Chapter VI

Her

Nagising ako na ako lang ang mag-isa sa sasakyan. I yawned and shook my head in disappointment. Naiwan nanaman ako mag-isa! Bakit ba kasi napakaantukin ko?!

Dali-dali akong lumabas sa sasakyan at napaigik nang maramdaman kaagad ang putik na bumaon sa puti kong sandal. Bumaba ang tingin ko sa paa at nakitang lumubog ang boong paa ko sa putik. Great! Totoong napasukan nga ng putik ang kuko ko!

I pouted as I stared at my muddy feet. Thr mud was sticky and color brown. It was slimy and not watery. Mukhang mahirap ito tanggalin.

A tsk made me jolt. Nag-angat ako ng tingin at nakita si Felix na napapailing sa akin habang nakatingin sa paa ko. He got the I told you so look and I pouted because he was right all along.

"Dapat inantay mo ako sa sasakyan." Aniya kaya bumuntong-hininga ako.

"So—"

"Akin na kamay mo. May poso do'n." He offered me his hand, I accepted his. His hands were calloused against my soft palms. Dama ko ang gaspang ng kamay niya, a testament of all the labor works he had done despite just being a teenager. What an admirable trait.

Natigilan ako nang marahas niyang inialis ang palad sa kamay ko. Akala ko ay ayaw niya akong hawakan pero inilipat niya lang pala ang kamay sa pulso ko kaya ngayon ay hindi ko na nadama ang gaspang ng kamay niya. I sighed and let him pull me.

Nagpatianod ako sa paghila niya sa akin. Tumigil kami sa isang poso saka doon niya rin binitiwan ang kamay ko. He started the up and down movement from the leverage. Maya-maya ay may umagos na na malamig na tubig sa paa ko. I sighed as the cold water hit my foot. Pinaliguan ko ang paa ko pero hindi nito magawang walain ang putik sa kuko ko. Tumigil sa pagposo si Felix kaya bumaling ako sa kaniya.

"Mag-antay ka." Malamig niyang sabi sabay talikod sa akin. Nagtataka kong hinabol siya ng tingin. He disappeared in one of the villager's house. Nakita ko pang may mga ibang bata ang napapatingin sa kung nasaan ako kaya nahihiya ko silang ningitian.

Ilang minuto lang akong nag-antay dahil hindi naman matagal nawala si Felix. Nakalabas na siya maya-maya na wala naman akong nakitang kakaiba. He was looking at me coldly as he slowly approached me. Nagulat nalang ako nang biglaan siyang lumuhod sa harapan ko at kinuha ang paa kong malinis na dahil sa tubig. And then I noticed the nail cutter on his hand.

"A-Ako na!" Natataranta kong sabi.

Pero hindi na siya nagpatinag dahil nagsimula na niyang gupitin ang kuko kong napasukan ng putik. Napanguso ako habang pinagmamasdan siya.

"Humawak ka sa poso baka mawalan ka ng balanse." Utos niya, nakatingin pa rin ngayon sa paa kong ginugipitan niya.

Sinunod ko ang iniutos niya. He's full attention was on my nails. Buti nalang at wala akong patay na kuko! Nakakahiya kapag gano'n! I thank my genes that I was born with a clean feet.

"Ang sweet mo naman kuya!" Rinig kong sigaw ng batang kanina ay nakikitanaw lang.

"Girlfriend mo ba 'yan, kuya?"

"Hindi." Sagot nito sa mga bata.

"Kaibigan mo ba 'yan, kuya?"

Napatikhim ako. I looked at him expectantly but he acted as if he didn't hear the question.

"Kuya, pa'no na si ate charmaine!"

"Si ate princess!"

"Ate charmaine!"

"Ate princess nga!"

"'Wag na kayo mag-away. May iba akong gusto." Suway niya sa mga bata.

"Huh! Sino, kuya?"

Nag-angat ng tingin sa akin si Felix kaya nagulat ako at kinalma ang sarili.

"Tapos na, isang paa naman." Aniya.

"Ahh!" Gulat kong sabi at ipinasok na ang paa sa sandal pagkatapos ay iniangat na ang kabilang paa.

"Kuya! Kay ate charmaine ka nalang para maging kuya rin kita!" Reklamo ng isang bata.

