Song: Afterglow- Ed Sheeran
Hurt
I woke up feeling an excuriating pain on my head. Dahan-dahan kong idinilat ang mga mata ko at agad na naramdaman ang pag-sakit ng ulo.
Damn it! Why did I drink so much last night?
Inilibot ko ang tingin sa aking kwarto. Pagkabaling ko ng tingin sa katabi ay nagulat ako. Napaahon ako mula sa kama at hinarap sa akin kung sino man itong katabi ko.
"Hmm... umagang-umaga..." inaantok pang sambit ni Carmela.
Nanatili akong nakatitig sa kanya dahil hindi maproseso sa isip ko kung paanong siya ang katabi ko. Nag-usap na ba kami? But I don't remember crying last night! All I remember was me drinking alone in a bar and...
Oh... my... freaking god! Please don't tell me...
"Carmela!" malakas kong sambit. Niyugyog ko siya upang pilitin siyang magising.
"Hmm... ano ba, Fel. Inaantok pa ako. Wala naman pasok." Nakapikit parin ang mga mata niya nang sinabi niya iyon.
Tatalikod na sana siyang muli sa akin pero 'di ko siya hinayaan. Pinilit ko siyang ipaharap muli sa akin dahil gusto kong malaman kung totoo ng aba 'tong mga nag-flashback sa isip ko.
"May nag-uwi sa akin 'no?"
"Oo. Paano ka mapupunta dito kung wala? Si Archer! Siya nag-uwi sa'yo. Sige na! Inaantok pa talaga ako."
Mabilis na namilog ang mga mata ko. So, totoo nga ang lahat ng naalala ko. Agad kong sinapo ang ulo ko nang maalalang nasuka nga pala ako sa mamahalin niyang kotse.
Sobrang nakakahiya! How will I face him now and apologize?
And my car! Naiwan sa Taguig! Oh my god!
"You are such a mess! You are such a mess!" paulit-ulit kong sinasabi habang binabatukan ang sarili.
If Archer brought me home yesterday... then there's a chance that we might've faced my parents! Damn! My father would probably make a lot of assumptions now.
Baka tuluyan na niyang isipin na may inililihim nga ako sa kanila. At baka isipin rin nila na manliligaw ko si Archer!
Ugh! This is so stressful!
Iniwan ko si Carmela sa kama at hinayaan siyang ipagpatuloy ang tulog niya. I wonder what time she arrived last night. Hindi ko napansin na nag-tetext at tumatawag na pala siya sa akin kagabi dahil masyado akong naging abala sa pag-inom.
Ngayon ko lang din nabasa ang iilan sa mga text niya.
Carmela:
Papunta na ko.
Carmela:
Malapit na ko.
Carmela:
Dito na ko.
Carmela:
Hoy! Dito na ko sa labas niyo! Pag-buksan mo ko!
Carmela:
Sabi ni Tita di ka pa daw umuuwi? 'Yung totoo, Felicity? Nasaan ka?
Carmela:
Uso sumagot, bruha ka!
I squeezed my eyes shut. Poor Carmela... she must've been so stressed out last night as well.
Siguro nga totoo ang inaasar palagi nila Kuya sa akin. I'm troublesome when drunk. Look what happened! 'Di lang isang tao ang naperwisyo ko, buong bahay pa ata!
After I drank some pain killers, I started thinking of how will I apologize to Archer for the mess I've made inside his car. Naalala ko pa na ang ganda ng sasakyan niya tapos susukahan ko lang? You are such a damsel in distress, Felicity!
I tapped my fingers on my study table as I think of things that I should tell Archer. Nasa messages na niya ako pero 'di ko magawang maudyok ang sarili na mag-tipa na.
Just a simple sorry, Fel. That will do. My subconscience told me.
I shut my eyes again and gripped my hair tightly. Why is this so hard for me to do? Oo nga naman... pupwedeng sorry nalang ang sabihin ko at maaaring alam na niya agad ang ibig kong sabihin doon.
But... at some point, why do I feel like I need to send him a long ass apology message? Damn it!
Ilang minuto pa ang iginugol ko para tuluyan ng makapag-isip ng sasabihin.
