Chapter 7

NAGKUKUMAHOG akong umuwi ng kaniyang mansion nang hindi man lamang siya nilingon. Para saan pa, 'di ba? Baka ako pa ang isunod niya kung sakali at mas hindi ko maaatim 'yon.

Hindi pa ako ready na machugchug, shet. Virgin pa 'ko! Never kong binalak na maging virgin ghost, huy!

Kung ano-ano pang naiisip kong kabugokan samantalang ito na nga ako at hindi na makahinga kakatakbo huwag lang akong mahabol ng mamamatay-tao kong amo.

Nang marating ko ang mansion ay agad akong tumuloy sa kuwarto ko at sinigurado kong naka-lock iyon nang maigi dahil mahirap na at baka matuloyan talaga kong mapatay sa mga nalalaman ko. Masyado na rin kasi akong maraming nalalaman—baka panahon na talaga para patahimikin ako.

Kagat-kagat ako sa kuko ko habang nakasandal ako sa pader. Hindi ko kasi alam kung ano ba ang dapat kong isipin o kung ano ang hakbang na dapat kong gawin. King ina! Pinakanakababaliw na sitwasyon na 'to sa lahat ng nasuongan ko sa buong buhay ko.

Una, iyong patay na tao, hindi ko alam kung dapat ko bang i-report iyon o hayaan na lang kasi wala naman akong kinalaman doon. Pangalawa, paano ako haharap sa amo ko gayong alam ko mismo na naroon siya sa pinangyarihan ng krimen. Pangatlo, what if magpanggap akong walang nakita at walang alam? Magiging okay pa rin kaya ang trato sa akin ng amo ko—I mean, hindi niya kaya ako papatayin?

Nasa kung ano-anong isipin ako nang halos mapatalon ako dahil sa sunod-sunod na pagkatok na nagmumula sa pintuan ko.

"Open the door," anang baritonong tinig na laging nagpapalambot ng tuhod ko.\

"B–bakit po, B–Bossing Sir?" Hindi ko talaga napigilan ang pagkautal ko dahil sa kabang nararamdaman ko.

"Must I talk to you behind closed door?" bakas ang iritasyon aniya.

"P–po? H–hindi, ah. Wait lang m–magbibihis lang ako!" alibi ko para lang makalma ko pa ang sarili ko.

Nakailang buntonghininga lang muna ako bago ako naglakas-loob na buksan ang pinto.

Nang mabuksan ko ang pinto ay tumambad sa akin ang mukha niyang napaka-angas talaga—putcha! Mapatay man talaga ako ngayon nito parang kalangit-langit na, e. Ahhhhhhhh!

"Did you change?"

Napayuko ako sa kabuoan ko dahil sa tanong niya. Lintik! Hindi ko man lang napansin na putik-putik pa rin ang suot ko.

"O–oo? Hindi lang halata kasi d–dugyot talaga akong tao," sagot ko nang pabiro at utal-utal habang nananalangin na bilhin niya ang alibi ko.

May bigla na lamang siyang inihagis na paper bag sa akin na muntik ko pang hindi masalo dahil sa bilis ng pagkakahagis niya. "Wear that. I'll see you downstairs in five," aniya at saka na ako nilayasan na para bang wala lang. Forte niya talaga ang pagiging walang pakeng nonchalant, ano?

Mabilis akong pumasok sa kuwarto ko at inilabas ang damit mula sa paper bag. Halos mapanganga ako nang makita ko mula roon ang isang puting gown na sobrang ganda dahil may mga brilyante pa ito mga lining.

"Ikakasal ba kami? Parang wedding gown na 'to, ay! Puwede rin damit sa burol ko kapag natsugi na niya ako, shet!"

Kung ano-ano'ng iniisip ko dahil wala talaga kong ideya sa kung ano ba talagang pinaplano niyang gawin sa akin. Pakiramdam ko kasi ako na ang susunod niyang biktima.

Naghilamos lang ako ng katawan bago nagbihis at nagpahid ng kaunting pampaayos ng mukha para mamatay man ako ngayon, atleast mamamatay akong maganda bago ako bumaba.

Nadatnan ko siyang nakasandal sa pinto patalikod sa akin habang parang may malalim na iniiisip.

What if saksakin ko na siya ngayon habang nakatalikod siya? Kumbaga mauuna ko na sana siyang patayin kaysa ako pa ang patayin niya. Advance kasi akong mag-isip—habang hindi nag-iisip.

Tumikhim ako upang mapukaw ang atensiyon niya pero hindi man lamang niya ako nilingon. "It took you half an hour," aniya sa tila bored na tono.

"Babae ako, matagal talaga kaming mag-ayos. Imposible 'yong five minutes na gusto mo," pamimilosopo ko kahit na anytime ay puwede na niya akong katayin.

"Let's go," aniya nang hindi pa rin ako nililingon. Ang lintek na 'to, wala man lang nai-comment sa gandang taglay ko rito sa gown na ibinigay niya.

