u n c n s r d 26
u n c n s r d 26
"Uy, may love story palang nagaganap dito."
Sanay na ako kay Gio sa mga kahalayan niya sa buhay. Ilang taon na rin kaming magkasama. Halos siya na nga ang nagmulat sa akin sa mundo - pinakilala ang dapat ipakilala sa internet, ipinapanood ang mga hindi naman dapat ipapanood. Sanay na rin ako sa mga babaeng inuuwi niya, sa ingay habang nasa kwarto ako at sila, nagmimilagro nung babae sa kung saan, at sa itsurang after-sex kapag iinom ako ng tubig tapos aabutan ko rin yung babaeng umiinom ng tubig.
Pero nitong mga nakaraan, noong sinabi niyang parang in love raw siya sa babaeng cannot be reached, nawala yong mga babae. Nawala yong mga ingay sa gabi o madaling araw. Nawala yung pagkagulat kong makakita ng babaeng pagala gala sa apartment namin.
Hindi na ako nagulat na nanonood pa rin siya ng paborito niyang si Rola Takizawa sa biglaan kong pag-uwi ng Manila. Ang kinagulat ko?
Kilala ni Unica ang paboritong porn star ni Gio.
"Si Rola 'yan?"
"Oo."
Tumango-tango si Unica sa sagot ni Gio na nakatutok pa rin sa monitor niya.
"Siya yong tumigil na sa pagpo-porn, di ba?" tanong ni Unica.
"Oo." Sumimangot si Gio. "Naiyak nga ako nung binalitang titigil na siya."
Mahinang pinalo-palo ni Unica ang hubad na likod ni Gio. "Ikaw ba naman, bayaran ng million dollars para maging personal assistant."
"Kaya ko rin naman siya bayaran!"
"Ng?"
"Pagmamahal ko."
Umiling-iling si Unica. "Mag ipon ka muna ng million dollars tsaka mo sabihin 'yan."
"Mahal ko si Rola!"
"Mapapakain mo ba si Rola ng pagmamahal?"
"Hindi! Pero magaling akong kumain! Malaki rin yung ti—"
"Nakngtokwa naman, Gio!" pagputol ko sa sasabihin niya.
Maling-mali, Chino. Maling-mali na inuwi mo si Unica sa apartment at nandito si Gio! Pero malay ko bang magkakasundo ang dalawang 'to sa pornstar?
"Inaano kit—tangina, 'No naman! Nasa peak na, oh! Anong problema mo?!" Halos sugurin na ako ni Gio nang tanggalin ko sa plug ang computer niya at binato sa kanya ang isang twalyang nakasabit malapit sa pintuan.
Na maling gawin.
Dahil nakng. "Pinagpunasan mo 'tong twalya?! Anong kababuyan na naman ginagawa mo sa apartment nang wala ako?" Pinahid ko sa likuran niya ang kung anong kumapit sa kamay ko. Tinitigan lang ako ni Unica tapos bigla siyang tumawa. Malakas.
"Sabi ko naman sa 'yo, natitigang ako, eh!"
"Maghanap ka ng babae d'yan hindi yong nagkakalat ka dito."
"Stick to one nga ako sabi ngayon, eh!"
"Eh di yung bagong babae mo na lang yong—"
"Hindi lang siya bagong babae, 'No!" sigaw ni Gio at napatayo. Napakunot noo ako sa bakat sa boxers niya. Wala na bang mas ikabababoy nito? Kitang may bisita rin kaming babae. "She's my angel!"
Nagkumento naman si Unica na natatawa. "Aw, one true love ang peg."
Napakamot ako ng noo sa kunsumisyon. Unang-una, hindi ko naman dapat isasama sa apartment si Unica pero naawa na ako dahil kating-kati na siya sa gown niya. Tapos ayaw naman niyang makitulog kanila Deus dahil baka mahanap siya agad ng Nanay niya. Pangalawa, hindi na kami makauwing Bulacan dahil malayo pa 'yon, at baka balikan daw 'yong Bulacan, guluhin doon sila Mama. Pangatlo, naabutan ko – namin – si Gio na mukhang kulang na sa tulog na nanonood ng porn sa malaki niyang monitor. Pang-apat, nagkasundo sila ni Unica? Sa pag-uusap tungkol sa. . .porn star? At panglima. . .
