u n c n s r d 06

u n c n s r d 06

"Pinagod ako ng babaeng 'to sa sandaling oras lang."


Mali ang desisyon kong magpunta.

Dapat iniwan ko na lang sa receptionist 'yung sapatos niya. Kung nagawa ko na 'yun, wala na akong problema. Nakakapangliit kasi 'yung malaking chandelier, eh! Ah, ewan. Medyo nakakapangsisi. Hindi na siguro ako ubo nang ubo at halos lumuwa ang baga sa usok ng sigarilyo.

Birthday party ba talaga ito?

O iba pa?

Ang daming tao – sa bawat lingon ko, may nag iinuman at nagtatawanan at nag-uusap. Inisip kong magpagabi para wala na rin si Gio sa apartment at hindi siya magtanong kung nasaan ako, at para rin wala nang masyadong tao.

Mali ako. Ang gulo.

Tumingin ako sa paligid. Nakng, yumuko ako sa ilang. Bakit nakatingin 'tong mga 'to sa akin? Sa salamin ko ba sa mata? Sa Sa Hawaiian polo at shorts na suot? Backpack? Mukha ba akong napadaan lang? Diretso ako ng CR. Ginulo ko ang buhok ko at tinago ang salamin sa mata.

Sinubukan kong ngumiti pagkarinig kong may pumasok din sa CR pero naging ngiwi nang makita ang dalawang lalaking naghahalikan na dumiretso sa isang cubicle.

Nagmadali akong lumabas. Nag-sorry ako sa nabunggo kong malaking lalaki pero natigil nang hinawakan ako sa balikat.

"Oh gahd, what's with that Hawaiian jeje!" Lalaki nga ba? "Loosen up, baby!" Nabigla ako sa pagbukas ng nabunggo ko sa butones ng polo ko. Pinipilit niyang tanggalin ang lahat at napasimangot. "Bakit naka-sando ka? Hubarin na 'yan!"

Pinipilit niyang tanggalin ang polo ko. Ayaw kong magpatalo. Pinalo niya ang tiyan ko at lumayo. "Sige na nga, you win."

Kumindat siya. Kinilabutan ako.

Mabilis akong lumayo nang pumasok sa loob ng CR yung nabunggo ko, tinatanggal sa isip ang threesome na pwedeng mangyari. Nakng, huwag naman sana. Ang laki nilang lalaki, eh!

Malapit sa mga cottages, sa may swimming, may kumpol ng mga tao. Doon ko nakita si Unica na tawa nang tawa habang nakaupo sa lapag. Pinilit niyang tumayo, gumewang siya, kaya nasigurado kong lasing na siyang naglakad papunta sa. . .kinatatayuan ko?

Mukha wala rin namang pakialam ang mga tao dahil may kanya-kanya silang ginagawa. Ang iba naman ay nanonood sa paper dance na larong nagaganap sa gitna.

Pinagmasdan ko si Unica na naglakad palapit sa akin. Naka shorts at maluwag na manipis siyang pantaas. At tulad ng una kong siyang nakita, nakatirintas palikod ang buong buhok niya. Mas lalong nakita ang pagkaamo ng mukha niya. Ang aliwalas sa dilim.

Tumigil siya sa paglakad nang isang metro ang layo namin sa isa't isa. Saka siya ngumiti nang malapad.

"Lasing ka na," sabi ko agad.

"Thank you!" sabi niya sabay hakbang palapit. "Happy birthday din!"

"Hindi ko sinabing—"

"Oopp!" Kumunot ang noo niya. Nilapit niya ang hintuturo sa labi niya at pumikit. Tinitigan ko lang ang pagpikit niya, nagtataka nang ngumiti siya ulit. "Naririnig mo ba 'yun?"

"Ang alin?"

Dumilat siya at sumimangot. "Nawawala 'yung phone ko."

What the. Hindi ko na naiintindihan! Tumalikod siya sa akin. Muntik pa siyang masubsob kaya hinawakan ko siya sa balikat para alalayan.

"Lasing ka na naman," sabi ko.

"Hindi mo kasi ako pinagbawalan."

Nagkatitigan kami sandali. "Pinagbabawalan na kita."

Tinanggal niya ang hawak ko sa magkabila niyang braso.

"Lul."

Naglakad siya ulit. Gusto ko siyang alalayan dahil baka bigla niyang mapagtripang bumagsak sa semento o sa pool, pero pumipiglas siya. Sinundan ko siya na parang tanga. Tutal siya lang din naman ang kilala ko dito.

"Wooh, grabe. Ang hot ni Sir!" rinig kong sabi ng isang babae sa kaibigan.

Nilingon ko ang tinitingnan nila at nagtaka sandali nang makita kung sinong pinag-uusapan nila. Si Sir Marco. Sumilip ako sa kapartner niyang halos kayakap na sa paper dance.

Si Sinteya? Anong—

"Ay sorry po!"