Paglabas namin ng pinto ay nakaparada na ang bongga niyang sasakyan. Hindi ko naman na hinintay pa na ipagbukas niya ako ng pinto dahil alam kong hindi naman mangyayari iyon.

Nang makasakay na ako ay bigla niya akong nilingon na bahagya kong ikinagulat. Mas nawindang pa ako nang bahagya niya akong ngisihan na para bang inaangasan niya ako na hindi ko maintidihan.

"Ano na naman?"

"You saw and heard me, didn't you?" aniya na nilaro-laro pa ang dila niya sa loob ng bibig niya.

"H–ha? S–saan? Prangtangatu!" utal-utal na sabi ko na sinundan ko pa ng awkward na tawa.

"You saw the dead body, aren't you?" Hindi ko na napigilan ang panginginig ng buong katawan ko nang itanong niya sa akin ang bagay na iyon.

"Hindi! Anong dead body? A–anong malay-malay ko roon!" pagde-deny ko pero alam kong alam niya naman talaga ang totoo, trip ko lang talagang pagmukhaing tanga ang sarili ko at times, bobo kasi ako, e. Hehe.

Imbes na sagutin ako ay muli niya lamang akong nginisihan at saka itinuon ang kaniyang pansin sa daan.

Makakahinga na sana ako nang maluwag ng bigla na lamang siya muling nagsalita nang hindi ako nililingon. "The gown suits you so well that I might want to rip it off your body."

Ha? H–haaaaaaaa?

HALOS ayaw kong bumaba ng sasakyan dahil sa takot ko sa nabungaran kong pupuntahan naming lugar. Matindi pa 'to sa mga haunted house na napuntahan ko at mas malala pa 'to sa Bahay ni Impo na napuntahan ko noon sa Dinalupihan, Bataan. Ang isang 'to ay kayang kabugin ang Diplomat Hotel ng Baguio!

"Ano'ng gagawin natin diyan?" tanong ko.

Hindi ako sinagot ng amo kong mamamatay-tao, bagkus ay nauna na siyang bumaba at naglakad na papunta roon sa haunted house.

Mula nang makilala ko siya, naglalaro na lang talaga ang buhay ko sa mga bangkay, kamatayan, dugo, haunted houses, at mga nakahihilakbot na mga bagay punyeta!

Akala na niya bababa ako? Manigas siya!

Nagmuni-muni na lang ako muna habang nasa passenger seat pa rin dahil kaninang ch-in-eck ko iyong signal sa phone ko, wala. Walang signal kaya ang lakas maka-imbyerna.

Mga sampung minuto na rin siguro ang nakalilipas nang bigla na lamangh bumukas ang pinto sa tabi ko at nalingunan ko ang amo ko na nakapamaywang habang nakatitig sa akin. Mukhang sa eme-eme niyang car key sa kamay ang reason ng pagbukas ng pinto sa tabi ko.

"Ayaw kong bumaba! Bahala ka diyan!" eksaherada kong sabi.

"What if I left a dead body in the backseat—" Hindi ko na pinatapos ang pagsasalita niya. Dali-dali akong bumaba ng sasakyan at tumakbo patungo sa kaniya.

Lintek siya! Gustong-gusto ko siyang sapukin!

"MUKHA BA AKONG NAKIKIPABIRUAN SA 'YO, HA?!" sigaw ko sa kaniya nang makalapit ako.

Imbes na sagutin ako ay bigla na lamang niyang hinaklit ang kaliwang pulso ko at bigla niyang ikinawit ang braso ko sa braso niya. Huy! Pa-fall 'tong mamamatay-tao na 'to!

"Ano'ng ginagawa mo? At ano bang klaseng lugar 'to?" usisa ko.

Lumingon ako sa paligid at promise sobrang nakakatakot talaga 'tong paligid, tapos may malaking tarpaulin pa na nakalagay "The Art of Vicious Murder". Parang gusto ko na lang maiyak na hindi ko maipaliwanag. Pagka-weird-weird na nga niya sa imagination ko, dinadagdagan pa niya.

Nang makapasok na kami sa pintuan ay gulat na gulat ako dahil napakaraming tao rito sa loob. Isa pala itong museum at hindi ko maintindihan iyong mga naka-display sa mga frame at salamin. May mga damit, may itak, dagger, baril, sinulid, at karayom. Basta napaka-weird. Mayroon pa ngang lubid na tinitingnan ko pa lamang ay nakakaubos na agad ng lakas. Sobrang dark ng awra para sa akin.

"Ano 'tong mga 'to? Nagga-gather sila rito para sa mga ganitong bagay na pang-horror?" bulong ko.

"These displayed materials were either used in a murder or worn by someone murdered."

Mabilis akong napatutop sa bibig ko dahil sa narinig ko. Paano nilang nate-take na tingnan ang mga ganitong bagay? What's wrong with these rich people? May mga tama ba sila sa mga ulo nila? Nae-enjoy nilang pagpyestahan ang ganitong bagay?