Pinigilan ko si Gio bago siya makapasok sa CR para makaligo. "Labhan mo 'yang twalya, ah. Pag ito nalaman ni Ate Gertrude. . ." Ang baboy, eh.
"Tantanan mosi Ate Ger, makikita mo - iiyak ako."
Natawa si Unica.
"Sa kwarto ko, anong kababuyan ginawa mo dun?"
"Wala ho, Manong. Di ko ginalaw yung Mari Solei shrine mo 'ron." Saka niya binagsak ang pintuan, tapos binuksan ulit at sumilip. "Huwag mong tatawagan si Ate Ger, Chino boy! Baka di magpadala ng pera 'yon dito." Pagkatapos magbanta, sinara niya ulit ang pintuan at nagbukas agad ng shower.
Makalipas ng ilang segundo, naririnig naming nag-iingay si Gio sa loob ng CR. 'yong ingay na. . .napapikit ako sa kahihiyan.
"Pasensya ka na sa lalaking 'yon, ah."
Natawa si Unica. "Jusko, sanay na ako sa ganyan. Oks nga mag-isa lang siya. Nakarinig ka na ba ng nagti-fo-foursome?"
Nanlaki lang ang mata ko sa tinanong niya. Alam kong straight to the point madalas si Unica pero. . .hindi ko lang inasahan. Tapos ang amo pa ng itsura niya ngayong naka-gown at nakaayos siya. Mukhang naghihintay siya ng sagot kaya umiling ako.
"Ako rin, hindi pa."
Baliw. Baliw talaga siya.
"Alam mo, di ko inexpect na sa ganito ka nakatira sa manila," sabi niya nang bigyan ko siya ng tubig. Dapat maliligo na rin siya dahil sa kati niya sa katawan pero ayun, kung anu-ano pang ginawa ni Gio sa CR.
"Anong sa ganito nakatira?"
"Akala ko kasi sa kumbento ka nakatira or somewhere na pwede kang magdasal 24/7."
Pinanliitan ko ng mata si Unica. "Seryoso ka ba sa sinasabi mo?"
Natawa siya. "May vibes ka kasing gan'on. KKK. Kataasan-taasan, Kagalang-galangan, Kadasal-dasalan."
"Katipunan."
"Ha?"
"Katipunan."
"Alin?"
"Katipunan yung isang K sa KKK. Imbento ka ng Kadasal-dasalan."
Nagkatitigan kami sandali hanggang sa tinulak niya sa mukha ko yong basong hawak niya. "Di kasi yon yong punto ko. Ang punto ko, masyado kang mabait para tumira rito kasama 'yong kababata mo."
Pinagmasdan ko lang siya nang nagtataka. "Baka hindi naman ako 'yong mabait na iniisip mo."
Biglang lumawak ang ngiti niya. "Oh, bakit, sa tagal nating nagkasama, may tinatago ka pa bang pagka-badboy d'yan?"
Pinatong ko ang braso ko sa sandalan ng sofa at mas humarap sa kanya. "May tinatago ba ako?"
Nagkatitigan lang kami. Alam naming dalawa na pinagtitripan na namin ang isa't isa. Siguro sa pagod na rin, para malibang lang. Bigla lang akong nahiya nang marinig ang boses ni Gio sa may likuran namin.
"Uy, may love story palang nagaganap dito."
Reflex siguro nang paluin ko ang t'yan ni Gio na kinabigla niya. Tapos. . .tapos. . . biglang nalaglag yong twalya na nakabalot sa baywang niya. Agad kong tiningnan si Unica na nagulat din sa nangyari hanggang sa ako na mismo ang nagtakip ng mata niya. Sa sobrang pwersa pa ng pagkakatakip ko sa mata niya gamit ang kamay, napahiga siya sa sofa at nadala rin ako roon.