Felicity Marie Jane Donovan:
Hi, Archer. Uh... I don't know how will I say this because I already feel embarrassed while typing this message but I just want you to know that I'm really, really, really sorry for what happened last night. Mas lalo akong nahihiya sa sarili ko kapag naaalala ko. I was drunk and I couldn't control myself, I guess? Let me know how will I compensate for the mess that I've made inside your car. I'm willing to pay and yeah... I'm sorry for the nth time.
Mariin kong kinagat ang pang-ibabang labi habang inilalapit ang daliri sa send button. I closed my eyes pressed the button as fast as I could. Napatayo pa ako sa kinauupuan ko dahil nadeliver agad iyon.
"Shit!" I exclaimed.
Mas lalo akong kinabahan habang hinihintay siyang mabasa ang mensahe ko.
"Ano na naman 'yan?"
Halos mapatalon ako nang marinig ko ang boses ng bagong gising na si Carmela. Kinukusot niya pa ang kanyang mga mata habang ang isang braso naman ay nakatungkod sa kama upang suportahan ang sarili.
She yawned and raised a brow.
"I sent Archer an apology message. I'm just really, really embarassed by the mess I've made."
Carmela scoffed sarcastically. "Who wouldn't? Medyo marami-rami rin iyong naisuka mo ha? Ano bang ininom mo at lakas ata ng tama sa'yo?"
My eyes widened. Marami-rami ang isinuka ko? Oh my god! It must've stinked inside while he was driving! I just hope he kept his window down so he wouldn't smell that disgusting vomit.
"Oh my god! I exclaimed frustratingly. I gripped my hair tight again. Sobrang hiyang-hiya na ako sa sarili ko.
Bakit ba kasi sa lahat ng taong pupwedeng makakita sa akin sa bar na 'yun, siya pa? At 'yung susi ko? Naibalik niya ba?
Wow, Fel! 'Yun pa talaga inisip mo at hindi 'yung stressful situation na binigay mo sa kanya dahil sa kashungahan mo!
I will never drink again! Ever!
Habang hinihintay si Carmela na matapos mag-hilamos nakita ko namang umilaw ang telepono ko para sa isang mensahe. My eyes widened a bit when Archer's name appeared on the screen. Agad akong napaayos ng upo at agad ring binuksan ang phone.
Archer Emmanuel Olivarez:
No worries. It's fine, no need to pay me. I'm already having my car cleaned right now.
How are you? Are you okay?
I bit my lower lip. I sighed disappointingly to myself. He doesn't want me to way him when I'm the reason why his car stinks!
I massaged my head and typed my reply.
Felicity Marie Jane Donovan:
I'm fine. Just a little headache but I can manage. Are you sure you don't want me to pay? But I insist! Nakakahiya rin iyong ginawa ko sa sasakyan mo at... ewan basta nakakahiya!
Archer Emmanuel Olivarez:
I didn't charge you of anything during the first time you threw up in my car. So, don't worry. It's really fine, Felicity.
Medyo nabigla pa ako nang in-open niya ang tungkol doon. I still can't believe that he was the stranger Kuya Dominic was talking about! Kaya siguro nasabi ni Kuya noon na mukhang pamilyar siya dahil nag-kita na sila noon!
Damn it! I wonder what I did during the first time Archer drove me home. What made it even worst is that, he drove me home when I was in my most wasted self!
Mabuti nalang talaga at wala akong natatandaan sa nangyari ng gabing iyon kung hindi, dagdag kahihiyan na naman ang aabutin ko.
Felicity Marie Jane Donovan:
Well, I also wanted to apologize about that. I don't remember anything about what happened that night so I'm assuming na mas malala siguro ang pinag-gagawa ko noon 'no? It was the my most drunken state and I probably gone crazy during those moments.
Pagkatapos kong i-send ang mensaheng iyon ay napasapo nalang ako ng ulo. Hindi na talaga ako magpapakalasing lalo na't napatunayan ko nga ang sinasabi ni Kuya Dom. Other than being troublesome to other people, I also do things that would make me embarrassed of myself.
Kung pwede lang talagang mag-tago sa lupa, ginawa ko na.