"Kuya mo pa rin naman ako kahit 'di maging kami ng ate mo." Sagot ni Felix sa pangungulit ng batang morena. Napaka-cute! Nakapalapit na siya sa amin, maputik ang damit at halatang galing sa paglalaro.

"Pero iba pa rin! Gusto kitang palaging kasama sa bahay, kuya!" She pouted cutely and I wanted to pinch those chubby cheeks.

"Tumahimik ka nga, Chary! Mas bagay sila ni ate Princess!" Reklamo ng kasama niyang babae. She's as cute as Chary, mas maliit at mas payatot pero cute pa rin naman.

"Che! 'Di naman gusto ni Kuya si ate Princess! Sabi ni kuya type niya raw mga mapuputi!"

"Nagpapagluta na si ate! Puputi rin ate ko!" Parang offended na sabi ng payatot na bata.

"Queen, Chary, huwag na kayo mag-away." Suway ni Felix sa mga ito.

"Pero kuya kasi! Akala naman ni Chery pasok si ate Charmaine sa type mo! Eh sabi ni kuya, type niya raw iyong mga mahiyain! Makapal kaya mukha ni ate Charmaine!"

Napangiti ako sa bangayan ng dalawa. Curious na tuloy ako sa hitsura ng dalawang ate na tinutukoy nila. I want to see! Titingnan ko kung kanino mas bagay si Felix sa dalawa!

"Ano naman? Sabi ni kuya, type niya raw iyong mahilig matulog. In short, tamad. Tamad si ate Charmaine kaya type ni kuya ang ate ko!"

I chuckled. Hindi ko alam na type pala ni Felix iyong mga tamad! Kung gaano siya kasipag, gusto niya ata iyong kabaligtaran niya!

"Hindi ko type mga tamad." Tanggi ni Felix.

"Eh sabi mo gusto mo iyong mahilig matulog." Nguso ni Chary.

Tumikhim si Felix at binitiwan na ang paa ko kaya ibinalik ko na ang paa sa sandals ko. Tumayo na ang lalake kaya na-excite ang dalawang bata.

"Kuya, dalaw ka sa bahay namin!" Si Chary.

"Hindi! Sa amin ka, Kuya! Sayang pagma-make-up ng ate ko!" Si Queen.

"Uuwi na ako. Next time nalang, okay?" Ginulo niya ang buhok ng dalawang bata na nagreklamo pero walang gumawa nang umalis na ang kuya nila.

"Don't worry, kids! Babalik kuya niyo bukas!" I beamed at them because they looked so sad.

They both turned to me expectantly.

"Talaga ba, ate ganda?" Si Chary.

"Yehey! Ate, sabihan mo si Kuya na unahin sa pagbisita si ate Princess! Promise, maganda ate ko!"

"Hindi! Kay ate Charmaine sabihin mo ate!"

"Okay! Alis na ako!" Ngiti ko sa dalawa sabay habol sa nauna nang Felix.

Nauna na si Felix sa truck. Nagulat ako nang nasa driver's seat na siya at binubuhay niya na ang sasakyan! He must've forgot I was here!

"Wait! Fe—" Natigilan ako nang tumigil ang sasakyan. Binuksan niya ang pintuan ng passenger's seat kaya nagtataka ko siyang tiningnan.

"Sakay na." Masungit niyang sabi kaya humakbang na ako papunta sa sakyan.

And then I realized that he moved the car where there was no mud! Kanina kasi nasa may putikan ang sasakyan kaya naputikan ang paa ko. I pouted and stifle my smile. How gentleman!

"Tsk. Pasok na. Ngingiti-ngiti pa diyan." Masungit niyang sabi sabay iwas ng tingin.

"Thank you!" I beamed at him and hopped in the car. Sinarado ko ang pinto at natutuwang binalingan siya ng tingin.

"Seatbelt mo." Aniya at pinaandar na ang sasakyan, hindi na muli tumingin sa akin.

I pouted and watched him drive the car silently. How can I be his friend?

"Bukas puntahan mo raw sila ate Charmaine tsaka ate Princess." Sabi ko para may ma-topic naman kami.

"Hindi ako pupunta bukas." Nanatili sa kalsada ang mata niya.