"Ahh, tangina, yung shining glory ko, lumitaw!" sabi ni Gio na mukhang hindi pa nagmamadali sa pagtapis ulit.
"Ang bastos mo talaga, Giuseppi. Magbihis ka na nga!"
Tumawa siya habang paakyat. "Di ko siguro kung sino bang bastos, eh. Akong aksidenteng natanggalan ng tapis o yung nakadamit nga, nakapusisyon naman."
Doon ko lang napansing halos nakapatong na ako kay Unica sa sofa. Wala siyang imik sa ilalim ko. Alam kong nakatakip ang kamay ko sa mata niya pero hindi naging maayos ang pagkakatakip ko. Sumisilip ang isang mata ni Unica sa siwang ng daliri ko. Nakatingin siya sa akin.
Agad akong tumayo at nagpaalam na aakyat, para kumuha ng damit at twalya niya para makaligo na. Hindi na ako naghintay ng sasabihin pa niya. Diretso lang ako sa kwarto ko. Habang naghahanap ng twalya, pumasok sa isip ko yong nangyari kanina.
Ako 'yong tipo ng lalaking hindi nag-a-advantage sa mga babae. May ilang pagkakataong gusto ko, pero pinipigilan ko. Paggalang, kumbaga. Hindi rin ako palahawak sa balat ng babae. Naiilang ako.
Pero bakit kay Unica. . . ang kumportable lang. Parang natural lang ang paghawak ko sa kanya.
Nang maghanap naman ako ng matinong shirt at boxers para kay Unica, naalala ko yong mga chandelier doon sa party. Nakaramdam ako ng panliliit. Parang hindi sapat ang damit ko para ipampalit niya sa suot niyang gown. Para ngang hindi sapat ang apartment na 'to para tapakan niya.
Nagulat naman ako nang biglang may magsalita sa may pintuan. Si Unica.
"Wala naman palang shrine dito 'yong Aris, eh."
"Hindi ka na lang naghintay sa baba."
Naupo siya sa kama ko. Nagtingin sa paligid. "Sayang. Gusto ko pa naman picture-an 'yon."
"Naniwala ka naman kay Gio," sabi ko. "At anong pi-picture-an?"
"Kukuhanan ng litrato, ano ba, simpleng tagalog na lang?"
"Hindi, ibig kong sabihin, bakit mo pipicture-an kung sakaling may shrine nga?"
"Ah!" natatawa niyang sabi. "Para may magselos."
Magselos?
Hindi na ako nagtanong pa. Ibinigay ko na lang sa kanya ang twalya at damit pamalit. Pagkaalis niya ng kwarto, sinubukan kong i-text si Mari Solei – pero naisip kong nasira nga pala ang phone niya noong nakaraan. At di rin naman niya ako binabalitaan kung may bago na siyang number.
Minabuti kong tingnan na lang ang facebook niya. Madalas ko siyang i-stalk, para malaman kung ano nang nangyayari sa buhay niya, pero nitong mga nakaraang linggo, dahil sa nangyayari sa akin na may kinalaman kay Unica, hindi ko na gaanong alam nangyayari kay Mari Solei.
Wala namang bagong posts si Aris Lacsamana, puro mga tagged posts ng boardmates niyang pinagtitripan siya. Habang nagtitingin ng mga pictures na nagkakasiyahan ang mga boardmates niya – may isa akong napansin. Tagged photo.
Si Mari Solei, katabi 'yong kulot na Vane. Hindi lang naman sila ang magkatabi pero yung lapit kasi nila sa isa't isa. Tapos mukhang hindi kumportable si Mari Solei sa lapit na 'yon. Tapos nakatingin pa yung kumag na kulot sa kanya.
Nakng, pati ba naman si Mari Solei?