Archer Emmanuel Olivarez:
You're certaintly right about that. You did a lot of crazy things and my stress level during that night heightened up to 100.
Felicity Marie Jane Donovan:
Grabe naman 'yun! Gano'n kalala?!
Archer Emmanuel Olivarez:
I'm not even exaggerating! I even told myself that once I see that girl again, I'm 100% sure that she's going to be so embarrassed to face me. Pero kabaligtaran ang nangyari dahil wala ka palang naaalala sa gabing 'yon.
Oh my gosh! Mukhang ang stress level ko naman ang tumaas ng level 100 ngayon ah? I really hope that I didn't do anything like...
Felicity Marie Jane Donovan:
Hindi naman siguro kita tinagkaang halikan 'no?
I could already imagine him laughing because of this question. But I'm curious that's why I'm asking.
Archer Emmanuel Olivarez:
Bakit? Gano'n ka ba kapag lasing?
Felicity Marie Jane Donovan:
Hindi naman. You told me I did a lot of crazy things during that night. Curious lang ako kung... may nangyaring gano'n.
Archer Emmanuel Olivarez:
Consider yourself lucky kasi walang nangyaring gano'n. And even if you to try to kiss me, I still won't allow it.
I scoff insultingly. I typed another reply.
Sinulyapan kong muli ang pinto ng banyo ko at napansing 'di parin tapos si Carmela. Akala ko ba mag-hihilamos lang siya? Nakatulog na ata ang gaga sa loob.
Felicity Marie Jane Donovan:
Wow! Parang labag pa ata sa loob mo kung sakaling nangyari man 'yun!
Archer Emmanuel Olivarez:
You're wasted that night, Felicity. Of course, as a man, I have to respect your situation. Wala ka sa tamang pag-iisip ng panahon na 'yon kaya hindi mo rin napapag-isipan ng maayos ang mga desisyon mo. And if ever you tried to kiss me that night, I'm sure you didn't mean it. You being drunk is not a free pass for me to take advantage of you.
Umangat ang kilay ko nang dahil sa sinabi niya. I couldn't help but smile pleasingly with his message. Kahit papano pala may lalaki paring katulad niya.
He definitely knows how to respect a woman even when they're drunk or not.
Sakto at nakalabas na si Carmela sa loob ng banyo kaya napatayo na rin ako. Tiningnan ko siya mula ulo hanggang paa.
"Ang tagal mo ah? Nakatulog ka na ata sa loob."
She yawned. "'Di ah! Naparami ang ang nilabas kong sama ng loob. Don't worry your bowl is clean. Wala ring amoy."
I scoff. Pagkatapos naman noon ay inaya ko na siyang bumaba para makakain na kami ng breakfast. My parents are both already on the dining table when we arrived.
"Good morning po." bati ni Carmela sa kanila.
Isang matamis na ngiti ang iginawad ni Mommy sa kanya habang tipid na tumango lang si Daddy. Naupo ako sa dati ko nang pwesto.
"How are you feeling, hija? Umuwi ka ng lasing kagabi. Nagulat pa ako at mas nauna pang nakarating si Carmela kaysa sa'yo. Akala ko ba mag-kasama kayo?" Kuryosong tanong ni Mommy.
Nilingon ko si Carmela bago ko sinagot ang tanong niya.
"Uh, mag-kasama po pero mauuna na sana akong umuwi kaso naisipan kong dumaan muna ng BGC. I'm sorry if I wasn't able to check my phone. I was quite pre-occupied..."
"Sino iyong nag-hatid sa'yo kagabi?" Tanong naman ni Daddy.
Abala siya sa pag-lagay ng fried rice sa plato niya pero nagawa niya parin akong taasan ng kilay.
"Uhm... ano po..."
Paano ko ba sasabihin?
"Kaibigan po ni Fel 'yun na nakilala niya sa ospital. Pasyente niya po kasi iyong kapatid noon tapos siya rin po ang madalas na mag-bantay doon sa bata kaya siguro nagkalapit rin po sila." Nagulat ako nang si Carmela ang sumagot.
