Chapter 5

Nasa loob pa rin kami ng cafe at hinihintay ang staff ni tito. Naka-upo kami sa pang-apat na upuan at nag-uusap.

"Pangarap ko talagang maging singer at maiparinig sa mga tao ang aking boses." Si Minjae na halata sa kanyang mukha kung gaano siya ka-excited.

"Ako rin naman. Pagsasayaw talaga ang kinahiligan ko simula pa noong bata ako. Palagi akong sumasayaw kapag walang ginagawa at miyembro rin ako ng cheerleading team dati." Sabi ni Euijin na may ngiti sa kanyang mga mata.

"Yoonsun?" Nilingon ko ang taong tumawag sa akin at si Yeji iyon. Iyong staff ni tito na ipinadala niya.

"Yeji eonnie!" Tumayo ako at nginitian siya at nag-bow. Tumayo rin sina Minjae at Euijin at sabay sabing,"Annyeong!" Tapos nag-bow.

Umupo na kaming apat at nagsimula nang magtanong si Yeji tungkol sa kanilang dalawa.

"Matagal na ba kayong nagpeperform dito sa cafe?"

Si Minjae ang sumagot. "Pitong buwan na ako dito at pagkatapos ng una kong buwan ay doon na nagsimula ang pagkanta ko dito sa cafe."

"Apat na buwan palang ako dito pero pagka-dalawang linggo ko na pagpapart-time ko dito ay nagpeperform na rin ako. Minsan ay kumakanta rin ako." Si Euijin.

"Kadalasan kaming dalawa ni Euijin ay sumasayaw at kumakanta at the same time. Nakakadagdag kita rin iyon sa amin dahil natuwa ang may-ari ng cafe na ito sa ginagawa namin."

"Wala bang nag-scout sa inyo dito?" Tanong ulit ni Yeji eonnie.

"Wala pa naman. Ang mga customer lang namin dito ang nagsasabi sa amin na i-try namin mag-audition sa mga entertainment o di kaya'y sumali sa mga contest pero wala akong time para doon. Kung sarili ko lang sana ang iniisip ko, siguro may posibilidad pero may pamilya ako na kailangan kong tulungan." Sabi ni Minjae.

"Sa akin naman, limang taon akong nag-trainee sa isang entertainment pero hindi ako pinalad na makapag-debut. Dalawang buwan matapos kong umalis doon ay nagpart-time na ako dito. Medyo nawalan na rin ako ng pag-asa na makapag-debut pa."

"So magka-iba pala kayong dalawa. Pero huwag kayong mawalan ng pag-asa. Tatawagan namin kayo kung kailan kayo pwedeng magpakita sa talent niyo. Kasi ngayon medyo busy pa kami sa pag-aasikaso sa comeback ng SECRET. Hwag kayong mag-alala dahil hindi kami paasa. Magseset pa muna kami ng schedule at tatawagin na namin kayo."

"Kamsahamnida~" Sabi nilang dalawa. Nag-iwan si Yeji eonnie ng calling card sa kanilang dalawa. Nagmamadali kasi siya dahil may pinagagawang trabaho si tito.

"Yoonsun, jinjja gomawo. Parang nabigyan mo ulit ako ng pag-asa sa pangarap ko. Hulog ka talaga ng langit! Sana may matulungan ka pang iba bukod sa amin." Sabi ni Euijin.

"Oo nga Yoonsun. Parang binigyan mo kami ng confidence na maipakita ang talento namin at hindi ito masayang. Sadyang nakakatuwa lang. May bago na naman kaming pag-asa. At sisiguraduhin naming dalawa ni Euijin na mapapasok kami at we will never fail you. Magiging proud ka sa amin pagdating ng araw." Sabi ni Minjae.

Nilibre nila ako ng ice cream cake na ikinatuwa ko. Nag-exchange rin kami ng numbers para magkamustahan sa isa't isa. Umalis na ako doon ng mag-alas quatro na ng hapon.

Pagkauwi ko ay nasa labas si Mingyu. Nakasandal sa wall ng gate namin at nakapamulsa. Nilalaro niya ng kanang paa niya ang bato.

"Anong ginagawa mo rito?" Nilapitan ko siya at sinamaan ng tingin.

"Yoonsun .. pasensya na sa nangyari. Hindi ko naman iyon ginusto na mangyari sa'yo. Gusto lang naman kitang kantahan at pasiyahin."

"Dapat kasi gamitin mo ng paminsan minsan ang utak mo! Alam mo na naman diba na palagi akong pinag-iinitan nila ng ulo pagdating sayo?! Bakit gusto mo ba akong nakikitang nasasaktan at nahihirapan?!! Masaya ka ba na palagi akong inaaway nila?!! Umalis ka na nga dito!"

"Yoonsun-ah. Joseonghamnida. Patawarin mo na ako please."

Hindi ko siya sinagot at akmang tatalikod na pero hinawakan niya ang kamay ko at pinaharap sakanya.

"Hindi naman ako bulag para hindi makita ang ginagawa nila sayo. Pinagsasabihan ko rin naman sila na tigil tigilan na nila ako lalo na ang pang-aaway nila sa'yo dahil naiinis akong makita kang nagkakaganyan dahil sa akin. Hindi mo lang alam pero everyday, I confront them. Kapag wala ka ay pinagsasabihan ko sila pero ewan ko ba kung bakit hindi sila nakikinig."

Napahinto naman ang sistema ko pagkasabi niya nun. Totoo ba?

"Wala akong paki. Bitiwan mo ko!" Hinila ko sakanya ang braso ko pero hindi ako nagtagumpay.

"Ano ba Kim Mingyu! Sabi ngang bitawan mo ako!" Sigaw ko sakanya.

"Hindi mo ba ako paniniwalaan Yoonsun? Totoo yung sinasabi ko." Sabi niya na hindi pa rin ako binibitawan. Hindi ako nagpatinag sa sinabi niya at patuloy pa rin na ina-alis yung kamay niyang nakahawak sa akin.

"Mingyu ano ba?!!" Sinigaw ko sakanya ang lahat ng frustrations na nararamdaman ko. Mas lalo lang akong naiinis sakanya dahil ayaw niya akong bitawan. Bakit ba ayaw akong bitawan nito? Grrrrr.

Hinila ko yung kamay ko paatras pero hinala niya ako at napasandal sa dibdib niya. Bigala akong napalunok ng laway sa ginawa niya. Hindi ako nakapagsalita nang niyakap niya ako at hinaplos ang aking buhok.

"Ayaw mo ba akong patawarin Yoonsun?" Gago ba siya? Paano ako makakapagsalita kung na-aawkwardan ako sa posisyon namin. "Yoonsun bakit hindi ka sumasagot?"

Patuloy pa rin akong tumahimik at hindi siya pinansin. Wala akong ibang maisip kundi ang yakap niya lang. Errr.

Makalipas ang ilang sandali ay parang nagkalakas loob akong itulak siya pero mahina lang iyon at hindi ako nakawala sa mga bisig niya.

"Matagal ko nang gustong gawin ito sayo Yoonsun pero hindi ko magawa dahil ayaw kitang saktan. Akala mo siguro manhid ako at di ko alam ang ginagawa nila sayo pero alam ko talaga iyon. Sana naman paniwalaan mo ako. Hindi ko akalaing nayakap na kita ngayon na walang pag-alalang nararamdaman."

"Pero-" Naglakas loob na sana akong magsalita pero agad ding pinutol ni Mingyu.

"Let's just stay like this forever. Okay lang ba Yoonsun?" Hindi ako nakasagot pero napatango naman ang ulo ko.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top