"Pero nangako ako sa mga bata..." I pouted.

"Eh 'di ikaw pumunta."

"Sabi ko ikaw!" I sighed.

Umiling siya. "Aasa lang 'yon sila kung pupunta ako bukas."

"Wala ka ba talagang type sa dalawa?" Kyuryoso kong tanong.

"Wala." Walang pag-aalinlangan niyang sagot.

"Ano palang type mo kung gano'n?"

"Narinig mo na kanina."

"Maputi, mahinhin, tamad—"

"Hindi tamad 'yon." Putol niya sa akin.

"Mahilig matulog." Koreksyon ko sa sarili. Natahimik siya.

Nag-isip ako kung sino bang babagay sa kaniya. Eh kaso ay tanging si Lay lang ang babaeng kilala ko, hindi ko naman kilala sila ate Charmaine at ate Princess kaya 'di ko malaman kung sino sa dalawa ang mas malapit sa type ni Felix.

"Maganda ba 'yung dalawa?" I curiously asked.

He pursed his lips as I waited for his answer. Akala ko 'di niya na ako sasagutin pero maya-maya ay nagsalita na siya.

"Ayos lang."

"Ayos lang? So maganda?"

"Siguro?" He shrugged, brows furrowed. He must've been confused why I'm asking him.

"Oh ba't 'di mo type? Maganda naman pala."

"May iba nga akong gusto." Iritado niyang sabi.

"Sino?"

Tumikhim siya at 'di nagsalita. Bumuntong-hininga ako dahil halata namang wala siyang planong i-share sa akin kung sino. Natural! We're not friends! I wouldn't share my crush too if we aren't close.

"May plano ka magconfess?" Wala naman iyon sa akin, curious lang talaga ako.

"Wala."

"Huh? Bakit?" Lito kong tanong. Sabi ni Lay, kapag may crush ka raw sa isang tao, dapat magconfess ka agad kasi malay mo 'di ba? Parehas kayo ng nadarama! Sayang naman ang opportunity.

"Ayaw ko, bakit ba?" He took a glare-glance at me and then proceeded to stare ahead.

"Sayang... sino kaya 'yung babae?" Bulong ko sa sarili.

"Hindi mo malalaman." Confident niyang sabi.

"Malamang hindi ko kilala." I whispered and looked at the window.

"Kilala mo."

I released a sigh when I noticed that the sun was about to set. Ang ganda ng langit ngayon! The sun was peaking in between the mountains and it looked majestic especially that the hue of sky is like that of an artwork created by an artist. A mix of orange and pink, plus the birds were chirping a melody I couldn't help but humm along.

"Ganda ng langit." I commented.

Hindi na siya nagsalita. Nanatili ang mata ko sa kalangitan hanggang sa inabutan ako ng antok. Hindi ko alam ilang minuto o oras akong nakaidlip pero pagkagising ko ay nakarating na kami sa labas ng mansyon namin.

"Tsk. Tagal mo matulog, nakakainip." Napabalikwas ako sa biglaang taong bumoses sa gilid ko.

That's when I realize Felix was with me. How did I forgot it?! Nakakainis! Nakatulog ako!

"So—"

"Labas na. Baka hinahanap ka na ni Señor." Putol niya sa akin sabay labas sa sasakyan.

Napatalon ako nang malakas niyang sinarado ang pinto. Is he mad because I fell asleep? Oh no!

I was contemplating of ways to pacify him without saying the word sorry since he obviously hate it when suddenly, the door opened and I yelp.

"Tsk. Sabi ko labas na." Kunot ang noo niyang tingin sa akin kaya napalunok ako.

"T-Thank you pala!"

Hindi niya ako sinagot. He pursed his lips and looked at me as if my presence annoyed him so much. I forced a smile and hopped off his car.

"See you later, Felix!" I said before I ran towards my house. Aalis muna ako pero babalikan ko siya mamaya!

Smiling, I went inside the empy hallway of my house. Madilim ang paligid dahil nakapatay ang ilaw, naglilinis yata sa ibang sulok ng bahay ang nga katulong kaya walang tao sa sala.

"Best friend!"

Napalingon ako sa pamilyar na boses. It was Lay. Her mouth was full with chips as she ran towards me, I smiled at her and welcomed her hug.

