OSC 6 : Bisekleta

Naranasan niyo na bang mainlove, 'yong pakiramdam na lumilipad ka, na walang namumutawi sa mga labi mo kundi ang mga ngiting nag-uumapaw?
Ating tunghayan ang Lovestory nila.

---✓✓

Sa isang baryo ng Bugcol, Madrid ay may babaeng nakatira sa isang farm ng mga baboy, manok, at bodega ng palay. Araw- araw ay gumigising siya sa saliw ng huni ng mga ibon at ang masaganang pagpagaspas ng mga naglalakihang mangga sa lahat ng dako maging ang nagbeberdeng kulay ng carabao grass sa buong paligid habang nakatayo ang bahay na tinitirhan nila sa gitnang bahagi nito.

"Ate gumising ka na diyan, malalate na tayo sa paaralan." Sigaw ng may kaliitang boses sa labas ng pintuan.

"Ano ba Rica, ang aga-aga pa eh?" Sagot ng nakakatandang kapatid sa harap ng silid nito.

"Okay sige, maliligo na ako." Aniya. "Wait! Nakaligo ka na? Ang aga pa ah.?" Pahabol na anito sa bunsong kapatid.

"Ate, mapapagalitan tayo ni lola, at baka mag-flag ceremony na naman tayo ng mag-isa."

At nang maalala ko ang bahagi yon...

Naglalakad kaming dalawa ni Rica nang matanaw namin si lola habang nakapamaywang sa office nito habang ang isang kamay ay kinakawayan kami palapit rito.

"Hoy! Kayong dalawa, ba't late na naman kayo? Matigas ang ulo niyo ah. Halika kayo dito! at mag-flag ceremony kayo."

Kaya kaming dalawa ay sumunod sa kaniya habang magkahawak-kamay na nanginiginig sa takot. At nang makarating kami sa harap ng flagpole ay inutusan akong magbeat sa harap nito habang kinakanta namin ang Lupang hinirang.

Tama ang narinig niyo, pinakanta kami kasi siya lang naman ang principal ng Elementary School na ito.

"Ate! Ate!" Habang kumakaway sa harap ko ang kapatid ko na animo'y nagtataka sa itsura ko.

"A-ah, oo, maliligo na ako " sabay na nagta-takbo ako sa cr at hindi na sinagot pa ang mga sinasabi niya sapagkat wala naman na akong naintindihan dito dahil sa lalim ng mga iniisip ko.

Ganyan lagi ang routine nila, gigising, maglilinis, maliligo at papasok. Kung tatanungin mo kung bakit ganoon, well ganito talaga hindi sila 'yong ordinaryong bata noon, they lived to be a slave with their own relatives.

Mahirap pero kinakaya nila, kahit hindi nila nararanasang maglaro man lamang sa kahit simpleng bagay dahil bata pa lang sila tinuturuan na sila gumawa ng gawaing bahay. Hanggang isang araw.

"Ate, hindi ako makakasabay sa 'yo sa pagpasok kasi isasama nila ako sa bayan mamaya." Ani ng bunsong kapatid ko habang nag-inaayos ang maliit na bag nito.

"Okay" sabi ko at maya-maya tinawag na nila si Rica papunta sa gate dahil nandoon na raw ang tricyle kaya maiiwan na naman akong mag-isa.
Kinabukasan, maaga akong nagising at ginawa ang daily routine namin gaya ng nakasanayan na, kaso wala si Rica kaya ako na lang mag-isa ang maglalakad patungo sa paaralan.

Nang matapos ko ang mga dapat gawin ay nagsimula na akong maglakad dahil malayo-layo pa ang lalakarin ko.
Sa bawat daanan ko ay nakikita ko ang malalagong dahon ng mangga, kayomito, sinegwelas, santol, duhat at kung ano-ano pang puno sa bawat farm na naririto sapagkat kanya-kanyang lupa sa bawat sambahayan, may naglalakihan at may maliit lamang ngunit sagana sa mga tanim na prutas. Malapit na ako sa semintadong bahagi... nang pagliko ko ay...

"O-ooh! Oh!" sigaw mula sa likurang bahagi ko na siyang kinalingon ko.
"A-ah?" Magsaasalita pa lang ako noon nang masilayan ko ang nakangiting mga mukha niya. As in wow! Ang gawapo. Natulala ako at hindi nakapagsalita pa.

"Sorry ah" Sabay ngiti nito. Grabe! Nashocked ako, akalain mo 'yon, I'm a grade six student of Madrid Elementary school. At 'yon ang unang pagkakataon na maranasan kong mainlove.
"Sige miss, una na ako ha." Sabay kindat nito na siyang kinatunganga ko at siya ngingiti-ngiting umalis habang nakabisekleta.