Nilingon ko siyang muli. She smiled cheekily at me and winked. Inabot niya ang hinaing hotdog at kumuha ng isa doon.
Hinarap ko naman muli si Dad at nakitang bahagyang naningkit ang kanyang mga mata. Mukhang may namumuo na namang teorya sa utak niya ah? 'Di na talaga nakakagulat kung bakit pinagdududahan niya ako.
"Ah... kapatid ng pasyente ni Fel." aniya at nag-kibit ng balikat.
Kumunot ang noo ko. Hindi ko tuloy maiwasang mangiti habang pinapanood siya. Umiling nalang ako at inabala ang sarili sa pag-lagay ng pag-kain sa pinggan.
"Mabuti at mabait iyong bata at dinala ka parin pauwi. Iniwan niya nga pala iyong susi ng sasakyan mo sa akin. Mabuti nalang at 'di ka no'n hinayaan mag-maneho at baka kung ano pa ang mangyari sa'yo!"
I smiled shyly at my mother. Sinulyapan ko naman si Daddy na tamad nang nakabaling ng tingin sa akin. Tinaasan ko siya ng kilay.
"Uh... 'di na po talaga mauulit."
"Dapat lang. Wala na dito sa bahay ang mga Kuya mo kaya walang sasalubong sa'yo tuwing lasing ka kung hindi kami. Kung dati may mag-tatakip pa sa'yo, ngayon wala na." Seryosong sinabi ni Daddy.
Ngumuso ako. Totoo nga naman iyon. Sa tuwing may party akong dinadaluhan palaging sila Kuya ang sinasabihan ko na sunduin ako o 'di kaya ay pag-buksan ako ng pinto.
Kaya ngayong hindi na sila dito nakatira, walang ibang maiistorbo kung hindi sila Mommy at Daddy. They're probably already asleep when I went home. Nakakahiya naistorbo ko pa ang pag-tulog nila.
Isang matalim pa na tingin ang iginawad ni Daddy sa akin bago niya ibinalik ang atensyon sa pag-kain niya.
Pagkatapos naming kumain ay naligo muna si Carmela bago ako sumama sa kanya papuntang BGC upang kunin ang sasakyan ko. Mabuti at hindi na-tow ang sasakyan ko at nandoon parin siya kung saan ko siya pinark kagabi.
Bago kami maghiwalay ni Carmela ay pinaalalahanan niya ako na 'wag nang mag-lalasing ng mag-isa dahil hindi palaging andyan si Archer para i-uwi ako. I just rolled my eyes on her before I went inside my car.
Mabilis ang naging takbo ng mga araw ko. Masasabi kong naging makabuluhan at masaya ang naging rotation ko sa OB-Gyne department dahil bukod sa marami akong natutunan, ang dami ko ring nasaksihan na labor at minsan na rin akong nag-assist doon.
I try not to make my awkwardness obvious whenever I'll have a case with Demi. She's been so friendly to me and just like Lucas, she's also willing to help us interns.
Madalas ko rin silang nakikitang mag-kasama nitong mga nag-daang araw. Sa tuwing nangyayari iyon ay binabalewala ko nalang at umaakto na wala lang iyon sa akin. Masakit parin para sa akin na makita sila lalo na't 'di parin nawawala sa isip ko iyong nasaksihan ko sa storage room.
But I'm trying to stay true to my words, alright! I'm trying to move on! I told myself that I won't come crawling back to Lucas because... maybe I'm already done with it.
Sinusubukan ko ring i-apply iyong mga advice ng mga kapatid ko sa akin dahil para saan pa iyong advice nila kung hindi ko rin naman uunaawin at susundin?
"Grabe! Can you believe that we're down to our last four months of internship?" sabi ni Carmela matapos ang pang-huling rotation namin sa OB-Gyne.
Napangiti ako dahil kaunti nalang at magiging lisensyadong mga doktor na kami. I just hope that we'll all pass because I know how hard working my group and co-interns are! Madalas na rin kaming mag-group study dahil malapit na nga ang review months namin at kailan na naming mag-basa basa ng maigi.
