayo? Ako? Bagay sa mga katulad niyo?" Sagot ni Mingyu. "Kayo na yata ang nahihibang. Hindi ako bagay sa mga katulad niyo kasi masyadong nakakasuka iyang mga ugali niyo!"
"Wala kayong karapatan para awayin si Yoonsun. Ano ngayon kung sakanya ako close sa lahat ng tao? Mas nararamdaman ko kasi ang pagiging ako kapag kasama siya at hindi ko kailangan ng kaibigang maganda kung pangit naman ang ugali at kahit kailan hindi ako magkakagusto sa mga taong magaganda at may class kung pangit naman ang ugali. Ano mapapala ko doon? Anong mapapala ko sa inyo?"
Binagsak ni Mingyu ang braso ni Somi at medyo nasktan ata siya sa pagkakabagsak nito. Samantalang si Hyojung at ang mga alipores niya ay nagulat sa ginawa ni Mingyu.
"Oh my gee Somi! Gwaenchana?" Dinaluhan agad ni Hyojung si Somi at hinawakan ang braso na nasaktan. Tinabig ni Somi ang kamay ni Hyojung. "I'm gonna sue you!" Mabilis siyang naglakad palabas ng classroom at naiwan si Hyojung with alipores.
"Bakit mo yun ginawa kay Somi, Mingyu-ssi?!! Gustong-gusto ka pa naman nun! Kahit na parehas ka naming gusto pero nararamdaman ko na mas higit pa ang nararamdaman niya para sayo kaysa sa akin."
"I don't care." Sagot ni Mingyu at nilagpasan si Hyojung. "Yoonsun." Nilingon niya ako at lumapit naman ako sakanya. Pero bago pa man ako makalapit ako Mingyu ay inunahan ako ni Hyojung na nagsalita.
"Mamatay ka na sana Choi Yoonsun. Isang malaking mali ang pagkabuhay mo sa mundong ito." Natigilan ako sa sinabi niya. Parang nabuo ang isang buhawi sa akin at hindi ako nakapagpigil na itulak siya. Tumama siya sa desk ko pero hindi ko pinagsisihan ang nagawa.
"Araaaay!" Impit niya dahil sa sakit na nararamdaman. Nilapitan naman agad siya ng kanyang mga alipores at tinulungang tumayo.
"Tignan mo ang ginawa mo sakanya!" Sigaw sa akin ni YooA.
"Lagot ka talaga Yoonsun!" Sigaw naman ni Mimi.
Umalis na sila sa harapan namin at agad na nakalabas ng classroom.
"Yoonsun, kumalma ka na." Hinawakan ako sa balikat ni Mingyu at niyakap niya ako. Dahil sa bigat na nararamdaman ko ay agad akong napaluha at napahahagulhol.
"Sssshhhh.. magiging okay lang ang lahat Yoonsun. Wala kang kasalanan. Sila ang may malaking kasalanan sayo." Pagpapakalma sa akin ni Mingyu.
Patuloy pa rin ako sa pag-iyak. Lahat ng sama ng loob ko ay ilalabas ko na para sa susunod ay wala na akong bigat na papasanin.
🍁
Kokobop 🌴
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top