Tiningnan ko ang profile ni kulot na kumag at napakunot noo – party guy – mukhang walang ibang ginawang matino sa buhay. Pagka-scroll down, dahil isa si Unica sa mutual friends namin, yung tagged photos na magkasama sila ang ilan sa mga nakikita ko.
Nasa bar. May mga hawak na baso. Umiinom. Naninigarilyo. May isa pang litratong nakahalik si Vane sa pisngi ng tumatawang si Unica. Napakunot noo ako roon. Binasa ko ang mga comments.
Miller Loyzaga ay iba to
Vane Yboa iba talaga di ba Unica?
Unica Fae Valentine may . ka
Vane Yboa huh?
Unica Fae Valentine may point ka sabi ko pucha gwapo mo sana ang slow mo lang pagupitan mo na yang buhok mo at baka sinisipsip na nyan katalinuhan mo
Miller Loyzaga hahaha! dude so wrecked
Vane Yboa di talaga ako nagkamali sayo. Sweet mo :* my hair is perfectly fine so no thanks
Unica Fae Valentine aw #TheManWhoCantBeMoved
Miller Loyzaga TAG NA YAN
Vane Yboa @A @Unic
Unica Fae Valentine nahiya ka pa Unica yan tinag ko na sarili ko lol
Vane Yboa Thanks babe :*
Unica Fae Valentine Ok babe :*
Vane Yboa Babe :*
Unica Fae Valentine Babe :*
Vane Yboa :*
Unica Fae Valentine tangina tantanan mo na ako pls have a life babe :*
Nakng. Public Display ng kalandian? Nangati ako sa nabasa. Sa FB talaga sila kung saan maraming makakakita at makakabasa?
Nasa kalagitnaan ako ng paglalaro sa cellphone para mawala sa isip ang huling nakita sa FB nang may magsalita na naman sa may pinto.
"Alam mo, namimiss ko na luto ng mama mo."
Pag-angat ko ng tingin kay Unica, nagulat akong nakatapis lang siya ng twalya! Parang mas umitim yung ink sa mga kita kong tattoo niya. Tumutulo pa 'yong tubig sa buhok niya at. . .napaiwas ako ng tingin at tumitig sa cellphone.
"Bakit di ka pa nagbihis sa loob ng CR?"
"Basa, eh. Tsaka nangangamoy sa loob. Zonrox," natatawa niyang sabi.
Napabuntonghininga ako. Gio. Di ko alam kung paano ako iiwas ng tingin o kung ano. Tumayo ako. Aalis muna sana para makapagbihis siya nang pigilan niya ako. Pinipilit ko ang sarili kong tingnan lang ang mukha niya. Hindi na bumaba roon.
"Saan ka pupunta?" tanong niya.
"Aalis ako. Nang makapagbihis ka."
"Sus. Pa-gentleman pa. D'yan ka na lang, mabilis lang ako. Pumikit ka."
"Ha—anong—"
"Pumikit ka lang. Paalam mo sa aking hindi ka tulad ng ibang lalaki."
Naguguluhan na naman ako sa kinikilos niya. Kung normal siyang babae, o yong pa-sexy, iniisip kong baka nang-aakit siya. Pero si Unica 'to. Babaeng Gangster. Kahit 'yong itsura niya sa party ng mga mayayaman, hindi kakikitaan ng pa-sexy na aura.
Naupo na lang ulit ako sa kama at pumikit. Gusto ko na nga ring mag-ingay para hindi ko naririnig 'yong mga tunog ng pag-alis ng twalya. O ng damit. Ilang kaluskos. Pati pagmumura ni Unica nang parang tumama siya sa kung saan. Nag-iinit 'yong tainga ko.
Pumikit lang ako. Yumuko. Alam ko sa sarili kong hindi ko siya sisilipan pero kinakabahan ako. Parang lahat ng dugo ko, tumataas papuntang ulo. Nabibingi rin ako. Ilang ulit akong huminga nang malalim.
"Okay na!"
"Tapos na?"
"Okay na nga."
Tumingala ako pero di pa rin dumidilat.