Napalingon ako sa boses ni Unica. Nandun na siya sa may entrance nung malaking bahay ng resort. Nanlaki ang mata ko. Nilapitan ko siya at inalalayan. Tinatanggal-tanggal ni Unica ang hawak ko sa braso niya. Mukhang wala siyang pakialam na may nabunggo siya.

"Pasensya na, medyo lasing na kasi 'tong kasama ko, eh."

Sumama ang tingin ng lalaki. "Pare, kung lasing na pala 'yang babae mo, bakit hindi mo na patulugin! Puta, basag 'yung bote, oh!"

"Pasensy—"

"Hoy!" nagulat kami sa sigaw ni Unica. "Huwag mong inaaway 'tong bansang 'to, ha! Baka gusto mong makatikim mula sa kanya ng boring conversation kung paano niya kukuhanin ang Spratlys sa Pinas. Baka ikamatay mo 'yun!"

Tiningnan ko nang masama si Unica sa narinig. Ngumiti siya nang malawak at nag-peace sign bago naglakad ulit.

Ngumisi 'yung lalaki.

Umalis na ako.

Sinundan ko si Unica papasok sa resort house. Halos itapon niya lahat ng unan, mukhang hinahanap 'yung cellphone niya. Lumapit lang ako sa kanya.

"Bansa? Spratlys?" pagtanong ko.

Tumingin siya sa ilalim ng sofa. Medyo dumuwal pa siya pagtayo bago ako tumingin. "Oo, di ba China?"

"Chi—"

"Walang may paki," sabi niya.

Napangiwi ako. Pumunta siya ng kusina dahilan para magulat ang isang lalaki at babae na nagyayakapan sa may counter. Mukhang wala namang pakialam si Unica na sumilip pa sa gilid ng babae. Hinatak niya ang braso ng lalaki palayo sa babae, tapos hinawi niya ang binti ng babae palayo sa inuupang counter.

Panay ang hingi ko ng pasensya sa dalawa habang pinipigilan si Unica.

Pagbukas niya ng ref, ang daming inumin – pero bigla siyang ngumiti at may kinuhang basong. . .may iPhone?

"Sa wakas!"

Pinigilan ko si Unica nang ilagay niya ang phone sa microwave. Hinatak ko na rin siya palabas sa hiya.

"Bakit mo ilalagay sa microwave?"

"Para painitan? Tanga ka ba?" Tumawa siya at umirap sa akin habang gumegewang sa paglalakad. "Duh."

Napakamot ako sa ulo. Ilang minuto pa lang ako rito, pakiramdam ko ay stressed na ako.

"Itulog mo na muna 'yan."

Pinilit ko siyang pumasok sa isang kwarto. Kusa naman siyang humiga sa kama. Habang nakatayo ako sa may pinto, tumingin siya sa akin at sumimangot.

"Gusto ko ng kape."

Umiling akong iniwan ang bag sa kwarto at lumabas. Napansin kong dumarami na ang tao sa loob ng resort house. Pagpunta ng kusina, napahinga ako nang malalim dahil wala na yung babae at lalaki. Nagtimpla ako ng kape. Hindi ko alam ang gustong timpla ni Unica pero nilagyan ko ng maraming creamer. Ganito kasi ata ang trip ng mayayaman.

Hawak ang baso ng kape, pumasok ako muli sa kwarto at nadatnang tulog na si Unica. Napabuntong hininga ako. Nilapag ko ang kape sa katabing table at naupo sa upuan malapit sa pinto. Sinandal ko ang ulo ko sa pader. Pinagod ako ng babaeng 'to sa sandaling oras lang.

Pumikit ako sandali para magpahinga nang marinig kong may papalapit na mga yabag sa parte ng kwartong ito. Sa hindi malamang dahilan, bigla kong ni-lock ang pinto bago pa may gumalaw ng door knob.

Kinabahan ako bigla.

Tulog pa rin si Unica.

Pumikit muli ako at napadilat ulit dahil sa lakas ng pagtunog ng cellphone ni Unica. Hinintay ko siyang magising at sagutin 'yung tawag. Pero wala siyang kahit galaw man lang. Lumapit ako at kinuha ang phone niya.


Kuya U1 Calling. . .


Nag-panic ako sandali. Tinitigan ko lang din ang phone hanggang sa ilang beses tumawag 'yung Kuya U1. Tapos, may sumunod naman.


The Sexytary Calling. . .


Nakng, kaano-ano niya 'to?

Tinitigan ko rin ang screen hanggang sa nakailang tawag na. Sa pang sampung tawag, napaatras ako sa pagsipa ni Unica.

"Tangina, sino ba 'yang tumatawag?!" Nagkamot siya ng mukha. "Sagutin mo nga 'yan!"

"Sa'yo 'to, eh!"

"Eh di ibato mo! Punyeta."