Mabilis kong inalis ang pagkaka-angkla ng braso ko sa braso niya. "Kaya ba enjoy na enjoy ka rito at isinama mo pa talaga ako? Mukha bang magugustuhan ko ang mga bagay na 'to? Napipikon mo 'ko," walang pasubaling sabi ko dahil inis na inis talaga ako sa mga oras na 'to. Pakiramdam ko ang insensitive.

"I am just simply showing you what life is behind your comfort zone. Life isn't just happiness and doing what makes you happy. Life is unfair, unjust, and full of misery. These victims once thought that they'd be safe anywhere, but you see? They were wrong," sagot niya sa akin diretso sa mga mata ko.

Iba ang ekspresyon na nakikita ko sa mga oras na ito. Wala iyong murderous look niya at mas lalong wala iyong angas na madalas niyang ipakita sa akin. Ang weird ng mga mata niya, para bang nakikiusap siya na intindihin ko ang point niya kahit para sa akin ay pointless naman.

"Kailangan bang i-display ang mga bagay na 'yan at pagpyestahan ninyong mayayaman?"

"These were displayed with the consent of their family. These were displayed not be enjoyed but to serve as a lesson."

"Bahala ka. Naiinis mo 'ko!" wika ko saka na sana ako magwo-walkout pero mabilis niyang nahila ang kaliwang kamay ko at para akong nakuryente sa ginawa niya.

Punyemas! Akala ko talaga sa mga cringe na teleserye lang nangyayari 'tong kuryente-kuryente na 'to!

"Ano na naman?" kunwaring walang pakeng sabi ko.

Imbes na sagutin ay bigla na lamang niya akong hinila papasok sa isang silid. Hindi ko alam kung matatakot ba 'ko o kikiligin—para talaga akong masisiraan ng ulo sa kaniya letse!

Pagpasok namin ay tumambad sa akin ang isang malaking frame ngunit may weird na bagay about doon. Para siyang unfinished artwork o work in progress? Hindi ko mawari kasi hindi naman talaga ako ganoon kagaling sa art pero nakakakilabot ang isang 'to. May drawing kasi ng katawan ng tao pero may mga number. Iyong parang sa mga pulis na sinusulatan kung saan ba may tama iyong pinatay? Basta ganoon, napakahirap i-explain.

"Ano 'yan?"

"Look at it thoroughly and give me something you observed."

Ayaw ko man ay pinilit kong titigan ang nasa frame at halos manghilakbot ako sa napansin ko.

"B–balat ba ng tao 'to? H–hindi ba 'to drawing?" utal-utal na baling ko sa kaniya.

Nagulat ako nang bigla na lamang niya akong kabigin sa baywang at tinitigan nang mataman sa mga mata. Hindi ko na tuloy alam ngayon kung ang panginginig ba ng tuhod ko ay dahil sa nakita ko o dahil sa mga mata niya.

"I really like your fast thinking, Saavedra."

"Balat ba t–talaga ng tao 'yon?"

"No . . . not yet."

Parang mas natakot ako sa isinagot niyang iyon sa akin.

"H–hindi pa?"

Ngumisi siya at nanlaki bigla ang mga mata ko nang unti-unti niyang ibaba ang mga labi niya patungo sa punong tainga ko.

"Do you want your skin to be displayed in this museum? Shall I do it after I rip this gown off your body?"

Sa sobrang gulat ko sa sinabi niya ay naitulak ko siya nang malakas ngunit hindi naman siya natinag sa ginawa ko. Nanatili pa rin siyang nakahaklit sa baywang ko at may munting ngisi sa kaniyang mga labi.

King ina, dito na yata talaga ako matetegi bumbum!

"H–hindi na ako nakikipagbiruan sa 'yo! Isusuplong na talaga kita sa pulis at sasabihin kong pinatay mo iyong lalaking nakita kong nakabitin sa puno!" sigaw ko sa kaniya at halos mawindang ako nang bigla na lamang siyang lumayo sa akin at . . . tumawa.

Tumawa siya nang malakas na animo isa akong malaking joke sa kaniya ngunit pagkaraan ng ilang segundo ay bigla na lamang muling sumeryoso ang mukha niya na parang ikasisira na rin talaga ng ulo ko.

"And you think they will believe you?" mapanghamong tanong niya.

"Witness ako, paniniwalaan nila akong mamamatay-tao ka!" sigaw ko at saka ako nagkukumahog patungo sa pinto.

Nang ipipihit ko na ang seradura at para akong nanlumo nang mapagtanto kong naka-lock iyon.

Bumaling ako sa kaniya at sumilay ang mapaglarong ngiti sa mga labi niya.

"I guess you'll be spending your night with a murderer."

"Lumubay—sheeeeet!" Hindi ko natapos ang dapat na sasabihin ko dahil bigla na lamang may gumapang sa paa ko kaya't napatakbo ako patungo sa kaniya at napakarga nang hindi ko sinasadya.

Muling nagtama ang mga mata namin at naroon na naman ang mapang-akit niyang mga mata na para bang kaya niyang manipulahin ka.

"Now choose. Should I kill you or . . ."

"O–or?"

"Should I just kiss you instead?"

M A Y O R A
I C E _ F R E E Z E

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top