Nararamdaman ko ang presensya ni Unica. Malapit lang sa akin. parang ilang dangkal lang ang layo. Anong balak na naman ng babaeng 'to? Pinagtitripan ako? Paano kung nakahubad pa pala siya?
"Huy, ano ba. Dumilat ka na para kang baliw."
Bahala na. Dumilat ako.
"Bulaga!"
Ang una kong nakita? Boobs.
Walang tattoo sa katawan.
Napaatras ako at napahiga sa kama sa gulat. Tumama yong kamay ko sa salamin ko kaya sumakit pa 'yong mukha at mata ko. Halos nasipa ko na nga si Unica na tawang-tawa sa reaksyon ko. Tumingin ako sa kanya. Nakabihis na siya ng pambahay. May dala lang siyang magazine na may nakahubad na babae.
Akala ko. . .
"S-Saan galing 'yan?"
Natatawa pa rin siya. "Ang priceless ng mukha mo. Shit. Sana pala vinideohan ko!" Mukhang di niya ako narinig. Tawa pa rin siya nang tawa. "Tangina, namumula ka na."
Gusto kong maasar. Pero natatawa rin ako sa tawa niyang hindi babaeng-babae. Sobrang iba talaga kay Mari Solei. Para rin siyang bumalik sa dating siya nung inalis na niya 'yong gown at make up niya. Naging si Unica ulit. Babaeng Gangster. Kinakabahan pa rin akong naupo nang maayos at hinablot sa kanya 'yong magazine.
"Saan mo to nakuha?"
"Bakit? Koleksyon mo ba? Nandoon sa CR, nakatambay."
"Giuseppi."
Kinuha ni Unica 'yong FHM sa akin at nagbuklat. "Sabi ni Gio sa 'yo raw 'to."
"Anong sa akin?!"
"Paborito mo nga raw tong si Alodia 'yong cover. Lakas lang maka-hentai?"
Pinanlakihan ko siya ng mata. "Tama na nga." Kinuha ko yong magazine pero hindi siya nagpatalo. "Unica, akin na 'yan."
"Wait. Babasahin ko muna yung wild confessions. Paborito ko 'yon dito, eh."
Alam niya! Nagbabasa siya?! Napakamot ako ng batok sa inaasal niya. Mukhang balak nga talaga niyang magbasa. Pagkatayo ko, hinablot ko sa kanya yong magazine. Hinabol pa nga niya pero hindi ko na binigay.
"Saan ka pupunta?!" tanong niya.
"Maliligo na ako para makatulog na."
Bigla siyang ngumiti nang mapang-asar. "Kasama 'yang FHM? Aw, bakit. Magja-jackstone ka rin sa CR?"
Hindi ko na talaga alam ang gagawin ko sa mga salitang lumalabas sa bibig ni Unica. Um-oo na lang ako nang tumigil siya.
"Shit. Di ko inexpect! So, ilang beses kang mag-jackstone sa isang araw?"
Nanlamig ang kamay ko sa tanong niya. Seryoso ba talaga siya? Nilingon ko siya na mukhang interesado sa sasabihin ko. Siya ba talaga yong babaeng nakita ko sa party na tipid ngumiti? Sino ba talaga ang sino?
"Isa," sabi ko na lang nang matigil siya.
"Isa ano?"
"Isang daang beses sa isang araw," sabi ko nang natatawa.
Tumawa rin siya. "Tangina, lutay ka na."
Hindi ito normal na usapan kapag kausap ang babae – pero bakit kay Unica, hindi man normal, pero ang sarap pa rin kausap?
Ilang araw na rin ang nakalipas nang mag-stay sa amin si Unica sa apartment. Parang naging normal na nga ang pag gising niya sa akin nang sinisipa ako dahil sa kama ko siya natutulog tapos sa papag ako. Kapag ako naman ang nauunang magising, pinapasukan ko siya ng tissue sa ilong para makiliti.