Nagtaklob siya ng unan. Napakalma ako nang tumigil ang tawag. Ibababa ko na sana sa side table nang. . .tumawag ulit!

Sino ba kasi 'to! Nagmadali akong sagutin pagkasigaw ni Unica ng, "SAGUTIN MO NA NGA!"

Sinagot ko na nga.

Maling desisyon.

"Unica." Kinilabutan ako sa boses ng lalaki. "Why aren't you answering my call?"

"Uh, Si—"

"Who are you?"

Napalunok ako.

"Sir—"

"Who is this?"

"Uh, ano, natutulog po si Unica—"

"Don't let me repeat my question."

Natahimik ako at binaba na ang tawag saka bumulong ng 'sorry.' Para akong tumakbo sa pagtagaktak ng pawis sa katawan ko.

Pinipilit kong gisingin si Unica pero ayaw pa ring magising. Hindi naman ako lagot pagnagkataon, tama? Sa sobrang tagal na katahimikan, naupo muli ako sa upuan ko kanina at sumandal. Pumikit ako sandali sa pagod at antok.

Nagulat pa ako sa malakas na pagsara ng pinto mula sa labas.

"Tangina naman 'tol, wala namang mga alak doon!"

Saka tawanan.

Bago ako kumalma ulit at nakatulog.

Nagising ako sa narinig na tawanan at tugtog sa labas ng resort house, sa may swimming pool. Ang sakit din ng leeg ko kaya ginalaw-galaw ko pa muna ito. Hanggang sa narealize kong wala na si Unica sa kama. Nakabukas na ang aircon, at nalaglag ang kumot mula sa katawan ko.

Kinuha ko ang pinag-inuman ni Unica ng kape at hinugasan sa kusina. Napakunot naman ang noo ko dahil may nakasulat sa braso ko gamit ang pentel pen.


Ganyan ka ba talaga magtimpla ng kape? Ang daming creamer! Ang girl mo.


Umiling ako. Pinilit ko ring burahin ito pero halos magdugo na ito, hindi pa rin nawawala. Hinayaan ko na lang, pati ang mga taong natutulog na sa kung saan-saan. Paglabas ng resort house, isang malaking cottage na lang ang may mga tao.

Nandoon si Unica.

Hindi na dapat ako lalapit at pabalik na sa resort para kuhanin ang bag para makauwi, nang biglang may humatak sa aking babae mula sa likuran. Akala ko itutulak niya ako sa swimming pool pero nagulat ako nang hatakin niya ako palapit sa kumpol.

Doon ko nakita kung gaano kaganda 'yung babaeng humatak sa akin. Morena siya pero parang kumikintab ang kutis sa liwanag.

"May partner na ako!"

Humigpit ang hawak ng babae sa braso ko.

Naguguluhan ako sa nangyayari. Nagulat pa ako nang tanggalin ng kung sino ang polo ko. Pakiramdam ko nakahubad ako sa sando ko lang. Kinuha nila ang kamay at nilagay sa likod para taliin.

Ngumiti ako sa morenang babaeng katapat ko dahil ngiting-ngiti siya sa akin.

Nakng, bakit ganito?

Walo rin atang pares ang nandito. Napakunot ako ng noo nang makita si Sir Marco at Sinteya sa hindi kalayuan. Nakatayo rin si Unica na nakasando at shorts na lang sa tapat ng pamilyar na long hair na lalaki. Parang kilala ko, eh.

May nagsalita sa hindi kalayuan.

"Guys should lick heavily," sabi ng babaeng may hawak ng iPhone. "Free choice."

Ano raw? Tiningnan ko ang babaeng katapat ko.

"A-Ano 'to?"

Ngumiti siya. "Game. Love dice."

"Love dice? Ano—"

"Lick heavily?" Natawa si Unica. "Paano 'yun?"

Napatingin ako sa kanya. Mukhang uminom na naman siya dahil namumula ang mukha niya. Pero ang ikinagulat ko ay ang paglapit ng long hair na lalaki sa leeg niya. At dinilaan siya roon sa may tattoo niya!

"Fuck. Ang hot," react ng babaeng katapat ko.

Hindi pa rin natapos ang ang sigawan nang matapos 'yung long hair sa leeg ni Unica. Napakunot noo ako sa nakikita at naririnig.

"That's how you lick heavily," sabi nitong long hair.

Walang ibang nasabi si Unica kundi, "woah."

"Tropa ko 'yan!" sigaw ng nanonood. "Sige pa, Vane!"

Tawanan.

Tinitigan ko si Unica. Binibigyan ko siya ng mental telepathy na tumingin din sa akin para matapos ito. Pero hindi siya tumingin. Imbis, nakuha ang atensyon ko ng babaeng katapat ko.

Kinahaban ako sa titig ng babae. . .napalunok sa naisip.

Inaasahan ba niyang gagawin ko rin sakanya 'yun? 


Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top