Bukas naman ay agad kaming mag-sisimula sa rotation namin sa Community Medicine. Sakto nga at may magaganap na medical mission ang ospital sa Camarines Norte. It's going to be 2 days from now and everyone's already been looking forward to it.
I heard that we're going to take the plane provided by the hospital so we could work on the medical mission as soon as we arrive. If we're going to travel by land, it would take us hours. At gusto rin nilang makabalik agad sa mismong araw na iyon rito sa Manila.
Piling doctors at interns lang ang napiling isasama at maswerte kami dahil nainform na kabilang kami sa mga interns na iyon.
"Kinakabahan na nga ako sa rotation natin bukas sa Community Medicine, e. Balita ko kasi masusungit daw ang mga residents at attendings sa department na iyon." Sabi ni Yen.
"I know right! Ang dami nga ring nag-sasabi. Ano ba 'yan! Baka tuluyan na akong umiyak kapag napagalitan pa ulit." Si Carmela.
I chuckled. "Ano pa ako? Unang buwan palang ata ng internship, napagalitan at iniyakan ko 'yun agad."
"E, syempre si Lucas iyong nagalit sa'yo no'n. Crush mot apos pagsasabihan ka, sino ba naman ang 'di maiiyak?" Carmela rolled her eyes playfully.
Nakita kong nabigla ang mga kasama namin sa sinabi niya. When she realized it, her eyes immediately widened and looks at me apologetically.
"Oops! I'm sorry I didn't mean to bring that up again."
The side of my lips rose. Nginitian ko siya para sabihing wala nalang iyon sa akin. I've been more careful with my actions ever since that happened. May naidulot naman ang sermon na iyon sa akin kahit papano.
Carmela was also able to explain to our group that I'm not Lucas' mistress. Nang dahil doon, alam na tuloy nila na may gusto ako kay Lucas... noon.
Maaga kaming pumasok nang dumating ang araw ng medical mission. A coaster provided by Kuya Ethan's family is going to the one to bring us to the airport. Maaga ang call time kaya medyo sabog-sabog pa ang mga itsura natin.
"Wala pa akong tulog sa totoo lang." ani Carmela habang humihikab.
Tumawa ako at kinuha sa bag ko ang kapeng binili ko para sa kanya. Agad na lumiwanag ang mukha niya ng makita ang kape.
"I got you, Carms." I said and winked at her.
"You're the best, Fel! Thank you!"
Mahigpit niya akong niyakap at sinaway ko pa siya dahil muntikan pang matapon ang kape ko dahil sa excitement niya. She giggled at me before she took a sip of her coffee.
"Ugh! You really know how I like my coffee."
She bumped me using her shoulder. Delikado pala kapag walang tulog itong si Carmela. Masyadong hyper imbes na antukin.
We immediately started moving once we've been instructed to get inside the coaster now. Nauna na si Carmela na umakyat habang kasunod niya naman ako. Saktong pag-apak ko sa hagdan ay natigilan ko dahil may binati ang iba naming kasama.
"Good morning, Dr. Kim at Dr. Trinidad. Mabuti at nakaabot kayo."
"Good morning po. Mabuti nga po at nakaabot. Ang hirap ba naman gisingin ni Lucas kanina."
Sa kuryosidad ay bahagya kong nilingon ang gawi nila. Nakita ko si Lucas na kinukusot ang kanyang mga mata, mukhang antok pa. May multong ngiti ang gumuhit sa kanyang labi dahil sa pang-aasar sakanila.
Ginising siya ni Demi? So... ibig sabihin mag-kasama sila kagabi?
I shrugged my shoulders and continued going up the coaster. Ang sabi ko nga... mag-momove on na ako kaya 'di na siguro big deal pa ito sa akin.
Maayos na akong nakaupo sa tabi ni Carmela nang makita ko kung sino ang pumanik sa coaster. Si Lucas at Demi. Gusto kong matawa ng oras na iyon pero baka mag-mukha akong bitter kaya 'wag nalang.
Pinasadahan ni Demi ng tingin ang buong coaster upang mag-hanap ng bakanteng upuan para sa kanila ni Lucas. I glanced at the seat beside us, iyon nalang ang bakante. Nakita ni Demi iyon kaya doon sila dumiretso.