Ginagamit niyang panloob ang mga naiwan ni Ate Ger kay Gio. Dahil walang ibang damit pambahay, yong shirt at boxers ko na lang ang pinasusuot ko sa kanya para mas kumportable. Medyo malaki lang sa kanya at lumulawlaw ang shorts pero nagawan ng paraan. Habang nagtatagal din, doon ko napagtantong mas lalo siyang nagmukhang babaeng inaalagaan sa damit ko – parang ang liit niya – hindi tulad ng mga damit na sakto lang sa kanya. Kapag nasa damit ko siya, ang babae niya tingnan. Weirdo.
Sa pag-stay rin niya sa amin, hindi ko siya matanong tungkol sa pamilya niya. Hindi ko magawang magtanong dahil hindi rin naman niya binibring up. Para tuloy naging unspoken rule sa amin na walang magsasalita tungkol sa nangyari.
At sa tagal niya sa apartment, hindi ko lang inakalang magiging close sila ni Gio.
"Hindi naman sapat ang pag-abstain sa sex kung mahal mo yong tao, eh."
"Ha? Sakripisyo na nga 'tong ginagawa ko! Hindi mo alam kung gaano kahirap hindi makipag-sex sa mga sexy na babae dahil nakatali ang puso ko sa nag-iisa lang!"
"Pucha naman," sabi ni Unica habang kumakain. Nilingon niya ako. "Kausapin mo nga 'tong kababata mo."
"Bahala kayo d'yan. Di ako kasali sa usapan niyo."
Pabirong umirap lang si Unica. Nag-uusap sila tungkol sa one true love ni Gio at kung paano niya mapapaibig 'yong one true love niya. Wala ako sa wisyo sa ganoong usapan kaya nanahimik lang ako sa isang tabi at nag DotA. Na-miss ko kasi.
"Basta, you know, effort-effort ka rin kasi. Gumawa ka ng mga bagay na tanging ikaw lang makakagawa. Make a mark on a girl's heart!"
"Gumawa ako ng mga bagay na ako lang makakagawa?" seryosong sabi ni Gio. "Eh kung ako kaya kumuha ng virginity niya? Ako lang makakagawa nun kung uunahan ko 'yong iba!"
Binato ko kay Gio 'yong unan na sinasandalan ko. Na-bull's eye naman sa kanya.
"Tangina, 'No. Inaano kita d'yan?!"
Nagkibit-balikat lang ako at bumalik sa paglalaro.
"Aray, ano ba, ba't ka ba nambabatok?!"
"Rapist ka bang hayup ka?!"
Natawa ako sa narinig pero diretso lang ako sa paglalaro. Intense yung laban, mega creeps na yung mid pero kaya pa naman naming mag comeback kung mawa-wipe out namin sila sa isang clash. Support ako kaya kailangan kong rumesponde agad at mag wards sa paligid. Dapat 'di mamatay si Sandy, yong carry namin na nagfafarm. Kundi – lagot.
Kaso, natigilan ako sa sunod kong narinig.
"Effort! Tingnan mo 'tong kababata mo. Di ba nagplano siya ng debut para sa mahal niya? Siya nag-isip ng lahat. Siya pa 18th roses! Ganung effort, ba! Yong maaalala habang buhay."
Hindi ako nakapag-support ng maayos. Natalo kami sa clash. Tapos nasira yung barracks sa bot at top lane. GG kami. Pinagmumura na rin ako nila Sandy at Adam sa bigla kong pagtigil sa paglalaro. Kahit si Jethro panay "BAKIT, BAKIT, BAKIT" sa group message. Nag-reply naman si Mark ng "Mas naging bano ka na ka na ba kay Jethro?!"
"Eh, iba naman 'yang si 'No, eh. Friendzone pa rin naman kahit mag-effort! Ayaw kong ma-friendzone. Masyado akong gwapo at matinik sa chicks para sa madilim na mundo ng friendzone!"
Nilingon ko si Unica. "Paano mo nalaman 'yon?"
"Na madilim mundo ng friendzone? Sa 'yo—"
"Hindi ikaw. Unica, paano mo nalaman?"