"Sa'n ka nanaman nagpunta? Sabi ni Manang Cecilia, close mo na anak niya?" Taas-baba niya ng kilay.

I chuckled and shook my head. "Gusto ko sanang kaibiganin kaso masungit." I pouted.

"Masungit?! Sigurado ka bang 'di niya kakambal iyang nilalandi mo? Hindi masungit si Felip!" Iling niya.

"Sigurado nga ako! I swear he had this frown on his face whenever I'm near him! Parang ayaw na ayaw niya sa pagmumukha ko." I whined.

"Kung ayaw niya sa 'yo, 'waf mo pilitin, best friend!" She simply said.

"But my intentions are pure! Gusto ko lang siyang maging kaibigan!" I sighed heavily.

"Ba't ba gusto mong maging kaibigan siya? Nandito naman ako na best friend mo!"

"Ih! Wala kang biloy!" I poked her cheeks where Felix's dimple are always present.

"What? Dahil lang sa biloy?" Natatawa niyang tanong.

"Yes! His dimples are unique! And it looks so cute! Gusto kong mahawakan kaso hindi ko naman siya kaibigan kaya pa'no ko mahahawakan? That's why I wanted to be his friend! Kaso pinagkakait niya."

"Oh eto na, may biloy na ako." She hallowed her cheeks funnily, I glared at her.

"It's not funny. I don't get it. Why does he hate me so much?"

"Baka naman ayaw niya lang sa nga mayayaman. Siguro nasa isip niya mga matapobre kayo."

"What? No! I'm not!" I stomped my feet.

"Hayaan mo na, best friend! Mag bonding nalang muna tayo!"

Truth enough. Lay and I hung out. We watched movies and ate snacks until she ditched me. Now I'm left alone. Kaya naisipan kong bisitahin ulit si Felix sa bahay-kubo niya.

Natagpuan ko siyang nagluluto ng kung ano sa isang malaking kawali. I don't know why he's not using a stove because that would be easier than that branches with fire. Hindi ko alam anong ginagawa niya at pinapaypayan niya ang apoy.

"Hi!"

He sighed as if he's already expecting my presence. He should be! Sasanayin ko siya sa presensya ko hanggang sa maging kaibigan ko siya!

"Felip, pahiram nga ako ng itak-" Natigilan si Ray nang makita ako. I smiled at him, he raised both his brow with a smirk. "May bisita ka pala, pre."

"Tumahimik ka at kunin mo na ang itak." Felix hissed.

"Nuks, pa-sungit effect. Akala mo 'di nagpanic-"

"Gusto mo ihagis ko sa 'yo ang itak?" Putol sa kaniya ni Felix, halatang iritado na. 

Humalakhak ang lalake niyang kaibigan. "Sabihin mo lang, gusto mong masolo si bestfriend."

"Tangina mo."

"Don't worry, Ray. 'Di ko siya sosolohin. Pwede naman tayong magshare ng bestfriend." I said, assuring him that he will never be replaced. He's still Felix's best friend.

Mas lalong natawa ang lalake. His laugh was so loud, so proud, so... bit of annoying, para bang nang-aasar siya. I feel a little bit offended. Iniisip niya bang wala akong chance na maging best friend si Felix? Is that it?

Before I could sulk, Felix approached his friend who's almost dying from laughing, he pushed him out of the gate as Ray laugh. I just stood there and watch as their back disappear. Nag-antay ako ng ilang segundo hanggang sa bumalik si Felix na mag-isa lang. He huffed and walked passed me to check whatever he's cooking.

Akala ko 'di niya ako papansinin pero biglaan siyang nagsalita. 

"Kumain ka na?"

"Nope!" I said giddily. Is he going to offer-

"Eh 'di umuwi ka na sa inyo at kumain."

Nawala ang ngiti ko. Just why is he so mean to me?

Tatalikuran ko na sana siya para umalis ngunit natigilan nang biglaan siyang magsalita.

"Papakainin ko sana sa aso 'yung sobra, kaso wala pala kaming aso. Kumain ka nalang para 'di masayang 'yung sobrang pagkain na niluto ko."

He was so close... close to inviting me for dinner. But that's okay! I'll take everything he has to offer. Kahit dog food pa!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top