Nang magkatinginan kami, bahagya siyang yumuko at ngumiti sa akin. Ganoon rin ang ginawa ko. Siya ang nasa bintana habang si Lucas naman ang nakaupo sa tabi ng aisle.
Talk about torture...
Nagkatinginan kami bago siya pumwesto sa tabi ni Demi. Agad akong nag-iwas ng tingin at bumaling sa labas ng bintana. Tiningnan ko si Carmela na mahimbing na ang tulog ngayon habang hawak parin ang kapeng binili ko para sa kanya.
Kaya pala walang nang-iinis dahil tulog na.
Mabilis lang ang naging byahe namin patungong airport dahil masyado pang maaga at wala pang traffic. I wore my back pack once we got down the coaster and followed our attending.
Once we've checked in, we immediately went to the airplane. Habang nag-lalakad palapit sa eroplano ay napansin ko ang mga pilotong nakatayo sa harap. Archer's already noticeable since he's huge. May kasama siyang piloto na mas maliit sakanya at ngiting ngiti agad sa amin.
Archer's busy cleaning his aviators using the necktie of his uniform that's why he wasn't able to notice us. So... he's going to be our pilot huh?
"My goodness! Good morning talaga!" sabi ni Kisha nang makita si Archer. Inayos niya ang kanyang buhok at postura.
Napangisi ako at binalik ang tingin sa gawi nila Archer. Naisuot na niya ang kanyang aviators at diretso na ang tingin sa amin. Sa gilid niya ay iilang flight attendants na masaya kaming binati.
Isa-isa na kaming umakyat sa eroplano. Hindi ko naman inalis ang tingin kay Archer. Kahit naka aviators ay napansin kong tinaasan niya ako ng kilay kaya pairap ko nalang iniwas ang tingin sa kanya.
I scoff and shake my head.
I talked to him last night and he didn't tell me that he's going to be our pilot today. Kaya pala sabi niya local flight lang ang mayroon siya ngayon. Eto pala ang dahilan.
Inangat ko naman ang tingin ko upang tingnan kung ilang hagbak pa bago ako makakuntong sa eroplano pero agad rin naman akong natigilan nang makita kong nakatingin si Ate Margaux sa akin. Nanliliit ang mga mata niya at may halong pagdududa ang tingin.
"What?" I asked.
May kung sino siyang sinulyapan sa baba at agad ko ring napagtanto kung sino. I rolled my eyes and chuckled. I gently pushed her.
"Traffic na dahil sa'yo. Ang dami pang aakyat o!"
She hissed and pointed out me doubtingly. "Ikaw ha?"
"Ha?"
Nagugulohan ko siyang tiningnan. Sa halip na maliwanagan ako sa sinabi niya ay nagtuloy-tuloy nalang siya paakyat ng eroplano at 'di na ko pinansin pa.
Matalim ko tuloy siyang tiningnan nang makita kong nakaupo na siya sa tabi ni Ate Brittany. Ang isang 'to oh! Issue talaga kahit kailan!
Hinayaan ko na si Carmela muli ang maupo sa tabi ng bintana para may masandalan siya kung sakaling matutulog ulit siya. Saglit lang naman ang magiging byahe patungong Camarines Norte pero malaking tulong na rin na makabawi siya ng tulong kahit papano.
Everyone's already so excited to leave. We fastened our seatbelts once the pre-flight announcement was made. When Archer announced to the cabin crew to prepare for take off, I couldn't help but get amazed. His voice sounded so different.
Saglit lang ang hinintay namin bago tuluyang umandar ang eroplano. Carmela's already fast asleep beside me so I didn't dare to wake her up. To ease my boredom, I grabbed a magazine to read.
Ilang minuto palang ata ang tinatagal ng pag-lipad namin ay narinig ko ang announcement ni Archer. I stopped reading to listen to what he's about to say.