"Alin?" takang tanong niya.
"Yong sa debut. . ."
"Ah!" Ngumiti siya. "Secret."
Inikot ko na 'yong upuan para nakaharap na sa kanila ni Gio na nasa may sofa. Lumapit ako sa may likuran niya nang nakaupo pa rin. Pasalamat talaga ako kay Ate Ger dahil binigyan niya kami ng computer chair.
"Hindi nga? Saan mo nalaman 'yon?"
Pinisil ni Unica ang tigkabila kong pisngi saka hinatak. "Bakit, loverboy. Anong mapapala ko kung malaman mo kung paano ko nalaman yung ka-cheesy-han mo?"
Pinisil ko rin ang pisngi niya at hinatak tulad ng ginagawa niya. "Stalker ka."
Mas hinatak niya pisngi ko. Napapangiwi ako dahil sa tulis ng kuko niya. "Hindi po. May nagkwento lang na fresh na fresh from selos world."
"Selos world?"
Napalayo naman ako nang biglang umubo si Gio. Yung ubong bukang-buka ang bibig! Agad naman tinulak ni Unica yong mukha ni Gio palayo.
"Tangina, kaya di ka napapansin ng one true love mo, ang baho ng hininga mo!"
"Ay, gago," sabi ni Gio at inamoy ang hininga. "Hindi naman, ah, mas madalas nga akong mag mouthwash kesa magjak—ina niyo rin kasing dalawa, eh. Bakit pag magkausap kayo, nagmumukha akong extra?!"
Napahawak na lang ako sa noo at umiling. Maling-mali na pinagsama ko sila Unica at Gio sa iisang lugar. Napahimas naman ako sa pisngi ko nang may maramdaman akong mahapdi. Parang may maliit na hiwa o sugat.
Pagtingin ko sa salamin, may parteng namumula sa pisngi ko. Malamang, kuko ni Unica may kasalanan nito. Ang haba na kasi. Ang tulis! Mukhang walang balak gupitan.
Kaya nang mag-ayos na kami para matulog, kinuha ko ang nail cutter sa kwarto ni Gio. Dahil mas nauna akong mag-ayos sa kanya, nahiga ako sa kama. Hindi siya makakatulog hangga't hindi niya ginugupitan ang mahaba niyang kuko!
"Ayoko nga!"
"Gupitan mo na."
"Ayoko nga sabi."
"Nasasaktan ako sa kuko mo, eh."
"Eh di wag mong idikit yung balat mo sa kuko ko!"
"Unica. . ."
Nabigla ako sa parang may nagdabog sa kabilang kwarto. "Huy! Magpatulog kayo ng gwapo!"
Bumulong ako. "Gupitan mo na 'yan. Di ka makakatulog dito."
"Anong hindi?" Tinulak niya ako papunta sa may pader at pwersahang nahiga sa kama ko – halos daganan niya ako. Pinipilit ko siyang paupuin pero binibigatan niya 'yong katawan niya. "Ano ba, matutulog ako."
"Makakapatay na 'yang kuko mo, eh."
Naupo si Unica sa inis. "Hindi ako marunong mag gupit ng kuko."
Napansin kong hiningal na rin ako sa pagkaharot ni Unica. Nakahiga pa rin ako, tapos nakasandal na siya sa headboard ng kama.
"Anong di marunong? Pwede ba 'yon?"
"Nagkakagat ako ng kuko simula bata ako," sabi niya. "Kaya di ko kailangan ng nail cutter para magpaiksi. Tapos nag-dare sa akin si Deus na huwag akong magngatngat ng kuko ng tatlong buwan tapos magpapakalbo siya."
"Ano? Magpapakalbo si Deus?" nagulat kong tanong. "Paano—paano yung mahaba niyang buhok!"
"Gusto kong makita kung anong itsura ng kalbong Hesus," natatawa niyang sabi.
