Chapter 42

Third Person

Mingyu pressed the doorbell of Yoonsun's house. Hindi nagtagal ay bumukas ito at iniluwa si Yoongi.

"Hyung!" Nag-fistbump silang dalawa na para bang sila talaga yung tunay na bff.

"Gabi na ah. Bakit ka naparito? At wala si noona ngayon. May event daw dun sa entertainment niya."

Napangisi ng malaki si Mingyu at ginulo ang buhok ni Yoongi. Natuwa kasi siya dito.

"Ay diba ikaw yung ka-partner niya? Hindi ka ba dumating dun o siya yung nawala?" May halong pagpapanic ang boses ni Yoongi. Nakaramdam siya ng takot para sa noona niya.

"Hyung? Sasabihin ko ba kina eomma at appa?" Bahalang bahala na talaga ang istura ni Yoongi. Sa loob niya ay gusto na niyang gisingin ang eomma at appa niya para masabihan na may masamang nangyari sa noona niya.

"Bago mo muna sila sabihan, ikaw muna ang sasabihan ko." Nag-wink si Mingyu sakanya na lalong ikina-gulo niya.

"Ano yung sasabihin mo hyung? Pwedeng pakibilisan? Gulong gulo na kasi ako eh."

"Magandang balita ang sasabihin ko. Kami na ng noona mo!" Proud na proud na sabi ni Mingyu.

"Jinjjaru? Heol." Shock naman sa narinig si Yoongi. Parang hindi makapaniwala. Eh kasi naman, feel niya na hindi talaga magkakagusto ang noona niya sa kahit kanino. Akala niya lesbian ang ang noona na.

"You made the impossible, possible. Hyung congrats!" Tumalon si Yoongi sa tuwa. Naisip niya rin kung pwede bang sabihin iyon sa eomma at appa niya.

"Ako pa! Sa sobra kong gwapo, magagawa ko talaga ang mga imposible na bagay."

"Siguraduhin mo lang na hindi mo lolokohin ang noona ko ha? Kundi ipapalapa kita sa aso ng kapitbahay namin."

"Don't worry. Mahal ko ang noona mo. Hinding hindi ko siya sasaktan."

"Sinong mahal mo Mingyu?" Napabalikwas sila sa gulat. Lalo na si Mingyu kasi siya yung nakaharap sa appa ni Yoonsun.

"Ah.. eh.. ah.. annyeonghaseyo!"

Walang maisip na mga salita si Mingyu. Naubusan siya ng mga salitang sasabihin. May balak naman talaga siyang humarap sa mga magulang ni Yoonsun pero hindi pa ngayon. Hindi pa ngayong gabi. Pwede rin namang bukas para maisipan pa niya kung anong sasabihin.

"Mali ang sagot mo Mingyu. Tao ba yang si annyeonghaseyo?"

Shet. Nagjojoke ba tong si tito? Tatawa na ba ako?

Gusto na niyang i-summon si Yoonsun sa harapan niya pero natutulog kasi ito sa kotse niya. Hindi naman niya inakala na aabot sa ganito ang usapan nila ni Yoongi.

"Jeoseonghamnida." Nagbow muna si Mingyu bago nagsalitang muli. "Mahal ko po ang anak niyo." Natuwid niyang sabihin yun kahit na kinakabahan siya. Mas kinakabahan siya dito kaysa ibasted siya ni Yoonsun.

"Mahal mo itong si Yoongi? Aww. Ang bait mo talaga Mingyu!"

Umismid ang mukha ni Yoongi matapos sabihin ng appa niya iyon at ginulo pa ang buhok niya. Sinamaan niya ng tingin si Mingyu at nagpapahiwatig na itama ang sinabi niya.


"Hindi ko alam kung paano sasabihin!"

"Sabihin mo na bago pa mahuli ang lahat!"

"Natatakot ako Yoongi."

"Hyung naman. Ang bading mo! Kung di mo sasabihin ngayon kay appa, kelan pa? Bukas? Ngayon na para hindi ka na mapagod. Nandito ka na!"

Kahit na hindi sila nagsasalita, nakakapag-usap pa rin sila gamit ang mga mata.

"Hoy Mingyu! Bakit hindi mo ako ginising?!"

Mas lalong nakaramdam ng kaba si Mingyu. Wala na siyang takas. Pinandilatan siya ni Yoongi na nagsasabing sabihin mo na bago ka pa maunahan ni noona!

Hindi nakasagot si Mingyu kay Yoonsun. Si Yoonsun naman ay yumakap sa kanyang appa.