Hindi ako makapaniwala, grabe ang laki ng kalsada at walang masyadong dumadaang sasakyan pagkat nasa baryo kami tapos babanggain ako ng bisekleta? As in wow! First time ko talaga yon. Di ako nakapagsalita. May chintong mata, messy hair, medyo maputi at matangkad pero ang gawapo ng mukha.

Mula noon, hindi siya mawala sa isip ko. I always wait for him para sumulpot sa harap ko pero hindi na nangyari 'yon. But I never forget that day. He's the one who taught me, what love is. And sad to say I'm hoping pagtagpuin pa kami but hindi nangyari.
After a year, I'm already a first year student. In Madrid National Highschool. Panibagong kaibigan at makikilala na naman, pero masayang maging highschool, new crush at new experience. Hanggang isang araw...

"Ading, ading may nagpapabigay sa 'yo nito." Saad ng babaeng hindi ko kilala pero lumalapit siya kasi crush niya ang kuya kapatid ko.

"P-po? Para saan po ito?" Tanong ko at nagtatakang kinuha ito.

"Basahin mo na lang pagkauwi mo, sige bye, bye!." Alis nito sa harap ko.
Kaya wala akong ginawa kundi itago ito at umuwi na lang sa bahay.
Pagkauwi ko. I read that letter. Infairness, ang bango ng papel. Para siyang nilagyan ng pabango. At nang buksan ko.
--------ooo-------------oooo-------------ooo---------

Dear Miss,

First of all I would like to greet you a pleasant good day. Masaya akong nakikita ka sa malayo kahit hindi mo ako pinapansin kasi nga bata ka pa. But alam mo bang na-Love at First sight ako sa 'yo noong una kitang makita. Siguro nagtataka ka kasi hindi mo na ako nakita since that day, but I always see you kapag pumapasok ako. Grabe! Ang ganda mo, makita lang kita okay na ako. Kahit ang bata mo para sa 'kin dahil ikaw Elementary pa lang noon samantalang ako ay nasa highschool na. Siguro nagtataka ka rin kung bakit ito ang sinasabi ko. But tanda mo pa ba, ako 'yong batang nakabunggo sa 'yo sa may crossing habang nakabisekleta. Oo, nakakatawa 'di ba kasi sa lawak ng kalsada ay sa 'yo ako muntik babangga. Grabe, nakakatawa ang mukha mo noon, nagulat ata kita sorry. Pero, talagang hindi kita makalimutan, lagi kitang nakikita sa malayo kaya 'yon kunyari babanggain kita para mapansin mo ako. By the way, I'm Mark Alfonse Rodriguez. Nice meeting you beautiful.

-------ooo---------------ooo---------------ooo--------

Grabe, kinikilig ako noong binabasa ko 'yon hindi ako makapaniwala na may ma-lolove at first sight sa akin sa unang pagkikita namin. Di mapatid-patid ang ngiti sa mga labi ko. Sobrang saya ko at the same time hindi makapaniwala sa nabasa ko at nalaman ko. Ang kaso malayo ang agwat namin.

Kinabukasan ay pumasok akong may ngiti sa labi ko. Hindi ako makapaniwala. Dahil wala kong mga kaibigan na masasabi kong kaibigan ay sinarili ko na lang 'yong sulat na 'yon. At nang makita ko si Ate Danilyn ay binigay ko ang reply ko sa sulat na 'yon. Dahil uso pa noon ang Love Letters kasi hindi pa uso ang mga social media at cellphone noon.

Nagpalitan pa kami ng mga sulat, hanggang isang araw wala ng reply mula sa kaniya. Nalungkot ako syempre, pero hanggang doon na lang kami. Dahil malamang isang dahilan noon ay malayo ang agwat namin. Dahil nalaman kong fourth year student na pala siya at graduating na. Samantalang ako ay, first year pa lang. Nakakalungkot pero hanggang doon na lang. Then one day, nakita ko siya ng personal pero hindi na niya ko matapunan ng ngiti. Malayo na siya sa lalaking unang nakilala ko na kay ganda ng ngiti habang nakasakay sa bisekleta.

Matangkad, kayumanggi ang kulay at gawapo pa rin pero serious type of person na siya ngayon at hindi na palaimik. Aayusin niya lang buhok niya na messy hair pa rin pero malayo na siya sa lalaking nakilala ko noo. Nakakalungkot pero hanggang tingin na lang ako sa kanya habang kasama ang mga barkada niyang matatangkad din at gawapo habang nakaupos sa may bleachers ng school. Nakakalungkot pero hanggang dito na lang kami.

Pinagtagpo pero hindi para sa isat-isa. Nagbigay ngiti pero pansamantala lamang. This is the memories that I will never forget during my Childhood days.

Sincerly speaking,

Ahzel Martinez

---✓✓

Sana nagustuhan niyo po ang another oneshot stories ko. Thank you ang Godbless.❤️❤️

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top