Hindi na lang ako kumibo sa sinabi niya. Alam kong kahawig ni Deus si Jesus Christ – medyo, lalo na't sa haba ng buhok at mata – ah, ewan. Hindi naman offensive sinabi ni Unica. Kaya bahala na.
Sorry po Lord sa babaeng gangster na 'to.
"Ang sabi lang ni Deus, magkagat ng kuko, di ba?"
"Oh?"
"Hindi sinabing magpahaba ng kuko."
"Oh?"
Bumangon ako sa pagkakahiga at naupo sa harap niya. Kinuha ko 'yong isa niyang kamay. "Ako na lang maggugupit kung di mo kaya."
Mukhang nagulat pa siya sa una pero hinayaan niya akong gupitan ang kuko sa hinliliit niya. Akala ko sasapakin niya ako pero hinayaan lang niya. Huli na rin para buksan 'yong ilaw kaya yong ilaw sa labas na lang na pumapasok mula sa bintana 'yong ilaw namin. Napansin ko namang naninigas at nanginginig 'yong kamay niya kaya minasahe ko. "Kalma lang." Nararamdaman ko na ring namamawis at nanlalamig kamay niya.
"Natatakot ako sa nail clipper."
"Nail cutter 'to."
"Puta what's the difference!"
"Ikaw lang nakilala kong natatakot magupitan ng kuko," nakangisi kong sabi.
Natahimik siya. Tanging naririnig ko na lang ay ang pag gupit ko sa kuko niya. Malalim ang bawat paghinga niya. Totoo bang natatakot siya? Sa paggupit ng kuko? Gamit yong kamay na hawak ang kamay niya, hinimas ko ang palad at likod ng palad para pakalmahin siya. Parang mas gusto kong mag-ingay na lang si Unica kaysa ganito siya katahimik. Tibok ng puso ko kasi naririnig ko. Tapos 'yong paghinga ko rin. Parang bawat kilos, yong pag-usog ng binti niya kaunti, at pag-usog din ng binti ko para makakilos siya, naririnig at nararamdaman ko.
Nang matapos ako sa isang kamay, lumipat ako sa kabila. Di ko malaman ba't parang kinabahan din ako nang hawakan ko ang kamay niya at simulan paggupit. Doon ko lang din natitigan na maganda pala 'yong kamay niya. Mahaba at payat.
"May tanong lang ako. . ."
Halos naramdaman ko ang hangin na galing sa bibig niya pagkabulongniya n'on.
"Ano?" Nag-angat ako ng tingin at medyo napaatras dahil malapit pala ang ulo namin sa isa't isa.
"Ha?" pagtataka niya.
"Anong tanong mo?"
"Ha?"
"Sabi mo may tanong ka?"
"Narinig mo 'yon?"
Natahimik kami. Tinitigan ko siya pero mukhang wala siyang balak magsalita ulit kaya binalik ko ang tingin sa kuko niya. Naggupit ulit ako. Humugot naman siya nang malalim na hininga. Rinig ko.
"Mahal mo?"
Natigil ako sa paggupit. "Sino?"
"Ako."
Napaangat ang tingin ko sa kanya. Kinabahan ako. Medyo nawala naman sa sunod niyang sinabi.
"Malamang. 'Yung Aris."
Hindi ako nagsalita. Nagbalik ako sa paggupit pero ginalaw niya ang kamay niya. Nilayo ko ang nail cutter sa takot na masugatan siya.
"Sagutin mo tanong ko."
Nakatingin lang siya sa akin. "Kapag sinagot ko 'yong tanong mo, sasagutin mo rin ba tanong ko?"
"Anong tanong?"
Nagsukatan pa muna kami ng tingin bago kusang nagsalita ang bibig ko.
"May boyfriend ka na ba?"
; x ;
unedited. word vomit. dapat tapos na ang christmas break sa update na to kaso masyadong madaldal si gio. masyado siyang nag-take over. hindi ko naman mahindian kasi in love pa siya sa one true love niya huhu :"<
thank you sa paghihintay at pagbabasa!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top