"Good morning, Ladies and Gentlemen, this is your Captain Olivarez speaking. First I'd like to welcome everyone on flight ATR72. The time is 6:35 AM and our estimated time of arrival to Camarines Norte is 7:45 AM. We're expecting to land approximately ten minutes ahead of our schedule. The weather in Camarines Norte is clear and sunny, with a high of 25 degrees Celsius for this morning. On behalf of our crew, I would like to thank Donovan Medical Center for choosing our company as your airline of choice. Until then, sit back, relax and enjoy the rest of the flight."
I smiled pleasingly to myself once he finished his announcement. Ang alam ko, palaging papuntang Europe ang mga flights niya. It's surprising that he's the one supervising our flight right now kahit sobrang iksi lang ng byahe.
At dahil nga maiksi lang ang byahe, mabilis lang rin kaming nakadating sa Camarines Norte. I woke Carmela up once the plane landed. When we're given the permission to remove our seatbelts, I immediately took my bag out of the overhead compartments. Kahit ang bag ng inaantok na si Carmela ay kinuha ko na.
"Oh, antok ka pa ata. 'Di ata effective sa'yo 'yung binili kong kape sa'yo." Sabi ko habang iniaabot ng bag niya sa kanya.
"Bitin 'yung tulog, e. Sarap matulog dito sa eroplano! Ang lamig!"
Bahagya nalang akong tumawa bago maglakad patungo sa pinto ng eroplano. The flight crew are all beside the door, all ready to see us out. Archer remained standing silently beside his very cheerful co-pilot. Tipid lang na yumuyuko si Archer sa tuwing may dumadaan ng sa harap nila.
Tsaka lang ata napansin ni Carmela na si Archer ang piloto namin nang papalapit na kami.
"Uy! Si Archer pala ang pilot? Sayang 'di ko narinig ang announcement! Gwapo siguro boses at ang sarap pakinggan! Parang siya!"
I widened my eyes at her because her voice was so loud! I'm sure I'm not the only one who heard that. High pa ata sa tulog 'tong si Carmela at kung ano-ano agad ang lumalabas sa bunganga!
Nagkatinginan kami ni Archer nang binalik ko ang tingin sa harap. A ghost smile appeared on his lips.
"See you later po, Ma'am."
Hindi ko maiwasang magulat sa sinabi noong isang flight attendant. Later? So, sila parin pala ang crew pagbalik namin mamaya?
Malamang, Felicity! Kakasabi lang ng see you later 'di ba?
Sabi ng attending namin, malapit lang daw dito iyong pag-gaganapan ng medical mission. The tables and chairs are already set up when we arrived. Pinapwesto na rin kami ng mga attendings namin para alam na agad namin ang gagawin kung sakaling dumating na ang mga magiging pasyente namin.
It's already been an hour since we opened up the gates for our patients. Nakakagulat na marami ang pumunta at nakakatuwa rin dahil marami kaming nakakahalubilo sa kanila.
I was busy assisting one of our attendings with his cases that I wasn't able to notice that it's already lunch time. Kung hindi pa siguro kami inabutan ng pag-kain baka pati iyon nakalimutan na namin.
"Sige, mauna ka nang kumain. Just don't forget to read the ECG, I'll need that for later." Paalala ni Dr. Reyes, ang attending doctor na kasama ko.
"Sure, doc. Thank you po."
At dahil nakakahiyang kumain ako dito, habang siya patuloy na tumatanggap ng pasyente, binilisan ko nalang ang pag-kain ko ng lunch para makatulong na ulit sa kanya. Ako naman ang sumalo ng mga naiwan niyang pasyente habang siya ay abala sa pag-kain.
"Dr. Donovan, mukhang kailangan ka ata ng tulong nila Dr. Hernandez. Doon ka muna." Aniya ilang oras ang makalipas.
Nilingon ko ang gawi nila Kuya Ethan at napansing kakaunti lang ang interns na nandoon at nagkukumahog pa. Yen already looks like she's about to pass out. I wonder if they ate already.
Agad ko siyang sinunod. Papalapit na sana ako sa pwesto nila nang matigilan lang nang hinarangan ako ng isang pasyente. Agad ko siyang nginitian.
"Ano pong maitutulong ko, Sir?" tanong ko.
"Anong oras ba kami maisasalang? Kanina pa kami dito oh! Inip na kami!" reklamo niya.