"Bakit ka napauwi?"

"Eh kasi tumakas kami ni Mingyu."

Parang nagpantig ang tenga ng appa ni Yoonsun at napatingin kay Mingyu.

"Itatanan mo ba ang anak ko?"

"HINDI PO!" Sagot nilang dalawa ni Yoonsun. Nakaramdam din ng kaba si Yoonsun baka kasi magalit at tututol ang kanyang appa.

"Anong nangyayari dito?" Tanong ng eomma ni Yoonsun. Naka-night gown pa ito at kinukusot ang mga mata.

Parang dinaanan na ng malakas na hangin sina Yoonsun at Mingyu. Pero mas sobra ang bagyo na nararamdaman ni Mingyu. Gusto na niyang umiyak, tumae, kumanta, kumain, sumayaw at iba pa. Hindi na niya magawang mag-isip ng matino.

"Parang may hindi sinasabi ang dalawang to." Sabi ng appa ni Yoonsun sabay turo sakanilang dalawa ni Mingyu. "Tumakas raw sila sa party."

"Naku! Tumakas kayo? Sinabi mo ba sa tito mo? At bakit kayo tumakas?" Sunod na sunid na tanong ng eomma ni Yoonsun. Si Yoongi naman ay may hawak na na camera at inumpisahan ang pagrerecord ng video.

Sinisiko ni Yoonsun si Mingyu na magsalita na.

"Pipi ka ba Mingyu? Magsalita ka na!"

"Ayoko baka pasabugin nila puso ko."

"Luh? Hiwalayan kita jan eh."

"Wag wag! Teka lang mag-iipon muna ako ng lakas ng loob."

"Tsk."

"Uh.. tita.. tito.. may gu-gusto po sana a-akong sabi..hin." Nakayukong sabi ni Mingyu. Attentive naman ang mga magulang ni Yoonsun sa susunod na sasabihin ni Mingyu.

Humakbang siya patagilid para mas lalong makalapit siya kay Yoonsun. Pasimple niyang hinawakan ang kaliwang kamay nito.

Na-shock naman ang mga magulang ni Yoonsun sa ginawa ni Mingyu.

"Binuntis ba nito si Yoonsun namin?! Magkaka-apo na ako?!" - appa

"Oh my god! Magpapakasal na ba silang dalawa dahil buntis ang aking anak?" - eomma

"Matagal ko na pong mahal ang anak niyo at ngayon, nalaman ko rin na mahal niya ako." Paliwanag niya at nakaramdam siya ng ginhawa matapos bitawan ang mga linya na iyon. "Sinagot na po ng anak ninyo ang pagmamahal ko na ibinigay ko sakanya. Kaya ngayon ay official na po kaming nagdadate."

Tuwang tuwa naman sa gilid si Yoongi. Plano niyang i-upload ito ay na-iimagine na niya na magtretrend ito.

"Huwag po kayong mag-alala. Hindi po namin ipupublic ang relasyon namin para hindi po kami magulo ng mga tao. Alam niyo naman po na jsang artista na ang anak ninyo at hindi rin magtatagal ay magdedebut na rin po ako." Dagdag ni Mingyu. Lumungkot naman ang mukha ni Yoongi dahil hindi niya ito pwedeng i-upload. Ilalagay niya nalang ito sa isang cd para may remembrance siya.

"Hanga kami sa taglay mong lakas ng loob, Mingyu. Salamat at sinabi niyo rin sa amin kaagad. Alam din namin na hindi mo kayang saktan ang nag-iisang prinsesa namin. Kung magkataon man, si Yoongi na bahala sayo kung paano ka paparusahan. Diba Yoongi?" Tumango naman siya sa sinabi ng kanyang appa.

"Nakakatuwa! Dalaga na ang Yoonsun namin! Alagaan mong mabuti to Mingyu ha? Lagot ka talaga kay Yoongi."

Napa-roll eyes si Yoonsun sa sinabi ng eomma niya. Dalaga? Eww. Ang baduy pakinggan!

"Eomma! Appa! Kamsahamnida!" Sabi niya at niyakap ang mga magulang. Hindi niya inakala na magiging okay lang sila. Handa na sana siyang makatanggap ng sermon pero mabuti nalang at mababait ang kanyang mga magulang.

"Welcome to the family Choi, hyung!" Aakma sanang yayakapin ni Yoongi si Mingyu pero umtras siya.

"Thank you Yoongi." Sabi niya at nagwink.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top