"Uh... 'wag po kayong mag-alala, Sir. You'll get your turn po. Depende rin po kasi sa number para-"
"Number, number! Hindi naman nasusunod! Ako ba'y niloloko mo?"
My forehead creased a bit but I still tried to keep calm. "Sorry po kung ganoon ang iniisip niyo pero-"
Hindi ko na naman naituloy pa ang sasabihin dahil pinutol na niya agad ito.
"Kung hindi parin kami isasalang ngayon, ako na ang pupunta sa mga doktor! Ayun oh! Wala namang ginagawa ang isang 'yon!" nilingon ko ang tinuturo niya at nakita si Alex na abala sa sinusulat niya.
Bumagsak ang balikat ko. Kahit mukha lang siyang nag-sususlat, iyang ginagawa niya ay importante. I bet he's doing some paper works or something.
"Sir, lahat po kami may ginagawa dito. Hintay nalang po tayo ng ilan pang minuto-"
"Anong mag-hihintay?! Hindi! Pupunta na ako!"
Agad ko naman siyang pinigilan. "Pero, Sir, may mga mas nauna po sainyo. Maging fair po tayo at hintayin ang turn natin."
"Hintayin! Kanina pa nga ako ditong umaga! Wala pa akong kain! Anong oras niyo balak isalang kami? Ha?! 'Di ako mamamatay sa sakit ko, e. Sa gutom!"
Lumunok ako. Mag-sasalita na sana kong muli upang pakalmahin siya pero nagulat ako nang agad niya akong lagpasan. Tinangka niyang lumapit sa pwesto nila Ate Margaux nang pigilan ko siyang muli.
"Sir, 'di po kasi-"
"Sabing 'wag mo kong pigilan, e!"
Bago ko pa maituloy ang sasabihin ay naitulak niya na ako. Agad akong napaupo sa sahig at hindi makapaniwalang tiningnan ang pasyene dahil sa pagiging bayolente niya. Dinuro niya ako habang galit na tinitingnan.
May narinig akong mga napasinghap nang dahil sa nangyari. Sa tingin ko napukaw nito ang atensyon ng iba.
"'Wag mo akong mapigil-pigilan dahil pare-parehas lang kaming naiinip na dito!"
I couldn't even bring myself to stand up because the patient looks like he's going to throw a fit anytime by now. Nanlilisik na ang mga mata niya at mukhang galit nag alit na sa akin dahil pinigilan ko siya. Sa gulat ko ay hindi ko napansin na papalapit si Archer.
What is he doing here?
Nakita kong sa akin sana ang tungo niya nang matigilan lang nang may humawak sa braso ko. Nabigla rin ako kaya agad kong nilingon kung sino ito.
"Are you okay?" Lucas asks.
Hindi agad naproseso sa utak ko ang nangyari. Napatingin ako sa kamay niyang nakahawak sa akin bago ko inangat ang tingin sakanya.
He looked worried.
"Y-Yeah..." I struggled to answer.
Napabaling naman ako sa gilid namin nang mapansin kong nandoon parin si Archer at nakatayo. My mouth parted.
Nanatili ang tingin niya sa kamay ni Lucas na nakahawak parin sa akin ngayon. Nang mapansin sigurong nakatingin ako sakanya, tsaka niya inilubay ang tingin doon. I opened my mouth to say something but unfortunately, my tongue got tie.
Archer nods his head once before looks down on his feet. May mga lumapit na tanod doon sa nag-aamok na pasyente at sapilitan siyang pinaalis bago pa siya tuluyang gumawa ng gulo.
"Are you hurt?" tanong muli ni Lucas.
Nang dahil doon, tsaka nalang ulit ako napabaling ng tingin sa kanya. His eyes look so worried about me. Lumunok ako at sinubukang umiling.
"Uh... o-okay lang ako."
Lucas nods his head. Babawiin ko na sana ang braso pero hindi lang natuloy dahil tinulungan na niya akong makatayo. Hindi niya parin inaalis ang pagkakahawak sa braso ko kahit na nakatayo na ako.
I turn to look at Archer again in the hopes that he's still there but I saw that he already turned his back and started walking away from us.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top